Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 021- This Feels Like Losing Him Again

Share

Chapter 021- This Feels Like Losing Him Again

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-05-06 07:34:36

EMERY

PUMASOK ako sa loob ng kotse ni Spencer nang hindi na nagdadalawang-isip. Halos madulas pa ang kamay ko sa pagbukas ng pinto sa pagmamadali. Hindi ko na inintindi kung saan ako uupo, wala nang mahalaga sa mga sandaling iyon kundi ang makasunod ako.

Tumabi ako kay Zion sa passenger’s seat.

At nang makita ko siya nang mas malapitan, parang may kung anong sumikip sa dibdib ko—isang bigat na halos hindi ko kayang dalhin.

Parang unti-unting nilalamon ang kulay ng balat niya habang may mga p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marry Me Instead   Chapter 120- I’m The One Who's Lucky

    EMERYPagkatapos ng pag-uusap namin ni Don Marshal, halos hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat ng nangyari.Hanggang sa paglabas namin ng study room dala ang mga regalo ay parang lutang pa rin ako.Samantalang si Zion naman ay mukhang aliw na aliw sa reaksyon ko.“Emery, are you okay?”Napahinto ako at agad siyang tiningnan nang masama. “Hindi nakakatuwa, Zion.”Natawa na lang siya.Pagdating namin sa kuwarto, tinulungan niya akong dalhin ang ilan sa mga regalo. Isa-isa naming inilapag ang mga kahon sa sofa at sa mesa.Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa rin ako makapaniwala.” Itinaas ko ang folder. “Sa ten percent shares na ito.”Tumawa nang marahan si Zion. Napatingin ako sa kanya. “Zion, ten percent iyon, malaking share iyon kaya pwede bang sabihin mo sa lolo mong sobra na ‘to?”Tumago-tango lang siya habang nakangiti sa akin. Inaasar pa rin niya ako.“Hindi mo ba naiintindihan kung gaano kalaki ito?” tanong ko ulit saka umupo sa kama.Ngumisi siya. “Tingin ko naiintindihan ko.” L

  • Marry Me Instead   Chapter 119- Because Life Is Too Short

    EMERYNapatingin ako kay Don Marshal, pagkatapos ay kay Zion. Ngunit parang wala lang sa kanila ang nakita ko. Na para bang normal lang na mamigay ng ganoong kalaking share.Napailing agad ako. “Lolo, hindi ko po ito matatanggap.”Natawa si Don Marshal. “Bakit naman?”“Dahil masyado pong malaki ito,” paliwanag ko sa kanya.Agad kong isinara ang folder at ibinalik iyon sa kanya.“May Armani Group na po ako. Tinulungan na rin ako ni Zion na mabawi iyon. Sobra-sobra na po ang naitulong niya sa akin.”“At saka... hindi po tama na magkaroon pa ako ng ganoong kalaking share sa Del Fierro Holdings,” dagdag ko pang sabi.Nakangiti lang si Don Marshal habang nakikinig. “Natapos ka na ba?”Napakurap ako. “Po?”“Tapos ka na bang tumanggi?” tanong niya ulit. Napailing siya. “Emery, hindi kita tinatanong kung gusto mo.”Nanlaki ang mga mata ko. Napabuga ako ng hangin, talagang may pinagmanahan itong si Zion. Palabiro din pala itong si Don Marshal.Napatawa si Don Marshal. “Hindi ko ibinibigay iyan

  • Marry Me Instead   Chapter 118- Don Marshal’s Gift

    EMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dating.Biglang napaubo si Don Marshal kaya agad siyang nilapitan ni Eris. “Dad, magpahinga muna kayo.”Tumango si Victoria. “Mahaba rin ang biyahe natin mula States.”“May jet lag pa tayo. Mas magandang magpahinga na muna,” dagdag ni Miguel.Napabuntong-hininga si Don Marshal. “Sige.”Isa-isa silang tumayo.Nagpaalam muna sila sa akin bago nagtungo sa kani-kanilang kuwarto.Hindi nagtagal ay naiwan na lang kami ni Zion. At ako na sobrang namumula pa rin dahil sa nangyari.***Pagkatapos ng nakakahiyang eksena kanina kasama ang pamilya ni Zion, nagpasya kaming mag-almusal sa labas malapit sa pool.Tahimik ang paligid. Maririnig lamang ang mahinang tunog ng fountain at ang huni ng mga ibon mula

