LOGINAviv POV Sinundan ko ng tingin ang asawa ko habang nagmamadali siyang lumapit kay Kian. Halos matapilok pa nga siya sa pagmamadali, para lang tulungan ang damuhong iyon. Nang marating niya ang kinaroroonan ng pamangkin ko, agad niyang inangat ang ulo nito mula sa damuhan. Pinaupo niya ito nang bahagya at isinandal sa kaniyang katawan. Magkadikit na ngayon ang balat nilang dalawa. Nakahawak ang kamay ni Jane sa balikat ni Kian, habang ang ulo ng gago ay halos nakasubsob sa dibdib ng asawa ko. Napahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao. Masyadong masakit sa mga mata ang makitang ganoon sila kalapit. “Aviv, tulungan mo ako! Dalhin natin siya sa mansiyon. Tingnan mo naman, nawalan na talaga siya ng malay!” tawag niya sa akin, bakas sa boses niya ang labis na pag-aalala. Hindi ako agad gumalaw sa kinatatayuan ko. Sa halip, inilabas niya na lamang ang cellphone niya at mabilis na tumawag para humingi ng tulong. “Kuya Tope, puwede bang pumunta kayo rito ni Sid? I need help! Ngayon na.
“Arghh!” Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ko. Inis kong pinagpapalo ang kama habang nakakulob ang mukha ko sa unan. “Bwìsit! Pagre-relax ang sadya ko kaya hindi ako pumasok sa opisina pero stress pa rin ang inabot ko! Tangìna!” Inis akong napahilata sa kama at naglupasay na parang bata dahil sa labis na frustration sa sarili. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, kaya naiiyak kong inabot ang malambot na unan at niyakap iyon nang mahigpit. “Dito ka tuloy sa kabilang kwarto matutulog, Jane. Tanga-tanga ka rin kasi! Kung sana pumasok ka na lang sa opisina, hindi sana nangyari ang kamalasan kanina!” parang tangang kinakausap ko ang sarili ko sa gitna ng dilim. Napatagilid ako sa pagkakahiga at naitutok ang tingin sa orasan sa ibabaw ng side table. Alas-diyes na ng gabi at hindi pa rin ako mapakali sa kinahihigaan ko. Paulit-ulit akong nagpapalit-palit ng pwesto, pero ayaw talagang dumalaw ng antok. Hindi sumabay sa amin si Aviv sa hapunan kanina. Nagpahatid lang siya ng pa
Jane POVMabigat ang katahimikan sa loob ng lounge. Habang lumilipas ang bawat segundo, lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Pareho kaming naghihintay, pero parang walang gustong maunang bumasag sa nakakabinging katahimikan.Habang solong nakaupo si Kian sa four-seater sofa, nakayuko at halos hindi magawang igalaw ang kaniyang mga binti, ako naman ay nakapuwesto sa kabilang sofa, hindi mapakali habang paulit-ulit na nginangatngat ang kuko sa aking hintuturo hanggang sa bahagya na itong dumugo dahil sa tindi ng kaba ko.Pareho kaming hindi magawang tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin.Nasa gitna namin si Aviv, nakapamulsa habang ang malamig at nakamamatay niyang tingin ay nakapako sa aming dalawa.“Ilang oras lang ako nawala sa mansiyon na ito, nagawa mo nang makipaglaro at habulan kay Kian,” malamig na basag ni Aviv sa namayaning katahimikan. May matinding bigat ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.Naiangat ko ang t
“I-CPR mo!” biglang sigaw ni Kian habang nakahawak sa sarili niyang pisngi. “Ano?! Nababaliw ka na ba?! Hindi ko alam kung paano mag-CPR ng isda!” sigaw ko pabalik sa kaniya habang halos maiyak na sa sobrang takot. “Akin na nga! Ako na ang gagawa!” Mabilis siyang lumapit at yumuko sa ibabaw ng Arowana. Walang arte niyang idinikit ang kaniyang mga labi sa maliit na bunganga ng isda at nagsimulang suplayan ng hangin ang baga nito habang ako naman ay patuloy sa pagmamasahe sa tiyan nito. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa namin, pero wala na kaming ibang maisip na paraan para mailigtas ito. “Shìt! Mabuhay ka, please! Sige na, pumalag ka naman, oh!” desperadong litanya ni Kian habang paulit-ulit na hinihipan ang isda at pagkatapos ay minamasahe ang katawan nito. “Isa... dalawa... tatlo... Hipan mo ulit, Kian!” utos ko habang nagmamadali. Ilang segundo ang lumipas bago biglang kumumpas ang buntot ng Arowana. Napahinto kaming dalawa. Muli itong gumalaw. “YES!” sabay naming
Nakatutulala na lamang ako sa loob ng ilang segundo. Hindi ko magawang gumalaw o isipin kung ano ang dapat kong gawin. Paulit-ulit kong tinitigan ang Arowana na halos hindi na gumagalaw.Habang hindi pa rin ako makakilos sa matinding gulat, narinig ko ang papalapit na mga yabag. Ilang sandali lamang ay lumitaw si Kian sa may pintuan ng dining hall.“Jane? Anong ginagawa mo riyan at bakit para kang nakakita ng mu—?”Hindi natapos ni Kian ang kaniyang sasabihin nang mapasulyap siya sa loob ng fish tank.Sa isang kurap, mabilis na nawala ang kulay sa mukha niya. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa isda.Agad siyang lumapit sa akin.“J-Jane...” nauutal at nanginginig na tawag niya sa akin. “A-Anong... anong nangyari sa alaga ni Mama Ava?!”“H-Hindi ko alam!” hysterical kong sagot sa kaniya habang nanginginig din ang buong katawan ko. “Iniwan ko lang ’to nang ilang minuto para magbanyo! Pagbalik ko, ganyan na!”Biglang napahawak si Kian sa kaniyang dibdib at napasandal s
Nang matapos kami ni Angeli sa pagpupunas ng mesa at mga upuan, napadako ang tingin ko sa heart-shaped fish tank na nasa gilid ng dining hall. Sa loob niyon ay malayang lumalangoy ang isang napakagandang uri ng Arowana, ang platinum Arowana na isa sa pinakamahal na alagang isda ni Aviv.Dahil pinalipat kamakailan ni Aviv ang kaniyang koleksyon ng Peppermint Angelfish, ang ipinalit niya ay ang nag-iisang Arowana na ’yan.Pero higit pa sa halaga ng isdang ’yan, may mas malalim itong kuwento. Ang Arowana na ’yan ay ang natatanging alaga na nagmula pa sa namayapa niyang ina na si Doña Ava. Para kay Aviv, hindi lang basta alaga sa aquarium ang isdang ’yan. Isa itong alaala ng kaniyang pinakamamahal na ina, kaya alam kong espesyal ito para sa kaniya.“Angeli, pakikuha nga ng paboritong pakain ng Arowana sa cabinet,” utos ko. “Napansin ko kasing parang hindi pa ito napapakain ngayong umaga.”Agad naman siyang tumalima at nagtungo sa cabinet. Nang maiabot niya sa akin ang lalagyan ng feeds, m
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk







