CHAPTER 143“Hindi mo ba sila narinig? Hindi mo ba naintindihan ang paliwanag nila sa’yo? Walang ibang lalaki ang nakakuha kay Jillian. Yun ang unang beses na pumunta siya roon at si Harold ang kumuha sa kanya. Paano mo nasabi na hindi magandang ehemplo si Jillian sa anak natin? Ginawa ni Jillian ang bagay na yun para sa kanyang ina na may sakit. Hindi lahat ng anak kayang gawin ang bagay na iyon para sa kanilang magulang. Hindi lahat ng anak ay kayang magsakripisyo ng kanyang sarili para lang mapagamot ang magulang nila. Sa totoo lang hanga pa nga ako sa bata na iyon dahil sa tapang niya e dahil nagawa niya ang lahat ng iyon,” mariin din naman na sagot ni Shirley sa kanyang asawa. “Intindihin mo kasi sila, Louie. Bakit ba masyado ng sarado yang utak mo at hindi mo sila pinapakinggan?” dagdag pa niya.“Paano ka nakakasigurado na wala ngang ibang nakabili kay Jillian? Paano ka nakakasiguro na malinis pa siya ng makuha sya ng anak mo? Yan din ang hirap sa’yo Shirley. Masyado kang mabili
CHAPTER 142“Kailangan mong pumunta sa London dahil kailangan mong i-manage ang isa nating kumpanya roon. Nagkaroon kasi ng problema roon at ikaw ang pinagkakatiwalaan ko na makakapag ayos ng naging problema,” sabi ni Louie. “At tamang tama naman ang timing ng problema na ito dahil kailangan mong layuan ang babae na iyon,” dagdag pa niya.Napabuga naman nga ng hangin sa kanyang bibig si Harold dahil talagang pinagpipilitan ng kanyang ama na papuntahin siya sa ibang bansa.“Okay, fine. Gusto mong pumunta ako sa ibang bansa dad? Sige po susundin ko po kayo. Pero sa isang kundisyon,” sagot ni Harold habang nakatingin siya sa kanyang ama.Nanatili naman nga na nakatingin si Louie sa kanyang anak at hinihintay nga niya ang susunod nitong sasabihin.“Susundin ko po ang gusto mo dad basta po… itutuloy nyo po ang sustento sa nanay ni Jillian hanggang sa tuluyan na po siyang gumaling. At ipangako nyo rin po sa akin na hindi nyo sila papakialaman o sasaktan,” lakas loob na sabi ni Harold dahil
CHAPTER 141Matyaga naman nga na naghintay si Jillian na makabalik si Ms. Rose sa kanilang department. Halos isang oras din nga niya itong hinintay dahil alam niya na hindi nga siya mapapakali hanggat hindi niya nalalaman kung nasaan nga ba si Harold ngayon.Si Ms. Rose na lang kasi ang inaasahan niya na mapagtatanungan niya tungkol kay Harold dahil malapit nga na magkaibigan ang dalawa at isa pa ay alam din nga nito ang kanilang relasyon ni Harold.“Ms. Rose, n-nakausap nyo na po ba si Harold? K-kumusta po sya?” agad na tanong ni Jillian pagkakita nya sa kanyang manager.Nagulat naman nga si Rose sa biglang pagsulpot ng dalaga dahil ang buong akala niya ay nakauwi na ito pero mukhang talagang hinintay nga siya nito.“Jillian, may problema ba kayo ni Harold?” mahinang tanong ni Rose sa dalaga.Napabuntong hininga naman nga si Jillian at saka nga niya tiningnan si Ms. Rose.“Wala naman po kaming naging problema ni Harold. Pero… pero kahapon po kasi ay nagkaproblema kami ng isama po niy
CHAPTER 140“Give me your phone, Harold,” mariin na utos ni Louie.“What? Pati ba naman phone ko ay pakikialaman mo na rin po dad? Nasa tamang edad na po ako dad at hindi nyo na po ako kailangang paghigpitan pa ng ganyan,” inis na nga na sagot ni Harold dahil hindi niya akalain na pati nga ang phone niya ay balak din kunin ng kanyang ama“Just give me your phone or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa babae na iyon,” sagot agad ni Louie.Mariin naman nga na naipikit ni Harold ang kanyang mga mata dahil talagang ginagamit ng kanyang ama na panakot sa kanya ang gagawin nito kay Jillian.Napabuntong hininga na lamang nga si Harold at saka nga niya dinukot mula sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at saka niya ito iniabot sa kanyang ama. At naiinis na nga siya ngayon pa lang dahil hindi nga niya saulo ang number ni Jillian.“Good… Bumalik ka na sa iyong kwarto at ihanda mo na ang mga gamit mo,” sabi pa ni Louie.“Dad, last na lang po. Please hayaan nyo po sana muna ako na makapa
CHAPTER 139Pagkauwi ni Jillian ay agad na nga niyang kinuha ang kanyang cellphone at nakita nga niya na napakarami ngang missed calls ni Harold doon at may mga message pa nga ito na sagutin daw niya ang tawag. At dahil nga iniwanan niya ang kanyang cellphone ng pumunta siya kay Jane ay hindi niya nasagot ang mga tawag ng kanyang nobyo. Kaya naman agad na niyang tinawagan ang number nito pagkabasa niya ng nga message nito. Pero naka ilang dial na nga si Jillian sa number ni Harold ay hindi na nga nagriring ang number nito. Paulit ulit pa nga na tinawagan ni Jillian ang number ni Harold pero wala talaga kaya naman nagpadala na rin nga siya ng mensahe rito na tawagan ulit siya nito at humingi rin siya ng pasensya dahil sa hindi niya kaagad nasagot ang mga tawag nito.Nakakaramdam na rin nga ng kakaibang takot si Jillian ng mga oras na iyon dahil hindi na nga niya makontak pa si Harold.Lumipas pa nga ang ilang oras at nakatulugan na lang din nga ni Jillian ang pagtawag niya kay Harold
CHAPTER 138Pagkabukas na pagkabukas naman nga ni Jane ng kanilang pintuan ay agad nga na yumakap si Jillian sa kanya at napakunot na lamang nga ang kanyang noo ng maramdaman niya na nagtataas baba ang balikat nito indikasyon na umiiyak nga ito.“Anong nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak?” puno ng pag aalala na tanong ni Jane sa kanyang kaibigan.Hindi naman nga nagsalita si Jillian at nanatili nga itong nakayakap kay Jane. Kaya naman pinapasok na muna ni Jane ang kanyang kaibigan dahil mukhang may problema ito kaya ito pumunta sa kanya.Pagkapasok sa loob ng bahay ni Jane ay inalalayan nga nito na makaupo si Jillian kahit na ayaw nga nitong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong pa ni Jane sa kanyang kaibigan.Hindi pa rin nga nagsalita si Jillian at patuloy pa rin nga ito sa pag iyak. Kanina pa kasi niya pinipigilan ang kanyang sarili na umiyak kahit na ang totoo ay para bang sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa pagpipigil niya sa kanyang sarili