로그인"Masakit pala, Ate," pagpapatuloy ni Celine habang nangangatog ang kanyang mga labi. "Akala ko immune na ako. Akala ko dahil dalawang taon akong nagpakahirap na buuin ang sarili ko, hindi na ako makakaramdam ng inggit o kurot sa dibdib. Pero noong nakita ko si Kent na tumatawa kasama ang ibang babae
TAHIMIK ang gabi sa malawak na subdivision sa Forbes Park. Pagkatapos ng nakakapagod na biyahe pabalik mula sa press briefing sa Batangas, hindi na dumeretso si Celine sa kanyang condo sa BGC. Sa halip, dinala siya ng kanyang mga paa sa tahanan nina Mikael at Marikit, ang tanging lugar kung saan n
Hindi sumagot si Celine. Pinalipas na lamang niya ang usapan at muling ibinaling ang kanyang pansin sa iba pang bisita. — PAGKALIPAS ng isang oras, dahan-dahang nabawasan ang mga tao sa deck habang ang karamihan sa mga bisita ay nagsisipaghanda na para bumyahe pabalik ng Maynila. Naglakad si Celi
"Good afternoon, Celine, Architect Montenegro," masayang bati ni Samantha nang makalapit sila. Mabilis na humarap sina Celine at Julian. Napanatili ni Celine ang kanyang maayos at matatag na pader. "Good afternoon, Miss Varga, Mr. Morales." "Sam is fine, Celine! We talked about this," masayang sag
MALIWANAG at presko ang hangin sa malawak na cliffside pavilion ng Batangas Coastal Resort. Pagkalipas ng dalawang linggo mula noong gabing nagkausap sina Kent at Samantha sa BGC, idinaos ang opisiail na media at investor briefing para sa resort. Nakadisenyo ang buong lugar para sa mga mamamahayag,
NASA ISANG high-end exclusive fine dining restaurant si Kent at Samantha ng gabing iyon. Ang mahinang tugtog ng violin at ang banayad na patak ng ilaw mula sa mga modern chandeliers ay nagbibigay ng pormal ngunit maaliwalas na pakiramdam sa gabi. Nakatayo sa gitna ng mesa ang dalawang glass of red
BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali. Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya, ngunit wala itong nakita kundi katahimikan. Hindi na rin ito nagtanong pa. Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagma
ANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya. Malamig ang hangin sa labas ng St. Andreas Medical Center sa BGC. Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results
KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilal
ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago m







