LOGIN“Please, tama na! Tama na, Uncle!” muling pagmamakaawa ni Kian nang makailang beses nang banggain ang kaniyang mamahaling kotse. Katulad ng kotse ko, nagkaroon ito ng malalalim na yupi at maraming gasgas. Sigurado akong napakalaking halaga ang magagastos niya kung ipapaayos niya iyon.“Argh! Masakit!” hiyaw na reklamo naman ni Scarlet, nanlilisik ang mga matang nakatingala sa akin nang mas idiniin ko pa ang takong ng sapatos ko sa kamay niya.“Sumosobra ka na, Uncle! Kapag nalaman ito nina Mommy at Daddy, sigurado akong magagalit sila sa ’yo!” sigaw ni Kian habang katabi si Scarlet. Pareho na silang nakaluhod ngayon sa harapan namin, pinipilit ni Aviv na humingi ng tawad sa akin.“Ahh!” Napahiyaw si Kian nang tapakan naman ni Aviv ang kamay niyang nakatukod sa semento.“Isumbong mo. Hindi kita pinagbabawalan,” malamig na ani Aviv at lalo pang idiniin ang pagkakatapak sa kamay nito.Mas lalo pang napadaing si Kian sa sumunod na ginawa ng k
Jane POVBumukas ang scissor door ng Lamborghini. Mula roon ay dahan-dahang lumabas ang isang matangkad at dominanteng pigura. Ang asawa ko.Suot pa rin niya ang kaniyang mamahaling dark gray suit, ngunit ang buong awra niya ay lubhang madilim at mapanganib. Hindi man mabasa ang anumang emosyon sa kaniyang mukha dahil sa natural niyang pagiging malamig, sapat na ang kaniyang mga mata para mapatunayan kung gaano siya kagalit ngayon.Naramdaman ko ang panandaliang pagdaan ng matinding kilabot sa buong paligid dahil sa pagdating niya.Tinitigan ni Aviv sina Kian at Scarlet nang blangko ang mukha. Sa bawat mabibigat niyang hakbang papalapit sa amin, lalo namang nilalamon ng takot ang dalawang kontrabida sa buhay ko.“U-Uncle...” halos mabulunan si Kian sa sarili niyang laway habang dahan-dahang umaatras. Tuluyan na niyang nabitawan ang braso ko habang ang mukha niya ay biglang namutla.Si Scarlet naman ay napakapit nang mahigpit sa k
Isang nakakalokong ngiti ang iginawad ni Kian sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse. “Ano bang problema ninyo?! Nag-sorry na nga ako, ’di ba? Tapos sisirain n’yo ang kotse ko?!” nanginginig ang boses kong sigaw kay Scarlet. Muli lamang akong tinawanan ng babaeng nasa harap ko. “Sorry is not enough, Jane. Gusto kong mahirapan ka talagang makaalis sa lugar na ito. Tingnan mo naman ang daang ito, walang masyadong dumadaang sasakyan. Wala kang masasakyan pauwi ng mansiyon, kaya good luck sa ’yo, mahal kong pinsan,” aniya. “Sige na, Kian! Sirain mo ang bulok na kotse ng walang kuwenta mong ex-fiancée!” utos niya rito. Sumunod naman si Kian. Pinaandar niya na ang makina ng kaniyang kotse. Umugong nang napakalakas ang mamahalin niyang sasakyan bago niya iyon iniatras nang kaunti, malinaw ang intensiyon niyang walang pagdadalawang-isip na babanggain at gigibain ang kotse ko sa harap ko mismo. “No, please!” sigaw ko. Gusto kong humarang para pigilan siya pero tuluyan
Jane POV“Akala mo ba porket asawa ka na ng tiyuhin ko ay hindi ka na pwedeng hawakan?” asik ni Kian. Humakbang siyang muli palapit sa akin habang nanlalabo pa rin ang paningin ko sa tindi ng sakit ng pisngi ko.Marahas niyang hinila ang braso ko, pilit akong pinatatayo nang maayos. “Masyado ka nang mayabang, Jane! Huwag mong hintayin na kaladkarin kita pabalik sa estate para lang lumuhod at humingi ng tawad kay Scarlet!”“K-Kian, nasasaktan ako...” pait kong usal. Pilit kong binabawi ang braso ko pero lalo lang bumaon ang mga daliri niya sa balat ko na tiyak na mag-iiwan ng pasa.“Humingi ka ng sorry kay Scarlet. Ngayon din!” hiyaw niya sa mismong mukha ko, pero mariin akong nakipagmatigasan sa kaniya.“Ayaw ko!” sagot ko kahit naiiyak na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.“Ah, ganoon? Ayaw mo?” singit ni Scarlet.Mabilis siyang lumapit sa akin at walang babalang hinila ang buhok ko. Kasabay niyon, nang bitawan ni Kian ang braso ko, ay itinulak ako ni Scarlet nang
