로그인Si Sir Ezekiel.
Ang tito ng dati niyang fiancee na si Asher. Magkapatid ito at ang nanay ni Asher. Pero ang alam niya ay sa Hong Kong ito naka-base buong taon. Kaya bakit ito narito ngayon? "Ikaw pala.” Bahagyang tumingin sakanya ang madidilim na mata ni Ezekiel. "Laya ka na?" "Opo." Tumango si Jade. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Emilio sa kanilang dalawa, halatang naguguluhan. "Sir Ezekiel, magkakilala po kayo?" "Ang panganay na anak ng mga Guevarra, si Jade." Malamig ang boses ng lalaki na tila may halong pagkadismaya. Napahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Jade at napayuko siya. Noong araw ay alam ng lahat na baliw na baliw siya kay Asher. At dahil tito ito ni Asher ay siguradong alam ni Ezekiel ang lahat ng bahid ng nakaraan niya. "Oh my god? Siya ang panganay na Miss Guevarra?" Nanlaki ang mga mata ni Emilio. "Ang laki ng pinagbago niya!" "Miss Jade, pasensya na po. Hindi ko kayo nakilala kanina..." Humingi ng paumanhin si Emilio pero winave lang ni Jade ang kamay niya. "Hindi na ako ang panganay ng mga Guevarra." "Sa emosyonal na aspeto ay pinalaki ka nila. Sa batas ay ampon ka nila. Hindi ito ang oras para maghugas-kamay at talikuran sila," pang-uuyam ni Ezekiel. Hindi na sumagot si Jade. Tutal, ang tingin naman ng lahat sa kanya ay siya ang bully, siya ang nanggipit sa kaklase niya kaya ito tumalon sa building, at siya ang nararapat lang na mabulok sa kulungan. Sa mata ng publiko, siya ang kontrabidang ampon—ang taong nangagat sa kamay na nagpakain sa kanya. "Totoo naman po na hindi ko pa tuluyang mapuputol ang ugnayan ko sa kanila. Kaya balak ko talagang pumunta doon ngayon. Masyado bang abala kung makikisakay ako, Mr. Elizalde?" Dahil nabuko na rin naman ang identity niya ay hindi na nagtago si Jade. "Nandoon si Asher sa bahay namin ngayon. May kailangan akong tapusin sa kanya." Pinagmasdan siya ni Ezekiel habang pinapaikot ang Buddhist prayer beads sa kanyang kamay. "Engaged na si Asher sa iba," kalmado nitong sabi. "Huwag kayong mag-alala. Matagal na akong nawalan ng interes kay Asher. Ang gusto ko lang ay makita ang anak ko." Nakaramdam ng hilo si Jade pero pinilit niyang magsalita. "Sa klase ng nanay na meron siya ay nag-aalala akong baka maghirap ang bata. Basta masiguro ko lang na lalaki siyang healthy at masaya ay hindi ako gagawa ng gulo." Alam niyang sa kalagayan niya ay hindi niya pwedeng kunin si Caleb at wala siyang laban sa custody. Pero dahil dugo't laman ito ni Asher ay naniniwala siyang hindi ito papabayaan ng pamilya Madrigal. Ang kinatatakutan niya lang ay ang mga maduming laro ni Xianne… "Bilang isang ina, pupunta ka doon nang ganyan ang itsura mo?" Sinukat siya ng tingin ni Ezekiel mula ulo hanggang paa. Mukha siyang basang sisiw. Kung hindi lang dahil sa kakaibang ganda ng mga mata nito ay baka hindi nya nakilala nito pagkalipas ng limang taon. Sobrang laki ng ipinagbago nito. Halatang bugbog ito sa hirap sa loob ng kulungan. Ang ipinagtaka lang ni Ezekiel ay bakit mukhang hindi man lang nag-effort ang mga Guevarra na padaliin ang buhay nito sa loob. "Ako..." Parang nalanta si Jade sa hiya. Wala siyang kahit singko. Hindi nga niya kayang bumalik sa siyudad, ano pa kaya