Share

Chapter 10 SPG

Ada’s Point of View

Nagising ako na nasa kama na at nagulat ako na napatingin sa gumalaw sa tabi ko. Si Nikola iyon, na mahimbing na natutulog kaya nanlaki ang mga mata ko dahil katabi ko ngayon sa kama ang asawa ko na dumating na pala. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Nikola kagabi at nasungitan ko siya dahil sa kalasingan at inaantok na rin ako pero ngayong napagtanto ko iyon ay bigla akong nakadama ng kaba sa mga pinaggagawa ko sa kaniya.

“Bakit ko nagawa at nasabi sa kaniya ang lahat ng iyon?” kabadong tanong ko sa sarili.

Tumayo na ako sa kama at nagmamadaling kumuha ng damit sa closet saka pumasok sa banyo at naligo. Habang nasa shower ako ay hindi ko mapigilang isipin ang mga ginagawa at sinabi ko kay Nikola. Nagalit sa akin kahapon si Nikola pero imbes na matakot ako ay nagalit din ako sa kaniya saka iniwan at humiga sa sofa.

“Hindi kasi dapat ako umiinom, eh!” inis na sisi ko sa sarili.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status