Home / Romance / Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4) / Chapter 2: Mission: Operation Landi.

Share

Chapter 2: Mission: Operation Landi.

Author: Miss Patty
last update publish date: 2026-10-31 18:04:08

Kinabukasan, eksaktong alas-otso y medya nang dumating si Dr. Kaye Salazar sa St. John General Hospital. Hindi siya nagmamadali ngayon. Sa halip, may bitbit siyang aesthetic brown box na puno ng freshly baked matcha croissants mula sa paborito niyang bakeshop sa BGC na pag-aari ng Tita Keithlyn niya. May iced white mocha rin siya na may extra caramel drizzle.

Para kay Kaye, hindi lang ospital ang St. John General Hospital. Isa itong telenovela na puno ng drama, at si Dr. Nathan Villareal ang pinakapoging main villain na kailangan niyang pabagsakin at mapalambot ang pusong bato nito.

“Good morning, universe! Hello sa pinakamagandang pediatric consultant sa buong St. John General Hospital!” Masayang bati niya sa sarili habang naglalakad sa hallway. Suot niya ang pastel pink scrub suit, na ipinares pa niya sa designer pearl earrings.

Pagdating sa nurse’s station, sinalubong siya ni Nurse Minda na agad napatingin sa paper bag na dala niya. “Doc Kaye, huwag mong sabihing itutuloy mo talaga ang balak mo kagabi.”

Napangiti si Kaye. “A-Anong balak, Nurse Minda?”

“Alam mo na kung ano. Kanino na naman ’yang pastries? Kay Doc Nathan?”

“Duh! Of course.” Napailing si Minda.

“Doc, hindi mo ba naiintindihan? Wala pang nagtatangkang lumapit kay Doc Nathan nang walang chart o emergency case. Seryoso ang lalaking ’yon. Kahit kape, parang kasalanan pang inumin kapag may trabaho.”

“Exactly!” masayang sagot ni Kaye. “Kaya kailangan niya ng konting sweetness sa buhay.”

“Baka sa mukha mo pa ibato ’yang croissant,” naiiling na sabi ni nurse Minda.

“T-Then at least, memorable ang first food gift ko sa kaniya.” Napahawak sa noo si Minda.

“Bahala ka nga, Doc,” sumusukong ani ni Minda.

“Watch and learn, Nurse Minda. Watch and learn.” Kumindat si Kaye bago naglakad patungo sa Neuro-Surgery Office.

Abala si Nathan sa harap ng dalawang monitor na nagpapakita ng MRI brain scans nang bumukas ang p***o ng opisina niya. Suot niya ang malinis na puting coat at reading glasses. Nakatuon ang buong atensiyon sa mga scan, kaya hindi man lang siya lumingon nang pumasok si Kaye.

“Dr. Villareal, good morning! Pasensya na kung aabalahin ko ang napaka-exciting mong buhay.” Walang sagot na narinig.

Lumapit si Kaye sa mesa at maingat na inilapag ang kahon ng matcha croissants sa tabi ng mga dokumento nito. “May pasalubong ako sa ’yo.”

Doon lamang tumingin si Nathan. Inalis niya ang reading glasses at pinagmasdan ang kahon bago binalingan si Kaye. “What is this?”

“Peace offering,” nakangiting sagot niya. “Para sa pagkakabangga ko sa tuhod mo kahapon. At thank you gift na rin dahil ang galing mo sa Trauma Bay kagabi.” Itinaas niya ang iced white mocha.

“Matcha croissant at white mocha. Hindi naman siguro kailangan ng CT scan bago mo kainin.”

Hindi man lang napangiti si Nathan. “Dr. Salazar, I am on duty. I don’t eat sweets during clinical hours, and I don’t accept gifts from colleagues who treat the hospital like a runway.”

Itinuro niya ang kahon. “Please take it away.” Saglit na nawala ang ngiti ni Kaye, pero agad din niya itong ibinalik.

