Partager

Chapter 110

Auteur: MysterRyght
last update Date de publication: 2026-05-10 21:20:23
Jenelyn

Napapailing na lang ako tuwing naaalala ko ang mukha ni Bradley matapos kong ikumpara siya sa kulangot. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko ang reaksyon niya—yung literal na panlalaki ng mga mata niya at ang paraan ng pagpigil niya sa sarili na hindi mawalan ng composure sa harap namin ni Matthew.

Sa sobrang seryoso niyang tao, pakiramdam ko ay hindi niya matanggap na may babaeng kayang magsalita sa kanya nang gano’n habang diretso siyang tinititigan sa mata.

At ang mas nakakataw
MysterRyght

Ibig bang sabihin ay maglalaro ka, Jen?

| 25
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (3)
goodnovel comment avatar
Manang Beb
ay marunong c jenag basketball?
goodnovel comment avatar
Nemia Gatoc
Wow nman supergirl pala ako.. Este ang bida pla hahaha.. I love it
goodnovel comment avatar
Nurissa Ubahin
magaling tlga Yan c Jen kht saan mo ilagay,,gifted gurl
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 257

    Third PersonNagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa dis-oras na ng gabi.Unti-unti nang humupa ang tugtog ng live band, ngunit hindi pa rin nawawala ang masasayang tawanan ng magkakapamilya at magkakaibigan. Ang pavilion na ilang oras ang nakalipas ay puno ng mga palakpakan, hiyawan, at luha ng kaligayahan ay ngayon ay unti-unti nang nagiging tahimik.Ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno ay patuloy pa ring nagbibigay ng mainit at romantikong liwanag sa buong paligid, habang ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ay tila nakikisabay sa masayang pagtatapos ng gabing iyon.Isa-isang nagpaalam ang mga bisita.May ilan pang nagpakuha ng huling litrato kasama ang bagong engaged na sina Bradley at Jenelyn. Ang iba naman ay hindi nakalimutang yakapin ang dalawa at batiin sila bago tuluyang magtungo sa kani-kanilang silid.Punong-puno ng pagmamahal ang buong resort.Hindi lang dahil sa proposal na naganap.Kundi dahil sa pakiramdam na matapos ang napakaraming unos na pinagdaanan ng pamilya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 256

    JenelynHindi ko alam kung paano ko nagawang humakbang papunta kay Bradley.Pakiramdam ko ay unti-unting naglaho ang lahat ng tao sa paligid namin. Ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno, ang mahihinang tugtog ng banda, maging ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ay tila naging bahagi na lamang ng napakalayong ingay.Si Bradley lang ang nakikita ko.At sa paraan ng pagtitig niya sa akin, alam kong ako lang din ang nakikita niya.Huminto ako ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Hindi ko napigilang pagmasdan ang lalaking nakatayo sa ilalim ng pavilion. Nakasuot siya ng isang eleganteng itim na tuxedo na lalong nagpatingkad sa kanyang tindig. Maayos ang pagkakasuklay ng kanyang buhok, ngunit kahit ganoon ay napansin kong tila ilang beses niya iyong hinaplos gamit ang kanyang mga daliri.Kinakabahan siya.Hindi iyon ang Bradley Salazar na kilala ng lahat.Hindi ang seryoso, kalmado, at palaging kontrolado ang sitwasyon.Sa harapan ko ngayon ay isang lalaking halatang kinakabahan d

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 255

    JenelynHindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulog. Basta naalimpungatan na lang ako ng makadama ako ng ibang presensya sa loob ng silid.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Tita Mildred na may inuutusan.“Mom,’” tawag ko sa kanya dahilan upang mapalingon siya sa akin.“Naku, nagising ba kita? Sinikap ko na magdahan-dahan kam.”“Hindi naman po. Talagang pagising na rin po ako,” tugon ko. “Pero ano pong meron? Ano po ang damit na yan?”Tumingin ako sa gown na suot ng isang manikin.“Para sayo yan. Since gising ka na rin lang, why don’t you go to the bathroom ang take a bath. Papapasukin ko na ang mga stylist.”Medyo naguluhan ako. Bakit may gown at stylist pa?“Go, go, go dear.”Wala na akong nagawa lalo na ng halos hilahin na ak ni Tita Mildred papunta sa bathroom.Naligo na ako at paglabas ko ng silid ay nadatnan ko na ang tatlong babae na naghihintay sa akin.“Good afternoon, Miss Jen. Kami ang mag-aayos sayo.”Takang-taka na talaga ako.Anong meron?

