로그인Leo's POVSunod-sunod ang meetings ko buong linggo. Halos bawat oras ay may kontratang kailangang pirmahan, board meeting na kailangang daluhan, at mga sangay ng kumpanya na dapat bisitahin.Pero may isang bagay na hindi ko kailanman hahayaang mawala sa iskedyul ko—ang oras para kay Chloe.Alam kong madalas akong kainin ng trabaho. At alam ko ring hindi sapat ang sabihing ginagawa ko ang lahat ng ito para sa pamilya namin. Kailangan ko ring iparamdam sa kanya na kahit gaano ako kaabala, siya pa rin ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko."Sigurado ka bang okay lang kay Tita Adele na siya muna ang bahala kay Leonel?" tanong ko habang inaayos ang manipis na kuwintas sa leeg niya.Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Nakasuot siya ng simpleng cream-colored dress na lalong nagpalitaw sa natural niyang ganda. Hindi siya kailangang magbihis nang magarbo para maagaw ang buong atensyon ko.Tumango siya."Oo naman. Excited pa nga si Tita Adele. Sabi niya, matagal na raw niyang gustong mag
Chloe's POVNasa sala kami ng penthouse nang dumating sina Adrian at Roxanne. Nakalatag sa coffee table ang ilang business proposals, notebook, at laptop na inihanda ni Leo. Kanina pa namin hinihintay ang pagdating nila, ngunit halatang mas kinakabahan sila kaysa sa inaasahan ko.Magkahawak ang kanilang mga kamay, tila humuhugot ng lakas sa isa't isa."Ano'ng nasa isip ninyo?" nakangiti kong tanong habang inaalok sila ng kape.Nagkatinginan muna silang dalawa bago nagsalita si Adrian."Matagal na naming pangarap ang magkaroon ng sariling negosyo."Bahagyang ngumiti si Roxanne."Isang coffee shop na may maliit na bookstore. Gusto naming gumawa ng lugar kung saan puwedeng magpahinga ang mga tao—uminom ng kape, magbasa ng libro, o simpleng maglaan ng oras para sa sarili."Napangiti ako."Parang extension ng inyong dalawa."Tumawa sila."Siguro nga," sabi ni Adrian. "Pero hanggang pangarap pa lang iyon. Kulang pa ang ipon namin, at aminado kaming marami pa kaming kailangang matutunan."Hu
Chloe's POVMainit ang pagtanggap sa amin pagpasok pa lang sa bahay nina Marielle at Giovanni. Agad kaming sinalubong ng mahigpit na yakap at masasayang ngiti. Hawak ni Leo ang baby carrier ni Leonel, na mahimbing pa ring natutulog na tila walang pakialam sa ingay ng mga matatanda."Ito na ba ang pinakasikat na baby sa Villafuerte clan?" natatawang biro ni Giovanni habang sumisilip sa carrier."Huwag mong lakasan ang boses mo," bulong ni Leo. "Kapag nagising 'yan, ikaw ang magpapatulog."Natawa kaming lahat.Pagkapasok sa sala, naghain sina Marielle ng maiinit na tsokolate, kape, at mga paborito naming meryenda. Habang nagkukuwentuhan, napansin kong iba na ang pakiramdam ng lahat. Wala na ang bigat ng mga problemang minsang halos sumira sa amin. Ang natira na lamang ay ang kapayapaang bunga ng mga laban na sama-sama naming nalampasan."Kumusta ang married life?" tanong ni Marielle. "At huwag n'yong sabihing perfect."Napangiti ako."Hindi talaga," sagot ko. "Sa totoo lang, akala ko no
Chloe's POVIlang linggo nang umiikot ang mundo namin sa tatlong bagay—si Leonel, ang Villafuerte Foundation, at ang Villafuerte Group.Hindi pala totoo ang mga fairy tale.Akala ko noon, kapag natapos na ang lahat ng pagsubok at nakasal na kayo sa taong mahal mo, magiging payapa na ang buhay. Pero ang totoo, doon pa lang nagsisimula ang tunay na laban.At ang laban na iyon ay hindi laban sa ibang tao.Kundi laban sa pagod, takot, maling desisyon, at mga salitang hindi mo sinasadyang makasakit.Nang gabing iyon, halos alas-diyes na nang dumating si Leo.Pagpasok pa lang niya, alam kong hindi maganda ang araw niya. Nakakunot ang noo, nakabukas ang dalawang butones ng polo niya, at tila pasan niya ang bigat ng buong kompanya sa balikat."Kumain ka na?" mahinahon kong tanong.Umiling lang siya."Nasa study ang mga reports. Titingnan ko muna.""Leo..."Huminto siya.May kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko."Kailangan kong sabihin sa'yo ang nangyari kanina."Tahimik siyang lumingon.I
