Share

Kabanata 3

Author: A. P. Goldwyn
last update Last Updated: 2025-12-16 02:46:43

“Mr. Villamor, tapos na tayo!”

Noong araw na iyon, pumunta siya sa club para hanapin siya.

At nadatnan niyang magkasama sina Marco at ang fiancée nitong si Samantha Arevalo.

Si Samantha ay halos nakapulupot na sa kanyang mga braso, at halatang puno ng malisya at tensyon ang pagitan nila.

Narinig niya si Marco na sinabi ang pangalan niya kay Samantha,

“Si Isabela ay ulilang inampon ng mga magulang ko. Tinatrato ko siya na parang nakababatang kapatid.”

“Kung naiirita ka, lalayo ako sa kanya mula ngayon.”

“Mahina ang loob niya at halos walang sariling paninindigan, huwag mo na syang masyadong pansinin at bigyan ng atensyon.”

Hanggang ngayon, sariwa pa rin kay Isabela ang itsura ni Marco Villamor noon—hambog at puno ng kaplastikan.

Nang mapagtanto ni Marco na narinig niya ang lahat, sinundan siya nito papuntang restroom.

Doon, siya mismo ang nag initiate ng break up.

Hindi nagdalawang isip pa na pumayag si Marco.

Iniisip ni Isabela na baka gusto rin talaga niyang makipaghiwalay at hinihintay lang na siya ang maunang magsabi.

Habang palabas na siya, dumating naman ang fiancée nito at sinampal siya.

“Isabela, sana alam mo ang lugar mo! Huwag mong isipin na ang galing-galing mong magtago ng mga eksena mo. Ako ang pakakasalan ni Marco, kaya layuan mo ang fiance ko!”

Matagal na siyang may lihim na pagmamahal kay Marco.

Paanong walang nakapansin ng relasyon nila?

Dahil nga wala namang nakakaalam na tatlong buwan na sila ni Marco.

Si Marco, kapag gusto niyang may itago, kayang-kaya niyang itago iyon.

Ang mga alaalang iyon ay parang mga karayom na tumutusok sa puso ni Isabela, kaya ayaw na niyang balikan pa.

Hinila niya si Rita para umalis.

Pero hinawakan ni Marco ang pulso niya. “Huwag kang umalis. Ipapaliwanag ko sa’yo iyon mamaya.”

Inalis ni Isabela ang kamay niya, malamig ang boses.

“Mr. Villamor, konting delicadesa naman. Kapag nakita tayo ng fiancée mo, iisipin niyang nilalandi na naman kita. Kung itinuturing mo akong kapatid na babae, itinuturing kitang kuya!”

Napabuntong-hininga si Marco, halatang nagtatampo.

Hindi ba puwedeng maging masunurin na lang ang babaeng ‘to?

Nang mukhang hindi pa rin titigil si Marco sa pangungulit, ginamit ni Rita ang paborito niyang pamamaraan—isang suntok.

Halos tamaan si Marco sa gwapo niyang mukha.

“Hoy, gagong Marco! Wag mo ng guguluhin ulit si Isabela! Miyembro na siya ng Santillan family!”

At matapos iyon, mayabang na inakbayan ni Rita si Isabela at nagsimulang umalis palayo.

Namumutok ang panga ni Marco habang nagsasalita sa sarili,

“May nahanap na pala siyang bagong ‘backer’…

Pero…siguradong babalik ka rin sa akin!”, mapagmataas na sabi ni Marco.

Kumuha siya ng telepono at tumawag.

“Kumusta ang usapan tungkol sa Wildflower Lake Garden”

“Mr. Villamor, nabili ang lupang iyon tatlong taon na ang nakakaraan. Nakausap ko na sa wakas ang buyer at pumayag silang ibenta sa atin, pero tatlong araw na ang nakalipas…”

Nagdilim ang mukha ni Marco. “Bilisan n’yo.”

“Mr. Villamor… kinuha na po iyon ng Santillan family.”

Naalala ni Marco ang suntok ni Rita Santillan kanina kaya napakunot-noo.

“Sino ba ang nasa Santillan family?”

“Ang panganay na anak ng Santillan family—si Rita Santillan.”

Lumalim ang paghinga ni Marco.

Plano niyang bilhin ang Wildflower Lake Garden at ibigay kay Isabela; kapag natuwa ito, babalik itong muli sa kanya.

Hindi niya iniexpect na matatalo siya ng Santillan family sa pag acquire ng Wildflower Lake Garden.

Mukhang simula nang maging best friends sila ni Rita, naging mas matapang na si Isabela at hindi na niya kailangan si Marco bilang “kuya.”

