“What happened to you? Bakit bigla ka na lang nanambunot ng tao?” Sermon ni Eduardo sa anak.
“Dad, siya nauna,” rason ni Honey. “Kahit na. Nakakahiya sa mga empleyado, Honey!” “I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan,” rason pa ulit ni Honey. “That's not an excuse! Ano na lang ang sasabihin nila? Na ang anak ko ay basagulero?!” “Dad, siya naman talaga ang nauna. Siya ang nagsabi na kaya ako pa relax-relax lang dahil anak ako ngay-ari. Eh, sila naman ang ayaw akong bigyan ng gawain.” Napailing na lang si Eduardo sa katigasan ng anak. “Gusto mong may gagawin? Get your things there and transfer them here in this office.” “But, dad–” “No more buts, Honey Jane.” Putol ni Eduardo sa rason ng anak. “Ayaw mo? Then, I let Zack get them for you.” “Fine, dad. Kunin ko mga gamit ko,” napatango na lang si Honey sa utos ng ama. “Go,” taboy ni Eduardo sa anak. Padabog na tumayo si Honey at lumabas sa opisina ng ama. Nadagnat niya si Zack na nagliligpit ng mga papeles sa mesa nito. Bugla namang kumulo ang dugo ni Honey sa lalaki kaya hindi niya na pigilan ang sarili na sugurin ito. “You! Kahit kailan talaga sumbungero ka!” Duro niya sa lalaki. “Me? What did I do?” Litong tanong ni Zack. “At nag maang-maangan ka pa?” Nakapamewang na wika ni Honey. Sinumbong mo lang naman ako sa daddy ko.” Laking gulat ni Honey na sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang lalaki. Kaya namatingala siya dahil sa tangkad nito. Yumuko naman ito sa kanya kaya medyo napaliyad siya. “Honey, hindi ako ang tipo na basta na lang magsumbong. I can protect you even without the help of your father. Just like what I did earlier,” bulong sa kanya ng lalaki. Ewan ba ni Honey Jane, parang iba ang dating sa kanya ng sambitin ng lalaki ang pangalan niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng init sa mukha at tenga niya. Pakiramdam niya pulang-mula ang mukha niya. Tinulak na lang niya ang lalaki upang itago ang pamumula niya. “Whatever,” sabi na lang niya. Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang lalaki. Mabilis ang mga hakbang niya na naglalakad patungo sa elevator na hindi na liningon pa lalaki. Agad naman na sumarado ang elevator pagpasok niya. “What's that? Did I really blush in front of him?” Tanong ni Honey sa sarili. “My gosh, Honey Jane. Nakakahiya ka.” Napaungol na lang sa inis si Honey. Sa dami ba namang pagkakataon na mag-blush. Sa harap pa talaga nito. Napapadyak na lamang siya. Hanggang sa makabalik siya sa opisina nila ay dala-dala pa rin niya ang hiya sa sarili. “Oh, girl. Anong sabi ng daddy mo?” Tanong agad ni Jhaira pagkarating niya sa table niya. “Guys, sa opisina na ako ng daddy ko,” imporma niya sa lahat ng nasa department nila. “What? Why?” Tanong pa ni Jhaira. “Dahil ba to sa nangyari kanina?” “Yeah, nakarating kay daddy ang nangyari,” sagot ni Honey. “Hindi naman ikaw ang nauna,” sabi pa ang kaibigan. “No choice. Nauna man ako o hindi, still, pinalipat pa rin ako ng daddy ko,” sagot ni Honey. “Oh, my! Mabawasan ang mga magaganda dito sa department,” linya ni Jhaira na ikatawa ni Honey. “Gagi! Para namang may ambag ang kagandahang ito sa department na ito.” “Kaya nga sabi ko mabawasan ang mga magaganda, kasi ganda lang ang ambag mo dito,” biro ni Jhaira at sinabayan ng malakas na tawa. Napatawa naman ang ilan sa mga kasamahan niya pati si Honey ay di mapigilan mapatawa sa biro na iyon ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay palabito ang kaibigan niyang ito. “Anyway, guys. Magligpit na ako. Gustuhin ko mang manatili dito pero utos ng nasa taas. Mahirap suwayin baka isang taon akong walang allowance,” sabi ni Honey sabay tawa. “Awh, mamimi-miss kita, girl,” wika ni Jhaira sabay yakap sa kanya. “Sira!” Natatawa na wika ni Honey sabay tapok sa kaibigan. “Para namang pumunta ako sa ibang planeta, eh, sa taas lang naman ako. Sabay pa rin naman tayong kakainin ng lunch.” “Sinabi mo yan, ah? Kapag di mo yan tinupad, mag-FO talaga tayo, as in, Friendship Over,” sabi ni Jhaira with action