Home / Romance / Mommy Nanny / Chapter 53

Share

Chapter 53

Author: pariahrei
last update publish date: 2026-06-22 21:00:21

CHAPTER 53

"Hala! Sorry!" gulat na gulat na sabi nito. Matinis siyang tumili dahil bago niya pa napigilan ay naikalat na nito ang mga icing sa bagong-bago niyang Chanel Bag.

"Pupunasan ko na lang. Hala! Bakit mas kumalat?"

Halos sumabog siya sa galit nang hinila niya ito palayo. "Don't touch that you stupid!"

Natigilan naman ito, namimilog ng husto ang mga mata.

"Alam mo ba kung magkano ito?" bulyaw niya. Takot na umiling ito at umatras kaya mas lalong lumakas ang loob niyang sigaw-siga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Hiraya ✨
yehey...galaw galaw na asher
goodnovel comment avatar
Wilma Lu
thank you sa update! galing ni Asher, grabe hahaha.
goodnovel comment avatar
Abe Dugan
salamat sa maagang update po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Nanny   Chapter 53

    CHAPTER 53"Hala! Sorry!" gulat na gulat na sabi nito. Matinis siyang tumili dahil bago niya pa napigilan ay naikalat na nito ang mga icing sa bagong-bago niyang Chanel Bag. "Pupunasan ko na lang. Hala! Bakit mas kumalat?" Halos sumabog siya sa galit nang hinila niya ito palayo. "Don't touch that you stupid!" Natigilan naman ito, namimilog ng husto ang mga mata. "Alam mo ba kung magkano ito?" bulyaw niya. Takot na umiling ito at umatras kaya mas lalong lumakas ang loob niyang sigaw-sigawan ito. "Of course you didn't know! Nahanap ka man nina Tita Steph, pero ugaling mahirap ka pa rin. Kapag lumaki sa lusak kahit anong paligo mo, lumalabas pa rin ang baho!" "S-Sorry.." "You know what? Dapat hindi ka na lang nahanap nina Tita Steph. Makikihati ka pa sa mana. Mas maliit ang mapupunta kay Shaun." "B-Babayaran ko na lang ang bag mo." "Dapat lang. This is two million worth so you need to compensate me four million for emotional distress." "O-Oo." Sunod-sunod itong tumango.

  • Mommy Nanny   Chapter 52

    CHAPTER 52 KAHIT ayaw niyang magpaapekto sa mga pinagsasabi ni Dannie ay nag-iinit pa rin ang gilid ng kanyang mga mata. "Mommy, crazy talaga ang girl na iyon po. Ano kaya nisasabi niya? Ingay-ingay pa!" reklamo ni Shaun. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa pagitan nina Dannie at Vioxx pero malinaw na walang kaalam-alam ang bata. "Miss Dashi, ihahatid ko na po kayo sa unit niyo. Kung pwede, huwag muna kayong lumabas o pagbuksan kung sinumang kakatok. Iimbestigahan namin kung sino ang nagpapasok kay Daniella Cielo. Tara na po sa taas." Parang bodyguard sa Malakanyang si Kuya Koya. Iyon ang unang beses na nakita niya na ganon ito kaseryoso. Maging sa pagpindot sa elevator ay ito ang gumawa at pumasok rin sa mismong unit na parang nagi-inspeksyon. Pagkatapos hindi makita ang kung anumang hinahanap nito ay magalang na nagpaalam sa kanya. Inulit pa na huwag siyang lalabas o pagbubuksan ang kahit sino. "Kung may kaialangan kayo, tawagan niyo lang po ako." "Si Daniella l

  • Mommy Nanny   Chapter 51

    CHAPTER 51 Nakatulugan niya ng usapan na iyon. Kinabukasan ay maaga sila ni Shaun dahil sasama sila sa paghatid kay Vioxx sa Vesarius Airline. Isang linggo ito sa Europe para quarterly inspection ng mga Almeradez Hotel doon. Mahigpit sila nitong niyakap nang magtawag na ng pasahero ang flight nito. "Ay, ki-kiss!" hagikhik ni Shaun sabay takip ng mga mata nito nang mainit siyang hinalikan ng daddy nito. "I love you, Dashi! See you next week." "See you!" "I miss you and Shaun already." "May Video call naman. Tatawag ka naman palagi di ba?" "Yeah." Yumuko rin ito upang h alikan si Shaun sa ulo at muli silang niyakap. "Ito ang unang beses na ayaw ko ng umalis. Next time, si Asher na ang papupuntahin ko kahit magreklamo pa siya." Nang muling mag-anunsyo ang airline ay pinakawalan na sila nito. Pinanood nila si Vioxx na pumasok sa boarding gate. SInapo ni Dashi ang dibd ib dahil pakiramdam niya ay bumibigat. Parang may kung anong nagsasabi sa kanya na pakatitigan niya ng ma