“Kung dumi at basura ang tingin mo sa kotse ko, Scarlet, mas lalong basura ang ugali ng taong bumangga rito,” malamig kong sagot, diretso ang tingin sa mga mata niyang may makapal na eyeliner. “At kung mura ang tingin mo sa suot ko, kahit papaano, hindi nakalabas ang kalahati ng katawan ko.”Humakbang ako para mas lumapit sa kaniya. “Oo nga pala. Ipaalala ko lang sa ’yo. Ang mamahalin at hindi karaniwang hiyas ay itinatago, samantalang ang mumurahin ay basta-basta na lang idinidispley kung saan-saan. Kagaya ng ginagawa mo. You are displaying your whoré self just to get attention. Hindi ba iyon ang tunay na cheap?”Namula ang mukha niya sa inis dahil sa sinabi ko. Humakbang siya palapit sa akin at bago ko pa man namalayan ay mabilis niyang sinakmal ang leeg ko.“You bìtch! Tumatapang ka na talaga! Pwes, puputulan kita ng sungay!” asik niya, pabulong ngunit may halong panggigigil, sabay bigay ng isang mabilis na sampal sa akin.Napaling ang mukha ko at naramdaman ko ang kaunting hapdi s
Jane POV“Ma'am Jane, sigurado po ba kayo na iyang kotse na 'yan ang gagamitin ninyo?” tanong ni Mang Alfred sa akin, tinutukoy ang kotseng nabasag ang salamin ng bintana noong gabi ng charity gala. Maayos na ang salamin dahil ipinagawa at pinalitan na ito ni Aviv.“Oo, Mang Alfred. Maayos naman na ang kotse ko kaya ito na lang ang gagamitin ko papasok ng opisina,” sagot ko pagkatapos kong abutin ang susi mula sa kamay niya.“Bago umalis si Sir Aviv kanina, sinabihan niya akong papasok ka raw sa trabaho ngayon. Kaya ipinagkatiwala niya sa akin ang susi ng Range Rover niya. Ito nga po ang susi,” sabay pakita sa akin ng susi ng mamahaling SUV. “Yung Range Rover na lang po ang gamitin ninyo. Mas ligtas po iyon at bagay na bagay sa outfit ninyo ngayon.”“No, Mang Alfred. Salamat na lang, pero hindi ko naman kotse ang Range Rover na 'yan,” magalang ngunit matigas kong tanggi.“Pero malinaw ang bilin ni Sir sa akin kanina bago siya lumarga papuntang opisina niya, Ma'am... lahat ng pagmamay-
“M-May tao sa labas, Aviv...” paalala ni Jane sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.“I know,” sagot ko naman.Napatukod ang isa niyang palad sa matigas kong dibdib habang nananatiling magkalapit ang mga mukha namin. Samantala, hindi naman tumigil ang istorbo sa labas ng pinto. Muli itong kumatok
Jane's POV“Mas okay na ang bad boy kaysa sa fckboy, no,” sagot ko kay Inna habang isinasandal ang likod ko sa unan. Kung ikukumpara naman kasi ang magtiyuhin, lamang na lamang talaga si Aviv sa lahat ng aspeto.Mula sa pagkakatulala ng kaibigan ko ay biglang nagseryoso ang kanyang mukha. Nang tulu
Nagmadali na akong nagpalit ng damit bago pa ako maabutan ng asawa ko rito. Isinuot ko ang maluwag niyang puting long-sleeved shirt. Sunod naman, dahil wala naman siyang shorts na pambabae rito at ayoko namang magsuot ng pajama, hindi na ako nag-shorts. Mahaba naman ang shirt, lampas-hita ito at hi
Jane's POV“You're still hard, Aviv,” walang preno at tila wala sa sarili kong saad nang makita kong bakat na bakat pa rin ang alaga niya sa kaniyang pantalon.Bahagya akong napalunok nang maidako niya rin ang tingin niya roon. Ang tindi ng stamina ng lalaking ito. Pagkatapos ng nangyari sa kotse,