ang maglinis ng sarili. "Sumakay ka na." Pagkabitaw ng tatlong salitang yun ay tumalikod na ang lalaki at pumasok sa kotse. Natigilan si Jade. Agad naman siyang pinayungan ni Emilio. "Miss Jade, bihirang maging ganito kabait si Sir Ezekiel. Sakay na bago pa magbago ang isip niya. Ihahatid kita sa inyo." "Sige, salamat." Tumango si Jade at inalalayan siya ni Emilio sa pinto ng kotse. Pagbukas niya ay napaatras siya nang bahagya. Bukod kay Ezekiel ay may isang batang lalaki sa loob. Bumalik sa wisyo si Jade at pumasok na rin. Dahil sa basang damit ay sumiksik siya sa sulok sa takot na madikitan ang bata. "Sir, anak niyo po?" tanong niya. Nakapikit lang si Ezekiel at tila nagpapahinga kaya hindi ito sumagot. Alam ni Jade na hindi ito tulog. Ayaw lang talaga siyang kausapin nito. Nanahimik na lang siya pero hindi niya mapigilang tingnan ang bata. Gwapo ito at kitang-kitang kadugo ni Ezekiel. Mukhang kasing-edad lang ito ni Caleb kaya biglang lumabas ang pagiging ina niya. "Hi, baby. Anong pangalan mo?" Tahimik lang sa loob ng kotse. Nakatulala lang ang bata at parang lutang. Inisip na lang ni Jade na baka ayaw din siyang kausapin nito kaya nakaramdam siya ng kirot. Pati ba naman bata, ayaw sa kanya? Ganito rin kaya ang magiging reaksyon ni Caleb sa kanya? Bumagsak ang self-esteem niya sa takot na baka diring-diri rin sa kanya ang sarili niyang anak. "Ang pangalan po ng Young Master ay Yuze," paliwanag ni Emilio. "Huwag niyo na lang po dibdibin, Miss Jade. Hindi po talaga palaimik ang bata. Kahit si Sir Ezekiel ang kumakausap ay hindi rin yan sumasagot." "Ah, ganoon ba." Tumango si Jade at tumahimik na. Malayo pa ang biyahe. Alam ni Jade na hindi maganda ang pakiramdam niya kaya pinilit niyang huwag makatulog dahil baka hindi na siya magising. Para manatiling gising ay kinuha niya ang isang Rubik's Cube na malapit sa kanya at sinimulang laruin ito. Biglang ay may maliit na kamay na humawak sa kanya. Tiningnan niya ang mini-version ni Ezekiel at nagtanong. "Young Master Yuze, bakit?" Itinuro ng bata ang Rubik's Cube. Inabot ito ni Jade. "Gusto mong laruin? Oh eto, ipapahiram sayo ni Ate." Nakuha ni Yuze ang cube at nilaro ito. Bigla ay may dalawang salitang lumabas sa bibig nito. "Ate." "Ano yun?" Sobrang hina ng boses nito. Hindi sigurado si Jade kung siya ba ang kinakausap o si Ezekiel. Pero hindi na muling nagsalita ang bata. Gayunpaman ay biglang hinila ni Ezekiel si Yuze at niyakap. Tiningnan niya ang mga mata ng anak at nagtanong. "Anong sabi mo?" Narinig niya ito, pero hindi siya makapaniwala. "A-te." Nilinaw ng bata ang bawat pantig. Ngayon, narinig na rin ito nang malinaw ni Jade. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Tinatawag niya ba akong Ate?" Na-excite siya dahil biglang nagsalita si Yuze. At ang tawag pa sa kanya ay Ate at hindi Tita. Pakiramdam ni Jade ay mukha na siyang matanda at losyang dahil sa kulungan pero mukhang hindi naman pala siya ganoon kapangit dahil Ate pa ang tawag sa kanya. Pero binalewala na siya ni Yuze at tinuloy ang paglalaro sa cube. Hindi pa nakakakita si Ezekiel ng babaeng nagawang mapalapit sa anak niya nang ganoon kabilis. Sinulyapan niya si Jade—wala naman itong espesyal, maliban sa… Mukha itong