Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 009- Are you really that happy?

Share

Chapter 009- Are you really that happy?

Author: Eliana Asher
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-01 00:09:10

EMERY

“Magpapakamatay ka ba?” dugtong pa nito sa akin.

Natigilan ako sa tanong ni Zion, at biglang bumigat ang dibdib ko.

Napalingon ako sa fountain. Sa mga bulaklak. Kahit saan, huwag lang sa kaniya.

Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo.

Hindi ko pa kayang sabihin na gumuho ang mundo ko ilang oras pa lang ang nakalipas. Na nalaman kong peke ang kasal ko. Na ninakaw sa akin ang kompanya ng daddy ko. Na ang kambal na dinadala ko ay—

Mariin akong napalunok.

“Hindi ako magpapakamatay,” mahina kong
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Marry Me Instead   Chapter 025- The Invitation

    EMERY“Successfully deleted na po ang evidence trail, kahit sa cloud data ng ospital wala narin,” wika ni Doc Hidalgo, ngunit may bakas ang malungkot na boses nito sa linya.“Hanggang kailan kami dito, Ma’am Emery? Gusto ko nang bumalik sa Pinas,” naiiyak na sabi pa nito. Samantala, narinig ko naman ang sinabi ni Nurse Joy na nasa tabi lang ni Doc Hidalgo. “Ayoko na dito sa India, gusto ko nang umuwi. Doc Hidalgo, please magmakaawa ka kay Ma’am Emery.”Bago pa magsalita ang doktor ay nagsalita ako. “Sa tingin mo, paano paparusahan ni Zion ang mga taong nangahas na lokohin siya? Yung ginawa niyo Doc Hidalgo ay sapat para makulong kayo. O baka naman gusto niyong ubusin ang natitirang oras niyo sa kulungan?”“Mas maganda dyan, kahit papaano malaya kayong makapagtago d’yan.”Huminga ako nang malalim. “Kapag humupa na ang lahat, hindi naman imposibleng makabalik kayo. Papalitan natin ang pangalan ninyo, tutulungan ko kayong magkaroon ng bagong identity at lumipat sa ibang lugar para ma

  • Marry Me Instead   Chapter 024- Gone Without a Trace

    THIRD PERSON POV“ZION!” Sigaw ng isang middle-aged na babae pagpasok niya sa loob ng VIP room ng ospital.Agad niyang nilapitan ang anak at walang pag-aalinlangang hinagkan ito sa noo na puno ng pag-aalala. Halatang hindi siya mapakali. At bakas ang kaba at pagod sa mukha niya dahil sa biglaang pagbiyahe nito.Nanlaki ang mata ni Zion na makita ang mommy niyang si Victoria del Fierro. “Mom? K-Kailan ka pa nakabalik dito?”Hindi agad sumagot si Victoria. Sa halip, hinawakan niya ang mukha ng anak, sinusuri ito, para bang tinitiyak na totoo ang nakikita niya—na humihinga pa ito, na buhay pa ito.“Kagabi ako tinawagan ni Spencer,” sagot niya sa wakas, bahagyang nanginginig ang boses. “Mabuti na lang at ang lapit lang ng Pinas sa Singapore kaya agad akong nag-book ng earliest flight. Kaninang madaling araw lang ang available. Diretso na ako dito.”Tahimik si Zion. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito.Pero hindi pa tapos si Victoria. Unti-unting napalitan ng galit ang pag-

  • Marry Me Instead   Chapter 023- Don’t You Trust Your Friend?

    EMERYMay kung anong sumikip sa dibdib ko—isang halo ng pagod, galit, at sakit na pilit kong tinatago buong araw. Ramdam ko iyon sa bawat paghinga ko, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis. Gusto kong sumagot. Gusto kong magsalita. Gusto kong ilabas lahat ng nasa isip ko, pero sa totoo lang, wala na akong lakas para sa kanya.Kaya dumiretso na lang ako ng lakad, nilampasan siya na parang wala akong narinig. Pinilit kong huwag siyang tingnan, pinilit kong huwag pansinin ang presensya niya. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, muli siyang nagsalita.“Mukhang busy ka ngayong araw… at hindi mo man lang ako napagsilbihan.”Napahinto ako.Mas lalo akong napakuyom ang kamay ko hanggang sa maramdaman ko ang sakit sa palad ko, pero hindi ko iyon binitawan. Mas pinili kong damhin ang sakit na iyon kaysa ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.“Emery… hindi ka naman ganiyan…”Parang may kung anong tuluyang nabasag sa loob ko dahil tama siya.At iyon ang ma

