Share

Chapter 3: The Third Collision

Author: Miss Patty
last update publish date: 2026-10-31 18:04:17

Mag-aalas-diyes na ng umaga, pero tila hindi pa rin humuhupa ang kaguluhan sa ikatlong palapag ng St. John General Hospital. Sunod-sunod ang tawag para sa stat orders, nagmamadali ang mga resident doctors sa pagdadala ng charts, at abala ang mga nurse sa pag-aayos ng laboratory results mula sa Central Diagnostics.

Sa gitna ng lahat ng iyon, naglalakad si Dr. Kaye Salazar sa hallway na para bang nasa fashion show, suot ang ivory-white coat at paborito niyang imported designer headband.

Sa kaliwang kamay niya ay isang makapal na blue patient folder. Sa kanan naman, hawak niya ang isang venti Caramel Macchiato na may extra whipped cream.

Kahit gaano kaabala ang ospital, hindi pa rin niya nakakalimutang ayusin ang sarili. “Oh, my God. Bakit ba ang daming charts na kailangang pirmahan ngayon? Para naman akong alipin ng kapitalismo sa sarili kong ospital.”

Napabuntong-hininga siya habang naglalakad gamit ang mamahaling block heels. Saglit siyang tumingin sa screen ng cellphone para ayusin ang buhok niya gamit ang front camera. Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa folder.

Ang hindi niya napansin ay ang lalaking papalapit mula sa kabilang dulo ng hallway. Si Dr. Nathan Villareal.

Suot nito ang malinis na white coat at hawak ang digital tablet na nagpapakita ng post-operative notes ng isang pasyente sa neuro-ICU. Seryoso ang mukha nito habang binabasa ang mga resulta.

Wala siyang ibang iniisip kundi ang trabaho. At lalong wala siyang balak makipag-usap sa sinuman. Hindi nakatingin si Kaye sa unahan. Si Nathan naman ay nakatutok sa tablet.

Sa isang iglap lang ang pagitan bago sila nagkabanggaan. BAM!

Lumipad ang blue folder ni Kaye. Kumalat sa sahig ang mga papel, at ang pinakamasama sa lahat, tumilapon ang buong Caramel Macchiato sa puting coat ni Nathan.

Tumama ang kape sa mismong dibdib nito, saka dahan-dahang kumalat sa malinis na tela.

Natigilan ang mga taong nasa paligid nila na tila ba bawal huminga o magsalita. Nanlaki ang mga mata ni Kaye.

“Oh, my God! No, no, no!” Agad niyang ibinaba ang walang lamang tasa at kinuha ang silk handkerchief sa bag niya. Mabilis niyang pinunasan ang coat ni Nathan, pero sa halip na makatulong, lalo lamang kumalat ang mantsa.

“I-I am so s-sorry, Doc! Hindi ko talaga sinasadya!”

Tumingin siya sa coat nito. “Ang ganda pa naman ng coat mo. Mukhang mas mahal pa sa buong sweldo ng isang junior resident!”

Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang tablet niya. Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagmura. Pero nang tumingin siya kay Kaye, sapat na ang ekspresyon niya para mapaatras ang sinumang makakakita.

Tumingin siya sa malaking brown stain sa dibdib niya bago muling itinaas ang mga mata kay Kaye. Huminga siya nang malalim.

“Do you have any idea that this is the third time we’ve collided?” Napakurap si Kaye.

“Third time?” mahina niyang ulit.

“Yes. Third.” Bahagyang yumuko si Nathan, saka muling tumingin sa kaniya.

“Are you deliberately tracking my movements, Dr. Salazar, or is your spatial awareness genuinely nonexistent?” Napanganga si Kaye.

Sa kabila ng kaba, hindi niya napigilang mapansin kung gaano kapogi ang lalaki kahit mukhang isang hakbang na lang ay sasabog na ito sa inis.

“Pogi pa rin kahit mukhang gusto na akong ipakulong,” naisip niya.

“Ay, sorry na, Doc Grim!” Sinubukan niyang ngumiti habang hawak pa rin ang panyo.

