LOGIN
Maganda ang sinag ng araw ng hapon na iyon para sa’kin. Hindi mahapdi, hindi rin masyadong mainit. Ang perfect ng hapon dahil sabi ng ilan golden hour ang tawag do’n.
Bihira lang ako magpagabi sa school, kapag kasama si Troy. At ngayon, magkikita kami sa favorite spot namin, sabay naming pagmamasdan ang golden hour na sinasabi nila. Papunta ako ng Bloom Courtyard at dala-dala ang dalawang iced coffee boba, isa para sa akin, isa para sa boyfriend kong si Troy. Pero habang papalapit ako sa garden bench, napahinto ang mundo ko. Dahil may nakita ako na hindi dapat makita ng mga mata ko. May kahalikan na ibang babae si Troy. At sa sobrang gulat, bumitaw ang kamay ko, literal. Nalaglag ang dalawang iced coffee boba sa batong pathway, sabay tunog ng pffffttt… plok! Parang background sound ng pusong nawasak. “Calla? I… I can explain,” tarantang sabi ni Troy at lumapit sa akin, pero ako na ang lumayo. Ang babaeng kalandian ni Troy ay tiningnan lang ako na parang walang pakialam. Tinaasan ko siya ng kilay kaya pumalag. “Calla-girl, naubusan ka na ba ng sabon kaya ang sama-sama ng tingin mo? O, baka naman kinain mo na ‘yong sabon kaya bumubula ka na riyan.” “Solane, naubusan ka na ba ng gas kaya kung sino-sino pinapatos mo? O, baka sumabog na ‘yong tangke at ang boyfriend ko ang pinuntirya mo?” “Hey, hindi 'yan totoo! And it’s Solenn!” “Calla, stop it! That’s not true!” puna sa akin ni Troy, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kay Solenn. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa boyfriend ko, ang boyfriend kong pinagtatanggol ang ibang babae at ang magiging puno’t dulo ng inaasahang break-up. “Seryoso, Troy? Wow, pinagtatanggol mo pa ang gasul na ‘to,” sabay turo ko sa babae, “Eh, ‘di hamak na mas harmless ako kaysa diyan. Troy, mapapahamak ka! ‘Pag sumabog ‘yan, magiging tortang talong ka!” “How dare you!” sabay sampal sa akin ni Solenn, hindi ako nakahanda, kaya sapol sa pisngi ko ang kamay niya. “Solenn, that’s enough!” suway ni Troy at nilapitan ako para i-check ang mukha ko. Ramdam ko ang hapdi dito at pag-init ng balat ko. Pero tumatalon naman sa tuwa ang puso ko dahil naramdaman ko na may concern pa rin si Troy sa akin. “‘Yan lang ba ang kaya mo?” nanghahamon kong tanong, sabay dampot ng tapioca pearls na natapon kanina at pinahid sa mukha ni Solenn. Nagsisigaw ito sa ginawa ko, napangisi ako. “Calla, sumusobra ka na.” Bigla na lang akong tinulak ng boyfriend ko kaya napaupo ako, gulat na gulat. Hindi ako makapaniwalang nagawa akong saktan ni Troy. Doon na nagsimulang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ginawa ko lang naman iyon kay Solenn dahil nasaktan ako, at para itago ang tunay kong nararamdaman. Huminga ako nang malalim at tumingala kay Troy na kasalukuyang nakaakay kay Solenn. “Seryoso, Troy? You’re choosing her over me?” naiiyak kong sabi, pero tumigil ako sa pagluha dahil sa napansin ko. “OA! Hindi naman siya pilay para alalayan mo, Troy. Hello, sa mukha lang siya may tapioca pearls at amoy kape. Nakaka-injured na pala ang iced coffee boba ngayon, nakakaboba!” “That’s enough, Calla, break na tayo. Sawang-sawa na