LOGINMaingat kong inilapag ang bag ko sa tabi ng mga naka-file na papeles na kailangan kong pirmahan bago ako naupo sa swivel chair.Inilibot muli ni Aviv ang tingin sa apat na sulok ng silid. “This office has a small space and looks outdated. But still... it feels decent and clean. Ikaw ba ang nag-ayos nito?”“Yup,” nakangiti kong sagot. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko bago ko hinawakan ang mga patong-patong na folder. “Sabi mo kanina... balak mong mag-invest.”He crossed his legs, ipinatong ang isang siko sa sandalan ng upuan at marahang hinaplos ang balbas niya habang seryosong nakatitig sa akin. “Oo. Seryoso ako.”Napabuntong-hininga ako.“Ano naman ang makukuha ng isang higanteng tulad ng A-Corp International sa isang maliit na distributor ng native goods? Aviv, Del Austria Enterprises is bleeding. Malapit na kaming tuluyang malugi. Kaunting panahon na lang at baka mapilitan na akong isara ’to.”“Kaya nga ako mag-iinvest,” mabilis niyang sagot, walang pag-aalinlangan ang mga mata.
Isang maliit na ngiti na lamang ang isinagot ko kay Aviv. Mukhang wala rin naman akong panalo sa mga desisyon niya.“By the way... I'm curious.”Napakunot ang noo niya. “Tungkol saan?”“Curious lang ako kung paano mo nalaman na regalo sa akin ng namayapa kong lolo ang kotseng iyon? Hindi ko naman nakuwento sa ’yo iyon, ’di ba? Parang ang dami mo namang alam tungkol sa akin,” natatawa kong sabi bago ko siya binirong, “Stalker ba kita?”Marahan siyang napaatras at napasandal sa kaniyang leather seat. Binalot muli ng misteryosong awra ang kaniyang mukha. Hindi niya sinagot ang tanong ko.“Gusto kong makita ang opisina mo,” pag-iiba niya ng usapan sabay tuluyang lumabas ng kotse.Balak ko sanang umalma, pero lumingon siya sa akin habang inaayos ang kaniyang suit jacket.“Balak kong mag-invest sa kumpanya mo, wifey. Pasok na tayo para makapag-usap tayo nang maayos sa loob.”Agad naman akong napasunod sa kaniya nang hindi na niya ako hinintay pa. Nauna na siyang naglakad papasok ng building
Habang bumibiyahe ang Lamborghini, tahimik lamang ako sa gilid, tulala at nakatingin sa labas ng bintana.Pagkatapos kong makapaghiganti kina Kian at Scarlet, tila bigla na lang akong naubusan ng lakas. Masarap sa pakiramdam na maibalik sa kanila ang lahat ng pananakit nila sa akin, ngunit kasunod niyon ay isang kakaibang bigat sa dibdib. Umiral ang konsensya ko.“Pakiramdam ko... parang hindi na rin ako naiiba sa kanila,” halos pabulong kong wika bago ko ibinaling ang tingin sa kaniya.Napatingin sa akin si Aviv. Nanatiling kalmado at seryoso ang kaniyang mukha.“Tama lang ang ginawa natin sa kanila,” basag niya sa katahimikan gamit ang baritono niyang boses. “Ang mga taong mapang-alipusta at mapanakit ay hindi natututo sa pakiusap. Kapag hindi mo ipinakita sa kanila ang hangganan ng pasensya mo, iisipin nilang karapatan nilang tapakan ka.”Napahigpit ang pagkakatikom ng kamao ko habang bahagya itong nanginginig. Naramdaman ko ang saglit na pagbaba ng tingin ni Aviv sa mga kamay ko.
