LOGIN
"What the hell happened to my car?" my father shout angrily while looking his blue BMW X2 na yupi ang unahan. "Who did this?" patanong na sigaw ni Daddy habang namumula ang mukha sa galit.
"Mario! Mario! Where are you?" galit nitong tawag kay Mario na siyang driver nito ng mahabang panahon. Mabilis na lumapit kay daddy si Mang Mario habang dinidilaan ang kamay nitong may mga kanin pa. ‘Poor Mario.Kumakain ka pa pala tapos sinira lang ni daddy ang kasarapan nito sa pagkain.’ "Bakit po, Sir?" tanong naman nito kay daddy at muling dinilaan ang kamay. "What happened to my car, Mario?" pigil sa galit na tanong ni daddy kay Mang Mario. Napatingin si Mang Mario sa kotse ni daddy at gano’n na lang ang reaksiyon nito nang makita ang sirang unahan ng kotse. "Anong nangyari sa kotse mo, Sir?" gulat na tanong ni Mang Mario sabay hipo nang nayupi na unahan ng kotse. "Anong nangyari dito bakit nasira ‘to?" tanong ulit nito habang patuloy sa paghihimas sa yupi. “Kawawa ka naman.” Nakalimutan na yata ni Mang Mario na puno ng kanin ang kamay nito kaya hayon nagsidikitan sa kotse ni daddy. "Hindi mo alam kung bakit nasira ang kotse ko Mario?" medyo kumalma na ang boses na tanong ni daddy kay Mang Mario. "Naku, hindi po, Sir. Ipinark ko lang ‘yan dito kagabi pagkauwi natin. At pagkatapos wala na, kumain lang ako saka natulog at nagising nitong umaga. Naligo at saka nag-almusal." mahabang sagot ni Mang Mario kay daddy. "Alright, nag-almusal ka nga." wika ni daddy kay Mario habang nakatingin sa butil ng kanin na dumikit sa kotse. "Dahil nag-almusal ka tanggalin mo ‘yang mga butil ng kanin sa kotse ko." utos nito kay Mang Mario na agad naman nitong dinaluhan at pinunasan gamit ang sariling kamay nito. Nakalimutan na naman ni Mang Mario na sa kamay niya galing ang kanin. Kaya imbes matanggal lalo pa itong nadagdagan. "Mario gamitin mo ang pamunas hindi ang kamay mo na may kanin." nagpipigil na wika ni daddy kay Mario. ‘Mukha tataas na naman ang dugo ni daddy sa umagang ito.’ "Sorry po, Sir." ani nito sabay hubad ng kanyang damit at ginawang pamunas sa kotse. "Mario, ang sabi ko pamunas hindi damit mo.” wika ni daddy sabay sapo sa noo. "Ang totoo, Sir, basahan na ito, kinuha ko lang dahil maganda at maayos pa. Sa susunod po, Sir, pag-ayaw mo na sa mga damit mo, bigay mo na lang sa akin, sayang e." sagot nito kay daddy habang pinupunasan ang kotse. Nakita kong napapikit-dilat si daddy nang ilang beses dahil sa tinuran ni Mang Mario. I knew it, stress na si daddy kay Mang Mario pero pinipigil niya lang ito. Dahil si Mang Mario is my daddy's friend, slash buddy, slash driver. 'You can do it, Dad! You're strong and healthy push mo lang yan.' mahinang cheer ko kay daddy habang pinapanood silang mag-amo. Sa tagal ni Mang Mario bilang driver ni daddy napatapos na niya ang dalawang anak nito sa college. May anak pa naman siyang nag-aaral ngayon at classmate ko pa sa Business of Arts. Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. I am so tired listening to my professors, talking like machine guns, that I can't understand and tolerate anymore. I hates school. Bumalik ang tingin ko kay daddy at Mang Mario na patuloy pa rin sa pagtatalo sa baba. Nandito kasi ako ngayon sa terrace namin sa second floor, nakaupo lang habang dinadamdam ang init ng araw na tumatama sa aking balat. Alas ocho pa lang pero masakit na sa balat ang init. Naalala ko pa nong bata pa ako hindi pa ganito kasakit ang sikat ng araw. Hayst! Global warming. "After you eat, bring my car to the repair shop para may masira ulit si Romane." dinig na dinig kong wika ni daddy. Ang galing talaga ni daddy at alam niya na kaagad kung sino ang may salarin. Umalis na ako sa kina-u-upuan ko bago pa man ako mapansin ni daddy. Mahirap ng ako pa ang mautusan magpatalyer. Mabilis akong pumasok sa aking kuwarto at in-on ang stereo. Nagpatogtog nang malakas para kung sakaling tawagin ako ni daddy ay hindi ko siya marinig. Nakakatakot