Share

005

Makulay at maliwanag ang buong kapaligiran ng mansion ng mga Dela Vega.

Ang bawat sulok ay napapalamutian ng mga naggagandahang mga dekorasyon at nagpapahiwatig na isang malaking kasiyahan ang nakatandang idaos pagsapit ng gabi.

Ngunit kabaligtaran niyon ang ekspresyon sa mukha ni Melissa.

"Ate." Boses iyon ni Martin na nasa kaniyang likuran. Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat. "Are you alright?" Tanong nito.

"Yeah. I'm alright." Walang kabuhay-buhay na sagot niya. "Where have you been? Tayong dalawa na nga lang ang normal sa pamilyanh 'to, bihira pa tayong magkita." Humarap siya dito.

Binawi nito ang kamay saka siya tuluyang niyakap.

"For some reason, I want to hate you, Ate."

"Bakit naman?"

"Hindi ka dapat pumayag sa gusto ni Dad. You have all the rights to refuse."

Kumalas siya sa pagkakayakap ng kapatid at humarap dito na may pilit na ngiti.

"As much as I wanted to, I can't. After all, he's still our father."

"A father who should be the one to protect his family." Bakas ang galit sa boses na dagdag nito.

"Martin..."

"Bakit ka pa kasi bumalik? 'Di ba okay ka na sa Germany? Bakit kailangan mo pang balikan yung buhay na meron ka dito?"

Tumalikod siya. Bakit nga ba? Ano nga bang dahilan?

"I know why you left two years ago. But aren't you just repeating the same mistakes now?"

"Akala mo ba gusto kong maulit ulit ang mga nangyari noon? Martin, hindi. Pero mula noon hanggang ngayon, wala pa rin akong magawa."

"Ate..."

"Moral support ang kailangan ko ngayon, Martin. Lahat ng 'to ginagawa ko para sa pamilya natin."

"This is all ridiculous!" He exclaimed. "Just for this damn place?"

Melissa heaved a deep sigh. Sa totoo lang hindi na niya alam kung para saan pa ang lahat ng effort niya na maayos ang lahat sa pamilya nila. How could she even fix what is totally ruined from the very beginning?

---------

Jared looks really handsome with his all black suit. Ayos na ayos rin ang kaniyang buhok. Suot din niya ang kaniyang most expensive wristwatch na tinernuhan pa niya ng kaniyang one-piece earring.

Blanko ang ekspresyon ng mukha habang nakatayo sa front door ng mansion ng mga Aguirre.

"Practice how to smile, hindi business meeting ang pupuntahan natin." Paalala ng kaniyang ina.

"Hindi nga ba?" Kunot-noong tanong niya dito.

"Well at least hindi lang tungkol sa investment at partnership ang pag-uusapan sa okasyong ito." Lumapit ito at inayos ang kaniyang coat. "This is your engagement party."

Hindi nakakibo si Jared sa sinabi ng kaniyang ina.

Sa isip ay tila binalikan ang kaparehong sitwasyon halos tatlong taon na ang nakalipas. At katulad noong una, hindi pa rin nagbago ang pakiramdam niya. There's no excitement or goosebumps at all.

Pakiramdam niya ay manonood lamang siya ng isang pelikulang hindi niya gusto.

"Let's go?" Umabrisyete na ito sa kaniya.

-------

Invited ang halos lahat ng kilalang pamilya sa kanilang lugar. Ang lahat ng kaibigan at kasosyo sa negosyo gayundin ang ilang mga malalapit na kamag-anak ng parehong pamilya.

"Smile ka naman diyan, Ate Melissa." Ani Isang habang pinagmasdan siya. Kasalukuyang siyang inaayusan ng make-up artist at hairstylist habang naririnig na nila ang malakas na tugtog sa sa bakuran. "Ang ganda-ganda mo tapos parang pinagsakluban naman ng langit at lupa ang mukha mo."

"Ay korek ka diyan, dzai." Pakikisali ng make-up artist. "Smile ka naman, girl. Sayang ang make-up na maganda kung nakasimangot ka naman."

