เข้าสู่ระบบ
“Lily, kung ang kahirapan ay isang subject, feeling ko magna cum laude ka na.”
Napahinto si Lilian Barrameda sa pagnguya ng pandesal. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaibigan niyang si Bea, na abalang hinihigop ang iced coffee habang nakaupo sa gilid ng fountain sa campus. “Wow. Good morning din sa'yo, bruha. Sana masarap ulam mo araw-araw.” “Thank you! Sana ikaw rin, kahit asin lang.” “Bea, may pera ako.” “Talaga? Magkano?” “Twenty pesos.” “Ah, okay. Akala ko twenty thousand. Nagulat ako, eh.” Napailing si Lily bago muling kinagat ang pandesal niyang binili sa pinakamurang panaderya sa labas ng university. Welcome to her life. Twenty years old, third-year college student, orphan, at may pangarap na kasingtaas ng mga building na nakikita niya sa business district. Ang problema, ang laman ng wallet niya ay hindi man lang sapat para sa pangarap niyang mag-unang bahagi ng buwan. Her parents died when she was still young. Simula noon, natuto na siyang dumiskarte. Walang nanay na maghahanda ng baon, walang tatay na magbibigay ng extra allowance, at walang kamag-anak na puwedeng tawagan kapag kailangan niya ng pambayad sa tuition. May maliit siyang kuwartong inuupahan malapit sa university. Sa umaga, estudyante siya. Sa gabi, minsan ay gumagawa ng assignments ng ibang estudyante kapalit ng bayad, nagtu-tutor, o tumatanggap ng kung anu-anong sideline. Hindi siya tamad. Sadyang mahal lang mabuhay. “By the way,” sabi ni Bea, “may utang ka pa sa akin na one hundred fifty.” “Alam ko.” “Kailan mo babayaran?” “Kapag mayaman na ako.” “Lily, twenty pesos ang net worth mo ngayon. Baka abutin tayo ng retirement age.” “Don't worry. Sa retirement mo, ako ang mag-aalaga sa 'yo.” “Bakit? Nurse ka?” “Hindi. Magnanakaw ako ng pension mo.” “Gaga!” Sabay silang nagtawanan. Sandali lang ang kanilang kapayapaan. “OMG! Is that Lily Barrameda?” Napatingin sila sa babaeng papalapit sa kanila kasama ang dalawa nitong kaibigan. Si Cassandra Villareal. Daughter of a wealthy businessman, certified campus queen, at babaeng parang allergic sa mga taong hindi kayang bumili ng branded na gamit. Mula ulo hanggang paa, mamahalin ang suot nito. Designer bag, imported shoes, at relo na malamang ay katumbas na ng isang semestre ng tuition ni Lily. Napatitig si Cassandra sa damit ng dalaga. “Girl, where did you buy that dress?” Tumingin si Lily sa sarili niyang suot. Simpleng floral dress na binili niya sa bangketa sa halagang one hundred twenty pesos. “Sa bangketa. Bakit? Gusto mo rin? May sukli pa ako sa tindera.” Natawa ang dalawang kasama ni Cassandra. “Seriously?” Cassandra raised an eyebrow. “You actually wear clothes from the sidewalk?” “Hindi, sa kisame ko binibili. Para unique.” “Lily!” saway ni Bea habang pinipigilan ang tawa. Cassandra crossed her arms. “I'm just curious. Don't you feel embarrassed? I mean, this is an exclusive university. At least make an effort to look presentable.” Tiningnan siya ni Lily mula ulo hanggang paa. Then she smiled. “Thank you for your concern. Pero presentable naman ako. Ikaw, mukha kang resibo ng credit card.” “Excuse me?” “Ang haba kasi ng gastos mo. Nakakapagod tingnan.” Napasinghap si Bea at napahawak sa dibdib. “Lord, kunin Mo na ako. Ayoko nang mabuhay sa mundong ito!” “Shut up!” singhal ni Cassandra. “Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng hangin?” sagot ni Lily. Namula ang mukha ni Cassandra. “You're so cheap!” “Correct. Kaya nga hindi ako basta-basta bumibili ng bagay na hindi ko afford.” “Maybe if you weren't so poor, you wouldn't have to wear trash.” Saglit na natahimik si Lily. Hindi dahil wala siyang maisasagot. Kundi dahil may mga salitang kahit gaano ka kapal ang mukha mo, masakit pa ring marinig. Pero hindi siya papayag na makita ni Cassandra