LOGINAella's POV Mainit ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng silid noong umagang iyon. Nakaupo si Mister sa tabi ng maliit na mesa habang hawak ang isang baso ng mainit na kape. Ilang araw na ang nakakalipas simula noong maayos namin ang sirang bubong, at halos magaling na ang mga sugat sa kaniyang katawan. Pero nitong mga nakaraang gabi, napapansin ko na mas mabilis siyang matulala at madalas siyang humawak sa kaniyang ulo na parang may matinding sakit na kumikurot doon. Inilapag ko ang isang plato ng tinapay sa tapat niya. "Mister, okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatitig dyan sa kape mo. Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Halatang puyat siya at may kaunting kaba sa kaniyang mga mata. "Aella, may mga nakikita akong flashes nitong mga nakaraang gabi tuwing pumipikit ako." Napatigil ako sa pag-aayos ng mesa at mabilis na naupo sa tapat niya. "Flashes? Ibig sabihin ba nun, bumabalik na ang
Aella's POV Sumisipol pa si Mister habang nakatayo sa harap ng maliit na kalan sa aming kusina. Naka-sando lang siya at lumang pambabahay na short na hiniram namin sa kapitbahay. Nakatitig siya sa kawali kung saan may ginigisa siyang bawang at sibuyas. Nakakatuwang tingnan dahil sa taas at ganda ng tindig niya, mukha siyang isang seryosong chef sa isang mamahaling restaurant pero simpleng ginisang ampalaya lang pala ang niluluto niya. "Mister, sigurado ka ba dyan sa ginagawa mo?" tanong ko habang nakasandal sa pintuan ng kusina, may hawak na baso ng tubig. "Baka naman sobrang pait niyan, ha? Baka kailangan pa nating itapon." Lumingon siya sa akin at itinaas ang kaniyang wooden spatula na parang isang espada. "Excuse me, Aella. I followed Lola's exact instructions. Nilagyan ko na 'to ng asin para matanggal 'yung pait. Trust me, culinary genius 'to." "Talaga lang, ha?" natawa ako at lumapit sa tabi niya. Kumuha ako ng maliit
Aella's POVTahimik ang buong paligid kapag sumasapit ang alas-diyes ng gabi sa gilid ng bundok. Nakaupo ako sa lumang papag sa balkonahe habang pinagmamasdan ang malamig na simoy ng hangin na nagpagalaw sa mga sanga ng puno ng bayabas. Katatapos ko lang mag-encode ng ilang huling files para sa panggabing trabaho ko. Masyadong mabigat ang pakiramdam ng mga binti ko sa sobrang pagod, at ang mga kamay ko ay nanginginig pa sa puyat.Narinig ko ang mahinang lagutok ng pinto. Lumabas si Mister na may hawak na dalawang baso ng mainit na tsokolate. Naupo siya sa tabi ko sa papag at inabot ang isa."Gising ka pa pala," mahinang sabi ko bago kinuha ang baso. "Salamat dito, ha.""Hindi ako makatulog," sagot niya habang nakatingin sa kadiliman ng kalsada sa ibaba. "Mapansin ko kasi na gabi-gabi ka na lang halos walang tulog, Aella. Kakatapos mo lang ba sa trabaho mo?"Tumango ako at sumipsip sa mainit na tsokolate. Naramdaman ko ang kakaibang ginhawa sa lalamunan ko pero hindi iyon sapat para al
Aella's POV Bago kami makalabas ng klinika, naging pormal ang bilin ng doktor habang inaayos ang huling reseta para sa mga gamot ni Mister. Tumingin muna ito sa aming dalawa bago ibinaba ang kaniyang ballpen. "Mabilis ang recovery ng mga sugat mo pero delikado pa rin," paalala ng doktor habang pinagmamasdan ang balot ng ulo ng lalaki. "Severe injury 'yan kaya huwag ka munang magbiyahe nang malayo. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari kapag napagod ka nang husto o kung biglang magkaroon ng complications." Tumingin ako kay Mister na tahimik lang na nakikinig. Wala siyang pera, wala siyang kakilala sa bayan, at wala pa rin siyang naaalala kahit isa tungkol sa sarili niya. "Doc, paano po 'yan? Wala po siyang matutuluyan," alanganing tanong ko. "Pwede ka munang tumira sa amin," kusa kong nasabi bago ko pa man mations ang sarili ko. "May maliit kaming kwarto sa bahay. Pansamantala lang habang nagpapagaling ka at habang hinihintay natin ang balita mula sa barangay." Tumingin si
