LOGINCHAPTER 497 “Ang mabuti pa ay bumangon na tayo para makakain na dahil parang ngayon ko na nararamdaman ang aking gutom,” sabi pa ni Jeffrey kay Rose dahil kahapon ay hindi talaga siya masyadong nakakain at ramdam na niya ang pagkalam ng kanyang tyan. “Ako rin, hubby. Parang ngayon ko naramdaman na gutom na gutom ako,” sagot ni Rose at saka siya agad na tumayo. “Tara na, hubby,” pag aaya na ni Rose. “Tsk. Mabuti pa nga na bumangon na tayo dahil baka kung hindi pa tayo bumangon ay baka na ikaw ang makain ko,” biro ni Jeffrey sa kanyang asawa. Nanlaki naman ang mata ni Rose dahil sa sinabi na iyon ni Jeffrey at wala sa sarili na agad na siyang naglakad papunta sa CR upang maghilamos at para na rin makalabas na sila sa kanilang silid. Natawa naman si Jeffrey sa naging reaksyon na iyon ni Rose sa kanyang biro. Naipilig na lang din talaga niya ang kanyang ulo dahil alam niya na hindi pa sanay sa ganoong usapan si Rose lalo na at wala pa naman talagang nangyayari sa kanilang dalawa. Sa
CHAPTER 496Matapos na mag ikot ikot ng bagong kasal na sila Rose at Jeffrey ay muli naman na silang bumalik sa unahan at muli na silang kumain at habang kumakain sila ay napapatingin na lamang sila sa kanilang mga bisita na naroon.Kapwa napapangiti na lamang silang dalawa dahil totoong napakasaya ng kanilang mga puso dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa at kasama nila ngayon sa mahalagang araw sa kanilang buhay ang kanilang pamilya at malalapit na mga kaibigan na parang naging pamilya na rin talaga nila.“Masaya ka ba ngayon?” tanong ni Jeffrey kay Rose na ngayon ay asawa na niya.Napatingin naman si Rose sa gawi ni Jeffrey at saka siya napangiti.“Oo naman. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay kasal na tayong dalawa. Isa na akong ganap na Mrs. De Guzman,” sagot ni Rose. “Ikaw ba? Masaya ka ba ngayon?” balik tanong pa niya kay Jeffrey.“Oo naman. Sobrang saya ko rin ngayon dahil kasal na tayo at wala ng makapaghihiwalay pa sa ating dalawa kundi ang kamatayan lamang,” sagot ni Jeffr
CHAPTER 495“Congrats sa inyong dalawa,” bati ni Jillian sa bagong kasal ng lumapit na ito sa kanilang table.“Salamat,” magkapanabay naman na sagot nila Rose at Jeffrey.“Ayos lang ba kayo rito? Nakakain ba kayo ng maayos?” tanong pa ni Jeffrey sa mga ito.“Wag nyo kaming alalahanin dito dahil ayos lang naman kami at ang iba nyong mga bisita na lamang ang inyong asikasuhin,” sagot naman ni Harold.“Hindi pwede. Bisita rin naman namin kayo at isa pa ay isa kayo sa mahalaga sa aming buhay kaya hindi pwede na hayaan lang namin kayo. Basta kung may problema man ay magsabi lang kayo sa amin,” sabat naman ni Rose.“Sige na nga,” tila napipilitan pa na sagot ni Harold.“Oo nga pala. Heto nga pala ang aming regalo para sa inyong dalawa,” sabat baman na ni Jillian at saka niya inabot sa bagong kasal ang isang sobre.Nagkatinginan naman sila Rose at Jeffrey dahil doon.“Naku… hindi nyo naman na kailangan pang magregalo sa amin. Ang narito lamang kayo sa aming kasal ay okay na sa amin. Wag nyo
CHAPTER 494“Ikaw naman Jeffrey. Alam mo ba na hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa ka na. Hanggang ngayon ay hindi ko rin inakala na nagawa pala talaga kitang buhayin sa kabila ng pagiging ulila nating dalawa,” panimula na sabi ni Jane sa kanyang kapatid na si Jeffrey at saka siya matamis na ngumiti rito.Napangiti naman si Jeffrey dahil sa sinabi na iyon ng kanyang kapatid dahil talagang napakarami na ring sakripisyo nito para sa kanilang dalawa.“Akalain mo na ang batang inalagaan ko noon at pinilit na makapagtapos ng pag aaral ay may asawa na. Pero wag kang mag alala dahil kahit na inunahan mo ako na mag asawa ay masayang masaya naman ako para sa inyo ni Rose at isa pa ay wag mo na akong alalahanin pa dahil kayang kaya ko naman ang sarili ko. Alam ko na inaalala mo pa rin ako pero gaya nga ng sinabi ko ay kaya ko na kaya wag mo na akong isipin pa. Sa ngayon mag focus ka sa inyo ni Rose at maging responsable ka lalo na kapag nagkaroon na kayo ng mga
CHAPTER 493Dahan dahan naman na binuksan ni Rose ang laman ng sobre na iyon at sabay pa nilang tiningnan ni Jeffrey ang laman no’n at ganon na lang ang gulat nila ng makita nila ang laman ng sobre.“M-mom, h-hindi nyo naman na po kami kailangan pang bigyan nito,” kandautal pa na sabi ni Rose dahil sa totoo lang ay kahit na wala namang ibigay sa kanila ang kanyang magulang ay ayos lang lalo na at binigyan na sila ng sarili nilang kumpanya ng kanyang ama.May ngiti naman sa labi ni Anna habang nakatingin siya sa bagong kasal.“Kaya iyan ang ibinigay ko sa inyo ay dahil yan na ang magiging panimula ninyo. Hindi pwede na hindi ninuo iyan tatanggapin dahil nakapangalan na iyan sa inyong dalawa,” sagot naman ni Anna kay Rose. “Muli ay binabati ko kayong dalawa. Nawa ay bigyan nyo kami ng maraming apo,” pagpapatuloy pa niya.“Pero mom sobra sobra na po kasi ito. Binigay na po sa amin ni dad ng isang kumpanya at sapat na po iyon sa amin,” sagot naman ni Rose at talagang tutol siya sa pagbibi
CHAPTER 492Kasunod naman na nagsalita ay si Anna na kanina pa emosyonal sa simbahan. Masayang masaya naman siya ngayon para kila Rose at Jeffrey sadyang hindi lamang niya mapigilan ang kanyang luha.“Mga anak, binabati ko kayo. Gaya ng sabi ng daddt nyo masayang masaya kami para sa inyong dalawa kahit na may kaunting lungkot dahil nga hindi ka na namin makakasama palagi Rose pero ayos lang naman yun dahil sigurado naman ako na magiging maayos ang lagay mo sa piling ng iyong asawa,” panimula ni Anna at saglit pa siyang tumigil sa pagsasalita upang punasan ang kanyang luha.“Jeffrey, wag mong pababayaan ang prinsesa ko ha. Ipinagkakatiwala ko na siya sa’yo kaya sana ay habaan mo ang pasensya mo sa kanya at wag kang magbabago at mas lalo mo pa sanang mahalin ang aking anak. Alam mo na sa simula pa lang ay boto na ako sa’yo kaya sana ay wag mo akong bibiguin dahil malaki ang tiwala ko para sa’yo na iingatan mo ang aking anak. Salamat sa pagmamahal na ibinuhos mo kay Rose… salamat din dah







