Mag-log inThird Person POV “Mommy…?” Nanginginig ang buong katawan ni Chloe habang hawak ang cellphone sa kanyang tainga. Ngunit bago pa siya makapagsalita muli, biglang naputol ang tawag. Nanatili siyang nakatulala habang mabilis ang tibok ng puso niya. “Chloe?” agad na lapit ni Leo habang hinahawakan ang kanyang mga balikat. “Ano’ng sinabi?” Namumutla siyang napatingin dito. “Boses ni Mommy…” mahina niyang bulong. “Sigurado ako.” Nagkatinginan sina Leo, Alexa, at Marcus. Tahimik na bumigat ang hangin sa loob ng bahay ni Tiya Adele. Kung buhay nga ang ina ni Chloe— ibig sabihin mas malalim pa ang kasalanan ng Villafuerte family kaysa sa inaakala nila. --- Kinabukasan, lihim silang bumalik sa Maynila. Madilim pa ang langit habang mabilis na binabaybay ng itim na SUV ang expressway. Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan. Tanging tunog lamang ng ulan at mahinang music mula sa radyo ang naririnig. Tahimik na nakasandal si Chloe kay Leo sa backseat habang mahigpit nitong hawak ang ka
Chloe’s POV Hindi ko makalimutan ang gabing nadatnan ko si Leo sa lumang tulay. Basang-basa siya sa ulan. Duguan. At kahit pilit niyang itinatago ang sakit, nakita ko kung paano siya bahagyang nanghina matapos umalis si Don Emilio. Mula noon, halos hindi na siya pinayagang lumabas ni Tiya Adele habang ako naman ang nag-aalaga sa kanya sa loob ng bahay. Tahimik ang gabi habang marahan kong nililinis ang sugat sa kanyang tagiliran. Paminsan-minsan ay napapangiwi siya sa hapdi, ngunit hindi man lang ito nagrereklamo. “Masakit?” mahina kong tanong. Bahagya siyang ngumiti habang nakatingin sa akin. “Hindi masyado.” “Sinungaling.” Napatawa siya nang mahina. At sa simpleng tunog na iyon, parang unti-unting gumagaan ang bigat sa dibdib ko. Matagal ko ring na-miss ang ganitong Leo. Yung hindi malamig. Hindi sarado. Hindi natatakot magpakita ng kahinaan sa harap ko. “Hindi mo dapat hinarap mag-isa si Don Emilio,” mahinahon kong sabi habang tinatapal ang benda sa sugat niya. Na
Chloe’s POV Hindi ako pinatulog ng video na kumalat online. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mukha ni Leo sa loob ng laboratoryo—seryoso, malamig, at tila ba may itinatagong sikreto na hindi niya kayang sabihin sa akin. > “Alisin n’yo ang lahat ng ebidensya.” Kahit anong pilit kong isipin na baka may kulang sa video, hindi mawala ang takot sa dibdib ko. Paano kung totoo? Paano kung may bahagi si Leo sa bangungot na sumira sa buhay ng Mommy ko? Tahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana habang pinapanood ang ambon sa labas ng bahay ni Tiya Adele. Ilang araw na rin simula nang sugatan si Leo matapos kaming salakayin ng mga tauhan ni Don Emilio. At simula noon— parang may malaking pader na namamagitan sa amin. Hindi na siya gaanong nagsasalita. Palagi siyang nakakulong sa lumang study room ni Tiya Adele kasama si Marcus habang may kung anu-anong files na iniimbestigahan. At sa bawat paglayo niya...mas lalo akong kinakain ng takot. Takot na baka hindi ko talaga lubos na kila
Third Person POV“Kasama ka sa gusto naming buhayin.”Halos tumigil ang oras matapos marinig ni Leo ang malamig na boses ng lalaking nakatutok ang baril sa kanya.Kasabay ng malakas na kulog sa labas ay ang mabilis na paghila niya kay Chloe palayo sa likuran niya.“Tumakbo ka!” sigaw ni Leo.Ngunit bago pa makagalaw si Chloe—BANG!Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong bahay.Napasigaw si Chloe nang makitang bahagyang napaatras si Leo habang dumudugo ang kanyang balikat.“LEO!!!”Ngunit tila hindi nito naramdaman ang tama. Sa halip, mabilis nitong dinampot ang isang kahoy na upuan at marahas iyong ibinato sa armadong lalaki dahilan para mabasag ang salamin sa tabi nito.“Alexa!” sigaw ni Leo habang hinihila si Chloe palabas ng sala. “Dalhin mo si Tiya Adele sa likod!”Agad na kumilos si Alexa kahit nanginginig sa takot. Habang hawak ang cellphone, mabilis itong tumawag sa media contacts nito.“Kailangan kong i-live location ‘to,” mabilis nitong sabi habang nagtatago kasama si Tiya
Leo’s POVMistulang gustong lunurin ng langit ang buong probinsya nang gabing iyon.Malalakas na hampas ng ulan ang walang tigil na bumabagsak sa bubong ng bahay ni Tiya Adele habang paulit-ulit na kumikidlat sa labas. Ilang oras nang walang kuryente sa buong baryo dahilan para ang tanging liwanag lamang sa loob ng bahay ay manggaling sa mumunting apoy ng gas lamp sa sala.Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. At sa katahimikang iyon, mas lalong lumalakas ang ingay ng takot sa loob ko.Nakatulog na si Tiya Adele sa kwarto nito habang si Alexa naman ay abalang may kausap sa telepono tungkol sa mga dokumentong hawak niya laban sa Villafuerte family.Samantalang ako...naiwang mag-isa kasama si Chloe sa lumang sala.Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang nakabalot ng makapal na kumot. Paminsan-minsan ay sumisilip ang ilaw ng kidlat sa bintana dahilan para mas luminaw ang pagod at lungkot sa kanyang mukha.At bawat tingin ko sa kanya...mas lalo akong kinakain ng guilt.“Hindi ka pa rin ma
Third Person POVHindi naging tahimik ang pag-alis nina Leo at Chloe mula sa Maynila.Matapos kumalat ang mga balitang konektado ang Villafuerte Group sa illegal experiments at corruption, halos araw-araw nang binabantayan ng media ang penthouse ni Leo. Sa bawat pagbukas ng telebisyon, pangalan ng pamilya Villafuerte ang laman ng balita.At sa gitna ng kaguluhan—mas lalo lamang naging mapanganib para kay Chloe at sa dinadala nitong sanggol ang manatili roon.Kaya isang gabi, lihim silang umalis.Walang bodyguards.Walang convoy.Tanging si Marcus lamang ang nakakaalam kung saan sila pupunta.Sa ilalim ng malakas na ulan, dinala ni Leo si Chloe pabalik sa bahay ni Tiya Adele sa probinsya—ang lugar kung saan minsang nagsimulang mabuo ang totoong pagmamahalan nilang dalawa.Pagkababa pa lamang ni Chloe ng sasakyan, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin at amoy ng basang lupa.At sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming gulo—nakahinga siya nang maluwag.“Dito muna tayo magigi







