LOGINChloe’s POV
Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa puting kisame habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang lahat ng nangyari. Lalo na ang paraan ng pagtingin sa akin ni Leo Villafuerte—delikado. ‘Yung klase ng tingin na makakalimutan mo na ang sarili mong pangalan. “Hindi pwede ‘to,” bulong ko sa sarili habang mahigpit na ipinipikit ang mga mata. “Bawal ma-involve o ma-stress sa isang fake fiancé. Lalo na sa lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha.” Pero parang nananadya ang tadhana. Biglang nag-vibrate nang malakas ang cellphone ko. Parang bumagsak ang puso ko nang makita ang mga headline na kumakalat sa social media at news sites: “BILLIONAIRE LEO VILLAFUERTE ENGAGED TO MYSTERY TEACHER!” Napabuntong-hininga ako at ibinaon ang mukha sa unan, saka bumitaw ng sigaw. Ang OA talaga ng mundo, pero kailangan kong tanggapin ito. Ito ang kapalit ng tulong niya para sa chemo ni Mama at sa mga proyekto ng paaralan. Paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili: Strictly business lang ito. Walang halong personal. Maya-maya, nag-text si Alexa kaya napagpasyahan kong magkita kami sa Brew & Bliss Café para makahinga naman sandali. Pero hindi lang simpleng kape at kwentuhan ang sumalubong sa akin—nandoon din si Adrian, mukhang seryoso at puno ng pag-aalala. “Chloe, sigurado ka ba talaga rito?” tanong niya habang dahan-dahang hinawakan ang kamay ko. “Baka sa huli, ikaw pa ang mapahamak. Kilala si Leo—tinatawag siyang ‘Ice King’ hindi lang dahil mayaman siya, kundi dahil hindi siya marunong magmahal nang totoo. Paano kung mahulog ka sa kanya, tapos sa dulo, maiwan ka lang luhaan?” “Adrian, panatag ka lang,” sagot ko kahit may bahid ng pagdududa sa boses ko. “90 days lang ‘to. Kapag tapos na ang kontrata, babalik din ako sa dati kong buhay. Ni feelings involved.” Pero habang sinasabi ko ‘yon, biglang pumasok sa isip ko ang matatalim at maiinit na tingin ni Leo. Paano ko nga ba maitatanggi ang nararamdaman ko kapag kahit sa alaala pa lang niya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko? Paglabas ko ng café, parang tumigil ang mundo ko. Sa tapat ng kalsada, nakaparada ang makintab at maitim na sasakyan ni Leo. Pagpasok ko sa loob, agad akong nilamon ng amoy—pinaghalong mamahaling leather, sariwang citrus, at ang amoy niya na laging nakakalito sa isip ko. Bago pa man ako makaupo nang maayos, nagsalita na siya sa malamig ngunit matigas na tono. “Bakit kasama mo siya?” Napalingon ako sa kanya, kunwaring matapang kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. “Bakit ka nandito? Sabi ko sa’yo, hindi mo kailangang sunduin ako. Kaya ko naman ang sarili ko.” Humarap siya sa akin, at ang espasyo sa loob ng sasakyan ay biglang naging masikip at mainit. “Ayokong makita kang kasama ang ibang lalaki,” diretsahan niyang sagot, may diin ang bawat salita. “Lalo na ang lalaking iyon.” “Adrian? Kaibigan ko lang siya! Nagkita lang kami para kumustahin ang isa’t isa,” depensa ko, pero unti-unting humihina ang boses ko habang lumalapit siya nang husto. Dahan-dahan siyang gumalaw palapit hanggang sa halos dikit na ang aming mga katawan. Ang init ng balat niya ay tumatagos sa damit ko, at biglang parang nawala ang ingay ng kalsada at ang galaw ng oras. