LOGIN“Ano best, napili ka ba?” bungad na tanong sa’kin ni Saffie, kakauwi ko lang sa bahay nila, at siya agad ang hinanap ko para ibalita ang nangyari sa Alera quarters.
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga ikinikilos ni Miss Rodrigo, lalo lang niyang pinapatunayan sa’kin na siya ang tinutukoy niyang ex-lover ni Kael.
Anong gusto niyang palabasin? Halata namang wala nang amor sa kaniya ‘yong lalaki.
Bakit pa kasi sila naghiwalay? At bakit kasi masyadong nangingialam ang pamilya ni Kael sa lovelife niya?
“Best, natulala ka na riyan. Okay ka lang?” tanong ni Saffie at nag-snap pa sa mukha ko.
Napakurap ako ng mga mata at umiling para mawala sa isipan ko ang mga naisip ko.
Bakit ba kasi iniisip ko ang tungkol sa kanila? Wala naman akong pakialam do’n dahil allowance at tuition ang top priority ko.
“Best, hindi ka maniniwala sa nangyari,” sabi ko para hindi mag-isip ng kung ano-ano si Saffie.
“Ano?”
“Kilala mo ‘yong new instructor sa educ diba?” tanong ko at nilapag sa mesa ang bag, bago tumabi kay Saffie sa kama.
“Si Miss Rodrigo?”
“Pumunta siya ng Alera quarters kanina.”
“Anong tea naman tungkol sa kaniya?” tanong ni Saffie, na halatang curious sa ibabalita ko.
“Parang kilala ko na kung sino ang ex-full scholar ni Kael.”
“Si Miss Rodrigo?”
“Tumpak! At alam mo kanina, parang threatened siya na may bagong full scholar si Mr. Funder, nagseselos siya best!”
“Interesting,” sabi ni Saffie at tumawa nang malakas.
Ako naman ang naging clueless sa sinabi niya. Interesting na siya sa lagay na ‘yon?
“Ngayon na nasa Valerio ang ex niya, sure akong may war na magaganap,” tumingin siya sa’kin na parang binabalaan ako, “hindi nga lang maingay.”
“Ewan ko sa’yo, Saffie,” kumunot ang noo ko at nag-isip-isip kong tama ba na tinanggap ko ‘yong kontrata.
Hindi naman siguro ako aawayin ni Miss Rodrigo. Alam niyang allowance ang puntirya ko, hindi ang cold hearted na super strict na Kael na ‘yon.
“Oh, masyado nang malalim ang iniisip mo diyan. Tara labas tayo.”
—
“Hindi ko maintindihan ‘yang Alera, Calla,” sabi niya sabay s****p sa straw ng chocolate drink niya, pagkatapos ay nilunok kaagad, “naghanap sila ng full scholar in public ha at alam ng ilan na for fake dating lang iyon. Tapos, gusto ni Mr. Kael na itago ang contract niyo? At ayaw niyang malaman ng public na fake couple kayo?”
“Kaya siguro naging rumor na lang ang tungkol diyan,” sabi ko at s******p sa straw ng iniinom kong iced coffee boba.
“Kaya kailangan mong mag-ingat dahil kapag nabuking kayo, ikaw ang maiipit.”
“Sino ba ang nag-apply sa’kin dito?”
“Sorry na. Hindi ko naman inakalang pipiliin ka.”
“Wala na tayong magagawa, nandiyan na ‘yan. 7 months lang naman ‘yon,” sabi ko at napatingin sa isang coffee shop, at sa loob ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng dalawang tao na kilala ko.
Mukhang may pinag-uusapan sila na mahalaga, pero seryoso lang si Kael, samantalang si Miss Rodrigo ay panay salita.
“Best, anong tinitingin mo diyan?”
“Ang sagot sa mga tanong ko.”
Naglakad ako papalapit ng coffee shop, pumuwesto sa tanim na naka-display sa labas, at sumilip sa bintana.
“Eh, kung pumasok kaya tayo, ano?” sabay hila sa’kin papasok ng coffee shop.
Umayos naman ako para hindi kami mapansin nina Kael. Pumuwesto kami sa likod nila nang hindi nila napapansin. Pero hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.
“Good evening, ma’am. May I have your order po?”
“Siya, siya mag-o-order,” sabi ko nang hindi inaalis ang tingin kina Kael.
“Anong ako? Ikaw kaya ang may gusto na pumunta rito,” sagot ni Saffie.
“Ha? Sino ba ang nanghila sa’kin papasok dito?” saad ko naman at tiningnan si Saffie ng ‘sumabay-ka-sa’kin’ look.
Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating kaya napilitan si Saffie na umorder kahit naka-order na kami kanina.