Chloe’s POVPagbukas ng pinto ng penthouse, sinalubong kami ng pamilyar na init at katahimikan—ibang‑iba sa ingay ng kasal at paghahanda, pero mas buo at mas tunay. Isang buwan na mula noong ikinasal kami, at kasama na namin ngayon ang aming munting biyaya: si Leonel, na mahimbing na natutulog sa aking bisig.Dahan‑dahan kaming naglakad papasok. Inilapag ko siya nang maingat sa kanyang duyan sa tabi ng malaking bintana kung saan kitang‑kita ang buong siyudad na kumikinang sa dilim. Hinaplos ni Leo ang malambot na pisngi ng anak namin, at nakita ko ang pagngiti niya—yung ngiting wala nang ibang halong pag-aalinlangan, puro pagmamahal at pasasalamat na lang.“Parang kailan lang,” bulong niya habang nakayakap sa akin mula sa likuran, “ako lang mag‑isa dito. Malaki, maganda, pero walang buhay. Ngayon… puno na.”Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay niya. “Hindi na ito bahay lang, Leo. Tahanan na natin ‘to. Nandito tayo—ikaw, ako, at si Leonel. Kahit anong mangyari, kumpl
Leo’s POVNang tuluyan nang humupa ang ingay ng kasiyahan, naiwan kaming dalawa sa loob ng honeymoon suite sa pinakamataas na palapag ng private resort. Tahimik na ang paligid—tanging huni lang ng alon at mahinang tugtog ng piano ang naririnig mula sa malayo. Nakasandal ako sa malaking bintana habang pinapanood ang malawak na dagat, pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Sa wakas… sa harap ko na ang babaeng ganap nang akin—ang asawa ko.Lumapit siya sa akin, nakasuot ng manipis na silk robe na kulay ginto. Nakalugay ang buhok niya at sumasabay pa sa simoy ng hangin na pumapasok mula sa bintana. Hinawakan niya ang kamay ko at idinikit sa dibdib niya—ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis tumibok ang puso niya.“Pagod ka na ba, Mrs. Villafuerte?” tanong ko nang mahina habang hinahaplos ko nang dahan‑dahan ang pisngi niya.Umiling siya at ngumiti—yung ngiting para lang talaga sa akin. “Hindi naman sa pagod… parang hindi pa rin ako makapaniwala. Sa wakas, tayo na talaga, Leo.”Napab
Leo’s POV The morning light coming through the floor-to-ceiling windows of my penthouse felt too bright, too intrusive. Parang kabaligtaran nito ang dilim na nakasanayan ko sa loob ng maraming taon—isang dilim na kahit paano ay nagawa ni Chloe Dimaano na basagin sa loob lang ng isang gabi. Nanatil
Chloe’s POV The drive back to the penthouse felt suffocating. Pagkatapos ng gulo sa office niya at ng biglaang pagpapakita ni Sophia, sobrang bigat ng katahimikan sa loob ng itim na SUV ni Leo. Mahigpit niyang hawak ang manibela kaya mapuputi na ang kanyang mga buko. He was driving with reckless pr
Chloe’s POV Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa puting kisame habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang lahat ng nangyari. Lalo na ang paraan ng pagtingin sa akin ni Leo Villafuerte—delikado. ‘Yung klase ng tingin na makakalimutan mo na ang sarili mong pangalan. “Hindi pwede ‘to,” bulong ko
Leo’s POV Tahimik na tahimik ang buong penthouse ko. Ang lamig ng aircon ay tumatagos kahit sa suot kong damit—bagay na bagay sa imahe kong “Ice King” na laging pinapakita ko sa lahat. Sa labas ng malalaking bintana, makikita ang kumikinang na ilaw ng siyudad ng Maynila, pero ang buong atensyon ko







