LOGINHabang naglalakad kami palabas ng hotel, mas lalo kong hinihigpitan ang yakap ko sa kanya, dinarama ang matitigas na kalamnan ng kanyang dibdib at balikat. Mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa kanyang leeg, marahas na nilalanghap ang mamahalin at nakalalasing niyang pabango.“Anong gagawin mo, sir... I mean, Aviv?” paos kong tanong habang isinasakay niya ako sa backseat ng kanyang marangyang kotse.Mabilis siyang pumasok at tinabihan ako bago itinaas ang tinted na bintana pagkasara ng pinto.Tinitigan niya ako sa gitna ng malamlam na ilaw sa loob ng sasakyan. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakatitig sa akin. Sa tindi ng init na nararamdaman ko, wala na akong pakialam sa hiya. Inabot ko ang kanyang necktie at marahas iyong hinila para mapalapit ang aming mga mukha.“Panonoorin mo lang ba ako?” may hapo at nagmamakaawang saad ko, habang ang hininga ko ay dumadampi na sa kanyang mga labi.Naidako niya ang paningin sa aking balikat nang dahan-dahan kong ibaba ang strap ng suot kong put
Saglit namang napakunot ang noo ni Mommy sa hiling ko. “Akala ko ba ayaw mo sa alak?”“Gusto ko na ngayon. Bilis!” agarang sagot ko, kaya naman agad siyang tumawag ng waiter para salinan muli ang kopitang hawak ko.Pagkalapit ng waiter ay agad nitong nilagyan ng mamahaling alak ang hawak kong baso. Gusto ko sanang ubusin muli iyon sa isang lagukan lang para pawiin ang kakaibang kaba sa dibdib ko, pero mabilis na humarang ang malapad at mainit na palad ni Aviv para pigilan ang kamay ko.“Hindi ganyan ang pag-inom ng wine, Jane. Malalasing ka agad sa ginagawa mo,” saway niya sa akin sa mababang tono ngunit may awtoridad.“Minsan lang naman akong uminom, hayaan mo na ako,” pakiusap ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Napailing na lamang siya. “Fine. Bahala ka. Uminom ka kung gusto mo.”At walang alinlangan akong lumagok ng alak habang nakatuon naman ang mga mata ni Aviv sa akin.Ilang minuto ang lumipas matapos umalis ni Mommy para makipag-usap sa mga kakilala niya. Doon
“I can't believe you, Aviv. Puwede naman nating hintayin si Kian na bumalik o kaya ay ipagpaliban muna ang kasal. Hindi maganda sa paningin ng lahat na pinakasalan mo ang bride ng pamangkin mo. Nakakahiya ang ginawa mo,” sermong singit ni Ernest, ang kapatid ni Aviv sa ama.“Sandali lang ang seremonya ng kasal pero hindi niya natiis na puntahan ang babae niya. Pinili niya si Scarlet kaysa pakasalan ang bride,” malamig at may diin ang bawat bigkas ni Aviv. “At kung may nakakahiya man, hindi ang ginawa ko kundi ang pagtakpan ninyong mag-asawa ang matagal nang pagtataksil ng inyong anak kay Jane.”“Pero Aviv—” sisingit pa sana si Isabel pero agad siyang pinutol ng asawa ko.“Kinukunsinti ninyo ang kataksilan ng inyong anak. At sa nangyaring ito, kung sakaling hindi ako dumating, wala kayong pakialam kung mapahiya man ang bride sa harap ng maraming tao dahil inabandona siya ng kanyang groom.”Humigpit ang kapit ni Aviv sa kamay ko habang nakatitig sa kanila nang walang emosyon.“Jane and
Saglit akong napatitig sa nakaimprentang pangalan ni Aviv sa marriage contract bago ko siya nilingon. Nauna na siyang pumirma. Bahagya siyang napalingon sa akin habang pareho pa rin kaming nakaluhod sa harap ng pari.“You still have time to change your mind,” aniya sa mababang tono.Maikling ngiti ang itinugon ko sa kanya bago walang pag-aalinlangan akong pumirma.“I won't change my mind, Mr. Averoné. Ako ang nakiusap sa ’yo na palitan mo ang pamangkin mo. Ang pagpayag mo sa hiling ko ay napakalaking bagay para sa akin,” wika ko bago marahang itinulak ang papel patungo sa pari.Tinulungan ako ni Aviv na makatayo, at magkahawak-kamay kaming humarap sa napakaraming bisita. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, sapat para maramdaman ko ang init ng kanyang hininga na agad nagpatuyo sa lalamunan ko.“Are you sure you want me to be your husband? We still have time not to register our marriage,” bulong niya.“I won't back down,” agaran kong sagot habang nakikipagtitigan sa kanya, kahit il
LORENZO GRAND HOTEL6:00 P.M.“Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng grand hall.“Parating na iyon. Just wait a little bit,” sagot naman ni Isabela Averoné, ang ina ni Kian.Makailang ulit akong nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga nang muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Aviv kanina. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa mga binitawan niyang salita.Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit gustong-gusto niyang dumalo ako sa kasal na ito gayong alam naman niya kung bakit ayaw ko nang magpakasal kay Kian?Muli kong inililibot ang mga mata sa paligid, pero hindi ko mahagilap si Aviv.Kung sana siya na lang ang groom ko, hindi sana ako matutuliro nang ganito. Ayaw ko na talagang magpakasal pa kay Kian pero anong magagawa ko, naririto na ako at ang pag
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala na silang ibang pinagkukunan ng pera para gawin ang gusto nila kaya ang pera sa negosyong itinayo pa ng mga namayapang magulang ni Daddy ang pinagkukunan nila.Ngayon, nasa kritikal na ang kondisyon ng kompanya at kaunti na lang ang oras ay tuluyan na itong magsasara. Kung hindi lamang tumutulong sa amin ang mga magulang ni Kian, hindi namin alam kung saan kami pupulutin dahil kahit itong Del Austria Mansion ay nakasangla na rin sa kanila.Kaya napagdesisyunan ng mga magulang ko na ipakasal na lamang ako sa anak ng mga taong nagpapautang sa kanila, para lang maisalba ang papaluging kompanya.At mabilis rin naman akong pumayag sa arranged marriage dahil kahit noon pa man ay gusto ko na si Kia