  • Mommy Nanny   Chapter 50

    CHAPTER 50 [DASHI] KAKATAPOS pa lang ni Dashi maghalf-bath nang madatnan niya si Vioxx na nakaupo sa kama niya. Namutla siya nang makita ang hawak-hawak nitong pamilyar na envelope. "V-Vioxx," mahina niyang tumawag. Mula sa pagbabasa ng mga papel na hawak ay nagtaas ang malamig na mga mata nito sa kanya. "Ipinahatid ni Manang Sabel. Dumating daw para sa 'yo. Can you explain what is this?" "Pupunta ako sa..." lumunok siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "sa London." "Wala kang balak sabihin sa akin?" tanong ulit nito, wala pa rin kahot anong emosyon ang mababasa sa mukha ni Vioxx. "Sasabihin ko naman." "Kailan?" Hindi siya nakasagot. Tumayo si Vioxx kaya mas lalo siyang napayuko. "Kailan mo sa akin sasabihin, Danica Shane? Bakit hindi mo sa akin sinasabi? Kahit ang paglalakad mo ng papeles ay wala ka na isang nabanggit sa akin." "Sasabihin ko naman. Nanaghahanap lang ako ng tyempo." "You don't trust me do you?" akusa nito sa kanya. Wala ulit siyang sa

  • Mommy Nanny   Chapter 49

    CHAPTER 49 "Bakit hindi po?" hindi niya napigilang sumingit. "Wala naman ginagawang masama si Vioxx." "Dashi, sumunod ka na lang--" "Ano po ba talagang dahilan? Tatay, bakit biglaan? Parang may itinatago kayo sa akin." Naggalawan ang muscle sa mukha nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Vioxx. "Meron nga, Dashi. Malalaman mo iyon kapag nagpatuloy kang magmatigas na hindi umuwi." "Ha?!" bulalas niya. Hindi ba dapat, kapag hindi siya umuwi ay saka niya malalaman. parang baliktad yata. Umalon ang lalamunan ni Vioxx kahit nawalan ng emosyon ang mga mata nito. Hinihintay niyang tumutol ito subalit nanatili lamang nakatingin sa Tatay niya. Bigla iyang tumayo, nagsasalubong na ang mga kilay. "Hindi ako uuwi, Tatay! Anong gagawin ko do'n sa probinsya? Magbibilang ng tutubi?" "Danica Shane!" "Kahit kaladkarin mo pa ako, hindi ako uuwi. Mapilit mo man ako ngayon, babalik at babalik ako rito sa Maynila. Hangga't hindi mo ako binibigyan ng rasyonal na dahilan, dito lang

  • Mommy Nanny   Chapter 48

    CHAPTER 48 "SINO PO?" takang tanong niya. "Si Adriana. Kilala mo ba siya?" Tumango naman siya at nangingiwing sumagot. "Nanay ko po." "May isa pa siyang anak na babae?" tanong nito sabay bahaw na tumawa na para bang hindi ito makapaniwala. Hindi na nagulat si Dashi na si Dannie lang ang alam nitong anak na babae ng Nanay niya. Malamang, hindi nito ipagsasabi dahil kahiya-hiya na may anak ito sa mahirap na lalaking taga-probinsya. "May kailangan pa po ba kayo, Senator?" tanong niya na lang. "Wala na. Kilala ko kasi si Adriana at simula nang unang beses natin magkita sa study longue ay napapaisip ako kung bakit mo siya kamukha," kaswal nitong wika ngunit basa ni Dashi sa mga mata nito na parang naguguluhan sa kung ano. "Mommy!" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Shaun. Kita ang gilagid sa pagkakangiti nang nanakbo ito papunta sa kanya. "Shaun, baby ko!" masaya niyang sabi at sinalubong ito. Nag-squat siya para mayakap niya si Shaun. Pinaghahalikan niya ito sa p

  • Mommy Nanny   Chapter 15

    CHAPTER 15“BABY SHAUN, pwedeng huwag mo na akong tawagin na Mommy?” nangingiwing pakiusap niya sa bata habang binibihisan niya ito. “Why?” “P-Practice muna.” “I don’t understand.” “Basta, Baby. Sasamahan naman kita palagi pero Yaya ang itawag

  • Mommy Nanny   Chapter 14

    CHAPTER 14Wala naman balak patulan ni Ahmed dahil nagkibit-balikat ito at tinabihan ang kapatid na si Kaye. “Mommy, I want buko juice,” bulong sa kanya ni Shaun. “Sige, kukuha ako.” Akmang tatayo si Dashi nang naunahan siya ni Vioxx. “I’ll get it, Son. Do you w

  • Mommy Nanny   Chapter 13

    CHAPTER 13 “Bakit po ka po ba kasi nakikipagkompetensya sa kanya?” Sandali itong natigilan. Parang natauhan sa kung ano. “I’m not!” “Opo kaya. Sige ka, iisipin ko may gusto ka sa akin,” akusa niya pa. “You’re not my type, Coralde!” Parang

  • Mommy Nanny   Chapter 11

    CHAPTER 11 “H-Huwag niyo naman saktan…” sabi niya. Hinila-hila niya ang damit ni Vioxx para makiusap. Ngunit nang binigyan siya nito ng tingin na tila sinasabi na huwag niyang subukan, ay nalulon niya ang sariling dila. “You will pay for this Almeradez! Hindi ito mapapalagpa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status