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 254

    JenelynHindi pa man nagtatagal ang panonood ni Lolo ay tumunog na naman ang doorbell. Nagkatinginan pa kaming dalawa.“Bakit parang gusto mo akong utussan na magbukas ng pinto?” tanong niyang nakataas ang kilay.“Grabe ka naman, Lo. Para tinignan ka lang,” dahilan ko.“Naku kilala na kita. Hala, tumayo ka na dyan at tignan mo kung si Ruel na ‘yon.”Ayun naman pala at may inaasahang bisita.Agad na akong tumayo para tignan kung sino ang dumating. Sa peephole ay nakita ko na nga si Lolo Ruel.Nakangiti kong binuksan ang pintuan.“Lolo,” bati ko. Ngunit natigilan ako ng makita ko doon sina Tito Alfonso at Tita Mildred. “Tuloy po.”Bakas sa mukha ng mag-asawa ang kaligayahan.Matapos ang birthday celebration ni Tita Mildred ay agad na pinaalam nila Bradley kay Tito Alfonso ang mga pangyayari.Hindi makapaniwala noon si Alfonso. Ang tingin na binigay niya kay Tita Mildred ay punong-puno ng guilt.“Sobra ang hingi niya ng sorry dahil hindi man lang daw niya nalaman na ibang babae na pala a

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 253

    JenelynPagkapihit ko pa lang ng doorknob ng condo ay agad akong napahinto.Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa taong nakatayo sa harapan ng pintuan."Lo!"Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat.Hindi ko inakalang ang unang taong bubungad sa akin pag-uwi ko ay ang mismong lolo kong ilang beses nang tumangging umalis ng isla.Si Lolo Alvin.Ang matigas ang ulo, reklamador, ngunit pinakamahal kong tao sa buong mundo bukod kay Bradley.Napakurap pa ako nang ilang beses, iniisip kung nananaginip lang ba ako.Hindi.Talagang siya iyon.Nakatayo siya sa harapan ko habang nakasuot ng simpleng polo shirt, khaki pants, at ang paborito niyang sumbrero na halos hindi niya inaalis kahit saan siya magpunta. May hawak pa siyang maliit na travel bag habang nakakunot ang noo at tila naiirita sa naging reaksyon ko."Bakit mukhang gulat na gulat ka?"Nakapamewang siyang tumingin sa akin bago bahagyang umirap."Hindi ba dapat, 'Welcome, Lo. Miss na miss kita,' ang sasabihin mo?"Hindi pa rin ako

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 252

    BradleyMay mga laban na hindi kailangang samahan ng sigawan, barilan, o habulan upang maramdaman kung gaano kataas ang tensyon.Minsan, sapat na ang paghihintay.Sapat na ang bawat segundo ng katahimikan habang alam mong anumang oras ay tuluyan nang babagsak ang lahat ng kasinungalingang itinayo sa loob ng napakaraming taon.Tahimik akong nakatayo sa ikalawang palapag ng hotel, sa bahagi ng hallway kung saan tanaw ko ang daan papunta sa mga private suite. Mula roon ay kita ko rin ang ilang staff na abala sa pag-aasikaso ng mga bisita, habang sa ibaba naman ay unti-unti nang napupuno ang ballroom ng mga taong inimbitahan para sa ika-limampung kaarawan ni Mom.Sa paningin ng lahat, isa lamang itong marangyang birthday celebration.Isang gabi ng kasiyahan.Isang gabi ng reunion ng pamilya Salazar.Ngunit para sa amin, ang gabing ito ang magiging katapusan ng mahigit dalawampung taong panlilinlang.Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa railing. Hindi dahil natatak

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 77

    Jenelyn“Jen, wala pa rin tayong balita tungkol kay EmNagui.”Napatingin ako kay Charles nang marinig ko iyon. Hindi niya man direktang sinasabi, kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Yung tipong hindi na niya maitago kahit pilitin pa niya.Bahagyang nakakunot ang noo niya habang hawak ang baso

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 76

    JenelynBalik eskwelahan na ako. Mahigit isang linggo na ng bumalik kami ng bansa galing South Korea at syempre, mission failed na makita at makusap si EmNagui.Ang galing talaga ni Charles dahil natuklasan niya ang hotel room ko at nakita si Scarlet doon. Hindi na niya kailangan magsinungaling sina

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 74

    JenelynPutik yan, mabuti na lang at agad ko siyang nakita. Kung hindi ay baka nabuking na ako.Anong ginagawa niya dito?Bakit siya nandito?Sa pagkakaalam ko ay nasa Grand Hyatt Seoul sila, bakit sila naggala dito?Nakabalik na ako galing meeting at pasakay na ako ng elevator ng maisipan kong magk

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 71

    Bradley“Where is she staying?” tanong ko kay Charles pagkapasok pa lang namin sa hotel na pansamantala naming tutuluyan habang nandito kami sa South Korea.Hindi ko inaasahan na makita si Jenelyn.Sa totoo lang, ilang segundo rin akong napatigil kanina sa loob ng sasakyan habang pinapanood siyang l

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status