Share

Married to My Best Friend’s Billionaire Dad
Married to My Best Friend’s Billionaire Dad
Author: A. P. Goldwyn

Kabanata 1

Author: A. P. Goldwyn
last update Last Updated: 2025-12-16 02:35:10

Nakabukas ang malamlam na mga mata ni Isabela nang medyo nahihilo, mangha at napatigil sa kanyang kinatatayuan sa malamig at marangyang aura ng kwarto.

Biglang dumaloy sa isip niya ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Bahagya nyang ikinilos ang kanyang mga hita… Aray!

Parang pinagbagskan s’ya ng langit at lupa!

Nakatulog siya…  kasama ang ama ng best friend niya na si Rafael Santillan!

Nagsimula ang lahat sa isang blind date tatlong araw na ang nakalipas.

Katatapos lamang niya sa isang relasyon.

At ang ex niyang si Marco Villamor,  nalaman nyang engaged na agad sa iba!

Kung kaya’t sa mga panahong lugmok na lugmok sya, sa sandaling iyon na padalos-dalos sa desisyon, heto siya at nakipag blind date kung kanino-kanino… kasama doon ang ama ng best friend niya.

Si Rita Santillan, ang kanyang beloved best friend!

Sabi ni Rita, mayaman, guwapo, maayos, matipuno ang katawan at walang bisyo ang ama niya ngunit umiiwas sa romantic relationship na daig pa ang isang misyonero sa lugar nila.

At kung makakakasal siya sa ama niya, agad siyang magiging mayaman sa Makati City!

Hindi siya pumayag noong una.

Pero nang dumating ang fiancée ng ex niya para guluhin sya, biglang nagbago ang isip niya.

Blind date lang naman, di ba?

O pwede namang ikasal sa isang lalaki na sampung taon ang tanda sa kanya?

Magaling pa ba sya sa aspeto na yun – sex? Okay lang, wala namang syang balak na ialay ang sarili niya!

Pero hindi inasahan ni Isabela na ang ama ng best friend niya ay hindi tulad ng iniisip niyang isang  matanda at wala nang gana sa mga romances. 

Pero hindi! 

Sa kilos nito, parang hindi pa ito nagkaroon ng experience sa mga babae. Daig pa nito ang isang binatilyong sabik sa pag-ibig!

Sa totoo lang, hindi nagsisinungaling ang kanyang best friend. Kahit na sampung taon ang tanda ng ama niya, napakaguwapo at charismatic niyang lalaki. Nung pumirma sila ng marriage certificate, kahit na walang expression ang mukha nito, ang paglunok nya at paggalaw ng kanyang adam’s apple… ay sobrang kaakit-akit.

Matapos makuha ang marriage certificate, kailangan ni Rafael Santillan lumabas para sa isang social event, kaya nagpadala siya ng tao para dalhin ang mga gamit at bagahe ni Isabela Ledesma.

Ang buong akala niya ay babalik si Rita para manirahan sa kanilang mansyon, kasama nila, pero sa hindi alam na dahilan ay bumalik ito sa unibersidad.

Pero ang dumating sa mansyon ay ang ama nito, si Rafael Santillan.

Amoy na amoy pa ang alak sa kanya.

Tinulungan nya pa itong maghilamos, pero pagpasok nila sa kwarto, dahil sa lakas ng lalaki ay pwersahan syang naihiga nito.

At dun nagsimulang mawala ang kontrol ni Rafael sa lahat ng bagay.

Umiling si Isabela, hinawakan ang mamula-mula nyang pisngi, at hindi na makapag-isip pa.

Tiningnan ni Isabela ang gusot na kumot na may matingkad na pulang mantsa sa kama… hindi niya mailarawan ang nararamdaman sa nangyari.

Nanginginig ang mga binti niya habang papuntang banyo para maligo.

---

Matagal na niyang gusto si Marco Villamor kaya’t nagka-lakas loob siyang ipagtapat ang nararamdaman at naging magkasintahan sila, pero pagkatapos lang ng tatlong buwan ng kanilang relasyon ay iniwan na lamang sya nito ng ganun ganon lang.

Ang rason nito ay hindi sila bagay.

