LOGIN“So wake up, girl. You are just dreaming.”Tinulak niya ako nang bahagya at humakbang pa siya papalapit sa akin. Umatras naman ako dahil ayokong magkalapit kami. Feeling ko kasi hindi lang doon ang gagawin niya. Kailangan kong paghandaan ang sampal na puwede kong matanggap anumang sandali.I know, Veronique will do something. Kumbaga sa mga palabas sa TV, siya ang kontrabida. Kaya hindi malabong gawin din niya iyon.“You are a nobody now. What else could you be proud of, Calla? Oh, right. You were just a nobody even before,” dagdag pa niya.Narinig kong tumawa ang ilang bisita na alam kong nagustuhan nila. Nag-e-enjoy sila sa pagmamaliit sa akin ng bruhildang ito. Na para bang nasa isang television drama kami at inaapi ng mistress ang original.Tiningnan ko lang siya sa paraang iisipin niyang wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Hindi niya ako makukuha sa masasakit na salitang ibinabato niya sa akin. Wala naman kasing kwenta ang pina
Pagkarating namin sa venue, kaagad na napunta sa amin ang atensyon ng lahat. I can see everyone’s confusion and judgment. Isang bagay na hindi ko napaghandaan.Napalunok na lang ako at tinuon ang atensyon sa pulang karpet—trying to avoid their gazes and eyebrows’ opinions.Hinawakan ni Kael ang kamay ko, kaya napaangat ako ng ulo. Sinalubong ako ng malalalim niyang mga mata, na hindi ko matukoy kung ano ang naiisip niya at nararamdaman niya. Hinawakan ko rin pabalik nang mahigpit ang mga kamay niya. Hindi dahil natatakot ako sa mga taong nakapalibot sa amin, kun’di kumakalma ako kapag nasa tabi ko siya. “Oh my, anong ginagawa ng babaeng iyan? Hindi ba’t niloko niya si Kael? Anong ginagawa niya sa tabi nito?” “Clearly, a social climber will always be a social climber. Marahil ay ginayuma niya si Kael.” “She’s a slvt. Matapos niyang kitain si Cyrus, ngayon ay si Kael naman. Mukhang mahilig nga siya sa mga mayayaman.”Gusto ko si
“Best, buong araw ka nang nagmumukmok dito sa kuwarto. Ayaw mo bang lumabas kahit sa garden man lang?” tanong ni Saffie sa akin. Mababakas sa tono niya ang pag-aalala niya sa akin.Bumuntong-hininga na lang ako at bored na nilingon siya. Wala akong gana ngayong araw. Napuyat kasi ako sa kaka-scroll sa tablet.I know it's crazy. Pero concerned talaga ako kung ano nang nangyayari kay Kael.Galit pa ba siya sa akin?Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ang dali niyang husgahan ako. Palagi niya akong nakakasama. Dapat ay kilala na niya ako at alam niya ang mga galawan ko.Nang dahil lang sa fake news na iyon, magagalit siya sa akin?Hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra kong pinoproblema ang tungkol doon. Kahit naman mawalan ako ng scholarship ay okay lang.Napag-isip-isip ko kasi kagabi na hindi ko naman talaga ginusto na maging parte ng Alera. Kahit tanggalin niya ako, wala namang mawawala sa akin, except sa allowance.Besides, marami-rami rin ang naipon ko mula sa
Days had passed, and it’s still the same. Hindi na ako kinakausap ni Kael matapos ang sagutan namin. He was furious. Natapos ang usapan namin na magulo.Sa totoo lang ay napipikon na ako sa kaniya. And I’m terribly mad. Hindi pa rin niya ako pinaniwalaan. Mas pinaniwalaan niya ang ibang tao.Ilang araw na akong nagkukulong sa loob ng bahay sa takot na makita ako ng mga supporter ni Kael at kuyugin ulit ako. Ayoko nang maulit muli ang nangyari sa café. Nakaka-trauma—sa totoo lang.“Best, hindi ka ba na-bo-boredom dito sa bahay? Araw-araw, paulit-ulit lang ang nakikita mo. Hindi mo ba nami-miss ang sariwang hangin sa labas?” sabi ni Saffie, isang hapon habang nakatunganga ako sa harap ng laptop.At dahil ilang araw na lang bago ang second semester, kailangan ko nang enjoyin ang natitira kong araw na marami ang free time ko. Dahil pagkatapos nito, magsisimula na ang 600 hours na On-The-Job training ko.And guess what? Doon lang naman ako sa kumpanya ni Kael mag-a-undergo ng training.Hin