“Baka naman magnet lang talaga ang kagandahan ko kaya lagi akong napapalapit sa ’yo.” Hindi gumalaw ang mukha ni Nathan. “Seriously?”

“I’m just saying. Three collisions can’t be a coincidence, right?” pagdadahilan pa niya.

“Then perhaps you should start looking where you’re going.” Napangiwi si Kaye.

“Ouch. Personal attack agad?”

“It’s an observation.”

“Observation na masakit.” Muling pinisil ni Nathan ang tulay ng ilong niya.

“Stop wiping it,” pigil niyang suway.

Natigilan si Kaye. “Ha?”

“You’re making it worse.” Napatingin siya sa panyo. Tama nga naman. Mula sa isang malaking mantsa, halos kumalat na ang kape sa buong harapan ng coat.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay. “O-Okay. S-Sorry.”

Saglit na natahimik si Kaye bago muling nagsalita. “Pero, Doc, hindi mo naman kailangang tumingin sa akin na para bang nakapatay ako ng pasyente.”

“Your coffee is all over my coat,” matigas na boses na sagot ni Nathan.

“I know. Nakikita ko naman.”

“Then you should understand why I’m upset.”

Napakagat-labi si Kaye. Sa pagkakataong iyon, alam niyang wala siyang maidahilan. Kasalanan niya ang nangyari.

“I’m really sorry, Nathan.” Napatingin siya sa lalaki, umaasang kahit paano ay mababawasan ang inis nito. Ngunit nanatiling malamig ang mukha ni Nathan.

“I do not have time for this, Dr. Salazar. I have patients waiting for me.” Tumingin siya sa mga papel na nagkalat sa sahig.

“Pick up your things. And please, for the rest of the day, try to stay out of my way.” Pagkasabi noon, kinuha niya ang tablet at tumalikod.

Mabilis siyang naglakad patungo sa kaniyang opisina, suot pa rin ang coat na may malaking mantsa ng kape. Walang naglakas-loob na magsalita habang papalayo siya.

Nang mawala na si Nathan sa paningin nila, saka lamang nagsimulang gumalaw ang mga taong nakasaksi sa eksena.

Si Kaye naman ay nanatiling nakatayo sa gitna ng hallway, hawak ang walang lamang tasa. Napabuntong-hininga siya bago yumuko at pinulot ang mga papel.

“Great! Just great, Kaye.” Isa-isang inayos ang mga dokumento sa folder.

“Tatlong beses na kaming nagbanggaan, at sa pangatlo, kape naman ang ibinuhos ko sa kaniya.” Napapailing siya habang pinupulot ang huling papel.

“Kung may award para sa pinaka-bad first impression, panalo na ako.” Pagkatapos ay napatingin siya sa elevator kung saan dumaan si Nathan.

Unti-unting bumalik ang ngiti sa labi niya. “Pero, Doc Grim, huwag kang mag-alala. Hindi ko naman planong habulin ka sa buong ospital.”

Saglit siyang natahimik. “Unless kailangan kita sa isang emergency.” Natawa siya sa sarili saka pumasok sa elevator.

“Mission: Landi, Day Three. Major damage sa wardrobe, pero buhay pa ang mission!” Pagkasara ng elevator doors, saka niya naalala ang isang mahalagang detalye.

Hindi pa pala niya naiinom ang kape. Napatingin siya sa walang lamang tasa.

“Goodbye, my sweet Caramel Macchiato. You died too young.” At sa unang pagkakataon sa buong umaga niya sa ospital, ngayon lang siya natawa nang malakas.

Samantala, sa loob ng kaniyang opisina, nakatayo si Nathan sa harap ng salamin habang tinitingnan ang mantsa sa coat niya. Napapikit siya. “Dr. Kaye Salazar.”

Binanggit niya ang pangalan nito na para bang iyon ang pinakamalaking problema sa buong ospital. Ngunit bago pa siya makabalik sa trabaho, naalala niya ang expresyon sa mukha ni Kaye nang mapagtanto nitong nasira ang coat niya.