“Grabe. Mas mahirap pa yatang palambutin ang lalaking ito kaysa sa batang ayaw magpa-nebulizer,” isip niya. Kung sa ibang pagkakataon at lalake lang ay baka kanina pa niya ito sinungitan.

“Okay. Hindi mo kailangang kainin kung ayaw mo.” Inilipat niya ang kahon sa gilid ng mesa. “Pero sayang naman. Imported pa ’yan galing BGC.”

Bumaling siya kay Nathan at ngumisi. “Baka kapag nagutom ka, maalala mong may nagbigay sa ’yo ng pagkain kahit ang sungit-sungit mo.”

“D-Dr. Salazar.”

“Yes, Doc Grim?”

“Out!

Napatawa si Kaye.“F-Fine! Have a nice shift. Try not to scare your patients with that face.”

Bago pa makasagot si Nathan, lumabas na siya ng opisina. Nang magsara ang p***o, bumalik sa katahimikan ang silid.

Tumingin si Nathan sa kahon ng croissants. May nakadikit na maliit na pink sticky note sa ibabaw nito.

‘Smile naman diyan, Doc! Hindi kasalanang maging pogi.’ Napapikit siya at napabuntong-hininga. “Unbelievable.”

Inalis niya ang sticky note at ibinalik ang tingin sa monitor. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas bago muling napunta ang mga mata niya sa kahon.

Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis, ang babaeng walang tigil sa kakadakdak o ang katotohanang nagawa nitong gambalain ang konsentrasyon niya kahit wala pang limang minuto sa loob ng opisina.

Makalipas ang ilang oras, abala si Kaye sa pediatric ward nang lapitan siya ng isang resident doctor. “Doc Kaye, may batang dinala sa ER. Seven years old, severe headache, then lost consciousness while playing. Kailangan daw ng pediatric assessment bago ma-transfer sa Neurosurgery.”

Agad na ibinaba ni Kaye ang hawak na clipboard. Nawala ang ngiti sa mukha niya. Sa isang iglap, nagbago ang kilos at ekspresyon niya. “Let’s go. Now.”

Mabilis siyang nagtungo sa Emergency Room kasama ang residente. Pagdating nila roon, nakita niya ang batang babae na nakahiga sa stretcher. Maputla ito, habang ang mga magulang ay balisang nakatayo sa tabi niya.

Lumapit agad si Kaye at sinimulang suriin ang bata. “Sweetheart, can you hear me?”

Bahagyang gumalaw ang bata, pero hindi ito nakasagot nang maayos.

Sinuri ni Kaye ang pupils, reflexes, at vital signs nito. Hindi maganda ang kondisyon ng pasyente.

“Prepare the pediatric team. I want continuous monitoring and immediate assessment,” utos niya.

Bago pa niya masabi ang iba, may narinig siyang pamilyar na boses sa likuran.

“What’s her current status?” Paglingon niya, nakita niya si Nathan na may hawak na tablet na nagpapakita ng initial scan results.

“Her level of consciousness is decreasing,” sagot ni Kaye. “She lost consciousness before arrival, and her neurological response is concerning.” Lumapit si Nathan sa stretcher at sinuri ang bata.

“Her pupillary response is sluggish.” Ipinakita niya kay Kaye ang initial findings.

“We need an urgent CT scan to determine what’s causing the symptoms. Prepare her for imaging. We can’t afford to waste time.”

“Agreed,” sagot ni Kaye. “I’ll coordinate with the ER team and make sure she’s stable for transfer. I’ll also explain the situation to her parents.”

Walang pagtatalong naganap, walang asaran. Sa oras na iyon, pareho nilang alam na ang buhay ng bata ang pinakamahalaga.

Habang inaasikaso ni Nathan ang urgent imaging at ang susunod na hakbang sa paggamot, kinausap ni Kaye ang mga magulang.

“Doc, ano pong nangyayari sa anak namin?” nanginginig na tanong ng ina.