ang tama ng insulto nito. Lily tilted her head. “At least, damit ko lang ang cheap. Ikaw, pati ugali mo, mukhang naka-sale.” May ilang estudyanteng napalingon. Ang iba ay napatawa. May isang estudyanteng naglabas pa ng cellphone na parang nanonood ng live entertainment. Cassandra stepped closer. “You think you're funny?” “No. I think you're insecure.” “About you? Please!” “Then why are you so obsessed with my dress?” “Because it's ugly!” “Then stop looking at it, babe. Baka mahawa ka.” “LILY!” sigaw ni Bea, halos maubos ang hininga sa pagpigil ng tawa. Cassandra glared at them before turning away. “Enjoy your cheap little life. Let's see how far your attitude will take you.” Lily's smile slowly faded. “Farther than your daddy's credit card, hopefully.” Nag-echo ang tawanan sa paligid. Cassandra stormed off, habang ang dalawang kaibigan nito ay nagmamadaling sumunod. Nang makaalis ang mga ito, umupo si Lily sa gilid ng fountain at ibinaba ang tingin sa kanyang damit. “Okay ka lang?” tanong ni Bea. “Of course.” “Lily.” “I'm okay, Bea.” Pero hindi niya maiwasang hawakan ang laylayan ng damit niya. Alam niyang luma na ito. Alam niyang hindi ito branded. At alam niyang kung gugustuhin niya, maaari siyang bumili ng mas maganda—kung handa siyang hindi kumain nang ilang araw. She swallowed the lump in her throat. “Someday,” bulong niya, “bibili ako ng damit na kahit magkano, hindi ko kailangang pag-ipunan nang tatlong buwan.” Bea squeezed her shoulder. “Someday, bibilhin mo ang buong mall.” “Hindi naman. Baka magselos ang mall.” “Gaga ka talaga.” Muli silang nagtawanan, pero sa loob-loob ni Lily, alam niyang hindi sapat ang tapang para mabago ang buhay niya. Kailangan niya ng pera. At marami-rami rin. --- Pagsapit ng gabi, nakahiga si Lily sa manipis niyang kutson habang nakatitig sa kisame. Sa tabi niya ay ang laptop na ilang beses nang nagbanta na susuko na sa buhay. Kailangan niyang magbayad ng renta sa katapusan ng linggo, bumili ng mga libro para sa susunod na semester, at magtabi ng pamasahe para sa OJT application niya. Binuksan niya ang banking app niya. Available balance: ₱386.50. “Wow,” bulong niya. “Mayaman na ako. Puwede na akong magtayo ng empire.” Makalipas ang ilang segundo, tumunog ang cellphone niya. BEA: Girl, gising ka pa? LILY: Hindi. Multo ito. Ano kailangan mo? BEA: May itatanong ako. Promise, huwag kang magagalit. LILY: Kung pera, wala ako. Kung chismis, buhay na buhay ako. BEA: May app akong nakita. Sugar dating app. Napaupo si Lily. LILY: Ha? BEA: May mga older men na nagbibigay ng allowance sa girls in exchange for companionship. Chats, calls, dates, depende sa arrangement. May ibang online lang. Matagal na tinitigan ni Lily ang screen. LILY: Bea, mukha ba akong naghahanap ng matandang aasawahin? BEA: Hindi naman. Mukha kang naghahanap ng pambayad sa renta. LILY: Putangina mo HAHAHAHA. BEA: I'm serious. Hindi mo kailangang magmadali. Research mo muna. Be careful sa personal information, meetups, at kung ano mang hinihingi nila. Huwag kang magpadala ng pera sa kahit sino. Napahiga ulit si Lily. Hindi niya kailanman pinangarap na umasa sa pera ng ibang tao. Gusto niyang maging successful sa sarili niyang paraan. Gusto niyang patunayan na kaya niyang makaahon nang hindi humihingi ng limos sa sinuman. Pero minsan, nakakapagod ding maging matapang kapag wala ka nang pambayad sa kuryente. Binuksan niya ang link na ipinadala ni Bea. Isang bagong mundo ang bumungad sa kanya. Mga profile ng lalaking naghahanap ng companionship. Mga babaeng naghahanap ng financial support. Mga arrangement na may kani-kaniyang kondisyon. Lily bit her lower lip. “Hindi naman siguro masama ang makipag-usap,” bulong niya sa sarili. “Basta may boundaries. Walang pilitan. Walang lokohan.” Nag-scroll siya hanggang