RHIAN HOFREYMy beautiful face was etched with an evil smile. I found out that my grandmother's brother had died. Bravo! I did an excellent job. I was born to be a villain. Yes, you read that correctly.I was born to destroy the families of Villasanta and Montefona. Unfortunately, I fell in love with Xavier. And my Lolo despised me as a result.I don't care naman. Daddy and mommy support me in many ways. I have no work pero kaya kung bilihin pati buhay ng tao. Sa yaman kong ito, tanging si Janina Marie Villasanta lang ang may K na labanan ako. Of course, hindi ako papayag doon. Umiiyak na lumapit sa akin si Yna. She's looking for her dad. Itinaboy ko siya palabas ng silid ko. Nakakairita na makita ang mukha n'ya. Kung hindi ko lang siya kailangan gamitin, matagal ko na siyang iniligaw sa kalsada. I really hate her. Ayaw ko pang maging ina. Mas gusto kong mag-travel, magpakalasing sa bar and of course lumandi. "Mommy, where is daddy?" ulit ni Yna. "I don't know. Probably ay kasama n
JANINA MARIEMaaga akong pumunta sa Montefona Mansion para makausap ko ang mga magulang ni Xavier. Hindi ko na kaya pang makisama sa kan'ya. Napakasakit na alam niya naman na matanda na si Lolo pero nagawa niya pa na i-text ito ng mga bagay na pwede niya naman sanang i-confirm muna sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit siya hindi nagpakita sa burol ni Lolo. Marahil ay nakokonsensya siya sa ginawa niya or worst baka masaya pa siya dahil nasaktan niya ako ng sobra. Halos malaglag ang panga ng katulong na nagbukas sa akin ng malaking gate. Hinahanap niya si Xavier at ang sasakyan daw namin pero wala iyon dahil nag-commute lang ako."Nandiyan ba sina Mr. and Mrs. Montefona?" tanong ko. "Wala po, ma'am. Nasa bakasyon po sila sa Italy." Napasinghap ako sabay hawak sa bakal na gate. Tinanong ko ang katulong kung kailan ang balik ng mag-asawa at ang sagot niya ay isang buwan mamamalagi sa Italy ang mga ito. Nagtataka siya kung bakit hindi ko raw alam gayong galing doon si Xavier at napag
XAVIER WESLEYI can't control myself. Naghalo na ang galit, sakit at panlulumo dahil sa hindi ko inaasahan na mga pangyayari. My happy and peaceful life had devolved into a nightmare. And it's all due to Rhian. But I'm thankful that, despite everything, my bestfriend, Jake, never abandoned me. He always told me that if I wanted to keep my wife forever, I needed to fight.Ininom ko lahat ang laman ng bote ng alak na inilagay ni Jake sa table. Ang pag-inom ng alak ay paraan ko para makahinga kahit sandali lang. Minsan nga ay naiisip ko nang magpa-rehab dahil takot din akong maging dependent sa alcohol. "Xavier, lasing ka na, bro." Jake tapped my shoulder. "Parang pati ako ay mababaliw na kasi, Jake. Nag-aaway kami ni Janina kanina nang bigla na lang niyang tinawag ang pangalan ni Tommy, then nag-collapse na siya. I guess she's mentally ill." "Try to convince her to see a doctor, bro." "Eh, di lalong lumala ang away naming dalawa. Hindi na nga siya naniniwala sa akin. Simula ng dumat
JANINA MARIE Habang panay ang hampas ko sa pader ng walis-tambo na hawak ko ay pinagmamasdan lang ako ni Althea. Nakikipaglaro lang siya kay Jude at parang hindi siya affected sa pag-e-emote ko. Ngunit nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa dahil paraan ko iyon para mailabas ang galit ko kay Xavier. "Umayos ka nga, JM. Masisira na iyang walis na hawak mo," saway niya sa akin. "Galit ka po ba, mama?" pagkuwan ay tanong din ni Jude. "Bad po ba ako?" Ngumiti ako at inipit ko ang walis sa pagitan ng aking dalawang tuhod. "Hindi, anak. Sinusubukan ko lang kung gaano katibay ang pader," sagot ko. "Pwede ako rin po… Titingnan ko rin kung matibay ang pader." Tumakbo si Jude palapit sa akin at hinawakan ang walis. Nang makuha niya iyon ay inihampas niya rin sa pader. "Tingnan mo ang kalokohan mo. Pati anak mo ngayon, ginagaya na ang ginagawa mo," sita sa akin ni Althea. "Gusto mo bang lumabas para kahit paano ay ma-refresh ang isip mo?" "Ayaw ko, Althea. Nagtitipid ako." "JM, saway