ako sa tabas ng dila mo. Walang lalaking magde-date sa’yo dahil may sayad ka sa utak.” “Okay, break na tayo, Troy. Pero, it’s not me, it’s you!” Tumayo ako at pinagpag ang damit. Tapos na ako makipag-usap sa walang kuwentang lalaki na katulad ni Troy. 11 months of relationship, napunta lang sa wala. “Atleast, walang anniversary na magaganap. Eh ‘di, walang bawas sa allowance ko.” Nagtatakbo akong pumunta ng rooftop, muntik pa akong masubsob, pero tuloy pa rin sa pagtakbo. Gusto nang kumawala ng puso kong durog na durog, nagsusumigaw na tulungan ito dahil nalulunod na ito sa kalungkutan at sakit. “Bakit?!” sigaw ko sa tuktok ng building. Kasabay ng paghihinagpis ko ay bumuhos ang malakas na ulan, tila nakikisabay ito sa kabiguan ko. “What now? Iiyak ka rin kasi, umiiyak ako?” Napaluhod ako habang umiiyak. Para akong sinaksak nang paulit-ulit habang nagpa-flashback sa utak ko ang masasayang araw na magkasama kami. “You loved me first. Pero bakit ako ang nahihirapan ngayon.” Troy was my first boyfriend, my first kiss, my first holding hands, and my first date. Lahat iyon naging masamang panaginip na lang. Is it my fault? Ginawa ko naman ang lahat. Halos naka-focus na ako kay Troy para hindi siya maghanap ng iba. Yet, he still cheated on me. Natigil ang pag-iyak ko nang maramdaman kong walang ulan na bumabagsak sa akin. At, isang boses ang tuluyang nagpatigil sa’kin, malamig, napakaseryoso ng dating. “Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo.” Tumingala ako para tingnan kung sino ang lalaking umepal sa pag-e-emote ko. “Mr. Umbrella-Na-Pink, alam mo bang ang epal mo? Kita mo namang nag-e-emote ‘yong tao, oh. Bakit dadamayan mo ba ako rito?” tanong ko at tumayo para pantayan siya. Pero nawala ang tapang ko dahil hanggang dibdib lang pala niya ako. Walang sinabi ang height ko sa height niya. “No. Why would I? Do I know you?” Napakagat ako ng labi habang magkasalubong ang mga kilay. “Neither I. Sino ka ba? Hindi ka naka-uniform. Hindi ka taga-rito,” matapang kong sabi at tinaasan ng kilay ang lalaki. Malakas ang kutob kong hindi siya nag-aaral sa Valerio Del Sol, o baka, hindi na talaga siya nag-aaral, dahil mukha siyang nagtatrabaho sa opisina. “Teka, kung hindi ka nag-aaral dito, hindi kaya new instructor ka?” Nanatili pa ring seryoso ang lalaki pero hindi naman siya nabo-bored sa akin. “Kung hindi ka instructor, ikaw ba ang new driver ng family namin?” “Mukha ba akong driver, miss?” ‘Hindi nga pala ako sinusundo ng family driver namin, ekis!’ “Kaasar ka, nagtatagalog ka naman pala eh!” parang stressed kong sabi at nameywang, “Sino ka ba talaga?” “I’m a Cojuangco.” “Cojuangco, what?! Cojuangco ka?” Maya-maya, tumunog ang phone ko kaya kaagad kong sinagot ang tawag. “Pauwi na ako. ‘Wag mo na akong tawagan dahil umuulan, tatamaan ako ng kidlat. Bye!” Kaagad kong pinatay ang phone at bumaling sa lalaki na nanonood lang sa akin. “Ano, in love ka sa mukhang ‘to?” sabay turo sa mukha ko at nagpa-cute gamit ang mga mata, “Limited edition ‘to, pre. Pero naka-mine pa.” Kumunot ang noo ng lalaki kaya natawa ako, parang nakalimutan ko saglit na broken ako. “Oh siya, uuwi na ako. Thank you sa pag-comfort kahit hindi ka naman talaga nag-comfort sa’kin.” Tinapik ko muna ang balikat ng lalaki at tumakbo. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang dumulas ang sapatos ko, kaya bumagsak ang puwetan ko sa semento. Alam kong lalapitan ako ng lalaki pero sumenyas na akong ‘wag akong lapitan. Hiyang-hiya akong tumayo, pero tumakbo pa rin paalis ng rooftop. Malamang tumatawa na ang lalaking ‘yon sa nangyari sa’kin, kainis! Basang sisiw akong dumating ng Nava Villa. Pero hindi pa ako pumapasok sa loob dahil makikita ni Inez na namumugto ang mga mata ko. Sesermunan pa ako no’n ‘pag nakita niyang basang sisiw ako. “Oy, may notif!” Kaagad kong tiningnan ang notification na natanggap ko, pero bigla akong nanlumo sa nabasa. Wala na akong scholarship. Nalaman ko rin na family ni Solenn ang nagpapatakbo ng scholarship ko. “Okay lang din. Strikto naman sila, eh.” “Ma’am Calla, ba’t nandiyan ka pa?” tanong ng maid namin. Nginitian ko lang siya at pumasok na rin ng gate. “Naku, basang-basa ka ng ulan. Magkakasakit ka niyan,” alalang sabi niya, napangiti na lang ako dahil maid lang naman ang nag-aalala sa akin sa villa na tinitirahan ko. My family treats me like an outsider. No, my father’s family hates me so much. Hindi nila ako binibigyan ng kalayaan at ginigipit nila ako. Kaya nga nag-apply ako ng scholarship para matustusan ang sarili ko dahil kulang ang binibigay sa akin na allowance. Pero ngayong wala na akong scholarship, hindi ko na alam kung saan kukuha ng extrang pera. “Calla, natanggal ka raw sa scholarship mo?” tanong ni Inez na nakatayo pala sa likuran ko. Bumaba kasi ako para kumuha ng tubig at hindi ko inasahan na aabangan ako ni Inez sa kitchen. “Opo, tita.” “Good for you. Hindi ka kasi marunong magpakumbaba. Ma-pride ka gaya ng nanay mo.” “‘Wag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang mama ko.” “At anong gagawin mo? Sasampalin mo ako?” hamon ni Inez. “Hindi PO kita sasampalin,” sabi ko at tumalikod, pero nagsalita pa rin si Inez laban sa mama ko kaya hinarap ko siya at tinapunan ng tubig, “Serve you right, mistress.” Inis ko siyang iniwan at umakyat ng room. Pagod na ako sa pagmamaltrato sa akin ni Inez, sa kasamaan niya sa akin, at sa pagsasalita nang masama sa mama kong matagal nang namayapa. “I've hated this place ever since!” Dinampot ko ang traveling bag at lumapit sa kabinet. Kumuha ako ng ilang damit at gamit, pagkatapos ay dumaan sa bintana para tumakas. Alam kong hindi ako paaalisin ni Inez dahil magagalit si daddy na umalis ako ng villa. Pero hindi ko na matiis ang pag-uugali niya sa akin. --- “Calla, gabi na. Anong ginagawa mo rito?” tanong ng best friend kong si Saffie. Nakapantulog na ang kaibigan ko, at mukhang naghahanda na siyang matulog. “Naglayas ka na naman ‘no?” dagdag pa niya na sinuklian ko lang ng ngiti. “Nag-away kami ni Inez, eh.” “Palagi naman. Halika na nga. Nandiyan na sina daddy.” Ngumiti lang ako at sumunod sa best friend ko. “Calla, iha, kumusta na?” tanong ng mommy ni Saffie. “Nag-away na naman kayo ni Inez, ‘no?” tanong naman ng daddy ni Saffie. “Good evening po, tita, tito. Puwede po