Share

Chapter 2

"AYUMI HILARY SERRA!" Dumagundong sa apat na sulok ng police station ang boses ni Papa dahil sa pagtawag sa aking pangalan. Napapikit naman ako sa hiya at kaba. Pinag titinginan na din ako ng iba pang mga tao at pulis dito sa loob ng istasyon.

"Pa! Ma! Umuwi na tayo" pilit kong hinihila ang aking mga magulang palayo sa mga pulis. Kasalukuyan kaming nasa police station sapagkat 'di ko na naabutan ang aking mga magulang sa bahay. Talagang tinotoo nila ang pag report sa pulis huh! At dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag palit pa ng damit. Suot suot ko pa rin ang dress kaya lalo kong naagaw ang mata ng mga tao.

"Saan ka ba kasi galing, yumi? Hindi ba'y kabilin bilinan ko sa'yo na bago mag hatinggabi ay umuwi ka na? Oh, asan ang mga kaibigan mo?" Tukoy niya sa aking mga kaibigan na si Cheska at Leighton. Sila ang inaasahan ng aking mga magulang na maghahatid sa akin kagabi ngunit anong ginawa ko? Sumama ako sa lalaking estranghero. Worst of all, we both do that thing.

Cheska is my friend simula pa noong High School kami. Si Leighton naman ang isa pa naming kaibigan na nakilala namin sa unang araw ng pasok sa aming kolehiyo. Kami ngayon ay nasa ikalawang taon na. Magkaklase kaming lahat sa kursong Bachelor of Fine arts major in interior design.

Ang aking ina, si Alice Serra, ay hindi makapagtrabaho dahil sa kanyang pilay sa kaliwang paa. Kaya, palagi siyang nasa loob ng aming bahay, gumagawa ng mga bagay na maaari niyang gawin tulad ng pagtatahi at pagluluto ng aming pagkain. Habang ang aking ama, si Eduardo Serra, ay isang taxi driver. Ang kanyang kinikita ay sapat lamang sa aming pang-araw-araw na pamumuhay kaya't hindi sakop ng kanyang kita ang mga gastusin sa aking pag-aaral.

Upang maipagpatuloy ko ang aking pag aaral ay nag working student ako. Nagsisimula ang duty ko mula 5 pm hanggang 10 pm, tuwing Lunes hanggang Sabado. Kaya diretso na ako galing sa aking school papunta sa cafeteria kung saan ako nagtatrabaho. Limang oras na pagtatrabaho sa kada araw. Ayos lamang sa akin ang set up basta't kumikita ako ng pera para suportahan ang aking pag-aaral.

Kung hindi ako magsisipag paano na kami sa hinaharap? Kaya't kahit mahirap kinakaya ko. Kahit napapagod ako ay 'di ako sumusuko.

I don't blame my parents for what we have today, for what we are now. Mahal na mahal ko sila kahit mahirap lang kami. Sa totoo lang, ipinangako ko sa sarili ko na mag sisipag ako sa pag aaral para guminhawa ang aming buhay. Na hindi ako mag aasawa agad at magpapabuntis ng hindi ko pa naibabalik ang lahat ng sakripisyo nila sa akin.

Ngunit ang lahat ng aking mga pangako sa sarili ay parang bulong na lang sa hangin na dinala sa kung saan para 'di ko makita at mahawakan. 7 weeks after that night, I felt like I'm always having fatigue. I'm feeling nausea and vomiting, as well as food cravings. I also missed my period.

Sa una ay 'di ko masyadong pinagtutuunan ng pansin 'yun ngunit makalipas ang isang linggo ay hindi pa rin tumitigil ang pagkakaroon ko ng sick morning.

Parang gumuho ang aking mundo nang makita ang dalawang pulang linya sa bagay na hawak ko. Sinubukan kong muli ang dalawa pang pregnancy test na binili ko. After 5 minutes, the same results were seen. Two red lines!

I didn't notice that I was crying myself not until a tear fell on the pregnancy test. This is the fault of that man. He took advantage of a drunk girl. How could he! Nanghina ang aking tuhod dahilan para mapaupo ako sa katabing kama.

I don't know what to do. Paano ko sasabihin sa lalaking iyon na buntis ako kung hindi ko naman siya kilala?

I immediately called my friends to asked for help. Our meeting place is in the coffee shop near the plaza. Pagdating ko doon ay nandun na silang parehas.

"Hey, Yumi, what's the matter?"

"Spill the tea, girl! Hindi ka tatawag sa amin kung wala kang sasabihin. We know you, you're a busy person kung kaya't bibihira ka lamang tumawag at makipagkita." Ani Leighton.

