Share

Masquerading As The Billionaire's Wife
Masquerading As The Billionaire's Wife
Penulis: JEREMEYA

CHAPTER 1: SWITCH

Penulis: JEREMEYA
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-12 09:09:01

“Kinakabahan ako,” wala sa loob na usal ni Irene. Ngayong araw nila napagkasunduang magpalit ng pagkakakilanlan ng kakambal niyang si Iris. 

Abala siya sa pagsipat sa sariling repleksyon sa salamin. Nasa isang hotel sila ngayon, katatapos lang nitong gupitin ang buhok niya. 

Mahaba ang buhok niya at hanggang balikat lang ang sa kakambal niya kaya naman kinailangan itong gupitin at ayusin. Kung ibang tao siya ay marahil maging ang sarili niya ay maloko niya na siya ang kakambal niya.

“Normal lang ‘yan, pero please lang mag-iingat ka,” saad nito habang nakaupo sa kama. 

Huminga siya ng malalim at hinarap ito, “Sure ka ba na hindi niya mapapansin ang pagkakaiba natin?” 

“Hindi ‘yan, wala namang pakialam sa’kin ‘yon. Baka nga maski mga paborito ko ay hindi no’n alam.” Hindi niya tuloy maiwasang malungkot para dito. Kaya naman agad niya itong nilapitan at niyakap.

 Paborito ito ng ina at halos lahat ng luho ay ibinibigay kaya hindi niya alam kung bakit mas pinili ng nanay nila na ipagpalit ang kalayaan nito sa pera. 

“Pasensya ka na sa pagdamay ko sa’yo sa problema ko. Sobrang hirap lang talaga ng lahat para sa'kin, kung mapapapayag mo siyang makipaghiwalay sa'kin, tatanawin kong malaking utang na loob iyon sa’yo.” Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan siya sa parehong balikat, “Pero kahit anong mangyari, pumayag man siya o hindi, babalik ako pagkatapos ng isang buwan. We'll switch back.” 

“It's okay, huwag kang mag-alala ako ang bahala.” Bagama’t kinakabahan ay wala naman siyang nararamdamang pagsisisi sa pagpayag sa gusto nito.

It's like hitting two birds in one stone, matutulungan na niya ito sa problema nito at hindi na niya magiging problema ang pang-operasyon ng Lola nila. 

“Ipangako mo sa'kin na hindi mo pababayaan si Lola, mag-isa na lang siya sa buhay. Sa pagkakataong ito tayo na lang ang maaasahan niya,” bilin niya dito. 

Isa ang Lola niya sa dahilan kung bakit din siya pumayag makipagpalit sa kakambal. Masyadong malaking halaga ang kailangan sa operasyon at sa mga gamot nito. Kahit sampung raket pa ang pasukin niya ay hindi iyon sapat. 

Muli pa silang nagpaalaman bago siya umalis. Nang makalabas sa hotel ay nag-book lang siya ng taxi para magpahatid sa subdivision kung nasaan ang bahay ni Bryle Naval— ang asawa ng kakambal niya. 

Pasado alas-tres na, ang sabi ng kakambal niya ay gabi pa naman nauwi ang asawa nito. May oras pa siya para makapag-adjust sa bahay nito. 

“Narito na po tayo, Ma'am.” Napukaw ng driver ang atensyon niya. Nang tumingin siya labas ng bintana ay hindi niya namalayan na naroon na pala sila. 

Matapos makapagbayad sa driver ay nanatili pa siya ng ilang minuto sa labas ng bahay. Once na pumasok siya sa loob ay wala ng atrasan ‘to. 

Nang malikom ang lakas ng loob ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Walang guard sa gate at bukod pa roon ay bukas iyon. Kaya naman dumiretso na siya papasok.

Malayo pa lang sa main door ay naririnig na niya na may nagkakagulo sa loob ng bahay kaya naman walang pagdadalawang-isip na pumasok siya.

Halos matigilan siya sa nadatnan, hawak ni Bryle ang kwelyo ng pinsan nitong si Will habang inaawat naman ito ng kapatid nitong si Brian. 

Nakilala na niya ang mga ito sa larawan at mga impormasyong ibinigay sa kanya ng kakambal. 

Anong nangyayari sa mga ito? 

“Ma'am Iris?” Napalingon siya nang marinig ang pagtawag sa pangalan ng kakambal. Ang mayordoma iyon ng pamilya Naval. Bakas sa mukha nito ang nerbyos marahil dahil sa nangyayari. 

Naagaw din no’n ang atensyon nila Bryle. Samantalang napako naman ang mga paa niya sa kinatatayuan.  

