Share

Chapter 22 Ang Excitement ni Jiwan

NAPANGISI si Jiwan sa reaksyon ng babaeng nasa kanyang harapan – ang sekretarya ni Storm na nagkulang sa IQ. Para kasi itong nabuhayan ng loob. Alam niyang nagkaroon ito ng pag-asa. Dahil sa kanya.

Hindi man nito aminin, alam niyang malaki nag gusto nito kay Storm. Kitang-kita niya ang pag-ibig sa mga mata nito kahit mabanggit lang ang pangalan ng kaptid niya sa ina. Ganyan-ganyan din ang nararamdaman niya kapag nababanggit ang pangalang Judith. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Unang kita pa lang niya rito ay tumalbog na puso niya. Nang una ay hindi niya iyon pansin peeo nu'ng oras na hindi na niya ito nakikita, parang gusto niyang galugarin ang buong Kamaynilaan makita lang ito. Buti na lang at alam niya kung saan ito matatagpuan – sa Magaling Hospital.

Dahil sa alam na naman niya kung saan matatagpuan ang babaeng nagpapagulo sa kanyang puso't isipan, nakuha pa niyang magparumpik-tumpik pa. Nagpalipas pa siya ng ilang araw dahil gusto muna niyang masiguro ang kanyang damdamin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status