Matapos ang nangyari kanina sa café, dinala ako ni Kael sa isang private park na pagmamay-ari ng mga Cojuangco, na ipinapasalamat ko dahil inilayo niya ako sa mga taong gusto akong saktan. Galit na galit siya kanina sa babaeng supporter daw niya at sa mga taong nakisali sa pag-away sa akin.Pagkatapos niyang bigyan ng death glare silang lahat, hinila na lang niya ako palabas sa café, kung saan muntik na akong matapilok. Hindi siya nagsalita, pero binuksan niya ang pinto ng SUV, kaya pumasok din ako kaagad. I was clueless until he brought me here and told me that they own this park.Matapos niyang sabihin na pagmamay-ari nila ang park, hindi na ulit siya nagsalita. As usual, he's being to himself, an unbothered king. Samantalang ako ay nakatingin sa paanan, kinakabahan at namomroblema.Ang dami kong naiisip na posibleng mangyari, kaya natatakot ako. Bakit pa kasi nangyari iyon?Sana umuwi na lang ako matapos kong mag-walk out. Bakit pa kasi ako tumambay sa labas ng hotel? “Kael…” “B
“Calla!”Humahangos na pumunta si Saffie sa akin habang bitbit ang tablet niya. Nakapantulog pa siya at magulo ang buhok; halatang bagong gising. Even though her face is a mess, she is still beautiful.Ang isa sa mga hinahangaan ko sa best friend ko ay wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura niya kapag haharap sa ibang tao. She has this confidence that even I can’t reach. “Ano?” maikli kong sagot. Kumakain ako ng egg sandwich na gawa ng mommy ni Saffie. Maaga silang umalis ni Mr. Delgado kaya kaming dalawa ng best friend ko ang naiwan dito sa bahay, kasama na ang mga katulong.Nag-iisang anak lang si Saffie, kaya kapag wala ang mga magulang niya, solo niya ang mansion. Isa sa mga dahilan kung bakit ganito katibay ang friendship namin ay dahil uhaw siya sa atensyon ng isang kapatid. I was thankful for that, kasi kahit na may kapatid ako sa ama, hindi ko naman maramdaman na mayroon ako. “Magugulat ka sa nakita ko,” sabi niya at ipinakita niya sa akin ang tinitingnan niya sa tabl
It’s been five days pero hindi na kami nakakapag-usap ni Kael—ni anino niya ay hindi ko makita. Wala rin akong alam kung anong nangyari sa kaniya.Hindi sa nag-aalala ako, pero nakakapanibago.Isa siyang Cojuangco and it’s weird na wala man lang balita tungkol sa happenings sa buhay niya. Hindi ko
Gaya ng sinabi ko, dinala ako ni Kael sa isang restaurant. Nasa VIP room kami kaya wala akong ibang nakikitang customer. Kami lang ni Kael.Tahimik lang ako. Hindi sa nangyari kanina, kun’di sa hindi ko alam kung anong sasabihin.Na-mental block yata ako.Ito namang si Kael ay hindi nagsasalita. Ka
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha ko ang title. Me over candidate number 1? Mas magaling pa nga siya kaysa sa akin, eh.Hindi ko maintindihan ang desisyon ng mga judges. “Once again, our Mr. & Ms. CIT 2026… Sean Andreu Mortiza of Architectural Drafting Technology and Calla Ezeline Navarro of
“This is worse! ”Inis kong dinampot ang broom, nakasimangot na ako dahil ang pinagawa sa’min ay pinalinis kami sa showroom ng department namin. Imagine hindi ‘to masyadong binubuksan kasi wala naman kaming event, wala ring staff o janitor para maglinis dito araw-araw, kaya punong-puno na ito ng mg
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