basahan. Parang pulubi. Lahat ng babaeng nagtangkang lumapit sa kanya noon ay palaging ayos na ayos at perfect ang itsura. Ito lang ang kakaiba sa lahat. "Emilio, dumaan tayo sa isang styling boutique," utos ni Ezekiel. "Bilhan mo ng damit si Miss Jade." Nagulat si Emilio pero sumunod agad. Ganun din si Jade. "Naku, wag na po, Sir. Ayos na ako kahit ganito lang pagharap sa pamilya ko." Wala siyang pambayad sa ganoong serbisyo. Tumingin nang matalim si Ezekiel, ang boses niya ay hindi pwedeng baliin. "Hindi kita tinutulungan. Gawin mo na lang ang sinasabi ko." Napakunot-noo si Jade, hindi niya talaga maintindihan ang plano ng lalaki. Matapos siyang ayusan sa boutique at isuot ang isang mamahaling Western-style dress ay hindi makapaniwala si Jade na siya pa rin ang babaeng galing sa kulungan kanina. Pinagmasdan siya ni Ezekiel, ang tingin nito ay tila nanunuri. Nang tumama ang tingin nito sa collarbone ni Jade ay bigla itong natigilan. Tumayo si Ezekiel mula sa sofa at lumapit sa kanya. Gamit ang mahaba nitong braso ay bigla niyang hinila si Jade palapit, at ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang humawak at dumaan sa collarbone nito.Namutla nang husto si Jade. Hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni August sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalala sa lahat ay ang malisya sa likod ng mga salita nito—hindi hobby o interes ang tinutukoy nito kundi ang katawan niya. "Side interest ko lang ang pagpa-part-time bilang waitress. Hindi ako naghihirap," sabi ni Jade na may pilit na ngiti. Kahit nagpapanggap lang siya ay kailangan niya itong gawin para makahanap ng tyansang makatakas. Kahit gustong-gusto na niyang magalit ay pinigilan niya ang sarili. Ang galit ay hahantong lang sa gulo, at sa sitwasyon niya ngayon na wala siyang pangalan o back-up ay kailangan niyang umiwas sa kahit anong conflict. Isa pa ay subordinate siya ni Zhenna. Dahil wala sa duty si Zhenna ngayon ay ayaw niyang gawan ito ng problema. Gusto lang niyang maayos ito nang tahimik. "Jade, huwag ka nang magsinungaling. Magkakasama tayo sa iisang circle. Isang tanong lang sa paligid at malalaman na agad kung gaano kahirap ang sitwasyon mo." Mayaban
Alam ni Asher na araw-araw pumupunta si Jade para makita si Caleb. Sinasadya niyang hindi magpakita dahil gusto niyang makita kung paano siya susubukang kontakin ni Jade. Sa isip niya ay si Caleb ang nagsisilbing tali na mag-uugnay sa kanila habambuhay. Naniniwala siya na ang hirap na pinagdaanan ni Jade para lang maipanganak si Caleb ay patunay na malalim pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Inasahan niya na pagkalabas nito ng kulungan ay gagamitin nito ang lahat ng paraan—umpisa sa anak nila—para lang makabalik sa piling niya.Pero naghintay siya nang naghintay, at parang hangin lang siya kay Jade. Araw-araw lang itong nakikipagkita kay Caleb at tahimik na umaalis ng Madrigal Estate.Habang lalo siyang binabalewala ay lalong hindi mapakali si Asher."Jade, tigilan mo na ang panloloko sa sarili mo! Alam ng lahat kung gaano mo ako ka desperadong minahal. Yung baluktot na pagmamahal mo na yun ang sumira sa buhay mo at nagdala sayo sa kulungan!"Sa dulo ay hindi na napigilan ni Jade.
