ログインHere na po ulittttt
Chapter 181 (Part 1)Hindi makatulog si Natalia.Kahit ilang beses siyang pumikit at piliting ipahinga ang isip niya ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.Subrang tahimik rin ng buong silid.Tanging ang mahinang tunog lamang ng air conditioner at ang mabagal na paghinga ni Emilio ang naririnig niya.Ngunit sa kabila ng katahimikang iyon ay tila napakagulo ng isip niya.Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang mga nangyari kanina. Ang paraan ng pagyakap nito sa kanya. Ang panginginig ng katawan nito. Ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nito habang mahigpit siyang niyayakap.Hanggang ngayon ay para bang nararamdaman pa rin niya ang init ng katawan nito at ang luha nito habang nakatago ang mukha nito sa leeg niya. Para bang naroon pa rin siya sa mga bisig nito.Napapikit siya.Unti-unti siyang huminga nang malalim.Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya.Ngunit sa bawat segundo na lumilipas ay mas lalo lamang bumibigat ang dibdib niya.Dahil ngayong bumalik na ang mga alaal
Chapter 180Kakatok na sana si Natalia, ngunit nang ilang pulgada na lamang ang layo ng kamao niya sa pinto ay napapikit siya.Bigla siyang napatigil sa kinatatayuan niya. Para bang may kung anong puwersang pumipigil sa kanya na ituloy ang gagawin. Ang simpleng pagkatok ay tila naging napakahirap gawin sa sandaling iyon.Napalunok siya.Huminga siya nang malalim habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso niya. Ngunit kahit ilang beses siyang huminga nang malalim ay hindi pa rin niya mapigilan ang kaba na unti-unting sumisiksik sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumalakas ang tibok ng puso niya habang nakatayo roon.Sa kabilang panig ng pintong iyon ay si Emilio.Ang lalaking ilang taon niyang hindi naalala.Ang lalaking nasaktan niya nang hindi niya sinasadya.At ngayon, matapos niyang mabawi ang mga alaala niya, muli niyang haharapin ang taong iyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano magsisimula.Dahan-dahan niyang iminulat ang
Chapter 179“Hi…” Alanganing pagbati ni Dianna sa kanya pagpasok nito sa kwarto kung saan siya sinabihan na pumasok nang lumapag ang chopper, pero halos kitang-kita ni Natalia ang gulat at pagkatigil ni Dianna nang mapasulyap ito sa nakaupo sa sofa.Ilang minuto pa lang noong nakarating sila at hindi naman sila pinaghintay ni Dianna nang matagal.Pero dahil hindi nag-iisa si Natalia sa loob ng kwarto ay hindi na mapigilan ni Dianna ang magulat.Para bang bigla itong napako sa kinatatayuan nito.Nakahawak pa ang isang kamay nito sa doorknob habang ang isa naman ay bahagyang nakataas, tila nakalimutan na nitong isara ang pinto.That kid is also looking at her kaya naman halos matuptop ni Dianna ang labi niya.Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan niya ang batang nasa sofa.Ang mga mata.Ang hugis ng mukha.Pati ang paraan ng pag-upo nito.At lalo na ang seryosong ekspresyon nito.Para siyang nakakita ng multo.“Omyghad,” she said with a shocked voice and look.Napakurap-kurap pa siya na p
Chapter 178Ang bilis ng pangyayari.Pakiramdam ni Natalia ay hindi pa rin makahabol ang isip niya sa lahat ng sunod-sunod na nangyari.Mula sa pagbabalik ng alaala niya…Hanggang sa katotohanang ikakasal na si Emilio sa iba.At ngayon…Nasa loob na siya ng isang mamahaling hotel room habang nakaupo sa harap ng malaking television screen.She looked at the videos that played in front of her.Hotel ang nakalagay sa notes sa likod ng wedding picture.At ayon kay Drake, iyon ang isa sa mga pinakasikat na hotel sa isla.Nang makarating sila roon ay sinabi niya lang ang pangalan na nasa likod ng notes.Dianna Villaflor.Hindi niya kilala.Wala siyang kahit anong alam tungkol dito, pero wala naman siyang ibang choice kundi pumunta dahil sa kagustuhan nitong matapos na ang lahat at bumalik na sa Manila.At dahil gusto na niyang makauwi sa Manila…Dahil gusto niyang maintindihan ang lahat bago pa tuluyang mahuli ang lahat…Pinuntahan niya iyon.Nagbabakasakaling makakatulong ito para makabalik