"I'm pregnant." Diretso kong sabi. Walang punto kung mag paligoy-ligoy pa ako.

Parang may dumaan na anghel sa mesa namin dahil sa pag tahimik. Nakita ko si Cheska na hawak ang baso sa hangin. Mukhang iinom ata siya ng tubig ngunit 'di natuloy. Sa katabi naman nito ay si Leighton na kung saan ang kaninang malawak na ngiti ay napalitan ng pagnganga.

"Don't joke like that. It's not you."

"Kaya nga! Trip mo ba kami ngayon, huh?"

Umiling iling ako. A tear fell from my right eye. Seconds passed, I burst out crying. They comforted me. Dumaan ang ilang minuto na ganoon lamang ang aming posisyon. Walang nagsasalita. Hinayaan nila akong umiyak at ilabas ang sama ng loob.

When I'm feeling okay and ready to speak, I told them what happened that night outside the club. At first, they didn't believe me. Syempre, ang pagkakakilala nila sa akin ay hindi talaga ako nakikisama sa mga estranghero. To the point na hindi lang pag sama ang ginawa ko, pumayag din ako na mag advantage sa akin ang lalaki.

This is because of the effect of alcohol. Oo, aminado akong nag enjoy ako. Pero lasing ako 'nun eh! Dapat nag pigil siya! Kung hindi naman gano'n mga pinag sasabi niya eh 'di naman ako maaakit di'ba?

Nagbigay sila ng advice sa akin na hanapin ang lalaki at sabihin na buntis ako. And so, I did. Well, tama naman. Hindi ko naman kakayanin na buhayin ang bata ng mag isa lang.

However, one week had passed since I started looking for him but I couldn't get even a glimpse of him. Nakapag ultrasound na din ako. Ilang gabi na akong nag pabalik balik sa club, umaasang makikita siya roon. Mabuti na lamang at sinasamahan ako ng mga kaibigan ko sa aking paghahanap.

Saturday night came, habang naglalakad ako pauwi sa amin ay napahinto ako bigla. Lumabas sa isang convenient store ang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Ang kagwapuhan nito na nangingibabaw sa lahat, ang kanyang katawan na well-muscled na nakaka agaw ng atensyon ng iba, at ang mata nitong nakakatunaw kapag tinitigan ka.

He's wearing a black suit, halatang kagagaling lang sa trabaho. May bitbit din siyang isang paper bag habang papunta sa kanyang kotse.

Dali dali akong tumawid sa daan upang makalapit sa kanya. Nakita kong binuksan niya ang pinto ng driver's seat at papasok na sana sya sa kotse nang magsalita ako. "Pwede ka bang makausap?"

Lumingon siya sa akin habang naka handa ng pumasok sa kotse. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, parang pilit na inaalala kung sino ako. Hindi pa nagtagal ay biglang nanlalaki ang kanyang mga mata. Bumukas ang kanyang bibig ngunit walang salita na lumabas. Nakatitig lamang siya sa akin at ganu'n din ako. Para akong tinakasan ng mga salita sapagkat ang mga gusto kong sabihin sa kanya ay bigla na lamang nagsi-atrasan.

Nauna siyang makabawi sa'min dalawa. "You're that girl, right? Why did you leave me without saying anything? After you begged and moaned for me… you will just run away."

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil nailang ako matapos niyang sabihin ang huling mga salita. God! Did I really beg for him?

He closes our distance. Ngayon, magkaharap na magkaharap na kami. Tumaas ang kanyang kilay, nagtatanong kung ano ang sasabihin ko.

"We need to talk." Sa wakas ay may lumabas na salita sa aking bibig.

"Well, we're talking right now."

"We need to talk privately." Giit ko pang sabi sa kanya.

Nangatog na ang aking tuhod dahil sa kaba. Gusto kong umalis na sa harap niya ngunit hindi maaari.

Nakita ko ang pag seryoso ng mukha niya. Mukhang na gets naman niya na importante ang aking sasabihin.

"This is about what happened to us. You know we did the wrong thing. Pero wala na tayong magagawa kasi nangyari na 'yun. Ang kaya na lang nating gawin ay maging accountable sa mga pagkakamali natin, right? I know you're aware of that."

"Hmm, so, where do you want us to talk? In a hotel?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong or nang aasar.

I gritted my teeth in annoyance. Tumingin ako sa paligid upang alamin kung meron bang tao na malapit sa amin. Nang makumpirma na wala ay hindi na ako nakapigil at sa mahinang boses ay sinabi ko ang gusto kong sabihin.

"Buntis ako! At ikaw ang ama ng dinadala ko."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status