“Please, tama na! Tama na, Uncle!” muling pagmamakaawa ni Kian nang makailang beses nang banggain ang kaniyang mamahaling kotse. Katulad ng kotse ko, nagkaroon ito ng malalalim na yupi at maraming gasgas. Sigurado akong napakalaking halaga ang magagastos niya kung ipapaayos niya iyon.“Argh! Masakit!” hiyaw na reklamo naman ni Scarlet, nanlilisik ang mga matang nakatingala sa akin nang mas idiniin ko pa ang takong ng sapatos ko sa kamay niya.“Sumosobra ka na, Uncle! Kapag nalaman ito nina Mommy at Daddy, sigurado akong magagalit sila sa ’yo!” sigaw ni Kian habang katabi si Scarlet. Pareho na silang nakaluhod ngayon sa harapan namin, pinipilit ni Aviv na humingi ng tawad sa akin.“Ahh!” Napahiyaw si Kian nang tapakan naman ni Aviv ang kamay niyang nakatukod sa semento.“Isumbong mo. Hindi kita pinagbabawalan,” malamig na ani Aviv at lalo pang idiniin ang pagkakatapak sa kamay nito.Mas lalo pang napadaing si Kian sa sumunod na ginawa ng k
Jane POVBumukas ang scissor door ng Lamborghini. Mula roon ay dahan-dahang lumabas ang isang matangkad at dominanteng pigura. Ang asawa ko.Suot pa rin niya ang kaniyang mamahaling dark gray suit, ngunit ang buong awra niya ay lubhang madilim at mapanganib. Hindi man mabasa ang anumang emosyon sa kaniyang mukha dahil sa natural niyang pagiging malamig, sapat na ang kaniyang mga mata para mapatunayan kung gaano siya kagalit ngayon.Naramdaman ko ang panandaliang pagdaan ng matinding kilabot sa buong paligid dahil sa pagdating niya.Tinitigan ni Aviv sina Kian at Scarlet nang blangko ang mukha. Sa bawat mabibigat niyang hakbang papalapit sa amin, lalo namang nilalamon ng takot ang dalawang kontrabida sa buhay ko.“U-Uncle...” halos mabulunan si Kian sa sarili niyang laway habang dahan-dahang umaatras. Tuluyan na niyang nabitawan ang braso ko habang ang mukha niya ay biglang namutla.Si Scarlet naman ay napakapit nang mahigpit sa k
Isang nakakalokong ngiti ang iginawad ni Kian sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse. “Ano bang problema ninyo?! Nag-sorry na nga ako, ’di ba? Tapos sisirain n’yo ang kotse ko?!” nanginginig ang boses kong sigaw kay Scarlet. Muli lamang akong tinawanan ng babaeng nasa harap ko. “Sorry is not enough, Jane. Gusto kong mahirapan ka talagang makaalis sa lugar na ito. Tingnan mo naman ang daang ito, walang masyadong dumadaang sasakyan. Wala kang masasakyan pauwi ng mansiyon, kaya good luck sa ’yo, mahal kong pinsan,” aniya. “Sige na, Kian! Sirain mo ang bulok na kotse ng walang kuwenta mong ex-fiancée!” utos niya rito. Sumunod naman si Kian. Pinaandar niya na ang makina ng kaniyang kotse. Umugong nang napakalakas ang mamahalin niyang sasakyan bago niya iyon iniatras nang kaunti, malinaw ang intensiyon niyang walang pagdadalawang-isip na babanggain at gigibain ang kotse ko sa harap ko mismo. “No, please!” sigaw ko. Gusto kong humarang para pigilan siya pero tuluyan
Napatingin ako sa asawa ko, pero seryoso lamang siyang nag-aalmusal. Wala siyang balak na sumagot at mukhang gusto niyang makita kung kaya ko bang harapin ang sitwasyong ito nang mag-isa.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Tama siya. Hindi ko maaaring asahan na lagi niya akong ipagtatanggol sa baw
Jane POVMaaga kaming nagising ni Aviv. Sabay kaming bumaba patungong dining area, at habang naglalakad kami sa hallway ay pormal at seryoso na naman ang mukha ng asawa ko. Pero bago pa man kami tuluyang makapasok sa engrandeng silid-kainan, naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa siko ko na n
“Pasensya ka na sa mga sinabi ng mukhang pera kong nanay. Ikaw ang bahala kung babayaran mo ang mga utang namin. At isa pa, ayaw kong gawing libre ang ipambabayad mo. Babayaran kita ng 100 million kapag nakabawi na ang kompanya namin. Pero bigyan mo ako ng mahabang panahon para mabayaran ko iyon,”
“Bakit parang may sugat ka sa gilid ng labi mo?” tanong ko kay Aviv nang mapansin ko iyon. Marahan niyang diniinan ng likod ng kaniyang kamay ang maliit na sugat sa labi niya. “Wala lang ito. Aksidente ko lang nakagat,” sagot niya bago inalis ang brasong nakaakbay sa akin at bahagyang dumistansya.