pa. “Gagi! Magtrabaho ka na nga at magliligpit na ako baka mas lalo akong malintikan kapag magtagal pa ako,” sabi niya sa kaibigan. Nang maging busy na ulit ang kaibigan ay nag-umpisa na siyang magligpit ng mga gamit niya. Wala naman siyang masyadong gamit sa table maliban sa mga personal gamit niya kaya hindi siya nahihirapan na magligpit. Isa-isa isinilid sa kartoon ang mga ito. Saktong pagkasara ng karton na nilagyan niya ng gamit ay siyang pagbukas ng pinto ng department nila. Kunot ang noo ni Honey nang makitang pumasok mula doon si Zack. Magtatanong pa sana siya ang maunang magsalita ito. “I'll carry your things, Miss Honey Jane,” wika nito. “No, no need. Hindi na kailangan,” halos pagka-bulol-bulol siya sa pagtanggi. “Utos ng daddy mo,” wika nito. “Ah, okay,” sagot na lang ni Honey. Medyo napahiya siya sa part na iyon. Akala pa naman niya ay kusa itong sumundo sa kanya. Ngunit utos lang pala ng daddy niya. “Let's go?” Tanong nito sa kanya. “Ah, okay,” sagot ni Honey. Agad naman itong naglakad palabas ng department nila dala ang mga gamit niya kaya halos kaway na lang ang ginawa ni Honey sa mga kasamahan niya habang nakasunod sa lalaki. “Bye, guys. See you around,” paalam ni Honey. “Bye!” Rinig pa ni Honey mula sa kasamahan bago tuluyang makalabas sa opisina nila. Kapwa sila tahimik habang nasa loob sila ng elevator pa alik sa taas kung saan ang opisina ng daddy niya. Gustuhin man niyang magsalita ay pansin ni Honey ang pagiging seryoso na ulit ng lalaki. Gayon pa man ay hindi niya maiwasan titigan ito. “May dumi ba ako sa mukha?” Biglang tanong nito. Napa Kurap-kurap naman si Honey sa biglaang tanong na iyon. “Wala naman.” “Then, stop staring at me,” utos nito. Napaismid naman si Honey sa sinabi nito. “As if naman ang gwapo-gwapo niya,” bulong niya sa sarili. “I heard you,” wika niya. “Whatever,” naparolyong wika ni Honey Jane. Hindi na nagsalita pa si Zack. Nang bumukas ang elevator ay pinauna siya nitong lumabas kaya naman ay yon ang ginawa niya. Diretso sila sa opisina kung saan naghihintay ang ama sa kanila.“What the hell is this?” Bulyaw ni Honey sa lalaki. “Opisina mo,” parang wala lang na sagot ni Zack kay Honey.“Ano ako? Bata? Mahilig sa pink?” Pilosopong tanong ni Honey kay Zack.Paano ba kasi hindi siya magagalit kung ang opisina niya ay puros pink na kulay ang nakikita niya. Pink ang kulay ng swivel chair, pink na lamesa, pink na sofa, pink na bubong, pink na kurtina. Kulang na lang pati kisame ay kulayan din ng pink. “Alisin mo yan. Ibalik mo sa dati ang opisina ng daddy ko.” Matigas na utos niya sa lalaki. Padapog siyang umupo sa pink na sofa. Sa sofa na rin niya nilagay ang bag na dala niya. Itinaas niya ang kaliwang binti ay ipinatong sa kanang binti saka pinag-cruz arm niya ang mga braso sa dibdib. Ipinakita talaga niya sa lalaki na hindi siya natutuwa sa ginagawa nito. “Alright. Pwede bang lumabas ka muna? Magpapatawag ako ng magbabago ng design na ito,” mahinahong wika ni Zack. “No. Dito lang ako. Ako mismo ang magbabantay sa pagbabago ng disenyo. Baka kung ano na na
“Saan ako uupo, dad?” Tanong ni Honey sa ama matapos mapansin na wala namang nadagdag na table sa opisina o kahit sa labas man lang. “Here,” sagot ni Eduardo sa anak. “What?” Hindi makapaniwala na sagot ni Honey sa turo niya sa swivel chair ng ama. “Eh, upuan mo yan, dad.” “Sweetie, sayo muna yan.” “Nge, paano ka?” “Don't worry about me. Aalis din kami ng mommy mo,” sagot ni Eduardo sa anak. “What? Aalis kayo?” Tanong ni Honey. “Paano ang company?” “Sweetie, this is not the first na umalis kami ng mommy and kasama ka pa doon, di ba?” “Yeah, but how about me? Hindi nyo ak9 isasama?” Tanong pa ni Honey. “No. It's time for you to learn how to handle our businesses,” sagot ni Eduardo sa anak. “So, from now on, you will become the acting CEO of our company.” “What? No, dad. Hindi ko kaya yon,” reklamo ni Honey. “Wala akong alam sa ganito.” “Kaya nga mag-train ka di ba?” Sabi ni Eduardo. “Paano mo malalaman ang pasikot-sikot ng negosyo natin kung hindi mo pag-aralan?” “Fi