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinaplos ang pisngi ko pababa sa panga, habang ang hinlalaki ay marahang dumadampi sa ibabaw ng aking labi—kilos na nagpadaloy ng kuryente mula sa mukha ko pababa sa buong katawan. “Alam ko ang tingin niya sa’yo, Chloe,” bulong niya, at ang boses niya ay malalim at paos na parang pabulong na pang-aakit. “At higit sa lahat… alam ko kung paano ka tumingin sa kanya. Ayoko ng ganun. Kahit peke lang ang relasyon natin sa paningin ng iba… sa akin lang dapat ang atensyon mo. Sa akin lang dapat ang tingin mo.” Nawalan ako ng lakas huminga. Mula sa sasakyan, dumeretso kami sa Villafuerte Tower. Pero lalong gumulo ang lahat nang biglang sumulpot si Sophia Cruz—ang babaeng laging iniuugnay kay Leo, maganda, mayaman, at puno ng kumpyansa. Hinarap niya kami sa pasilyo, at ang tingin niya sa akin ay puno ng pang-aalipusta. “Leo,” panimula niya nang may ngiting mapang-asar. “Kaya pala biglaan ang anunsyo. Akala ko ba ayaw mo ng kasal? Ngayon, nahulog ka na rin sa sarili mong bitag? O baka naman… siya lang ang panakip-butas mo?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umiwas, gawin ang papel ng tahimik at maayos na kasintahan, pero ang bigat ng tensyon sa paligid. Bago pa ako makasagot, nagsalita na si Leo nang may panganib sa boses. “Huwag mo siyang idamay sa usapan natin, Sophia. Siya ang magiging asawa ko, at irespeto mo ‘yan.” Hindi ito makapagsalita, bigla itong nag-walkout at nang makalabas na si Sophia ay napairap pa ito sa akin. Naiwan kaming dalawa sa loob ng malawak niyang opisina, biglang tumahimik ang lahat. Nakatayo si Leo sa harap ng malaking bintana, nakatingin sa mga ilaw ng siyudad na tila isang hari. Lumapit ako nang kaunti, yakap ang sarili para pigilan ang panginginig. “Ang gulo ng mundo mo, Leo. Akala ko simple lang ang kasunduan natin. Bakit parang ang gulo ng lahat?” Sa isang iglap, nasa harap ko na siya. Bago pa man ako makakilos o makapagsalita, hinila niya ako palapit nang mahigpit sa bewang ko. Ramdam ko ang mabilis at magulong tibok ng puso niya na kapareho ng tibok ng puso ko. Walang distansya sa pagitan namin. “Chloe,” ibinulong niya ang pangalan ko na parang nang-aakit. Hindi na siya naghintay ng sagot. Sa halip, agad niyang inangkin ang mga labi ko—isang halik na matindi at puno ng pagnanasa na hindi na kayang itago pa. Hindi na ito tungkol sa negosyo. Hindi na ito para sa mga kamera o para patahimikin si Sophia. Ito ang paggising ng lahat ng damdaming akala ko ay hindi ko mararamdaman. Ang mga pader na itinayo ko para protektahan ang sarili ko sa mga lalaking katulad niya ay gumuho sa isang iglap. Nang humiwalay siya nang bahagya, nakadikit pa rin ang noo niya sa akin, mabigat ang paghinga. Tumingin ako sa mga mata niya at doon ko nakita ang katotohanan—tama si Sophia. Bitag nga ito. Pero habang nakatingin ako sa kanya, alam kong... Wala nang atrasan to'.Leo’s POV Amoy alikabok at lumang kahoy ang hangin sa loob ng bodega—kasabay ‘yung pamilyar na amoy ng pulbura at panganib. Nakatayo kami sa tapat ng malaking pinto, Marco sa kanan ko, at ang iba pang tauhan ay nakapalibot sa bawat sulok. Pero kahit ganun, nasa isip ko pa rin si Chloe sa bahay—ligtas man doon, parang nakatali pa rin ang bawat tibok ng puso ko sa kanya. Dito na magsisimula ang katapusan, at dito rin mahuhulog ang lahat ng nagtatago sa likod ng maskara. “Handa na ba?” bulong ni Marco habang hinahawakan nang mahigpit ang hawakan ng baril. Tumango ako. “Buksan mo.” Sa malakas na lagutok, bumukas ang pinto. Sa loob, hindi lang si Don Emilio ang naghihintay. Nakatayo siya sa gitna, nakasandal sa lumang mesa—pero sa paligid niya ay mga mukhang akala ko kakampi, kaibigan, o pamilya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Tito Rodolfo, ang matagal naming tagapayo, at kasunod pa niya si Ate Liza—pinsan ko na akala ko’y wala sa bayan. “Nagulat ka ba, hijo?” tawa ni Don Emili