“Pahamak ka talaga!” mahina niyang bulong, nginisian ko na lang siya at binalik ang tingin kina Kael, pero wala na sila sa puwesto nila.
“Saffie kasi umalis na tuloy.”
Matapos mag-order ni Saffie ay umalis rin ang waiter. Pero hindi ko na nahanap pa sina Kael at Miss Rodrigo.
“Bayaran mo na, alis na tayo,” sabi ko at tumingin sa bintana, nagbabakasakaling makita ko si Kael.
“Ano? Nang hindi ko manlang naiinom ‘yong chocolate ko?”
“Sige, ikaw na bahala diyan. Alis na ako,” sabi ko at nagmadaling umalis para hanapin si Kael.
Malakas talaga ang kutob ko na may something nga sila. At baka nagkita sila kasi gusto ni Miss Rodrigo na magkabalikan sila!
“Saan na kasi ang lalaking ‘yon.”
“Looking for me?” tanong ng pamilyar na boses na kaagad kong nilingon.
Tumambad sa akin ang blangko niyang mukha at malalamig na titig. Parang nagsitayuan ang mga balahibo ko.
“Asa ka. Hinahanap ko bestfriend ko ‘no,” sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.
“You just left her, remember?”
Napakagat ako ng labi dahil ‘di alam ang sasabihin. Alam niyang sinusundan ko siya. Baka isipin niyang secret admirer niya ako at inii-stalk ko siya.
“Hindi kaya,” sabi ko at kunwaring nakita ko si Saffie, “There she is. Maiwan na kita, Mr. Kael.”
Pero, nakakaisang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako paharap sa kaniya. Nakita ko na naman ang malamig niyang mga mata na nagpakaba sa’kin.
“You’re not going anywhere, love,” malamig niyang sabi sabay higit sa’kin papalapit, “may gagawin tayo.”
Napalunok ako ng wala sa oras, pero parang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kong saan ibabaling ang mga mata ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, na parang nagpa-panic sa nangyayari.
“Teka nga,” sabi ko at tinulak siya nang malakas, “anong love pinagsasasabi mo? Adik ka ba?”
Wala siyang reaksyon sa ginawa ko kaya lalo akong kinabahan.
Anong gagawin niya sa’kin?!
“You’ve signed the contract, Calla,” sabi ni Kael sabay tingin sa kamay nitong pinaglalaruan ang mga daliri, “And you must do it. Starting now…”
Hindi ko alam kung paano kakausapin sina dad; kinakabahan ako at nag-aalala. Oo nga’t ang sama ni Evone sa akin, pero hindi ko gugustuhin na malagay sa panganib ang buhay niya. Kapatid ko pa rin siya, nananalaytay sa ugat namin ang dugo ni dad. Kaya kahit sobrang sama ng kapatid ko, may parte sa akin na nasasaktan ako.Hindi ko sinasadya na mapahamak siya. Hindi ko ginusto na mahulog siya sa hagdan. Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi na sana ako lumabas ng classroom; sana hindi na lang ako nanlaban at hinayaan siya sa pang-aaway sa akin, wala sana siya ngayon sa emergency room. Hindi biro ang sinapit niya; nabagok ang ulo niya, at dahil iyon sa pagkakahulog niya sa hagdan.Dad will kill me. Baka this time, itatakwil na niya ako bilang anak niya. Oo, masakit dahil mas pinapaboran niya ang pangalawang pamilya niya, pero mas masakit kapag pinutol na niya ang relasyon namin bilang mag-ama. Siya na lang ang mayroon ako magmula nang mawala si mama. Kapag itinakwil ako ng sarili kong
‘Good morning, Aunt Sparkle!’Napangiti ako sa natanggap na message. Umagang-umaga pero ito agad ang bumungad sa akin. Pinanindigan na talaga ng batang iyon na aunt sparkle ang itawag sa akin. Tinanong ko siya kung bakit iyon ang tinawag niya sa akin. Ang sagot niya lang ay simple, dahil kumikinang daw ako sa paningin niya. Nakakatuwa ang batang ‘yon at ang cute pa niya. Alam na niya kung paano mambola. Siguro tinuturuan ‘yon ng tatay niya kaya gano’n.Matapos ko siyang tulungan kahapon, nag-usap pa kami saglit. Panay siya tanong sa akin na kinagigiliwan ko namang sagutin. Base sa nalaman ko, apo siya ng mayamang negosyante, pero hindi niya nabanggit kung sino. Ang tanging nasabi niya lang ay ang tawag niya sa lolo niya. Nalaman ko rin ang pangalan niya, Inigo. Bago siya umalis ay hiningi niya ang number ko at Facebook account. Kaya ngayon, name-message na niya ako. “Grabe ‘tong si Inigo, adult ang galawan. Six years old pa lang ‘yan siya ha, pero kung makaasta parang gurang,” bulong