ba na dito muna ako? Aalis naman po ako ‘pag nakahanap na ako ng boarding house.” “Ay naku, ‘wag ka na maghanap ng boarding house. Welcome na welcome ka rito, Calla. Para na rin kaming nagkaroon ng isa pang anak no’n. Sure na matutuwa ‘tong si Saffie ‘pag dito ka tumira.” Matapos kong makipag-usap sa parents ni Saffie, nag-usap naman kami sa kuwarto niya. “Seriously, break na kayo ni Troy? That’s good news, bestfriend. Nakawala ka rin sa red flag na ‘yon!” Inalog pa niya ako na parang natauhan ako. Tiningnan ko si Saffie na nagsasaya pa rin sa break up namin ni Troy. Kaibigan ko ba talaga ‘to? “Pero hindi good news ang scholarship mo, te. Paano na ‘yan?” Bigla naging seryoso ang mukha niya, na parang pasan din niya ang problema ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako puwedeng mawalan ng scholarship, ngayon pa na naglayas ako. Isa pa, hindi ako puwedeng huminto dahil OJT ko na next semester. Konting kembot na lang at magiging degree holder na ako. Kaya kakapit ako sa puwede kong makapitan, ‘wag lang ang makakasira ng dignidad ko. “Hanapan mo kaya ako. ‘Yong hindi strikto.” “Sige ba! Sandali, kukunin ko lang tablet ko,” excited na sabi ni Saffie. --- “Best, ito lang nakita ko sa group page. Alera Scholars Program ng school mismo at ni Mr. Kael Cojuangco.” Napataas ang isa kong kilay, parang hindi ako interesado pero may konting kuryusidad na namumuo sa isipan ko, lalo na’t kanina lang ay may na-encounter akong isa sa mga Cojuangco. “Weh? ‘Di ba closed na ‘yan, kasi puno na?” “Pero may one vacant daw para sa full scholar. First time ‘to ngayong year ah? ‘Di ba grantees na lang ang mayroon sila? Simula nang maghiwalay raw ang rumored girlfriend ni Mr. Kael at siya. I’m sure maraming magkakandarapa na makuha ito ngayon. Marami kayang admirer si Mr. Kael Cojuangco.” “Ha? Tapos?” “Ngee, hindi mo alam?” “Ang alin?” “Ang Alera ay hindi lang basta scholarship, lalo na ‘pag full scholar ka. Hindi grade ang requirement dito, best. Presence mo lang. Tawag nga nila dito is ‘The Fake Dating Clause’ kasi dini-date raw ni Mr. Kael ang full scholar niya.” Parang kinikilig pa si Saffie nang banggitin ang pangalan ng lalaki, halatang may crush din sa funder ng Alera, eh. “Bakit niya naman ginagawa ‘yon?” “Kasi ayaw ni Mr. Kael na makasal sa hindi niya naman gusto. At dahil nagkagusto siya dati sa scholar niya pero hindi pinaboran ng family niya, kaya naghiwalay sila ng girlfriend niya. Malamang ngayon gusto na naman siyang ipagkasundo sa ibang babae, kaya binuksan na naman ni Mr. Kael ang full scholar na slot.” “Bakit alam mo ‘yan?” “Tangek, matagal na kayang rumor 'yan sa school. Unless, ang dahilan talaga kaya nag-open ng slot kasi dito sa school nagtuturo ang ex niya, baka gusto niya itong pagselosin.” “Ewan ko sa’yo, Saffie. Basta ‘wag ‘yan best. Delikado ‘yan sa heart at sa brain.” Iniwan ko si Saffie at humiga na lang sa kama. Napatitig ako sa kisame at inisip na lang ang mangyayari sa akin, ngayong financially unstable ako. “Lord, bigyan Niyo po ako ng himala, ng blessing, kahit anong opportunity po, makapagtapos lang ako ng pag-aaral,” pumikit ako at muling nagdasal. Pinapaubaya ko na lang sa langit ang magiging kapalaran ko. At umaasang diringgin ako Nito. “Basta, hinding-hindi ako mag-a-apply sa Alera.”Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari iyon. Hindi na ulit nagpakita ang mga Navarro. Balita ko pa ay ibinenta nila ang Nava Villa pagkatapos ay umalis sa bansa.As to my family, tinanggap nila ako. Humingi ng tawad sa akin si grandma, lalo na si papa. Pinatawad ko naman kaagad sila dahil wala naman silang kasalanan. Naging ganoon lang ang pakikitungo nila sa akin dahil sa pinaggagagawa ni Evone.As for my scholarship, nag-voluntary exit ako. Pumayag naman si Kael dahil hindi ko na kailangan pang maging scholar. Nariyan na si papa para pag-aralin ako. Hindi na ako mamomroblema sa allowance ko, lalo na sa OJT.Next week na ang OJT ko at doon ako sa electronics company ni Papa. Sabi niya kasi doon na lang ako sa kumpanya niya maging trainee. At pinili ko iyong electronics dahil sakto iyon sa kurso ko.“Hi. Can I sit here?” tanong ng pamilyar na boses.Nilingon ko siya saka ngumiti.It was Kael.Ngayon ko lang ulit siya nakita. Seriously, after kong umalis ng Alera, nahihiya na
“What did you say, young man?” tanong ni Mr. Henry kay Kael. Nakatitig na siya sa akin, naguguluhan, pero lumambot ang mukha niya. Hindi na siya gano’n kagalit gaya nang kanina. Kahit papaano, natuwa ako. Mukhang naniniwala siya. “Mr. Henry, don’t believe the words of him—” “And believe the words of you? I’m a Cojuangco, and we don’t tell lies,” sabat kaagad ni Kael.Natahimik si Mr. Martin, pero ramdam ko ang galit niya. Tagos sa buto ang talim ng mga titig niya sa akin. “Kael, I know you’re not like this. Don’t believe Calla’s words. She’s manipulating you,” singit ni Veronique.Nasa tabi na siya ng mga Navarro. Obviously, nasa side siya ni Evone. “Talking to yourself, Razon heiress? You’re the one who’s manipulating,” sagot ko sa kaniya, buo at may diin.Sumama ang tingin niya sa akin, pero hindi ako apektado. Hindi na ako naaapektuhan sa mga masasakit na salitang ibinabato sa akin ni Veronique. “Mr. Cojuagco, can you explain to me now what is happening? And what’s your proof
“Are you ready?” tanong sa akin ni Kael.Nakabihis na siya ng itim na tuxedo, may bowtie na gold sa bandang kwelyo, at naka-hair wax ang medyo mahaba na niyang buhok. Mukha na siyang artista na dadalo sa gala.Habang ako, nakasuot ng gold night gown na may slit sa left side. Simpleng gown lang ang sinuot ko dahil ayoko munang mang-agaw ng atensyon. Not yet, the show hasn't begun.“Let the show begin.”And I said it already. Let's enjoy the show.Pagdating namin sa Zobel Residence, marami nang mga bigating bisita. Lahat may background sa business, both national and international. Hindi na nakakapagtaka. Zobel is the richest and most influential in the country. Kaya mga bigatin din ang mga partners at investors.“Wish me luck, Kael,” sabi ko bago humiwalay sa kaniya.Ang dahilan kung bakit ako nakapasok ay dahil iyon kay Kael. Kilala siya ng mga security guards kaya hindi na nila kinuwestiyon ang pagkatao ko. Mabuti na lang at hindi pina-ban ang mukha kong ito sa property ng mga Zobel.
