Share

Episode 13: After 1 Year (Maria)

"Ano ka ba, magmumukmok ka na lang ba diyan?" galit na singhal ng kanyang nanay nang mangulambaba siya sa kanyang bintana. Tahimik lamang siyang umiiyak habang nakatanaw sa kawalan. "Maria, isang taon na ang nakalipas pero wala ka pa ring pinagbago. Ba't ka ba nagpapakabaliw sa lalaking 'yon?"

Hindi siya sumagot. Naririnig naman niya ang kanyang nanay pero paulit-ulit lang ito kahit ano pang sabihin niya. Hindi matatawarang sakit sa puso niya ang naiwan ng lalaking iyon. Masakit pa rin ang nangyaring iyon sa kanya nang iwan siya ng kanyang asawa at hindi na rin ito bumalik kahit pa naghintay siya nang matagal. Marahas na bumuntong-hininga ang kanyang nanay nang 'di niya ito pansinin.

"Maria, ang papel na 'to, hindi ko alam kung ano ito pero magandang balita raw ito, anak." Malumanay nang nagsalita ang babae nang iwasiwas nito sa mukha niya ang ilang pirasong papel. "Tanda mo pa ba noong isang buwan, may sinulatan ka para sa scholarship ba 'yon nang may mag-ikot na mga tao rito?" Tu
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status