"Balita ko gwapo ang panganay na anak ng mga Aguirre. Pero bakit sambakol ang mukha ni ate mong girl?" Anang hairstylist.

"Ay korek ka rin diyan, ses." Sagot ng make-up artist. "Gwapo na, mayaman pa. All in one si mayor."

"Will you two please shut up?" Pagalit na sabi ni Martin ng pumasok ito sa kwarto. Naulinigan nito ang mga sinasabi ng dalawang parlorista bago ito pumasok kaya naman nakaramdam siya ng matinding inis.

"Ay galit ata si Sir?" Baling ng make-up artist sa lalaki.

"Bakit kasi imbes na ayusin ang trabaho eh dito pa kayo nagtsi-tsismisan? At sa harap pa talaga ng Ate."

"Martin..." Tila saway na tawag dito ni Melissa.

"Ay sorry na, Sir. Di naman kami na inform na di niyo bet ang pag-usapan ang magiging brother-in-law niyo." Hinging paumanhin na sabi ng taga-ayos ng buhok.

"No, it's okay." Singit ni Melissa.

"Ikaw naman, Martin, galit ka naman agad eh." Ani Isang. "Chill ka lang. Tingnan mo nga si Ate, lalo tuloy sumimangot dahil sa ginawa mo."

"Isa ka pa, Isang. "

"Martin." Nagbababalang tumitig siya sa repleksyon ng kapatid sa salamin.

"Fine." Inis itong tumalikod at pabagsak na isinara ang pinto. 

"Mukhang hindi bet ni baby boy ang soon-to-be brother in law niya." Komento ng isa sa dalawang parlorista.

"Huwag niyo na lang siyang pansinin." Pilit na ngumiti si Melissa sa dalawa. Mukhang iyon na lamang talaga ang kaya niyang gawin sa buong buhay niya. Ang pilitin na pagaanin ang mga bagay-bagay kahit sobrang mabigat na para sa kaniya.

Nang tawagin ng emcee ang pangalan niya ay dahan-dahan ng bumaba ng hagdan si Melissa.

She's wearing a signature cocktail dress na tila sadyang nilikha para lamang sa kaniya. Kulay peach iyon at napapalamutian ng makikintab na mga beads. Strapless din iyon kaya naman litaw na litaw ang maputi at makinis niyang balikat.

Messy bun ang ayos ng kaniyang buhok at natural lang ang make-up kaya naman litaw na litaw din ang natural niyang ganda.

Ngunit sa kabila niyon ay asiwang-asiwa ang pakiramdam ng dalaga. Lahat kasi ng atensyon ng mga bisita ay nakatuon ngayon sa kaniya.

Sa isang mabilis na pag-gala ng kaniyang paningin, namataan niya si Jared na nasa isang sulok ng bulwagan. At tulad niya, nangingibabaw din ang porma ng lalaki.

He was wearing an all black suit at cleaned shaved din ito. Ang buhok na perpektong nakaayos at ang nag-uumapaw na karisma. She could give Jared a hands down when it comes to looks. He never failed to impress anybody with his physical appearance ever since.

"Melissa really looks stunning tonight." Nakangiting puri sa kaniya ni Señor Artemio ng tuluyan na siyang makababa ng hagdan.

"Of course. It runs to the family." Nakangiting biro rin ni Don Roberto.

Melissa just nodded and smile from all the compliments they are saying. She just turn a deaf ear to all of it.

It was just like this. This is just the same moment as before. Ang pagkakaiba nga lamang ay hindi siya nagdadalang-tao ngayon.

Napalunok si Melissa ng sumagi iyon sa isip. Dumagsa ang iba't-ibang realisasyon sa kaniyang isipan.

It's right. She was pregnant that time. And now she's going to be engaged with the same man. For the second time.

How could she be able to repeat the flow of her life with the man who not only hurt her heart but also the same man who caused her to lose her child?

How could she possibly remarry her ex -husband?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status