Aella's POV Pumapasok na ang liwanag ng umaga sa may bintana ng maliit na klinika. Humupa na rin ang malakas na bagyo kagabi, at tanging ang tunog na lang ng mga patak ng tubig mula sa alulod ang naririnig sa labas. Nakatungo pa rin ang ulo ko sa gilid ng kama habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa gilid ng kutson. Sobrang pagod ang katawan ko pero pilit kong idinidilat ang mga mata ko tuwing may maririnig akong galaw mula sa pasyente. Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ng lalaki. Mabilis akong napatayo mula sa upuan at lumapit nang maigi sa kaniyang mukha. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Ilang beses siyang kumurap, halatang nasisilaw sa liwanag ng araw at nahihilo pa sa epekto ng gamot at sugat sa kaniyang ulo. "Mister? Gising ka na ba?" tanong ko habang nakatitig sa kaniya. "Naririnig mo ba ako?" Bahagyang kumunot ang kaniyang noo at pinilit niyang idilat nang maayos ang kaniyang mga mata. Tumingin siya sa paligid ng maliit na kwarto, sa lumang kisam
Aella's POV Gamit ang huling natitirang lakas sa aking katawan, napara ko ang isang nag-iisang lumang tricycle na naglakas-loob bumyahe sa gitna ng bagyo. Tulong-tulong kami ng driver na isinakay ang hindi gumagalaw na lalaki sa loob ng sidecar. Basang-basa ang buo kong katawan ng ulan at putik, at ang kamay ko ay puno pa rin ng tuyong dugo na nanggaling sa kaniyang sugat sa ulo. "Naku, Miss, saan natin 'to dadalhin? Mukhang malala ang abot ng mama," nag-aalalang tanong ng driver habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. "Sa pinakamalapit na klinika po," sagot ko habang nakahawak sa dibdib ng lalaki para maramdaman kung humihinga pa siya. "Kahit saan po na may doktor." Pumarada ang tricycle sa tapat ng isang maliit at lumang provincial clinic sa bayan. Agad kaming tinulungan ng dalawang nars na idikit ang lalaki sa isang gurney at mabilis siyang isinugod sa loob ng maliit na emergency room. Puno ng
Aella's POV Eksaktong alas-otso ng umaga, habang abala ako sa pagpapasok ng mga basang labada sa washing machine, narinig ko ang sunod-sunod na katok sa aming pinto. Tok! Tok! Tok! “Mommy! May bisita tayo! Ang cookies ko andyan na!” malakas na tili ni Luna mula sa sala. Patakbo siyang lumapit sa
Aella's POV Kinabukasan, maagang nabulabog ang umaga ko dahil sa sikat ng araw na pumasok sa bintana at sa walang tigil na pangungulit ng aking anak. “Mommy, gising na po! May mission tayo ngayon!” yugyog ni Luna sa balikat ko habang nakaluhod sa gilid ng kama ko. Alas-siyete pa lang ng umaga. K
Aella's POV “Luna, ubusin mo ang gulay mo. Kung hindi, walang cartoon mamaya,” paalala ko habang nilalagyan ng sabaw ng sinigang ang kaniyang kanin. Napasimangot ang anak ko. Tinitigan niya ang hiwa ng labanos at kangkong sa kaniyang plato na parang nakaharap siya sa kaniyang pinakamalaking kaa
Aella's POV Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na paghinga ng malaking aso. Dahan-dahan, itinaas ko ang aking tingin. At doon, literal na napatitig ako. Ang description ng ahente, at ng mga kapitbahay at pakiwari ko'y kulang p