“So, pinuntahan ka lang ni Mr. Kael para asarin ka? Iba rin tama no’n ah, inaasar ka na,” wika ni Saffie matapos kung ikuwento sa kaniya ang nangyari kanina sa labas ng gate nila. Tinatawanan nga niya ako habang kinukuwento ko sa kaniya iyon. Napapatingin sa gawi namin ang ibang estudyante na nakakasalubong namin dahil sa tawa niya na malutong at may halong gigil.Gusto kong takpan ang bibig niya pero lumalayo siya sa akin, kaya hinahayaan ko na lang si Saffie na pagtawanan ako. Mabilis na narating namin ang classroom at kaagad na umupo sa mga upuan. Kakaunti pa lang kami rito kasi maaga pa. May kaniya-kaniyang mundo ang mga classmate namin kaya hindi na namin sila pinansin pa. “Ay best, kailan tayo pupunta sa Zobellian Cooperatives? Next week na ‘yong pasahan no’n, ‘di ba?” pag-iiba ni Saffie ng topic. At muntik ko na ngang makalimutan na may term paper nga pala kaming requirements sa subject ni Veronique.Nilibot ko ng tingin ang classroom at nakita ang mga members ko maliban kay Du
Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang payapang paligid; mga halamang sumasayaw sa malamig na ihip ng hangin na parang mga kaluluwang naghahanap ng sariling himig, samantalang ang mga puno’y nakatindig na wari’y mga matandang tagapagbantay ng panahon, at ang mga bulaklak ay marahang nagbubukas na tila mga ngiti sa umaga. Sa katamtamang sikat ng araw, ang lahat ay nagiging isang awit ng kalikasan–isang paalala na kahit sa katahimikan, may musika ang buhay.Hindi ko alam kung paano ako napunta sa magandang lugar na ito. Pero alam kong panaginip lang lahat. Himala yata at matino ang panaginip ko ngayon. Hindi tulad ng nakasanayan ko na pagmumukha nina Inez ang nagpapainis sa akin at palaging humahantong sa pagpapahirap sa akin. Dahil na rin siguro sa environment ko, na ngayon ay peaceful na at tahimik kaya hindi na sila sumasagi sa panaginip ko.Ibinuka ko ang aking mga braso habang dinadama ang sariwang hangin at ang bango ng paligid. Walang polusyon na malalanghap kaya
Nanatili kami sa ganoong posisyon na parang mga estatwang nakalimutang igalaw ng panahon. Walang salita ang lumalabas sa aming mga labi, at ang tanging musika sa pagitan namin ay ang mabibigat na hininga na nagtatagpo’t nagbabanggaan sa hangin. It’s giving me a chill feeling. Para kaming dalawang ilog na magkalapit ngunit hindi naman magtatagpo, nagdadala ng sariling agos na pilit na pinipigil ang pag-ulan ng damdamin.Hindi ako nangangamba na may makakita sa amin ni Kael. They already know the score between us. Kaya hindi na sa kanila magiging big deal iyon na makita kaming dalawa na magkasama. Mas lalong hindi ako natatakot kay Veronique kapag nakarating sa kaniya ang nangyari. Ang inaalala ko lang ay ang tibok ng dibdib ko na sa sobrang lakas nito ay para itong tambol sa gitna ng katahimikan. Baka marinig niya, baka mabunyag ang lihim na kaba na pilit kong ikinukubli.Sabihin na nating wala akong pagtingin kay Kael, ngunit iba pa rin ang pakiramdam kapag naroon siya. Para bang ang
Matapos naming mag-usap ni Troy ay pinabalik ko na siya kaagad sa party at baka sumabog na naman ang tangke ‘pag hindi pa siya nakakabalik doon. Nag-iisa na lang ako ngayon dito sa lagoon. Hindi ko na inisip pa si Kael. I don’t care kung magalit siya ‘pag hindi niya ako naabutan sa meeting place namin. May kasalanan din siya kung bakit ako umiyak ngayon. Dapat inalam niya muna kung walang event sa lugar na ‘yon. Tapos wala pa siya. Siya ang nagyaya pero siya ang wala. Nagpapatawa ba siya?“Hey, nandito ka lang pala.” Great. Dumating din ang late comer. Bakit pa siya dumating? Ayoko ng kausap ngayon.Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik. Tinuon ko ang atensyon ko sa lagoon na maliwanag ngayon kahit gabi. Mayroon kasi itong light kaya kitang-kita ang mga isdang nagsisilanguyan. Nakakawili silang panoorin. Sana ganito na lang ang life, chill lang.“What happened?” tanong niya kaya nagpanting ang tenga ko. Seriously? Gusto niyang malaman?“Ay dapat nandito ka kanina para nakita mo.