“In your name, humanap ka ng paraan para mabawi ang lupa sa Santillan!”

“...Opo!”

Pero ang kumuha ng pag-aari nng mga Santillan ay parang agawan ng pagkain sa bibig ng tigre.

Kaya nagulo ang buong isipan ni Marco, puno ng magulong emosyon.

“Haist, masyado kang mabait. Kung ako ‘yan, matagal ko nang blinock ang lalaking ‘yon.”

Napatikim si Isabela, “Blinock ko na sya sa WeChat, pero matagal na akong nakatira sa pamilya Villamor. Hindi ako puwedeng maging sobrang malupit.”

“Oo na, oo na, utang na loob sa pagpapalaki, gets ko. Pero hindi ko maintindihan si Marco, sira ba ang ulo niya? May fiancée na siya, bakit ka pa niya ginugulo?”

Hindi rin niya alam.

Ang arranged marriage ay hindi naman pinagdedesyunan ng ganon ganon lang.

Kung ang mga magulang ni Marco na sina Uncle Jun Villamor at Tita Wena Villamor, ang pumili kay Samantha para maging fiancée nito, bakit tinanggap ni Marco ang confession niya tatlong buwan pa lang ang nakakaraan?

Sabi niya noon na hahanap siya ng tamang panahon para sabihin sa mga magulang niya, kaya iilang tao lang ang nakakaalam ng relasyon nila.

Ngayon, kapag iniisip ni Isabela, mukhang parte lang iyon ng plano niya.

Gusto niyang pagsabayin ang dalawang mundo—

ang pagsamba at pagmamahal na ibinibigay ni Isabela…

habang nakahanda siyang pakasalan ang isang mayamang elite na kapantay ng social status niya.

---

A perfect match…

Napalunok si Isabela.

Noong araw, isa rin siyang batang babae na pinalaki sa pagmamahal at aruga ng kanyang mga magulang.

Nang makita ni Rita na medyo namumungay ang mga mata niya, mabilis nitong iniba ang usapan,

“Hindi ba sabi ko bibigyan kita ng wedding gift? Pagdating ng milk tea ko, alis na tayo!”

“…Hindi ka ba nagda-diet?”

“Kailangan ko ng milk tea para may lakas akong mag-diet.”

Hindi naman mataba si Rita; malaman lang ang katawan, mukhang slim sa damit pero puro muscle kapag hinubad. Pero palagi niyang sinasabi na gusto niyang pumayat, gusto niyang maging katulad ni Isabela, may magandang hubog at maliit na bewang.

At lagi itong tinutukso ni Isabela tungkol doon.

“Kung puwede lang sanang makauwi nang maaga si Dad.”

“Ano raw?”

“Ah… wala.”

—--

Santillan’s Building.

Sa labas ng floor-to-ceiling windows ng opisina ng president ay matatanaw ang paikot-ikot na ilog ng San Miguel. Malumanay na sinala ng glass curtain wall ang sikat ng tanghali at tumama ito sa madilim na leather na sofa.

May hawak na malamig na black coffee si Rafael, at hindi namamalayang hinahaplos ng mahahaba’t matitikas niyang daliri ang baso. Sa maningning niyang mga mata ay may bahagyang lungkot na bihirang-bihira niyang ipakita.

Nang makita siya ni Allan Ramos, isa niyang kababata, ang itsura niya, agad niyang napagtanto na may seryosong nangyari.

“Talagang nagpakasal ka na? Akala ko yung marriage certificate na pinost mo kagabi ay peke lang, photoshop.”

Kagabi, tumawag si Lola Anita sa kanila ni Mike at hiniling na ipakilala nila itong torpe sa mga posibleng makarelasyon.

Hindi man lang niya tiningnan ang tambak ng mga litrato na ibinigay sa kanya ni Lola  Anita.

Siya, si Rafael, at si Mike ay magkababata— na ang samahan ay parang magkakapatid na.

Kilala silang tatlo sa social circle sa Makati City, magkakasama sa gulo, sa inuman, sa paghabol ng babae, at pati sa pagpapalaki ng bata.

*Ehem…* tinulungan niya si Mike na manligaw sa isang hot na babae.

At tinulungan niya rin si Rafael sa pag-aalaga ng anak nito, dahil noong labing-walo siya, habang nasa Africa para sa isang volunteer work, nagpakasal ito at umuwing may dalang sanggol.

Hindi pa man nakakasagot si Rafael, dumating si Mike, nakasuot ng matalas at mamahaling suit, sabay bukas ng pinto.