“Best, nakita mo na ang bagong post sa portal?” tanong ni Saffie mula sa kabilang linya.Mukha siyang atat na nag-aalala. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay kinutuban na akong may hindi magandang balita na dapat kong makita. Feeling ko talaga tungkol na naman iyon sa akin.Ano na naman kayang fake news ang pinapakalat nila? Akala ko pa naman ay tapos na. Almost one week ding nawala ang pangalan ko sa social media.“Ito na. Pa-open na ako. Naintriga tuloy ako sa sinabi mo,” sabi ko, pagkatapos ay pinuntahan ko ang portal ni Valerio.Ang unang larawang bumungad sa akin ay ang picture namin ni Kael. At ang nakalagay sa headline ay ‘Ceo and the Queen of Clause.’ Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapanganga.Ang ini-expect ko pa namang isyu ay tungkol pa rin sa amin ni Cyrus at ang pagiging cheater ko ‘raw’. Tapos, ito lang pala.At bakit queen of clause ang nakalagay? Related ba ito sa scholarship ko sa Alera?“My goodness, Saffie. Sinong nag-post niyan? Bakit alam nilang may kontrata
Magdamag akong gising dahil sa mga natuklasan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na itinago sa akin ni Mama at ni Daddy ang katotohanan. Marahil ay ginawa nila iyon para hindi ako ma-bully.Pero sana man lang ay sinabi nila sa akin ang totoo. “Pero posible ring gusto lang akong protektahan ni Mama. Bakit kaya?”Maya-maya, tumunog ang phone ko. Kaagad ko itong sinagot para hindi makaistorbo kay Saffie. Mahimbing na kasi siyang natutulog. “Hello, Dad?”Yes, si Daddy ang tumawag. Hindi ko alam, pero may hinala akong dahil ‘yon sa kinuha kong documents. Baka nalaman na niyang kinuha ko ang DNA records ko. “Walang hiya ka talagang bata ka! Pinalaki kita. Pinatira sa pamamahay ko. Pinaaral simula elementary hanggang mag-4th year college ka ng first semester. Tapos itong isusukli mo sa akin?”Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Ramdam ko ang galit niya sa akin. Pero hindi na ako natatakot. Lalo pa’t alam ko nang hindi ko talaga siya totoong ama. “Bakit, Dad?”
Matapos naming mag-usap ni Mr. Henry ay nagpahatid na ako kay Kael. Pero hindi sa bahay nina Saffie—sa Nava Villa.I know that’s stupid of me na bumalik pa rito pagkatapos ng lahat. Pero may kailangan akong kunin, kaya napagdesisyunan kong bumalik sa tahanang naging impiyerno para sa akin. “Are you sure you want to do this?” tanong pa sa akin ni Kael.Nasa labas na kami ng gate. Aaminin kong kabado ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari pagpasok ko. Pero kailangan kong tapangan ang sarili ko alang-alang sa memories ko kay Mama.Oo. Bumalik ako rito para kunin lahat ng gamit na alaala ko kay Mama. Hindi ako makapapayag na maiwan na lang iyon dito. Hindi nito deserve na mag-stay sa impiyernong villa ng mga Navarro. “Can you come with me instead?” tanong ko sa kaniya.Saglit siyang natahimik, marahil ay iniisip kong tutulungan niya ako o hindi. Nagdadalawang-isip siya. Naiintindihan ko naman kasi labas na siya sa problema ko.Pero kailangan ko ng kasama ngayon, in case na may man
Pagkatapos umalis si Mr. Henry, binalikan ko ang puntod ni Mama. Sinuri ko kung tama ba ang nakikita ko ngayon. A bouquet of white roses, kagaya ng nilagay ko kanina. Kilalang-kilala niya talaga si Mama. Naniniwala na talaga akong may past sila. “Siya marahil ang tinutukoy ni Mama sa diary niya na
“Hi, Mama,” bati ko saka ngumiti. Gumagalaw ang mga labi ko habang pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Ngayon lang ulit ako nakadalaw sa kaniya magmula nang umalis ako sa puder ni daddy. Medyo marumi na ang puntod niya, patay na rin ang mga bulaklak na nasa tabi niya. “Sorry, Ma, ngayon lang ki
“Are you okay?” alalang tanong ni Kael, kasalukuyan niyang minamaneho ang kotse niya at ako naman ay tulalang nakaupo sa passenger seat.Hindi ako sumabay kay Saffie dahil dumaan si Mr. Funder at sinundo ako. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako sinundo, wala naman kaming pinag-usapan. Pero dahil
Hindi ko alam kung paano kakausapin sina dad; kinakabahan ako at nag-aalala. Oo nga’t ang sama ni Evone sa akin, pero hindi ko gugustuhin na malagay sa panganib ang buhay niya. Kapatid ko pa rin siya, nananalaytay sa ugat namin ang dugo ni dad. Kaya kahit sobrang sama ng kapatid ko, may parte sa ak