maratatatat ni daddy, maaga pa naman. Ang pangit kayang pagalitan nang kasisimula pa lang ng umaga. Pagkatapos kung ma-on ang speaker agad kong kinuha ang aking tablet na nakapatong sa maliit kong mesa. Nang makuha ko na agad akong umupo sa ibabaw ng aking kama at hinanap ang Mobile Legend app para maglaro. ______ "Putik naman Layla o bakit ang kupad kupad mo? Bilisan mo!" sigaw ko habang hawak-hawak ang aking tablet at pinapatakbo si Layla palayo sa war zone. Hindi pwedeng mamatay ka kaagad Layla nagamit ko na ang Regent at kailangan ko pa na mag-antay ng 60 seconds para makaregenerate ulit. "Ano ba ‘yan, Layla?” reklamo ko ulit saka pinindot ang high speed button na bigla lang nag-pop up, pinapaikutan ito nang kulay gold. Medyo bumilis na ang takbo ni Layla at ang putik na Zilong hinahabol pa rin ako. Bigla kong hininto si Layla at hinarap si Freya na warrior ni Leonardo ang putik ang ganda ni Miya kaysa kay Layla kong makupad. Nakipag-away muna ako kay Miya hanggang sa mamatay ito. “Ano ang akala niyo sa akin pipitsugin? No. No. No”. wika ko habang nakangiti nang malapad. Babalik na sana ako sa war zone nang bigla akong napatigil. Dahil bigla na lang namatay ang paborito kong togtog. Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakalagay ang aking speaker, doon ko lang nakita at napansin ang aking ama na nakatayo habang nakatingin sa akin ng seryoso. "Dad, why did you off my speaker?" tanong ko. "Sayang ang kuryente, hindi ka naman nakikinig."sagot ni daddy sa akin at tumingin sa tablet na hawak ko. Kaya wala akong magawa kundi ang um-exit kahit mape-penalty-han ako. Laro lang yan. Huhuhu. ML lang yan. Putik! Bababa ang rank ko! Anak ng patis! "Dad naman sana pinatapos mo lang naman ako sa laro ko. Dad bababa ang rank ko sa ML." reklamo ko kay daddy habang nai-iritang kumakamot sa ulo. "Bakit mas bababa pa ba yan sa grades mo, Romane?" tanong sa akin ni daddy sabay cross arm. "Bumaba ka dalhin niyo ni Mario ang kotse ko sa talyer para maayos." "Ayoko ko, Dad. Hindi ko kasalanan kung bakit nayupi ang kotse mo?" sagot ko sa kanya. "Nakakahiya naman sayo anak umaamin kana kaagad. Hindi pa nga kita tinatanong kung ano ang nagyari sa kotse ko, may sagot ka na agad.” wika ni daddy sa akin at ako naman ay napakamot nalang sa ulo. Bakit may sinabi ba ako hindi naman a. "Kasalanan kasi Gianna, Dad. Ginalit niya ako kaya binangga ko ang kotse niya at ayon sirang-sira ang kotse niya." kuwento ko kay daddy habang tumatawa. Ngunit isang masakit na batok ang dumapo sa batok ko. Binatukan ako ni daddy dahil sa sinabi ko. "Tuwang-tuwa ka yata at nasira mo ang kotse ng anak ni Mario pero hindi mo naisip na sinira mo rin ang kotse ko." wika sa akin ni daddy na ikinatahimik ko habang hinihimas himas ang batok kong masakit. "Ipaayos mo ngayon na ang kotse ko kung ayaw mo na iyon ang dadalhin mo sa school araw-araw." banta sa akin ni daddy. "What? No!Ayoko ko sa kotse mo. Ang pangit." agad kong sagot kay daddy. "Pangit pala ang BMW X2 ko, ha. P’wes, ‘yon na ang kotse mo simula sa Monday, total ikaw naman sumira no’n. Palit muna tayo, sa akin na muna ang kotse mo." "Madali akong kausap dad, ikaw naman hindi mabiro. I'm going po, just give me money for repairs." tugon ko kay daddy. Hindi p’wede na gamitin ni Daddy ang baby ko. Akin lang ang baby ko. "Uh-uh! All I know, ikaw ang nakasira ng kotse ko, bakit ako ang magbabayad? Bayaran mo ang repair.” wika ni daddy na isa sa mga kinakatakotan ko. Ang salitang ‘ako ang magbabayad.’ "What? Daddy naman, ang mahal magpa-ayos no’n, bakit ako magbabayad?" sagot ko kay daddy na bahagyang tumaas ang boses. No and never. Wala akong balak magbayad para sa repair. "Kasalanan ko ba o kasalanan mo na nasira iyan?" si daddy. "Ako ang may kasalanan." pag-aamin ko. "E di ikaw magbayad." "Dad naman. Mahirap lang po ang anak ninyo, hindi po ninyo ako binibigyan nang milyones katulad nang sa mga nasa story, drama or movie." reklamo ko. "Mas mahirap ang anak ni Mario." wika ni daddy sa akin. "So, you are siding of that half human Gianna?" irita kong sagot kay daddy. "Kaysa naman kampihan kita, hindi hamak na matalino ‘yon kaysa sayo. At kahit tomboy si Gianna, matino naman. Nakakahiya naman sayo." "Ah, patalinohan pala ang labanan. E di sana in-inform niyo ko para nakapaghanda ako. Hindi pala anak ang basehan, grades pala." nagtatampo kong sagot kay daddy. "Hindi ganyan. If you're responsible of what you've done then maybe. Romane anak, you need to be responsible for what you've done. You need to shoulder all the results of your actions, you are a man and as a human being." "Argh. Dad, you're so unfair." halos mangiyak-ngiyak kong wika. "I gonna kill that tomboy Gianna." ani ko pa. "I am not unfair, Romane. I am just correcting you as my son, as your father." wika ni daddy sabay hakbang palabas ng pinto ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas ay tinawag niya ako. "Romane". tawag sa akin ni daddy. "Yes, dad." "Binigay ko kay Mario ang pambayad. Ang dami mong drama hindi ka man lang magso-sorry?" si daddy. "I hate you dad, you scared me you know that?." sagot ko kay daddy. "Ako ang magbabayad sa kotse ko bayaran mo ang kay Gianna kung ayaw mong maglakad araw-araw." wika sa akin ni daddy. Kainis. "Pero dad, mahirap lang ako. Hindi ako mayaman katulad niyo ni mommy. Anak niyo lang po ako." "No buts. Kawawa si Gianna matalino pa naman bata na iyon. At isa pa dalawa lang kayo ang pinagka-gastusan namin.” "Dapat nga magpasalamat pa si Tomboy, kasi binigyan mo siya ng kotse. At siya dapat magbayad dahil kotse niya y---na sinira mo." agaw sa akin ni daddy sabay layas sa tabi ko. "I hate you, Dad!” "Make it fast, Son, Mario is waiting for you downstairs.” Napangiti ako sa sinabi ni Daddy. I'm aware that we always quarrel or exchanging good and bad words every day, we know that we love each other. I love him as my father, and he loves me as his son.PARTY."Hi, sweetie, how are you?" malanding bati sa akin ni Stefanie San Diego. Si Stefanie and siyang paka-kasalan ko sana, ngunit pinili kong pakasalan si Gianna at siyang asawa ko na ngayon. Humawak sa aking balikat si Stefanie saka nilaro-laro ang kuwelyo ng suot kong white long-sleeves. Pahaplos na nilandas ng kamay ni Stefanie ang aking balikat pababa sa aking dibdib habang kagat-kagat ang ibabang labi nito. Sobrang landi talag."Romane. Oh my, Romane.” bigkas nito ng pangalan ko na puno nang pang-aakit. “I missed you, Romane.” ani nito saka dumukwang at binigyan ako ng wet kiss sa pisngi. Eww! Gusto ko siyang itulak kaso hindi ko magawa dahil kay Mayor. Isa pa, oyoko nang eskandalo sa ika-23rd year anniversary nina mommy at daddy. Ninong sa kasal ni Mommy at Daddy si Mayor, respected person, pero itong anak niya walang respeto.Bisita nina Mommy si Mayor San Diego at ang pamilya nito, kaya tiis muna ako. Hahanap na lang ako ng paraan para makalayo sa babaeng ito. Umatras ako
Hayst!Tatlong buwang na kaming kasal ni Gianna at isang buwan na ring sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya. Walang may nakakaalam ng kasal na kami bukod sa mga iilang kamag-anak at pili na kaibigan namin ni Gianna. Kaya kahit papa’no malaya pa siyang makagala and worst makapanligaw. Ilang beses ko na siyang nahuling nag-aakyat ng ligaw sa bagong lipat na kapitbahay namin. May dalwang dalaga at dalawang lalaking anak kasi ang mag-asawa. At ang masaklap ay natipuhan ni Gianna ang isa. Kay heto ako ngayon, stress na stress na sa kaniya. Gusto ko na nga balian ng paa si Tomboy, para hindi na makalabas ng bahay. Higit sa lahat, hindi na makapangharana. Yes, hinarana ni Gianna ang anak ng kapitbahay namin. Kinuntsaba pa nito ang driver at katulong ng mga ito. Naiinis at nagagalit na napahilamos ako sa aking mukha at pabalik-balik na nagpalakad-lakad dito sa sala ng bahay. Napauwi ako ng maaga galing sa opisina dahil sa tawag ni mommy. Grabe pa naman ang pinagsasabi ni Mommy Joyce sa ak