Oo, maagang namatay ang mga magulang niya, at ang negosyo ng pamilya nya noon ay napunta na sa pamilya ng kanyang tiyuhin. Kung hindi dahil sa pamilya Villamor na nag-ampon sa kanya, matagal na siyang naiwan sa ampunan. Dahil dito, pakiramdam niya ay may utang siya sa pamilya Villamor sa pagpapalaki sa kanya, kaya dapat niyang bayaran ang utang na iyon!

Magkababata sila ni Marco Villamor, iniisip nya na magsasama sila habambuhay, pero sa huli, sinabi lang niyang “Palagi kitang itinuturing na nakababatang kapatid.”

Nakababatang kapatid?

Ano ang ibig sabihin nun nung tinanggap mo ang confession ko?

Pinaglaruan mo lang ba ako nung nag-date tayo?

Matigas ang pride ni Isabela, kaya hindi na siya nanirahan sa bahay ng pamilya Villamor nang magsimula siya sa unibersidad.

Malapit na siyang makatapos ng kanyang master’s degree.

Sa loob ng kalahating buwan matapos ang breakup, hindi siya kinontak ni Marco.

Ang pakiramdam niya, galit na galit siya kay Marco.

Pero wala siyang karapatan o kumpiyansa para magalit.

Ang kaya lang niyang gawin ay umiwas sa kanya at tiisin ang sakit ng kalooban dahil sa pag iwan nito sa kanya.

Dahil sa kanyang naranasang sakit ng kalooban dulot ng break up kay Marco, iminungkahi ng best friend niya  na makipag-blind date siya sa ama nito, si Rafael Santillan. Ang presidente ng Santillan Group of Companies.

“My dad is handsome, rich and so much better than your childhood sweetheart! Magugulat ka sa kanya if you two meet in person! Hindi ka pwedeng sa pangit na lang mapunta so your ex-boyfriend will look down on you.” sambit ni Rita.

---

Si Rita, minsang tinawag si Marco na “Lucky Guy,” kasi sa kanyang mata, si Isabela ang pinakamagandang babae sa buong mundo, at sobrang swerte ni Marco na nakasama niya ito ng maraming taon.

“‘Wag kang mag-alala, mapili at sobrang pihikan pa ang Daddy ko kaysa sa isang misyonero, hindi ka niya aalipustahin.”

“Pinipilit siya ng lola ko na magpakasal agad. Kahit na hiwalay na siya, napakaraming mayayamang elites ang humabol sa kanya, pero wala siyang nagustuhan sa kanila. Sabi niya, gusto niya ng isang babae na gentle, beauty and brain, at may talent! At perfect ka para diyan, Isabela.”

“Kasama ako dito, hindi ka papahirapan ng Daddy ko! Pag nakakuha na tayo ng sapat na benefits, pwede kang makipag-divorce! Tapos magtatravel tayo around the world nang magkasama!”

Minsang inisip ni Isabela na baka nagpapanggap lang ang best friend niya.

Pareho silang estudyante sa Ateneo University, pero malapit na siyang magtapos samantalang bagong pasok pa lang si Rita sa unibersidad.

She’s already 25 years old and Rita is just seventeen, pero naging best friends sila sa kabila ng malaking age gap.

Ngayon, naging stepmother pa siya ng best friend niya!  Pero ang usapan nila, mayroong May-December marriage lamang siya sa Daddy nito. Sa pera at koneksyon nito, mabilis nalang mag proseso ng annulment kung tutuparin niya ang kasunduan nila.

—-----------

Buzz buzz buzz. Nag-vibrate ang telepono ni Isabela ng ilang ulit.

Nakita niya ito sa ilalim ng kama at binuksan.

Galing kay Rafael.

“May emergency sa kumpanya, magpahinga ka muna. Kung kailangan mo ng kahit ano, sabihin mo lang kay Manang Len.”

Tahimik siyang nag-reply ng “Okay.”

Habang nag-scroll, nakita niya ang mensahe ni Rita,

“Magcecelebrate sana tayo kagabi, pero sobrang daming tawag galing sa school kaya kailangan kong bumalik doon. It’s already late kaya hindi na ako nakauwi ng bahay. So, kamusta kayo ni Daddy…?”