Siyempre ay walang kaalam alam si Jade sa gulo ng isip ni Ezekiel. Tumango lang siya nang walang pag-aalinlangan. "Oo naman. Gusto ko sanang makakain si Yuze ng kahit anong gusto niya, pero... hindi talaga kaya ng health niya. Sa totoo lang, tingin ko ang pinakamalaking kaligayahan na pwedeng makuha ng isang tao ay ang mabuhay nang walang masyadong bawal." "Kahit sa pagkain man yan o sa mga bagay na gusto mong gawin," mahina niyang dagdag. Sa loob-loob niya ay naiinggit siya kay Xianne. Kahit gumawa si Xianne ng mga bagay na talagang malala ay laging nandoon ang mga magulang nila at si Vince para protektahan ito. Hindi nila ito sinisisi. Sa halip ay pakiramdam nila ay may utang sila rito dahil sa kapabayaan nila noong makidnap ito. Siguro nga ang pagmamahal ay ganoon—yung pakiramdam na lagi kang may utang sa isang tao. Pero habang iniisip niya iyon ay nakaramdam siya ng kaunting kalituhan. Bakit ba siya ganito kadedikado kay Yuze? Ang pag-aalala niya ay tila nahihigitan na ang n
Dati, ang akala ni Jade ay isang malamig at walang pusong tao si Ezekiel—yung tipong sobrang hirap pakisamahan. Hindi niya inaasahan na si Ezekiel, na halos estranghero sa kanya, ang gagawa ng paraan para bigyan siya ng dignidad. Samantalang si Vince, ang kuya na kasama niya sa paglaki ay binalewala ang nararamdaman niya at harap-harapan pa siyang ipinahiya. Nang marinig mismo kay Ezekiel na guest ng pamilya Elizalde si Jade ay bakas ang matinding gulat sa mukha nina Vince at Xianne. Si Lenora naman ay mukhang tuwang-tuwa. Agad siyang bumati. "Mr. Elizalde, matagal na rin tayong hindi nagkikita. Pasok ka muna at maupo sandali." Sumulyap si Ezekiel sa loob at bahagyang tumango bilang paggalang. "Hindi ko alam na naka-confine din pala rito si Mrs. Guevarra. Kamusta ang pakiramdam niyo?" Nagulat si Lenora sa pagiging polite ni Ezekiel sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya ay nakikinabang siya sa panganay niyang anak na si Jade. Dati na silang nagkaka-krus ng landas ni Eze
Gaya ng inaasahan, ang lahat ito ay para lang sa imahe ng pamilya Guevarra. Kung hindi lang dahil sa reputasyon nila ay malamang ay hindi na nila nagawang suportahan pa si Jade pagkalabas niya ng kulungan. Wala naman silang blood relation at madali lang sana para sa kanila na i-dissolve ang adoption at pabayaan na lang siya sa sarili niya. Pero kilalang pamilya ang mga Guevarra. Dahil mahigit isang dekada siyang tumayo bilang panganay na anak ng pamilya ay kilala ang mukha ni Jade sa circle nila. Mula nang bumalik si Xianne ay alam na ng lahat na adopted daughter lang siya. Kapag tinalikuran nila siya ngayon ay siguradong pagtsitsismisan sila ng mga tao. "Galing na ako sa kulungan at nagdala na ng matinding kahihiyan sa pamilya Guevarra. Ano pa bang halaga niyan ngayon?" prangkang tanong ni Jade. Totoo ang nararamdaman niya. Hindi lang iyon hirit para mairita sila. Gaya ng hula niya ay bakas ang pagkailang sa mga mukha nina Lenora at Vince. Takot na takot naman si Xianne na pag-
"Mom, may hindi ka alam. Ayaw ko lang na mag-alala ka habang nasa ospital ka, pero ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik ni Ate sa Guevarra Family Estate ay dahil... nakatira na siya kay Ezekiel Elizalde," sabi ni Xianne, halatang naglulungkot-lungkutan ang boses.Muntik nang mapatawa nang mapait si Jade.Kitang-kita na si Xianne ang pinaka-ayaw na bumalik siya sa mansyon ng mga Guevarra ngayon dahil handa pa itong gumawa ng mga harap-harapang kasinungalingan para lang masiguro iyon."Xianne, please lang. Huwag kang mag-imbento hangga't wala kang hawak na ebidensya," malamig na sabi ni Jade.Kung wala lang si Lenora ay baka nasampal na niya si Xianne para lang tumahimik ito. Ang tanging nagpipigil na lang sa kanya ay ang ilang taon na pagpapalaki sa kanya ng pamilyang Guevarra."Paano naging imbento ito? Sinabi sa akin ni Asher ang lahat. Doon ka nakatira sa bahay ng tito niya at nilalapitan mo pa ang pinsan niyang si Yuze. Ttinalikuran mo na si Caleb. Nanahimik lang ako kasi ayaw