  • Marry Me Instead   Chapter 117- Meeting With The Del Fierro Family

    EMERYPagkatapos ng bakasyon namin sa Boracay, kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad kong hinanap si Zion na katabi ko lang noon matulog, ngunit nang kapain ko ang kabilang bahagi ng kama, wala na siya roon.Napakunot-noo ako. Maaga ba siyang nagising?Napaupo ako sa kama at sumulyap sa orasan. Hindi naman ganoon kaaga.Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Naligo ako at nag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-almusal.Ngunit bago pa man ako makarating sa ground floor, narinig ko na ang mga boses ng maraming tao.Napatigil ako.Hindi pamilyar ang mga boses na iyon. May mga nagtatawanan at masayang nagkukuwentuhan, habang may isang batang babae na tila tuwang-tuwa sa kung anumang pinag-uusapan nila.Napakunot-noo ako. May bisita ba?Pagbaba ko ng hagdan, agad akong natigilan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong nasa sala. Hindi ko sila kilala. Sa gitna ng mga ito ay may isang matandang lalaki na kahit nakaupo lamang ay kapansin-pansin ang awtoridad sa ka

  • Marry Me Instead   Chapter 116- Loving The Right Man

    EMERYKinabukasan ay maaga kaming nagising ni Zion. Sumakay kami ng helicopter para sa island tour.Nang umangat ang helicopter sa himpapawid, kusang hinawakan ni Zion ang kamay ko. Napangiti ako. “Natatakot ka?”Umiling si Zion. “Tinitiyak ko lang na hindi ka mahuhulog.”“Tingin mo mahuhulog ako sa helicopter?” tanong ko.Ngiting tiningnan ako ni Zion. Lumapit ang bibig niya sa tenga ko at marahang bumulog, “Tingin ko makulit ka.”Natawa ako sa sinabi niya.Ngunit nang bahagya siyang umurong, saka ko lamang napansin kung gaano kami kalapit sa isa’t isa. Nanlaki ang mga mata ko. Saglit na bumaba ang tingin niya sa mga labi ko dahilan para kabahan ako.Maya-maya, bahagyang kumiling ang helicopter dahil sa hangin. Napalapit kami sa isa’t isa at muntik nang magdikit ang mga labi namin.Pareho kaming natigilan.Ilang segundo kaming walang imik habang magkatitigan. Unti-unting naging mabigat ang hangin sa pagitan namin.Napalunok ako. Samantalang si Zion ay agad na umiwas ng tingin at humi

  • Marry Me Instead   Chapter 115- Capturing Our Memories

    EMERY“So tayo na?” tanong ni Zion.Nanlaki ang mata ko saka marahang natawa. “Hindi pa ba officially tayo sa lagay na ‘to?”Napatingin siya sa malayo, halatang naiilang. “Wala... sinisigurado ko lang.”Mas lalo akong natawa. “Edi tayo na nga.”Agad siyang napangiti, pero halatang pilit niyang pinipigilan iyon.“Kinilig ka 'no?” pang-aasar kong sabi.Nanlaki agad ang mata niya at mabilis na humarap sa akin. “S-Sakto lang... Teka, inaasar mo ba ako?”Napatakip ako ng bibig. Hindi ko napigilang matawa nang makitang namumula ang mukha niya.“You’re blushing, Zion!” sabi ko.“Hindi kaya.”“Talagang namumula ka, Zion,” pang-aasar kong sabi sa kanya.Lalo siyang namula at iyon ang tuluyang nagpatawa sa akin. Hindi ko akalaing darating ang araw na makikita kong nahihiya ang isang Zion Laurent Del Fierro.Biglang may sumingit na boses mula sa likod namin. “Tingin po dito, Sir Zion!”Napalingon kami pareho at nagulat na makita si Spencer. Hawak nito ang DSLR camera habang nakatutok sa mukha ni

  • Marry Me Instead   Chapter 028- I Deserve More

    EMERYHalos mabitawan ni Paolo ang box na hawak niya. “T-Triple the price?!” Humarap siya sa akin. “That would be 2 million!”Ngiting tumango ako. “Sige. Pakibalot na rin.”Agad na inutusan ni Paolo ang staff niya na kunin ang dress at binalot iyon sa isa pang box.Nang oras na ng bayaran, dahan-d

  • Marry Me Instead   Chapter 023- Don’t You Trust Your Friend?

    EMERYMay kung anong sumikip sa dibdib ko—isang halo ng pagod, galit, at sakit na pilit kong tinatago buong araw. Ramdam ko iyon sa bawat paghinga ko, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis. Gusto kong sumagot. Gusto kong magsalita. Gusto kong ilabas lahat ng na

  • Marry Me Instead   Chapter 017- The Way He Looked at Me

    EMERY“You’re late.”Iyon ang unang sinabi ni Zion nang umupo ako sa harap niya. Ni hindi man lang niya ako binati. Walang kahit anong emosyon sa boses niya.Napatingin ako sa wristwatch ko kahit alam kong hindi naman ako ganoon ka-late. 7:01 PM. One minute lang.Pero sa paraan ng pagkakasabi niya,

  • Marry Me Instead   Chapter 015- What They Took From Me

    EMERYPagdating ko sa mansyon, diretso akong umakyat sa kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sandaling sumandal doon, pinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang inilabas ang bigat sa dibdib ko. Ngunit kahit anong gawin ko, nariyan pa rin ang kirot.Dahan-dahan akong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status