Leo’s POVKahit nakasiklo na si Don Emilio at kumpleto na ang mga nakumpiskang dokumento, alam kong hindi pa ito ang dulo. May isang pangalang paulit‑ulit na lumilitaw sa bawat talaan—ang “Silent Partner” na nasa likod ng lahat ng utos, nagpopondo at nagtatakip sa kanila mula pa sa simula. Buong gabi kaming naglatag ni Marco ng mga detalye sa mesa, parang puzzle na matagal nang kulang ang huling piraso.“Kung hindi siya magpapakita para iligtas si Emilio… pupunta siya para bawiin ang ebidensya,” sabi ni Marco habang tinuturo ang isang marka sa mapa—ang lumang daungan, malayo sa sentro pero madaling daanan ng tubig. “Ito lang ang pasok at labas na hindi madaling mapansin.”Tumango ako, pero naputol ang iniisip ko nang maramdaman ang kamay sa braso ko. Paglingon ko… si Chloe, nakatayo sa pintuan, naka‑pambahay pa rin pero matalas ang tingin. Kanina pa pala siya nakikinig.“Gagawin niyo si pain, ‘di ba?” tanong niya nang diretsahan. Kahit walang paligoy‑ligoy, ramdam ko ang bigat sa bose
Leo’s POVMatapos ang pangyayaring muntik nang dumurog sa akin—ang tangkang pagdukot kay Leonel at ang pagligtas ni Chloe para sa aming anak—wala nang oras para mag-alangan pa.Habang mahimbing silang natutulog, nakaupo ako sa sulok ng kwarto, nakatitig sa mga mapa at listahang nakakalat sa mesa. Ang huling laban na ito ay hindi lang tungkol sa negosyo o kapangyarihan. Ito’y laban para sa pamilya, para sa katotohanan, at para wakasan ang siklo ng karahasan na mismong kadugo ko ang nagsimula.Dahan-dahang gumalaw si Chloe sa kama at iminulat ang mga mata. Kahit halatang pagod pa rin, tuwing tumitingin siya sa akin, parang may bumabalik na liwanag sa mukha niya. Tumabi siya at marahang hinaplos ang likod ko—parang nababasa niya kung gaano kabigat ang dinadala ko.“Gising ka pa rin?” bulong niya, nakasandal ang pisngi sa balikat ko. “Halos hindi ka kumurap simula nang makauwi tayo.”Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, dinala iyon sa labi ko.“Paano ako makakapagpahinga, ha
Chloe’s POVPag‑uwi namin mula sa lumang bahay, parang may bigat na hindi maalis sa dibdib ko. Kahit pinag‑uusapan namin ni Leo ang tungkol kay Tiya Carmel at sa nawawalang ebidensya, may kakaibang pakiramdam—parang may nakatingin, parang bawat anino ay nagtatago ng banta. Gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Leonel, naramdaman ko ang pagyakap ni Leo mula sa likuran habang nakatayo kami sa balkonahe, malayo sa ingay.“Nag‑aalala ka pa rin,” sabi niya—hindi tanong, kundi parang nababasa lang niya ako. Idinikit niya ang pisngi sa buhok ko, mainit ang hininga sa leeg ko. “Kitang‑kita sa bawat galaw mo, Chloe. You’re carrying something heavy.”Humarap ako sa kanya at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay niya. “Paano ba naman hindi, Leo? Bawat hakbang natin, parang may sumusunod. Bawat lihim na binubuksan natin, lalong lumalalim ang panganib. Pero higit sa lahat… natatakot ako para kay Leonel. He’s too small to be caught in this war.”Hinila niya ako palapit hanggang dumikit ang