Hindi iyon ang unang pagkakataong nagkabanggaan sila. At malamang, hindi rin iyon ang huli. Napabuntong-hininga siya saka kinuha ang telepono para tawagan ang assistant niya.

“I need a clean coat. Immediately.” Pagkatapos ay ibinaba niya ang tawag.

“Unbelievable.” Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin.

Sa tatlong beses nilang pagkikita, tatlong beses ding nagkaroon ng aberya. At kung may isang bagay na sigurado siya, iyon ay ang katotohanang si Dr. Kaye Salazar ang pinakamagulong bahagi ng araw niya.

Ang hindi niya lang alam ay kung bakit, sa kabila ng lahat ng abalang idinudulot nito, hindi niya maiwasang maalala ang mukha ng babae. Ang babaeng nagbibigay ingay sa araw-araw niyang tahimik at malungkot na buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 9: The Stone Doctor, Melted.

    Sabado ng umaga.“Anak, pang-ilang palit mo na ba ng damit iyan?” Natigilan si Kaye habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng asul na dress, ngunit tila hindi pa rin sapat ang kaniyang itsura sa harap ng salamin.“Mom, I’m not even a birthday celebrant. Why does it feel like I have to go through a fashion show?” taka niyang tanong sa ina. Nakasandal si Karen sa pintuan ng kuwarto habang pinagmamasdan ang anak.Gusto sana niyang bulyawan ang anak subalit tila alam na niya ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan ang anak. “Hindi ko rin alam.” paunang sagot sa anak saka lumapit. “Pero simula nang banggitin mo ang pangalan ni Dr. Nathan, kanina ka pa paikot-ikot diyan.”“Ma!” mabilis na depensa ni Kaye. Namula agad ang mukha.“A-Ano? Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa Doctor Nathan na ‘yon,” napapailing na sagot ng ina..“G-Good. K-Kasi hindi naman,” depensa agad niya.. Tumaas bigla ang kilay ni Mommy Karen. “Talaga?”“Oo!” mabilis na sagot ni K

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 8:Elevator

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa St. John General Hospital ang kontrobersyal na pagpasok ni Dr. Kaye Salazar sa pribadong opisina ni Dr. Nathan Villareal, ang lugar na mas kinattakutan pa ng ilan kaysa sa morgue.Para sa karamihan ng mga doktor, nurse, at residente, sapat nang dahilan ang paulit-ulit na pagtanggi, malamig na titig, at nakabibinging pananahimik ng sikat at mailap na neurosurgeon upang tuluyang sumuko ang sinumang babaeng magtatangkang lumapit dito.Ngunit iba si Kaye. Para sa kaniya, ang bawat pagtanggi ni Nathan ay hindi isang mataas na pader na hindi kayang lagpasan. Isa lamang itong hamon na lalo pang nagpapasidhi sa kaniyang determinasyong mapaibig ang tinaguriang Dr. Grim ng ospital.Alas-singko na ng hapon. Kakagaling lamang ni Kaye sa isang mahabang konsultasyon sa pediatric ward, kung saan sunod-sunod niyang inasikaso ang mga batang umiiyak, nagtatampo, at nangangailangan ng kaniyang atensiyon. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit na

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 7: Office Intrusion

    Hindi pa rin maalis sa isip ni Kaye ang pambihirang ngiti ni Nathan na nasaksihan niya sa madilim na pasilyo malapit sa charity ward. Ilang beses na niyang binalikan sa isip ang tagpong iyon, at sa tuwing naaalala niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki, hindi niya maiwasang mapangiti na para bang nanalo siya sa isang malaking kompetisyon. Para sa ibang tao, maaaring wala lang ang ganoong kaliit na reaksyon. Pero para kay Kaye, na halos araw-araw ay nasasalubong ang malamig na ekspresyon at walang emosyong mukha ni Dr. Nathan Villareal, isa na iyong malaking tagumpay. Kung kaya nitong ngumiti kahit saglit, nangangahulugan lamang na hindi pa tuluyang nagyeyelo ang puso nito. At kung may natitira pang kahit kaunting init sa ilalim ng makapal nitong pader ng kasungitan, determinado siyang hanapin iyon. Hindi naman ibig sabihin na naging mas mahinahon si Kaye dahil sa maliit na tagumpay na iyon. Sa katunayan, tila lalo pang lumakas ang loob niya. Kung dati ay pangungumus