sa mapunta sa isang profile na walang litrato. Ang username? H. Simple. Walang mukha. Walang personal details. Pero may maikling description. Looking for someone genuine. Someone who can make me smile after a long day. Generous allowance. Online companionship preferred. No camera on my end. Napakunot ang noo ni Lily. “Ha? Sugar daddy na walang mukha?” Napangisi siya. “Serial killer ba 'to o introvert lang?” Dapat ay isinara na niya ang app. Dapat ay natulog na siya at nag-isip ng ibang paraan para kumita. Pero bumalik ang tingin niya sa salitang generous allowance. Tumingin siya sa wallet niyang halos hangin na lang ang laman. Naalala niya ang renta, ang tuition, at ang damit na pinagtawanan ni Cassandra. Then she whispered, “Fine. Let's see what you've got, Mr. No-Face.” Pinindot niya ang message button. LILY: Hi, H. Before anything else, may mukha ka ba o classified government secret ka? Pagkalipas ng ilang segundo, lumitaw ang reply. H: I have a face. Napangiti si Lily. LILY: Good. At least hindi ako makikipag-chat sa multo. H: You're funny. LILY: I'm expensive, too. Joke lang. Depende sa offer. Hindi niya alam na sa kabilang panig ng mundo niya, isang lalaking sanay mag-utos ang napatawa niya sa unang mensahe pa lang. At hindi rin niya alam na ang simpleng chat na iyon ang magiging simula ng isang arrangement na babago sa buong buhay niya. Dahil minsan, ang pinakamalaking pagbabago ay nagsisimula sa pinakamaliit na desisyon. At para kay Lily Barrameda, nagsimula ang lahat sa isang lalaking walang mukha.Nakatayo lamang si Lily sa harap ni Henry.Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. Ilang segundo na ang lumipas, pero tila wala pa rin siyang mahanap na tamang salita.“What if I tell you that I'm falling for you?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Henry.“Henry...” mahinang tawag niya.“Yes?”“Are you serious?”Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, marahan nitong hinawakan ang kamay niya.“Do I look like I'm joking?”Napayuko si Lily.“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”“You don't have to answer me tonight.”Tumingin siya rito.“Pero bakit mo sinabi?”“Because I don't want to keep pretending that you're just an ordinary friend to me.”Napakagat-labi si Lily.Sa totoo lang, matagal na rin niyang napapansin ang kakaibang nararamdaman niya para kay Henry. Hindi na lamang ito tungkol sa pagiging malapit niya kina Tita Emily at Lucas. Hindi na rin basta simpleng pagkakaibigan ang bawat pag-aalala, tawag, at paghihintay nito sa kanya.Pero may
Tahimik ang biyahe pauwi nina Lily at Henry.Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Villanueva Mansion, pareho silang maraming iniisip. Lalo na si Lily, na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga natuklasan niya.Ang bahay na pinasukan nila ay hindi lamang basta pamilyar sa kanya. May sarili siyang kuwarto roon. May mga bagay na tila matagal nang naghihintay na maalala niya.Pero ngayong gabi, ayaw muna niyang mag-isip.Gusto niyang magpahinga.“Henry?”“Yes?”“Gutom ka ba?”Napalingon ito sa kanya.“Gutom?”“Oo. Gusto kong kumain.”“Didn't you eat at the party?”“Konti lang. Ang daming tao, tapos puro sosyal ang pagkain. Parang nahihiya akong kumuha ng pangalawang serving.”Napatawa si Henry.“Where do you want to eat?”“Pares.”Napatingin siya rito.“Pares?”“Oo. Yung may mainit na sabaw, maraming bawang, at chili oil.”“Hindi ba dapat umuwi ka na at magpahinga?”“Pwede naman tayong kumain muna. Hindi naman ako gawa sa salamin.”Umiling si Henry, natatawa.“Alright. Your wish is my comman