"LET’s go, Babe. Swimming tayo." yaya ko kay Gianna habang nakatingin sa kan’ya na may malaking ngiti sa labi. Gusto kong magtampisaw sa dagat at umuwing na-enjoy ang bakasyon. Hindi po ito honeymoon, bakasyon lang ito. Paano ba naman ako maka-score nito kung masyadong mailap at amazona itong asawa ko? May sugat pa nga ako sa balikat dulot ng pagkakagat nito sa akin kahapon. May sugat din ako bibig ng sinuntok niya ako at kahapon din nangyari iyon. Ang kaninang malakinh ngiti sa labi ko ay biglang napalis nang tumama sa pagmumukha ko ang magkasunod na unan. Hindi man lang ako nakailag at sapol kaagad ako sa mukha. Siraulo talaga itong si Gianna. Muntik pa akong matumba sa lakas nang pagkabato niya sa akin. "Ano na naman na ang kasalanan ko sa’yo, Babe?" asik ko saka pinulot ang dalawang unan na nasa sahig. Habang si Gianna ay nangangaligkig na tila giniginaw kapag sinasambit ko ang katagang "babe". Shit, nandidiri ang putik. Dadating ang araw uungol ka din sa akin. 'Sakyan mo lang
Nagising ako ng naramdaman ko ang sakit ng tiyan. Bigla na lang kasi may tumamang tuhod, tubod ni Gianna. Sa laki ng kamang ito, heto, si Gianna nakayakap sa akin. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako. Pagkatapos ko kasing maligo kanina humiga na ako kaagad. Bigla kasinh ginupo nang antok dahil na din sa pagod. Nauna akong maligo kaysa kay Tomboy. Busy kasi ito kanina sa kawre- wrestling ng dove at rose petals at hindi nito tinigilan hanggang sa walang matira sa kama. Sa huli tumawag na ito sa intercom at nanghingi ng walis at dustpan. Si Gianna na rin mismo ang nagwalis kahit sinasabi na ng taga-linis na siya na lang ang gagawa. Hindi talaga ito pumayag, gigil na gigil pa ito sa pagwawalis habang kagat ang ibabang labi. Pagkatapos nitong masiguro na wala ng petals sa sahig at sa kama namin ngumisi ito ng malaki na tila nanalo sa lotto. Baliw talaga. Bumalik ang tingin ko kay Gianna ng bigla na lang itong yumakap sa akin. Nagulat pa ako. Hindi ko nga siya niyakap pabalik
Pagka-akyat namin sa eroplano, hinanap ko kaagad ang designated sets namin ni Gianna. Inaantok pa rin kasi ito at gusto ko din na makatulog siya kahit ilang minuto lang. May bata pa akong kasabay maglakad sa isle ng eroplano. At may kasama din akong alagain na akala mo batang hindi nabigyan ng candy. Nilingon ko si Gianna na nakasunod sa akin. Wala itong kagan- gana kong maglakad at halos hinahatak ko na lang siya. Lalakqd, hindi ang ginagawa ni Gianna, gusto ko na siyang kutusan. "Gianna bilisan mo, please." wika ko. Imbes na bilisan, kabaliktaran ang ginagawa nito. Mukhanga sinusubok ni Tomboy ang pasensiya ko. Imbes na maglakad tumigil ito sa paglalakad. Kamuntik pa itong madapa dahil sa pagkahila ko sa kan’ya. Mabuti na lang mabilis ako at nasalo ko siya kaagad, kung hindi tatama sa semento ang tuhod niya. "Umayos ka nga kasi Gianna." nagtitimpi kong wika sa kan’ya. "Ayoko ng maglakad, Romane, pagod na ako." wika sa akin ni Gianna na tila iiyak. Napabuntong hininga na lang ak
"NAKAPIKIT na ako." mabilis kong sagot saka tumalikod na din. Ayokong masuntok pa ulit ang guwapo kong mukha, no. Sana hindi ko na lang sinabi kanina na titiisin ko lahat. Kasi hindi ko na matiis ang sakit ng suntok niya. Parang gusto ko na siyang putulan ng mga kamay. "Tapos kana ba?" tanong ko sa kan’ya habang nakatalikod at nakapikit pa rin."Hindi pa. Hindi ko nga matanggal-tanggal itong suot ko na ‘to. Nakakainit na ng ulo." sagot sa akin ni Gianna. Halatang nahihirapan ito, sa dami ba naman kasi ng petticoat na suot nito."Lagi naman mainit ang ulo mo. Gaano ba kabigat at kadami iyang suot mo?" nagtataka kong tanong ko at humarap dito. Hinawakan ko ang gown na suot nito para tulungan sana ito. Ngunit winaksi nito ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "Tutulungan na nga kita parang ayaw mo pa. Tapos galit ka pa.” ani ko sabay talikod. Ilang minuto ang nakalipas ng bigla na lang itong