JANINA MARIE Janina! Halos hindi ko na makilala si Althea na nasa harapan ng natutupok na bahay ni Lolo. Patakbong sinalubong kami ng aking kaibigan at niyakap niya ako. Dama ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso nang magkadikit ang mga dibdib namin. "Salamat naman at ligtas kayong mag-ina. Mabuti at lihim na natutulog si Xavier sa bahay na iyan kun'di baka kung ano ang nangyari sa inyo," saad ni Althea. Parang wala akong narinig. Nang bitawan niya ako ay agad kong tiningnan ang buong katawan ni Jude. Nagising siya dahil sa ingay ng bumbero. Umiiyak siya dahil sa ingay ng mga nagkakagulo na mga tao. Wala siyang galos o paso kaya nakahinga ako ng maluwag. "Okay lang po ba kayo, sir?" tanong ng isa sa mga armadong lalaki kay Xavier. Nakilala ko ang isa sa kanila. Iyong dating bodyguard na minsan ay lihim na nagbantay sa aming mag-ina. Inasikaso kami ni Jude ng mga medics na sakay ng ambulansya. Kinunan nila ako ng BP at si Jude ay kinakausap nila para daw hindi ma-trauma ang
JANINA MARIE"May ahas! May ahas!" sigaw ko habang tumatakbo sa pasilyo. Gusto ko kasing asarin si Xavier dahil sa nakita ko. Ang masungit na CEO ng Montefona ay tiyak uusok ang ilong dahil sa aking kapilyahan. Ngayon na alam ko na ang totoo kahit paano ay magaan na ang loob ko kaya nagagawa ko nang magbiro. Tawang-tawa ako sa aking kalokohan pero hindi ko inaasahan nang umakyat sa second floor ang chef at may dala siyang matalas na itak. "Ma'am, nasaan po ang ahas?" nagmamadaling tanong ng chef sa akin. "Ah… wala. Uhm…" utal-utal kong sabi. Uminit ang aking pisngi dahil sa pagkapahiya. "Ma'am, malaki po ba?" tanong ni Gemma. "Maliit lang. O-o-oo, maliit lang. Ay, hindi! Malaki! Sobrang laki. Lumabas na siya sa bintana ng silid na iyon," natataranta kong sagot. Itinuro ko ang aking silid. "Naku, naman. Kagagaling lang ni ma'am sa trauma na likha ng sunog tapos ito na naman," nag-aalala na sabi ni Gemma. "Palagyan n'yo po kaya ng screen ng bintana sa silid na iyan. May mga halam
JANINA MARIEIsang malakas na mura ang binigkas ni Xavier habang binabasa ang text na natanggap ko. "Tejero Crossing, car accident, get ready…" basa niya ulit. "Dámn! Who the hell is this?" Panay lang ang iling ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng text. Agad na pina-check ni Xavier kung may naganap bang car accident sa location na sinabi sa text pero negative naman daw sabi ng mga nautusan niya. "Baka banta ito." Kahit hindi hinihingi ang opinyon ay saad ni Gemma.Sinulyapan ko siya. Maaari nga na tama ang kasambahay namin. Subalit wala akong ibang pwedeng daanan na hindi ako iikot para maiwasan lang ang lugar. Ang Tejero Crossing ang pinakadinadaanan ng mga papunta o paluwas ng Tanza. "Maybe it's just a prank or probably it was sent to frighten you. Don't mind it." Pinakalma ako ni Xavier ng mga sinabi niya. Sana tama siya at mali si Gemma. Hinamig ko ang aking sarili. Pauwi na si Jude galing sa pamamasyal kasama si Jake at hindi niya ako pwedeng maabutan na sobrang te
JANINA MARIEMahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Xavier. Halos hindi ako makahinga dahil sa ginawa niya kaya tinapik-tapik ko ang braso niya. "I'm sorry, Janina. I know you are suffering because of me. Oh, God, what have I done to my wife?" sambit ni Xavier habang nakatingala at nagpipigil ng luha. "I was so devastated knowing na ang anak at asawa ko ay hindi gusto ang isa't isa. Believe me, I am trying to know your side pero nauunahan na tayo pareho ng galit. It was all my fault." "May mga pulis na naghihintay sa atin sa labas. Katulad ng sabi ko sa iyo noon, naiintindihan naman kita, Xavier." "Do you have any idea who wants to kill you, aside from Tommy and Rhian?" "Wala namang ibang taong gustong mamatay ako kun'di ang ex mo at ang pamilya niya. Sabi ko nga noon pa, sa tingin ko, sila rin ang nagpasunog ng bahay ni Lolo. Maaaring sila rin ang nagpadukot sa iyo. Wala naman kasi akong kaaway maliban sa 'yo. Kung hindi sila, maaaring nagmumula sa side mo ang gustong pumatay