Share

Chapter Thirteen: Panic

NAPASANDAL ako sa pader ng banyo matapos tadyakan ni Damon ang pintuan. Bigla itong bumukas at nabutas pa ang ibabang bahagi ng pinto.

Nagtama ang aming paningin at bakas sa kanyang mata ang labis na pag-aalala. Kapagluwa'y siya rin ang unang umiwas ng tingin.

"Tss, what the hell is going on with you?" singhal niya at kitang-kita ko ang sunud-sunod niyang paglunok matapos niyang pagmasdan ang hubad kong katawan. "Akala ko ay may masama ng nangyari sa'yo!" halos pabulong niya ng sambit at agad akong tinalikuran.

Kaagad kong hinila ang tuwalya na kanina lang ay isinabit ko sa likod ng pinto at naiilang na naglakad ako pabalik sa aming kama.

Bigla akong nakaramdam ng ginhawa nang makita kong wala na doon si Damon. Marahil ay nagmadali na itong lumabas.

Nagmadali ako sa pagbibihis. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking cellphone at agad kong tinawagan si Trisha.

"Trish, where are you?"

"Uhm, umalis kami. Sinamahan ko ang make up artist at ang event organizer na mamasyal muna."

"Huh?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status