Chapter 177She open her eyes, but tears started flowing as everything was already answered.Pagmulat pa lang ng mga mata niya ay parang sabay-sabay nang bumagsak ang lahat ng katotohanang pilit itinago ng isip niya.Lahat ng alaala.Lahat ng sakit.Lahat ng pagmamahal.At lahat ng dahilan kung bakit ganoon na lang kasakit tuwing nakikita niya si Emilio.Lahat ng paulit-ulit na tanong niya ay bigla na lang nabigyan ng kasagutan.Kung bakit parang may kulang sa buhay niya.Kung bakit parang may hinahanap ang puso niya.Kung bakit kahit hindi niya maalala noon ay tila kilalang-kilala na ng kaluluwa niya si Emilio.“Anong nararamdaman mo?”Napasulyap siya sa taong tumulong sa kanya noong mga panahon na wala man lang siyang alam sa lahat.Sa mga panahong hindi niya kilala ang sarili niya.Sa mga panahong si Drake ang nasa tabi niya habang sinusubukan niyang mabuhay ulit.And then she looked at Fiona who was too worried looking at her.Namumula ang mata nito at halatang matagal ding hindi n
Mabilis nitong ibinalik sa kanya ang envelope at mariing itinulak iyon pabalik sa harap niya.“Buksan mo ‘to,” mariin nitong sambit.Halos pakiusap.Pero may halong desperasyon.“Fiona—”“Alam kong wala ka nang pakealam sa nakaraan mo,” nanginginig nitong sambit habang diretso siyang tinitignan.“Pero pwede bang… pwede bang tignan mo ‘yan?”Huminga ito nang mabigat.Halatang pinipigilan din ang emosyon.“Hindi ako makakatulog nang matiwasay kapag hinayaan kitang hindi makita ‘yan.”Napapikit nang mariin si Natalia.Ayaw niya.Hindi niya alam kung bakit… pero natatakot siya.Sobrang natatakot.Natatakot siyang may malaman.Natatakot siyang may maalala.At higit sa lahat…Natatakot siyang baka biglang magkaroon ng saysay ang lahat ng gumugulo sa isip niya nitong mga nakaraang araw.Ang mga panaginip.Ang kakaibang sakit sa dibdib niya tuwing nakikita niya si Emilio at naiisip niya ito habang may kasamang babae.Ang pakiramdam na parang may kulang sa buhay niya kahit hindi niya alam kung
May halo iyong tukso at pag-angkin, na tila gusto niyang ipakita kung gaano kalalim ang mga lihim na iniisip niya.Napalunok si Natalia habang nakatingin ito sa kanya mula sa itaas.Ramdam niya ang bigat ng titig ni Emilio...hindi lamang puno ng pagnanasa kundi pati ng matagal na paghahangad.And Na
Chapter 17Hindi na niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay niya. Napahawak siya sa dibdib ni Emilio, ramdam ang bilis ng tibok nito, kasing bilis ng kanya. Ang halik nito ay hindi na lamang basta pagnanasa, may halo na itong galit, pananabik na kitang kita ni Natalia ngayon.He suddenly look so
Pagkapasok ng kotse sa compound ng bahay ni Emilio, agad siyang bumaba.Akmang iiwan na sana niya si Natalia sa loob dahil sa inis, ngunit huminto siya sandali, napabuntong-hininga, at bumalik sa side nito para pagbuksan siya ng pinto.Napatingin siya sa mukha ni Emilio, na kahit halatang iritado ay
Sandaling natahimik ang sasakyan, ngunit hindi matiis ni Natalia ang katahimikan kaya muli siyang nagsalita.“Saka ayokong umasa sa’yo dahil kasal tayong dalawa. I can also provide for myself. Let’s make a deal. Ang pera ko ay pera ko, ang pera mo ay pera mo. Hindi ko kailangan umasa sa iyo para mab