“Ano bang nangyayari? Nagshoshopping pa kami ng fiancée ko, ta’s bigla niyo akong pinapunta dito!”

“Tanungin mo siya.”, turo ni Allan kay Rafael.

“Hindi gumana yung alak kahapon? Imposible! Paulit-ulit kaming uminom ng fiancée ko noon, agad kaming tinatamaan. Kahit magdamag pa kami, okay pa rin energy namin. Ano, ikaw hindi mo kinaya?”

Mas wild pa magsalita si Mike kaysa sa pangalan niya.

Nagdidilim ang mukha ni Rafael. “Anong sinabi mo?”

Matapos makuha ang kanyang marriage certificate kahapon, bumalik siya sa kumpanya para ayusin ang ilang bagay, at sinabi ni Mike na iniwan siya ng kanyang fiancé kung kaya’t nagyaya itong uminom.

Pagkatapos niyang uminom ng alak na ibinigay ni Mike, may naramdaman siyang kakaiba.

Pag-uwi niya, tinulungan siyang magpunas ni Isabela, at kung bakit, ang sobrang kontrolado at disiplinadong pagkatao niya, at sa hindi malinaw na dahilan, siya na karaniwang sobrang maingat ay tila nagbago ang kilos at pakiramdam.

Lumabas ang mabangis na bahagi ng pagkatao niya.

Napatalon si Allan sa tuwa.

“Mike! Hindi photoshop yung marriage certificate ni Rafael! Totoo! Tinanong ko si Rita kanina, at sabi niya senior daw niya sa university yung babae!”

Napamura si Mike.

“Sa architecture department? Siyam sa sampung babae doon… hindi kagandahan. Pero yung nasa marriage certificate… Diyos ko, ang ganda! Siya ba talaga ang sister-in-law ko?”

Tumango nang seryoso si Rafael.

“Oo, I'm married.”

Mas lalo pang na-excite si Allan nang makita ang pagtango niya.

“Senior ni Rita? Ibig sabihin… old cow eating young grass ka?”

Nanunukso si Mike.

“Si Rafael nga, parang toro ang lakas niyan. Kayang kumain ng kahit anong klase ng damo!”

Napasinghap si Rafael, malamig ang tunog at napatahimik ang dalawa agad.

Nag-isip siya sandali.

“Tinawag ko kayo rito dahil may itatanong ako.”

Naglagay ng distansya si Mike, parang may inaasahang masamang balita.

“Hoy, yung maling alak kahapon wala akong kinalaman doon!”

Nangako kasi siya kay Lola Anita na patagong “susubukan” kung impotent si Rafael.

Kapag may asawa na, mas madali raw ayusin.

Kapag wala pa… may inihanda na siyang disente at magandang babae.

Sino bang mag-aakalang mawawala ito kagabi at hindi man lang niya naasikaso ang mga gagawin nya?

Umikot ang mata ni Allan.

“Ano bang kinakatakot mo? Kung hindi dahil sa alak mo, makukuha mo ba ang magandang binibini? Sa ugali niya, kahit kasal na yan, baka hindi pa rin niya kayang magbago—”

Tinitigan siya ni Rafael.

At agad siyang natahimik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 5

    Nagbalik sa isip ni Isabela ang mga putol-putol pero mainit at matinding alaala ng nagdaang gabi dahil sa sinabi ni Rita.“Anong petsa na ba ngayon? Aksidente lang ’yon.”“Isabela, namumula ka! Ikaw na yata ang pinaka-inosenteng babae na nakilala ko, hahaha!”“…” Paano ba naman siya hindi mamumula?Lalo na’t ang lalaking mukhang pihikan, laging naka-suit at sobrang disente, ay napaka-init pala pagdating sa kama, sa pagiging sensual.Hindi pa rin niya maisip kung paano nangyaring ang isang cold-hearted na lalaking gaya ni Rafael ay naging gano’n ka attracted..At habang iniisip niya, lalo lang siyang namumula.Madiing inalis ni Isabela sa isip ang magulo at medyo malaswang mga larawan sa utak niya at iniikot ang manibela para iparada ang kotse sa tabi ng Rolls-Royce.Lumapit ang lalaking naka-suit at gentleman na binuksan ang pinto para sa kanya.Namula agad ang tenga ni Isabela pag-angat niya ng tingin.Sobra kasi ang tikas ng lalaki.Simple lang ang suot niyang dark gray na suit, may