Leo’s POVMadilim pa ang paligid nang imulat ko ang aking mga mata, pero gising na ang diwa ko—hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng tanong na umiikot sa isip ko simula pa kagabi. Sa tabi ko, mahimbing na nakahiga si Chloe; nakakalat ang buhok niya sa unan, banayad at kalmado ang bawat paghinga. Sa bawat pagkakataong nakikita ko siyang ganito, tila gumuguhit ang linya sa pagitan ng buhay na kilala ko noon at ng bagong simula na pilit naming pinanghahawakan ngayon. Pero alam kong hindi pa tapos ang lahat. Sa lumang bahay ng pamilya—doon nakatago ang sagot, at doon din siguro naghihintay ang panganib.Hinaplos ko nang dahan‑dahan ang kanyang pisngi, at dahan‑dahan siyang dumilat. Walang takot sa kanyang tingin—tanging pag‑unawa lang.“Gising ka na agad?” bulong niya, habang idinikit ang katawan sa akin at ipinulupot ang braso sa aking bewang. “Hindi ka makatulog dahil sa pupuntahan natin, ‘di ba?”Napabuntong‑hininga ako at hinawakan ang kamay niya. “Paano ako makakatulog, Chloe
Chloe’s POVMula nang matanggap namin ang video mula kay Don Emilio, tila mas bumigat pa ang hangin sa paligid—ngunit sa kabila ng pangamba, isang bagay ang naging malinaw: wala nang puwang para sa pagtatago. Gabing iyon, nang mahimbing nang nakatulog si Leonel, naramdaman ko ang pangangailangang maging ganap kaming buo ni Leo—walang itinatago, walang pag‑aalinlangan.Nakaupo kami sa balkonahe, pinagmamasdan ang mahinang hampas ng alon sa buhanginan. Sa liwanag ng buwan, kitang‑kita ko ang pagod na matagal niyang itinatago sa likod ng kanyang katatagan.“Alam mo ba,” panimula ko nang mahina habang pinaglalaruan ang dulo ng manggas niya, “madalas akong magtaka kung gaano karami pa ang hindi ko alam. Kahit matagal na tayong magkasama, minsan parang may pader pa ring nakaharang—mga sikretong iningatan mo, akala ko para protektahan lang ako.”Lumingon siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at idinampi ito sa kanyang pisngi. “Dati… akala ko, ang pag‑iingat ay pag‑iwas sa sakit. I thought kee
Leo's POVWalong buwan na ang dinadala ni Chloe, at araw-araw kong nararamdaman ang pagbilis ng panahon. Sa bawat galaw ng aming sanggol, sa bawat paghaplos niya sa kanyang bilog na tiyan, lalong tumitibay ang aking desisyon — ang kaligtasan nila ang higit na mahalaga kaysa sa anumang negosyo o pos
Leo's POVMatapos ang sunod-sunod na banta at panganib na dumaan sa amin, wala na akong inaksayang oras. Agad kong ipinatira sina Dad—si Leonard Sr.—at Tiya Adele sa isang ligtas at lihim na ari-arian sa labas ng siyudad. Malawak ang lugar, mataas ang bakod, at may sapat na tauhan na nakabantay sa
Third Person POV“Kasama ka sa gusto naming buhayin.”Halos tumigil ang oras matapos marinig ni Leo ang malamig na boses ng lalaking nakatutok ang baril sa kanya.Kasabay ng malakas na kulog sa labas ay ang mabilis na paghila niya kay Chloe palayo sa likuran niya.“Tumakbo ka!” sigaw ni Leo.Ngunit
Third Person POVHindi naging tahimik ang pag-alis nina Leo at Chloe mula sa Maynila.Matapos kumalat ang mga balitang konektado ang Villafuerte Group sa illegal experiments at corruption, halos araw-araw nang binabantayan ng media ang penthouse ni Leo. Sa bawat pagbukas ng telebisyon, pangalan ng