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 6: The Charity Ward and the Unseen Side

    Isang linggo na ang lumipas mula nang opisyal na simulan ni Dr. Kaye Salazar ang kaniyang matapang na three-month countdown. Sa bawat araw na nagdaraan sa St. John General Hospital, ginagamit niya ang bawat pagkakataon para guluhin ang tahimik, seryoso, at malamig na mundo ni Dr. Nathan Villareal. Mula sa pag-abot ng mga laboratory request at paghihintay sa tapat ng elevator hanggang sa simpleng pangungulit sa cafeteria, wala siyang pinalalampas na pagkakataong mapansin ng lalaking balak niyang patunayang hindi pala kasing-yelo ng inaakala ng lahat.Ngunit sa kabila ng kaniyang mga makukulit na biro, pagpapakita ng alindog, at pagdadala ng iba’t ibang imported pastries, nanatili pa ring propesyonal si Kaye. Sa oras na may pasyenteng nangangailangan ng kaniyang tulong, nawawala ang pagiging makulit niya at napapalitan iyon ng pagiging seryoso at mahusay na pediatric consultant.Isang hapon, habang abala si Kaye sa pag-aayos ng mga dokumento at gamot sa charity ward sa pinakadulong baha

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 5: Three Months promise.

    Ilang araw na ang lumipas mula nang tawagin siyang "delikado" ng mga nurse sa station, at lalong naging determinado si Dr. Kaye Salazar sa kaniyang misyon. Para sa kaniya, ang St. John General Hospital ay hindi na lamang simpleng lugar ng trabaho, isa itong malaking entablado ng telenobela kung saan ang pinakamalaking premyo ay ang mga ngiti ng pinakamalamig na neurosurgeon sa bansa.Isang hapon, habang naglalakad si Kaye bitbit ang isang makapal na stack ng mga colorful medical charts patungo sa pedia ward para sa kaniyang afternoon rounds, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit sila ni Nathan sa isa sa mga pampublikong pasilyo malapit sa central atrium.Huminto si Kaye, itinaas ang kaniyang perpektong kilay na binigyang-diin pa ng kaniyang designer headband, at ngumiti nang nakakaloko.“Good afternoon, Doc,” masiglang bati niya na may halong himig ng pang-aakit at pangaasar.Nagpatuloy sa paglakad si Nathan subalit dumaan ang isang saglit bago ito malamig na tumugon nang hindi man lan

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 4: Impossible Challenge

    Pagpasok ni Dr. Kaye, sa conference room ng St. John General Hospital, puno na ang mga upuan. Naroon ang mga resident doctors, consultants, at department heads para sa buwanang administrative meeting. Suot niya ang pastel blue designer blazer, may nakasukbit na stethoscope, at bitbit ang imported quilted handbag. Tulad ng dati, nakangiti siya na para bang wala siyang ginawang kasalanan sa buong buhay niya. Napatingin sa kaniya ang HR coordinator na nakatayo sa harapan, hawak ang attendance sheet. “Dr. Kaye Salazar?” “Present po!” Kumaway pa siya na para bang tinawag ang pangalan niya sa isang beauty pageant. “Fashionably late lang. Traffic kasi sa EDSA. Alam n’yo naman, kahit anong aga mo, may paraan ang traffic para sirain ang plano mo.” May ilang resident doctors na napangiti. Ang ibang consultants naman ay napailing na lamang. Hindi na nag-aksaya ng oras ang HR coordinator sa pagsita sa kaniya. Itinuro na lamang nito ang mga bakanteng upuan. Mabilis na naghanap si Kay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status