Medyo namula ang mukha ni Isabela. Hindi niya pwedeng sabihin kay Rita na may nangyari na sa kanila. Masyado itong nakakahiya!

Mali ang impormasyon ni Rita!

Hindi impotent ang Daddy niya!

Magrereply pa lamang siya nang biglang tumawag si Rita.

“Hey, bestie, gising ka na? Tinanong ko si Manang Len, sabi niya, hindi ka pa umalis sa kwarto mo.”

“Pinahirapan ka ba ng Dad kagabi? I told him you’re my best friend, at pinakiusapan ko siyang maging mabait sa’yo.”

“By the way, sinabi ng adviser ko na may problema ang thesis ko, at kailangan ko ng top student para tulungan ako! Kita tayo sa library?”

Medyo nagulat si Isabela. Hindi ba sinabi ni Manang Len kay Rita na nanatili siya kagabi sa kwarto ng Daddy niya?

Tahimik lang ang maid, mabuti na lamang.

“Okay, magta-taxi na ako ngayon.”

“Bakit taxi? Hindi mo pa ba nakuha ang driver’s license mo? Pumunta ka sa garage ng Daddy ko at pumili ng isa.”

“Pagkatapos namin sa thesis, magdrive tayo papuntang mall. Bibigyan kita ng wedding gift.”

Pumunta siya sa garahe at pinili ang pinaka-simple, ngunit top-of-the-line na puting Mercedes.

Napakayaman ng pamilya Santillan at ito na ang pinakamurang kotse sa garahe nila.

Kahit ang pamilya Villamor, na  isa sa mga pinakamayaman sa Quezon City, ay hindi magiging kasing yaman ng pamilya Santillan.

Tama si Rita, ang Daddy niya ay guwapo at mayaman, bagay na bagay para sa kasal.

Nagmaneho siya ng maingat, takot makagasgas ng kahit ano na hindi niya kayang bayaran.

Pagdating niya sa library, abala ang bestie nya sa telepono, mukhang sobrang nakatutok sa isang mahabang tawag. Nang makita siya, agad niyang pinutol ang tawag.

“Mommy!”

Ang pagsigaw nitong “Mommy” ay muntik na niyang ikalubog sa kanyang kinatatayuan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 5

    Nagbalik sa isip ni Isabela ang mga putol-putol pero mainit at matinding alaala ng nagdaang gabi dahil sa sinabi ni Rita.“Anong petsa na ba ngayon? Aksidente lang ’yon.”“Isabela, namumula ka! Ikaw na yata ang pinaka-inosenteng babae na nakilala ko, hahaha!”“…” Paano ba naman siya hindi mamumula?Lalo na’t ang lalaking mukhang pihikan, laging naka-suit at sobrang disente, ay napaka-init pala pagdating sa kama, sa pagiging sensual.Hindi pa rin niya maisip kung paano nangyaring ang isang cold-hearted na lalaking gaya ni Rafael ay naging gano’n ka attracted..At habang iniisip niya, lalo lang siyang namumula.Madiing inalis ni Isabela sa isip ang magulo at medyo malaswang mga larawan sa utak niya at iniikot ang manibela para iparada ang kotse sa tabi ng Rolls-Royce.Lumapit ang lalaking naka-suit at gentleman na binuksan ang pinto para sa kanya.Namula agad ang tenga ni Isabela pag-angat niya ng tingin.Sobra kasi ang tikas ng lalaki.Simple lang ang suot niyang dark gray na suit, may

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 4

    “May dalawang matalik na kaibigan si Daddy na palihim akong iniimbitahan sa dinner. Sinasabi nilang isama ko raw ang hot kong stepmom. Hehe, sasama ka ba?”Nagtanong si Rita sa kaibigang nagmamaneho habang relaxed itong naglalaro sa phone niya.Nakunot ang noo ni Isabela,“Kailangan ko ba talagang magpunta sa mga ganyang dinner?”Bago pa man sila ni Rafael magpa–marriage certificate, nagkasundo na sila na hindi siya pipilitin nitong pumasok sa social circle nito. Itatago muna ang kasal nila para magkakilala pa sila nang mas mabuti.Pero may clause sa supplementary agreement na kapag tungkol sa “career” nito, maaari siyang “pumasok” bilang Mrs. Santillan kung kinakailangan.Nagmadaling nag-explain si Rita. “Mukhang magalang at refined ang Daddy ko, pero sa totoo lang… malamig ang puso no’n. Dalawa lang talaga ang naging kaibigan niya buong buhay niya, si Tito Mike Solano—isang second-generation Red Army soldier na mataas ang posisyon sa military, at si Tito Allan Ramos—isang second-gene