  • Marry Me Instead   Chapter 022- I Lost My Dad Because of Me

    EMERYAgad silang kumilos. Isang doktor ang pumwesto sa tabi niya at sinimulan ang chest compressions. Mabilis, madiin at paulit-ulit nilang ginawa iyon. Isa pa ang naghahanda ng defibrillator. Ang iba naman ay abala sa pagkuha ng gamot.Pero habang pinagmamasdan ko ang lahat, unti-unting naglaho ang kasalukuyan. At sa isang iglap, bumalik ang isang alaala. Parehong eksena, parehong lugar at parehong pakiramdam.Three years ago, nasa study room kami ni Daddy. Tahimik ang paligid pero mabigat ang hangin sa pagitan namin. Hawak ko ang divorce papers na ginawa ko para sana sa amin ni Weston. Nanginginig ang kamay ko habang pinipilit kong ipaintindi kay dad ang desisyon ko.“Dad, hindi ko na kaya,” sabi ko noon, pilit pinipigilan ang luha ko. “Ayoko na kay Weston. Gusto ko nang makaalis sa marriage na ito.”Pero hindi siya pumayag. Hindi man lang siya nag-alinlangan.“Hindi puwede, Emery,” matigas niyang sagot. “Hindi lang ito tungkol sa’yo. May pangalan tayong pinoprotektahan. May kasun

  • Marry Me Instead   Chapter 021- This Feels Like Losing Him Again

    EMERYPUMASOK ako sa loob ng kotse ni Spencer nang hindi na nagdadalawang-isip. Halos madulas pa ang kamay ko sa pagbukas ng pinto sa pagmamadali. Hindi ko na inintindi kung saan ako uupo, wala nang mahalaga sa mga sandaling iyon kundi ang makasunod ako. Tumabi ako kay Zion sa passenger’s seat. At nang makita ko siya nang mas malapitan, parang may kung anong sumikip sa dibdib ko—isang bigat na halos hindi ko kayang dalhin. Parang unti-unting nilalamon ang kulay ng balat niya habang may mga pantal na nagsisimulang kumalat mula sa leeg niya pababa sa collar ng suot niya. Kita ko kung paanong bawat segundo ay nadaragdagan iyon, parang may apoy na gumagapang sa balat niya. Halata rin ang pamamaga sa bahagi ng labi niya. At ang ang mas nakakatakot, hirap na hirap na siyang huminga. Mabigat at putol-putol iyon. Na para bang pilit niyang kinukuha ang bawat paghinga niya. At sa bawat tunog ng paghinto at pagpipilit niyang huminga, parang ako rin ang nasasakal. Dahan-dahan kong hinawakan

  • Marry Me Instead   Chapter 020- He's Actually Allergy

    EMERYNamilog ang mga mata ko. At may kung anong sumabog na bagay sa loob ko.Sa isang iglap, tumigil ang paligid ko. Hindi ko na marinig ang ingay ng restaurant, hindi ko na maramdaman ang mga taong nasa paligid namin. Ang alam ko lang, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kasabay ng kakaibang init na kumalat sa buong katawan ko.“What?!” napatindig si Zion sa gulat.Ramdam ko ang bigat ng reaksiyon niyang may halong galit at may halong panganib.“Contact Emilio now,” malamig niyang utos kay Spencer.Saglit siyang tumigil, saka bahagyang ibinaba ang tingin.“At siguraduhin mong mahanap kung sino ang kumuha no’n.”Dahan-dahan siyang tumingin ulit, at sa pagkakataong iyon, ibang tao na ang nasa harap ko. Isang matalim at walang emosyon ang gumuhit sa mukha ni Zion.“Because whoever did this… just made a very expensive mistake.”Napalunok ako nang marinig ang sinabi ni Zion. Parang may mas malalim na kapalit kapag malaman niya ang totoong nangyari.Maya-maya pa, nanlaki ang mga mata ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status