Maingat na hinawakan ni Kaye ang kamay nito. “May nakita kaming mga senyales na kailangan nating imbestigahan agad. Kailangan siyang ma-scan para malaman namin ang sanhi ng pagkawala niya ng malay. Nandito kami para tulungan siya. Gagawin namin ang lahat ng nararapat para maalagaan siya,” pagpapagaan niyang loob sa magulang ng bata.

“M-Maliligtas p-po ba siya, Doc?” umiiyak na tanong ng ina.

Saglit na tumingin si Kaye sa batang nakahiga sa stretcher bago muling humarap sa ina. “Gagawin namin ang lahat para matulungan siya. Sa ngayon, kailangan naming kumilos agad.”

Pagkatapos maihanda ang bata, agad itong dinala para sa scan. Nanatili si Kaye sa tabi ng pediatric team habang inaasikaso ni Nathan ang neurosurgical assessment.

Nang makuha ang resulta, mabilis silang nag-usap tungkol sa susunod na hakbang. Walang mahabang paliwanag na hindi kailangan. Bawat isa ay malinaw sa kanilang tungkulin.

At nang magsimula ang kinakailangang intervention, walang pag-aalinlangang kumilos ang dalawa. Si Nathan, kalmado at eksakto sa bawat desisyon. Si Kaye, mabilis mag-isip at maaasahan sa bawat hakbang. Magkaiba sila ng ugali, pero sa loob ng emergency room, para silang iisang team.

Lumipas ang mahahabang minuto bago tuluyang maging stable ang kondisyon ng bata. Nang makumpirma ng team na maayos na ang vital signs nito, saka lamang nakahinga nang maluwag ang lahat.

Napaupo si Kaye sa malapit na upuan habang nagpupunas ng basang noo. “Grabe. Akala ko hindi na ako makakahinga.”

Inalis ni Nathan ang surgical cap at tumingin sa pasyente bago bumaling sa team. “Good work, everyone. Continue monitoring her closely and update me immediately if there’s any change.”

Pagkatapos magbigay ng mga huling instruction, lumapit siya kay Kaye.

“You handled the parents well.” Napatingala si Kaye.

“Wow. Compliment ba ’yan?” nakangiting sagot niya.

“It’s an observation,” seryosong sagot nito.

“Same thing, Doc Grim.” Umiling si Nathan, pero hindi siya agad umalis.

“You were quick to recognize that something was wrong.” Nawala ang pang-aasar sa mukha ni Kaye. Ngumiti siya nang mas totoo.

“Thank you. Ikaw rin. Ang bilis mong makapagdesisyon.” Saglit silang nagkatitigan.

Sa unang pagkakataon, hindi lang ang makulit na babae na mahilig magdala ng pastries ang nakita ni Nathan. Nakita niya ang isang doktor na kayang manatiling kalmado sa gitna ng pressure, makipagtulungan sa team, at unahin ang pasyente kaysa sa sarili.

At si Kaye naman, sa kabila ng pagiging masungit nito, nakita ang isang neurosurgeon na alam ang ginagawa at hindi nag-aaksaya ng oras kapag buhay ang nakataya.

“Not bad, Dr. Salazar,” sabi ni Nathan.

Napangiti si Kaye. “Not bad? Doc, muntik na tayong mag-celebrate. I was expecting at least a five star review.”

“Don’t push it.”

“Too late. I already consider that a victory,” sagot ni Kaye.

Umiling si Nathan at naglakad palayo. Nang makalayo na ito, napahawak si Kaye sa dibdib niya.

“O-Okay, Kaye. Kalma. Hindi ka puwedeng ma-in love dahil lang sa isang compliment.”

Huminto siya. Humingang malalim. “Pero ang pogi niya talaga kapag seryoso.”

Napailing siya sa sarili bago tumayo. “Mission: Landi, atleast may progress!”