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 3

    “Mr. Villamor, tapos na tayo!”Noong araw na iyon, pumunta siya sa club para hanapin siya.At nadatnan niyang magkasama sina Marco at ang fiancée nitong si Samantha Arevalo.Si Samantha ay halos nakapulupot na sa kanyang mga braso, at halatang puno ng malisya at tensyon ang pagitan nila.Narinig niya si Marco na sinabi ang pangalan niya kay Samantha,“Si Isabela ay ulilang inampon ng mga magulang ko. Tinatrato ko siya na parang nakababatang kapatid.”“Kung naiirita ka, lalayo ako sa kanya mula ngayon.”“Mahina ang loob niya at halos walang sariling paninindigan, huwag mo na syang masyadong pansinin at bigyan ng atensyon.”Hanggang ngayon, sariwa pa rin kay Isabela ang itsura ni Marco Villamor noon—hambog at puno ng kaplastikan.Nang mapagtanto ni Marco na narinig niya ang lahat, sinundan siya nito papuntang restroom.Doon, siya mismo ang nag initiate ng break up.Hindi nagdalawang isip pa na pumayag si Marco.Iniisip ni Isabela na baka gusto rin talaga niyang makipaghiwalay at hinihin

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 2

    Kabanata 2"Uh… dapat sa bahay at sa labas, bestie pa rin ang ating tawagan.", mahinang sabi ni Isabela kay Rita.“But my Dad told me so”, sagot nito ng may ngiting mapang-asar.“Kung hindi mo siya tatawaging “mama,” mawawalan ka ng allowance.”, ito ang bilin ng kanyang ama.Sobrang strikto ng Daddy niya na kapag nagkakamali o sumusuway siya, agad nitong i-freeze ang kanyang bank accounts.Noon, nung nagka-crush siya nang maaga at muntik pang maloko nang sobra, na-freeze ang bank account niya nang isang buwan.Sa buwan na iyon, araw-araw siyang kumakain lang ng loaf bread at ginisang gulay at halos ikadepress niya iyon.Isang araw, umuwi siya nang gabi at wala nang kahit anong pagkain. Si Isabela ang nag-abot sa kanya ng isang malapit nang mag-expire na sandwich.Hanggang ngayon, hindi niya malilimutan ang lasa ng sandwich na iyon.Hindi nagtagal, gumawa na naman siya ng gulo, pero sinamahan siya ni Isabela at pareho silang napagalitan at nagtiis ng gutom. Doon niya tuluyang itinurin

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 1

    Nakabukas ang malamlam na mga mata ni Isabela nang medyo nahihilo, mangha at napatigil sa kanyang kinatatayuan sa malamig at marangyang aura ng kwarto.Biglang dumaloy sa isip niya ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Bahagya nyang ikinilos ang kanyang mga hita… Aray!Parang pinagbagskan s’ya ng langit at lupa!Nakatulog siya… kasama ang ama ng best friend niya na si Rafael Santillan!–Nagsimula ang lahat sa isang blind date tatlong araw na ang nakalipas.Katatapos lamang niya sa isang relasyon.At ang ex niyang si Marco Villamor, nalaman nyang engaged na agad sa iba!Kung kaya’t sa mga panahong lugmok na lugmok sya, sa sandaling iyon na padalos-dalos sa desisyon, heto siya at nakipag blind date kung kanino-kanino… kasama doon ang ama ng best friend niya.Si Rita Santillan, ang kanyang beloved best friend!Sabi ni Rita, mayaman, guwapo, maayos, matipuno ang katawan at walang bisyo ang ama niya ngunit umiiwas sa romantic relationship na daig pa ang isang misyonero sa lugar nila.At k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status