Hindi pa rin maalis sa isip ni Lily ang kakaibang pakiramdam habang nakatayo sila sa gitna ng malaking receiving hall ng Villanueva Mansion.Kanina pa niya tinitingnan ang paligid. Bawat sulok ay tila may piraso ng alaala na naghihintay lamang na maalala niya.“Henry.”Napatingin sa kanya ang lalaki.“Yes?”“Pamilyar talaga ang bahay na ito.”Hindi agad sumagot si Henry. Sa halip, hinintay niyang ipagpatuloy ni Lily ang sinasabi nito.“May naalala ako, Henry.”“Ano iyon?”Dahan-dahang tumingin si Lily sa hagdanan.“Sa staircase... may mga nakaukit na seahorse, seashells, at dolphins.”Napatingin din si Henry sa hagdan.“Sigurado ka?”Tumango siya.“Hindi ko alam kung bakit, pero naaalala ko. Parang bata pa ako noong nakita ko iyon. Lagi ko raw tinitingnan at hinahawakan.”Napakunot-noo si Henry.“Gusto mong tingnan natin?”“Oo. Please.”Dahil nasa loob na sila ng mansion, hindi na sila nahirapang hanapin ang hagdanan. Dahan-dahang lumapit si Lily sa gilid nito at pinagmasdan ang kahoy
Matagumpay na natapos ang campaign na Every Child Deserves a Home. Matapos ang ilang linggong pagpaplano, meetings, at koordinasyon sa iba't ibang orphanage at charitable organizations, opisyal nang isinara ng Sterling Communications ang proyekto. Naging maayos ang lahat. Maraming tao ang nagbigay ng donasyon, may ilang kumpanya na nangakong magbibigay ng tulong sa mga partner orphanages, at mas maraming pamilya ang naging interesado sa pag-aampon at pagboluntaryo. Sa huling evaluation meeting, personal na nagpasalamat si Vivienne sa buong team. “Excellent work, everyone. We managed to finish the campaign successfully, and our client partners were satisfied with the results.” Napangiti si Lily. Bilang campaign manager, malaking bagay sa kanya na makita ang proyektong pinaghirapan ng buong team na magkaroon ng magandang resulta. “Congratulations, Lily,” dagdag ni Vivienne. “You handled the project professionally.” “Thank you, Ma’am. Hindi ko po magagawa iyon kung wala ang buong
Hindi na nakatulog nang maayos si Lily matapos ang mensahe ni Adela.Paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ng matanda.May mga bagay akong kailangang ipaliwanag sa iyo.Ano ba talaga ang alam nito? Bakit tila matagal na nitong hinihintay ang pagkakataong makausap siya? At bakit sa lahat ng taong maaaring magbigay ng kasagutan, si Adela pa ang muling nagpakita sa buhay niya?Maaga siyang bumangon kinabukasan. Pagkatapos maghanda, naupo muna siya sa gilid ng kama at tinitigan ang lumang litrato ng kanyang mga magulang.“Gusto ko na pong malaman,” bulong niya. “Kahit masakit, gusto ko nang malaman.”---Bandang alas-diyes ng umaga, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Adela.Adela: Lily, naiintindihan kong marami kang tanong. Kung papayag ka, gusto kitang makausap ngayong hapon. May gusto akong linawin tungkol sa gabing dinala kita sa St. Martha’s.Matagal na tinitigan ni Lily ang mensahe.Hindi na niya kailangang manghula kung anong bahagi ng nakaraan ang pag-uusapan nila.Ang gabing iyon
Hindi mapakali si Henry nang gabing iyon.Ilang beses niyang binasa ang mensahe ni Jason. Hindi dahil mahirap intindihin ang nakasulat, kundi dahil mas maraming tanong ang idinulot nito kaysa sagot.May isang taong nagbigay ng utos na huwag munang ibunyag ang tunay na pangalan ni Lily. May isa pang pangalan sa dokumento na hindi pa nila natutukoy ang kaugnayan.At ang pinakamasama, hindi niya alam kung gaano kalalim ang pagkakaugnay ng lahat ng ito sa pagkamatay ng mga magulang ni Lily.Kinuha niya ang telepono at muling tinawagan ang kanyang assistant.“Jason, may progress ka na ba sa pangalan?”“Wala pa, sir. Medyo kupas na ang bahagi ng dokumento. Kailangan naming makakuha ng mas malinaw na kopya mula sa archive.”“Gawin mo ang lahat ng paraan para makuha iyon. Pero siguraduhin mong walang makakaalam na iniimbestigahan natin ang tungkol kay Lily.”“Yes, sir.”“Isa pa. Huwag kang gagawa ng anumang hakbang na maaaring maglagay sa kanya sa panganib.”“Naiintindihan ko po.”Pagkababa n