Nang muling ibaling niya ang tingin kila Bryle ay nabitawan na nito ang kwelyo ng pinsan at mabilis itong naglakad palapit sa kanya. Napaatras siya sa sama ng tingin nito, bigla ang pagbugso ng kaba sa dibdib niya. 

A-anong balak gawin nito? 

Nang makalapit ay bigla siya nitong hinila sa braso at hinawakan ng mahigpit doon na ikinangiwi niya. 

“A-ano ba!” Pilit niyang hinihila ang braso dito ngunit mas lalo lang nito iyong hinihigpitan. 

“Bitiwan mo siya!” Mula sa likod nito ay nakita niya ang paglapit ng pinsan nito ngunit hindi pa man nito nahahawakan si Bryle ay nasapak na ito ng huli na ikinatili niya. 

Hindi siya sanay sa ganito, ayaw niya sa mga bayolenteng tao. 

Hindi maiwasang mamasa ang mga mata niya hindi lang dahil sa mga nangyayari kun'di dahil din sa sakit ng pagkakahawak sa kanya ni Bryle. 

Hindi niya lubos maisip na ganito ang pinagdadaanan ng kakambal niya, ang sabi nito ay binabalewala lang ito ng asawa, hindi nito nabanggit na sinasaktan din ito. 

“Ngayon, umamin ka sa'kin!” Halos umalingawngaw sa buong bahay ang boses nito. Mas hinila pa siya nito palapit dito, “Saan mo dinala ang ninakaw mong pera sa kumpanya!” 

Ninakaw? Tila umatras ang mga luha niya sa sinabi nito. 

“H-hindi ko alam kung anong sinasabi mo,” mahinang saad niya.

Hindi niya talaga alam dahil hindi naman siya ang kakambal niya. 

Imbis na bitiwan siya ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. “Akala mo ba hindi ko alam ang unti-unti mong pagnanakaw sa'kin hindi lang sa kumpanya? Mapapalagpas ko pa kung sa'kin mo lang gagawin ‘yan, pero ibang usapan na ang kumpanya. Maraming empleyado ang apektado dahil sa pagiging makasarili mo!” 

“W-wala akong kinuku—” hindi na niya natapos ang sinasabi ng bigla na lang siya nitong itinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig. Napaigik siya nang tumama ang balakang niya sa matigas na tiles.

“Kuya, calm down.” Agad na pumagitna sa kanila ang kapatid nito na ipinagpasalamat niya. Bukod sa hindi niya alam kung anong gagawin at sasabihin ay naguguluhan siya.

“Nasaan ang Fifty million? Saan mo dinala!” Nahigit niya ang hininga ng marinig ang halaga ng sinasabi nitong ninakaw niya. 

Nangangatal man ay pinilit niyang tumayo at hinarap ito. 

“Wala akong kinukuha, iharap mo muna sa'kin ang ebidensya mo na ako talaga ang kumuha.” Kung ang kakambal niya ang inaakusahan nito ay paniguradong may ebidensya ito.

Maski siya ay gustong makita ang patunay nito, hindi siya maniniwala hangga't hindi niya nakikita ang patunay. 

Maayos pa silang naghiwalay ni Iris kanina, kaya imposible ang paratang nito.

Ngumisi ito, “Kokolektahin ko ang lahat ng ebidensya at sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan kahit na asawa pa kita,” galit na saad nito bago umalis. Agad naman itong sinundan ng kapatid. 

Nakasunod ang tingin niya dito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.

Tatawagan niya si Iris, kailangan niyang malinawan sa mga nangyayari. 

Masakit man ang balakang dahil sa pagkakatulak sa kanya ay sinikap niyang lumakad. Hindi na niya pinansin ang iba pang nandoon at dumiretso na sa silid nila.

Nang maisara ang pinto ay nanginginig ang kamay na inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang kakambal. 

Ngunit hindi nito iyon sinasagot. “Come on, Iris. Answer the phone.” Kailangan niya itong makausap. 

Nakailang tawag pa siya ngunit hindi talaga nito iyon sinasagot. 

Napasalampak na lang siya sa sahig sa kawalan ng pag-asa. 

Kung sakali man na ang kakambal niya ang nagnakaw ng pera na iyon, hindi lang tiwala niya ang masisira nito pati ang sarili nitong pangalan. 