“What happened to you? Bakit bigla ka na lang nanambunot ng tao?” Sermon ni Eduardo sa anak. “Dad, siya nauna,” rason ni Honey.“Kahit na. Nakakahiya sa mga empleyado, Honey!” “I'm sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan,” rason pa ulit ni Honey. “That's not an excuse! Ano na lang ang sasabihin nila? Na ang anak ko ay basagulero?!” “Dad, siya naman talaga ang nauna. Siya ang nagsabi na kaya ako pa relax-relax lang dahil anak ako ngay-ari. Eh, sila naman ang ayaw akong bigyan ng gawain.”Napailing na lang si Eduardo sa katigasan ng anak. “Gusto mong may gagawin? Get your things there and transfer them here in this office.”“But, dad–”“No more buts, Honey Jane.” Putol ni Eduardo sa rason ng anak. “Ayaw mo? Then, I let Zack get them for you.”“Fine, dad. Kunin ko mga gamit ko,” napatango na lang si Honey sa utos ng ama. “Go,” taboy ni Eduardo sa anak. Padabog na tumayo si Honey at lumabas sa opisina ng ama. Nadagnat niya si Zack na nagliligpit ng mga papeles sa mesa nito. Bugla nama
“What's happening here?”“Babe!” Sigaw ni Leslie pagkalabas ng lalaki agad itong yumakap at nagsumbong pa. “Sinabunutan niya ako!”Napataas naman ang kilay ni Honey sa narinig. Naalala niyang may asawa itong department head nila. At sigurado siyang hindi ang babaeng ito. “Excuse me, siya ang nauna,” depensa ni Honey sa sarili. “No, babe. Siya ang nauna. Pinakiusapan ko lang siya na dalhin ang papeles na ito sa office ng daddy niya pero ayaw niya. Tapos sinabihan pa ako na wala akong karapatan na mag-utos sa kanya dahil anak daw siya ng may-ari ng kumpanya,” sabi pa ni Leslie. Napangiti na lang ng hilaw si Honey sa kasinungalingan ng babae. Hindi niya akalain na may mga taong kayang i-down ang iba para lang umangat sila. At na-experience na niya yon, ngayon-ngayon lang.“It's true, Miss De Guzman?” Tanong ng department head nila. “No, sir,” tanggi ni Honey. “Lier!” Sigaw ni Leslie. “No! Nagsisinungaling siya!”Hindi na napigilan ni Honey ang sampalin ang babae kahit nasa harap pa
“Girl, try this one,” sabi ni Honey sa kaibigan na si Jhaira. Lunch break kaya naisipan ni Honey na sumaglit sa isang mall. Wala naman problema kahit ma-late sila dahil sa kanila naman ang kumpanya. At dahil kaibigan niya si Jhaira ay damay din sa kanya. “Ay, hindi. Ikaw na lang,” nakangiwing wika ni Jhaira. “Why? I'm sure, bagay ‘to sayo,” giit ni Honey. “Oo nga, bagay sa akin. Pero ang presyo, hindi bagay sa akin.”“Ito naman, parang 5k lang.”Naparolyo naman ng mata si Jhaira sa kaibigan. “Girl, mukha bang afford ko ang 5k?”“Sinabi ko bang ikaw ang magbayad?” Ganting irap ni Honey. “Of course, isukat mo dahil kapag kasya sayo, libre ko yan sayo.”“Nako, girl. Wag na. Nakakahiya,” sagot ni sagot. “Mas nakakahiya kung pinahiya mo ako dito kasi tinanggihan mo ako, gusto mo ba yon?” Bulong ni Honey sa kaibigan. “Sige na nga mapilit ka,” sabi na lang ni Jhaira at kinuha ang damit na nais pasukat ni Honey sa kanya. Hindi naman nagtagal ay lumabas si Jhaira mula sa dressing room
Past five na ng hapon kaya mabilis na inayos ni Honey ang gamit niya isa-isang isinilid sa bag niya. As usual, wala na naman siyang ginagawa kaya ayon nag-make up session na lang siya sa desh niya. “Bye!” Paalam niya sa mga kasama. “Bye!” Sabay na sagot ng mga ito. Sa halip na bumaba ay top button ang pinindot niya nang makasakay siya sa elevator. Balak niyang sumabay sa ama pauwi. Na-miss niya ang panahon na hatid sundo siya ng ama. Nagulat pa siya ng buksan niya ang pintuan ng opisina ng ama. Nakasalubong niya sa Zack na ngayon ay papalabas na. “H-hi,” halos mautal na bati niya dito. As usual, umuko lang ito bilang pagbati sa kanya. Nilagpasan lang siya ng lalaki patungonsa desk nito. Bagay na ikakunot ng noo ni Honey. “Haizt, pipi ba ang lalaking yon? Mahal ba ang bayad kapag masalita siya?” Inis na tanong niya sa sarili. Naparolyo na lang siya ng mata. “Whatever! Bahala siya sa buhay niya! Hmmp!”Tuluyan siyang pumasok sa opisina at nakita niya ang ama na busy pa sa mga pa