Pagkatapos, kinuha niya ang clipboard at bumalik sa trabaho. Dahil sa St. John General Hospital, hindi lang puso ni Dr. Nathan Villareal ang kailangan niyang pagalingin.

Kailangan din niyang patunayan na sa likod ng makulit niyang personalidad ay isa rin siyang doktor na karapat-dapat respetuhin. At kung may bonus na pogi at masungit na neurosurgeon sa proseso?

Well, hindi naman siya magrereklamo, lalo na kung isang Doc Nathan aka Dr. Grim ang pinag-uusapan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 10: The Unusual Monday

    Kung may isang bagay na hindi nagbago sa St. John General Hospital, iyon ay ang pagiging maingay ni Dr. Kaye.“Good morning, beautiful people!” Napatingin ang ilang nurse sa nurse station nang dumating siya, bitbit ang kaniyang bag at isang paper cup ng kape.“Doc Kaye, alas otso na po,” paalala ni Nurse Minda. Sinundan ni Kaye ng tingin ang wall clock. “Alam ko,” balewalang sabi niya na para bang hindi big deal na lagi siyang late.Ngunit makulit talaga ang nurse. “H-Hindi po ba eight o’clock ang duty ninyo?”“Correct!”“S-So, bakit ngayon ka lang?” Inilapag ni Kaye ang kape sa mesa sabay ngiti nang ubod ng tamis. “Because, Nurse Minda, the universe wanted me to have a dramatic entrance.”Napaiing ang nurse. “Ang universe po ba ang magpapaliwanag sa Medical Director?” Nag-aalala lang naman si nurse Minda, lalo pa at mas matagal siya sa ospital kaysa sa kaniya. Hindi na iba ang turing niya kay doc Kaye.Subalit super confident pa rin itong si doc Kaye. “Kung puwede, pakisabi sa unive

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 9: The Stone Doctor, Melted.

    Sabado ng umaga.“Anak, pang-ilang palit mo na ba ng damit iyan?” Natigilan si Kaye habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng asul na dress, ngunit tila hindi pa rin sapat ang kaniyang itsura sa harap ng salamin.“Mom, I’m not even a birthday celebrant. Why does it feel like I have to go through a fashion show?” taka niyang tanong sa ina. Nakasandal si Karen sa pintuan ng kuwarto habang pinagmamasdan ang anak.Gusto sana niyang bulyawan ang anak subalit tila alam na niya ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan ang anak. “Hindi ko rin alam.” paunang sagot sa anak saka lumapit. “Pero simula nang banggitin mo ang pangalan ni Dr. Nathan, kanina ka pa paikot-ikot diyan.”“Ma!” mabilis na depensa ni Kaye. Namula agad ang mukha.“A-Ano? Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa Doctor Nathan na ‘yon,” napapailing na sagot ng ina..“G-Good. K-Kasi hindi naman,” depensa agad niya.. Tumaas bigla ang kilay ni Mommy Karen. “Talaga?”“Oo!” mabilis na sagot ni K

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 8:Elevator

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa St. John General Hospital ang kontrobersyal na pagpasok ni Dr. Kaye Salazar sa pribadong opisina ni Dr. Nathan Villareal, ang lugar na mas kinattakutan pa ng ilan kaysa sa morgue.Para sa karamihan ng mga doktor, nurse, at residente, sapat nang dahilan ang paulit-ulit na pagtanggi, malamig na titig, at nakabibinging pananahimik ng sikat at mailap na neurosurgeon upang tuluyang sumuko ang sinumang babaeng magtatangkang lumapit dito.Ngunit iba si Kaye. Para sa kaniya, ang bawat pagtanggi ni Nathan ay hindi isang mataas na pader na hindi kayang lagpasan. Isa lamang itong hamon na lalo pang nagpapasidhi sa kaniyang determinasyong mapaibig ang tinaguriang Dr. Grim ng ospital.Alas-singko na ng hapon. Kakagaling lamang ni Kaye sa isang mahabang konsultasyon sa pediatric ward, kung saan sunod-sunod niyang inasikaso ang mga batang umiiyak, nagtatampo, at nangangailangan ng kaniyang atensiyon. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit na