Ngunit sa pagkakataon na ito, wala iyong saysay. Dahil siya ngayon si Iris, anuman ang kasalanan ng kakambal, siya ang magbabayad no’n. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 4: ALLERGY

    Mas lalong sumasakit ang katawan ni Irene kapag laging nakahiga at walang ginagawa. Kaya naman inabala niya ang sarili sa paglilinis ng buong bahay. Tatlong araw na rin ang nakalilipas simula ng umalis si Bryle sa bahay. Sa pananatili niya doon ay wala siyang contact man lang sa labas. Ilang araw na rin siyang hindi mapakali sa kaiisip kung kamusta na ang operasyon ng Lola niya. Kaya naman para maiwasan ang pagkaburyo at sobrang pag-iisip ay inabala niya ang sarili sa mga gawaing bahay.“Ma'am Iris ako na po ang bahala dito, magpahinga na po kayo,” pag-awat sa kanya ng isang katulong. Nililinis niya ang mga salamin sa buong bahay. “Hindi na, ako na ang bahala dito.” May kataasan ang mga salamin sa buong bahay kaya naman habang naglilinis ay nakatungtong siya sa hagdanan na kinuha niya pa sa storage room.“Naku ka! Baka malaglag ka diyan Ma'am!” Napapikit siya nang marinig ang malakas na boses ng mayordoma. Ilang araw na rin siya nitong pinipigilan na kumilos sa bahay. Kung hindi s

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 3: DIVORCE

    Palabas na sana siya ng silid nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Agad niya itong nilapitan at kinuha.Nang mabasa kung sino ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. It's Will, baka may balita na ito sa kakambal niya. “Hello?” salubong niya dito. “Galing akong hospital, pero wala doon si Iris. Ang sabi sa nurse station nag-iwan lang ng contact number ang kasama nito,” diretsong wika nito.“Ano?” gulat na wika niya. Usapan nila ay hindi nito iiwan ang Lola nila. “Sinong kasama niya?” “Yun nga e, ayaw sabihin ng mga nurse. I'll try to find out, then I will call you again.” Napaupo siya sa kama nang makaramdam ng panghihina.“Sinong kasama ni Lola? May mag-aasikaso ba sa kanya? Anong sabi ng mga doctor?” sunod-sunod na tanong niya, hindi siya mapapakali hangga't walang mag-aasikaso sa Lola niya.“Don't worry, katulad ng sinabi ng doctor naka-schedule bukas ang operasyon ng Lola mo. May mga nurse at doctor na rin ang naka-assign sa kanya. Bukod pa ro’n ay bay

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 2: CAUGHT

    Nang mahimasmasan ay napagdesisyunan ni Irene na pumunta sa hospital. Marahil ay naroon pa ang kakambal niya. Usapan nila ay hindi ito aalis doon hangga't hindi naooperahan ang Lola nila. Kaya naman nagmamadali niyang inayos ang sarili, dala ang cellphone at sling bag ay mabilis siyang naglakad palabas ng silid. Ngunit pababa pa lamang siya ng hagdan nang salubungin siya ni Will. Hindi na sana niya ito papansinin ngunit hinarang nito ang braso sa daraanan niya. Sinabi sa kaniya ni Iris na isa ito sa mga taong malapit dito. Ngunit wala siyang oras para kausapin pa ito.“Iris, let's talk.” Napaiwas siya rito ng akmang hahawakan nito ang braso niya. Napapahiyang ibinaba naman nito ang kamay.“I'm sorry pero may kailangan pa akong puntahan,” seryosong paumanhin niya. “Next time na lang tayo mag-usap.” Matapos sabihin iyon ay nilagpasan niya ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay napatigil siya sa sinabi nito, “I know you're not Iris.” Bagama't mahina ay pinakabog no'n sa kaba

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   CHAPTER 1: SWITCH

    “Kinakabahan ako,” wala sa loob na usal ni Irene. Ngayong araw nila napagkasunduang magpalit ng pagkakakilanlan ng kakambal niyang si Iris. Abala siya sa pagsipat sa sariling repleksyon sa salamin. Nasa isang hotel sila ngayon, katatapos lang nitong gupitin ang buhok niya. Mahaba ang buhok niya at hanggang balikat lang ang sa kakambal niya kaya naman kinailangan itong gupitin at ayusin. Kung ibang tao siya ay marahil maging ang sarili niya ay maloko niya na siya ang kakambal niya.“Normal lang ‘yan, pero please lang mag-iingat ka,” saad nito habang nakaupo sa kama. Huminga siya ng malalim at hinarap ito, “Sure ka ba na hindi niya mapapansin ang pagkakaiba natin?” “Hindi ‘yan, wala namang pakialam sa’kin ‘yon. Baka nga maski mga paborito ko ay hindi no’n alam.” Hindi niya tuloy maiwasang malungkot para dito. Kaya naman agad niya itong nilapitan at niyakap. Paborito ito ng ina at halos lahat ng luho ay ibinibigay kaya hindi niya alam kung bakit mas pinili ng nanay nila na ipagpalit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status