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 4

    “May dalawang matalik na kaibigan si Daddy na palihim akong iniimbitahan sa dinner. Sinasabi nilang isama ko raw ang hot kong stepmom. Hehe, sasama ka ba?”Nagtanong si Rita sa kaibigang nagmamaneho habang relaxed itong naglalaro sa phone niya.Nakunot ang noo ni Isabela,“Kailangan ko ba talagang magpunta sa mga ganyang dinner?”Bago pa man sila ni Rafael magpa–marriage certificate, nagkasundo na sila na hindi siya pipilitin nitong pumasok sa social circle nito. Itatago muna ang kasal nila para magkakilala pa sila nang mas mabuti.Pero may clause sa supplementary agreement na kapag tungkol sa “career” nito, maaari siyang “pumasok” bilang Mrs. Santillan kung kinakailangan.Nagmadaling nag-explain si Rita. “Mukhang magalang at refined ang Daddy ko, pero sa totoo lang… malamig ang puso no’n. Dalawa lang talaga ang naging kaibigan niya buong buhay niya, si Tito Mike Solano—isang second-generation Red Army soldier na mataas ang posisyon sa military, at si Tito Allan Ramos—isang second-gene

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 3

    “Mr. Villamor, tapos na tayo!”Noong araw na iyon, pumunta siya sa club para hanapin siya.At nadatnan niyang magkasama sina Marco at ang fiancée nitong si Samantha Arevalo.Si Samantha ay halos nakapulupot na sa kanyang mga braso, at halatang puno ng malisya at tensyon ang pagitan nila.Narinig niya si Marco na sinabi ang pangalan niya kay Samantha,“Si Isabela ay ulilang inampon ng mga magulang ko. Tinatrato ko siya na parang nakababatang kapatid.”“Kung naiirita ka, lalayo ako sa kanya mula ngayon.”“Mahina ang loob niya at halos walang sariling paninindigan, huwag mo na syang masyadong pansinin at bigyan ng atensyon.”Hanggang ngayon, sariwa pa rin kay Isabela ang itsura ni Marco Villamor noon—hambog at puno ng kaplastikan.Nang mapagtanto ni Marco na narinig niya ang lahat, sinundan siya nito papuntang restroom.Doon, siya mismo ang nag initiate ng break up.Hindi nagdalawang isip pa na pumayag si Marco.Iniisip ni Isabela na baka gusto rin talaga niyang makipaghiwalay at hinihin

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 2

    Kabanata 2"Uh… dapat sa bahay at sa labas, bestie pa rin ang ating tawagan.", mahinang sabi ni Isabela kay Rita.“But my Dad told me so”, sagot nito ng may ngiting mapang-asar.“Kung hindi mo siya tatawaging “mama,” mawawalan ka ng allowance.”, ito ang bilin ng kanyang ama.Sobrang strikto ng Daddy niya na kapag nagkakamali o sumusuway siya, agad nitong i-freeze ang kanyang bank accounts.Noon, nung nagka-crush siya nang maaga at muntik pang maloko nang sobra, na-freeze ang bank account niya nang isang buwan.Sa buwan na iyon, araw-araw siyang kumakain lang ng loaf bread at ginisang gulay at halos ikadepress niya iyon.Isang araw, umuwi siya nang gabi at wala nang kahit anong pagkain. Si Isabela ang nag-abot sa kanya ng isang malapit nang mag-expire na sandwich.Hanggang ngayon, hindi niya malilimutan ang lasa ng sandwich na iyon.Hindi nagtagal, gumawa na naman siya ng gulo, pero sinamahan siya ni Isabela at pareho silang napagalitan at nagtiis ng gutom. Doon niya tuluyang itinurin

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 1

    Nakabukas ang malamlam na mga mata ni Isabela nang medyo nahihilo, mangha at napatigil sa kanyang kinatatayuan sa malamig at marangyang aura ng kwarto.Biglang dumaloy sa isip niya ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Bahagya nyang ikinilos ang kanyang mga hita… Aray!Parang pinagbagskan s’ya ng langit at lupa!Nakatulog siya… kasama ang ama ng best friend niya na si Rafael Santillan!–Nagsimula ang lahat sa isang blind date tatlong araw na ang nakalipas.Katatapos lamang niya sa isang relasyon.At ang ex niyang si Marco Villamor, nalaman nyang engaged na agad sa iba!Kung kaya’t sa mga panahong lugmok na lugmok sya, sa sandaling iyon na padalos-dalos sa desisyon, heto siya at nakipag blind date kung kanino-kanino… kasama doon ang ama ng best friend niya.Si Rita Santillan, ang kanyang beloved best friend!Sabi ni Rita, mayaman, guwapo, maayos, matipuno ang katawan at walang bisyo ang ama niya ngunit umiiwas sa romantic relationship na daig pa ang isang misyonero sa lugar nila.At k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status