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 7: Office Intrusion

    Hindi pa rin maalis sa isip ni Kaye ang pambihirang ngiti ni Nathan na nasaksihan niya sa madilim na pasilyo malapit sa charity ward. Ilang beses na niyang binalikan sa isip ang tagpong iyon, at sa tuwing naaalala niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki, hindi niya maiwasang mapangiti na para bang nanalo siya sa isang malaking kompetisyon. Para sa ibang tao, maaaring wala lang ang ganoong kaliit na reaksyon. Pero para kay Kaye, na halos araw-araw ay nasasalubong ang malamig na ekspresyon at walang emosyong mukha ni Dr. Nathan Villareal, isa na iyong malaking tagumpay. Kung kaya nitong ngumiti kahit saglit, nangangahulugan lamang na hindi pa tuluyang nagyeyelo ang puso nito. At kung may natitira pang kahit kaunting init sa ilalim ng makapal nitong pader ng kasungitan, determinado siyang hanapin iyon. Hindi naman ibig sabihin na naging mas mahinahon si Kaye dahil sa maliit na tagumpay na iyon. Sa katunayan, tila lalo pang lumakas ang loob niya. Kung dati ay pangungumus

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 6: The Charity Ward and the Unseen Side

    Isang linggo na ang lumipas mula nang opisyal na simulan ni Dr. Kaye Salazar ang kaniyang matapang na three-month countdown. Sa bawat araw na nagdaraan sa St. John General Hospital, ginagamit niya ang bawat pagkakataon para guluhin ang tahimik, seryoso, at malamig na mundo ni Dr. Nathan Villareal. Mula sa pag-abot ng mga laboratory request at paghihintay sa tapat ng elevator hanggang sa simpleng pangungulit sa cafeteria, wala siyang pinalalampas na pagkakataong mapansin ng lalaking balak niyang patunayang hindi pala kasing-yelo ng inaakala ng lahat.Ngunit sa kabila ng kaniyang mga makukulit na biro, pagpapakita ng alindog, at pagdadala ng iba’t ibang imported pastries, nanatili pa ring propesyonal si Kaye. Sa oras na may pasyenteng nangangailangan ng kaniyang tulong, nawawala ang pagiging makulit niya at napapalitan iyon ng pagiging seryoso at mahusay na pediatric consultant.Isang hapon, habang abala si Kaye sa pag-aayos ng mga dokumento at gamot sa charity ward sa pinakadulong baha

  • Miss Trouble Meets Dr. Grim (Doctor Series 4)   Chapter 5: Three Months promise.

    Ilang araw na ang lumipas mula nang tawagin siyang "delikado" ng mga nurse sa station, at lalong naging determinado si Dr. Kaye Salazar sa kaniyang misyon. Para sa kaniya, ang St. John General Hospital ay hindi na lamang simpleng lugar ng trabaho, isa itong malaking entablado ng telenobela kung saan ang pinakamalaking premyo ay ang mga ngiti ng pinakamalamig na neurosurgeon sa bansa.Isang hapon, habang naglalakad si Kaye bitbit ang isang makapal na stack ng mga colorful medical charts patungo sa pedia ward para sa kaniyang afternoon rounds, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit sila ni Nathan sa isa sa mga pampublikong pasilyo malapit sa central atrium.Huminto si Kaye, itinaas ang kaniyang perpektong kilay na binigyang-diin pa ng kaniyang designer headband, at ngumiti nang nakakaloko.“Good afternoon, Doc,” masiglang bati niya na may halong himig ng pang-aakit at pangaasar.Nagpatuloy sa paglakad si Nathan subalit dumaan ang isang saglit bago ito malamig na tumugon nang hindi man lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status