Share

CHAPTER 213

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-23 16:44:19

CHAPTER 213

“Salamat sa pag intindi mo sa akin, love,” sagot ni Harold at saka niya hinalik halikan ang kamay ni Jillian. “Kumusta pala ang pakiramdam mo ngayon? M-may masakit ba sa’yo? Kanina ay galing na ako rito pero mahimbing kang natutulog dahil daw sa gamot,” pagpapatuloy pa niya.

“Medyo n-nahihirapan pa rin akong huminga. P-pero mas ayos ayos naman na ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong mga nakaraang araw,” sagot ni Jillian.

Napabuntong hininga naman si Harold at parang bigla na naman siyang naguilty dahil wala man lang siya sa tabi ni Jillian noong mga panahon na iyon.

“Sabi nila nanay Leony hindi ka raw nagsasabi kahit na may nararamdaman ka na. Bakit mo naman yun ginawa? Hindi mo ba naisip na baka kung ano pa ang mangyari sa inyo ng mga bata?” sabi pa ni Harold.

“P-pasensya na. A-akala ko kasi ay kaya ko pa. At isa rin kasi sa iniisip ko ay si nanay… a-ayaw ko kasi na mag alala pa siya sa akin,” sagot ni Jillian.

Naaawa naman na tinitigan ni Harold ang kanyang nobya dahil k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
naiyak NMN ako ms A...malapit naba mag end ms A?? sna wla ng problema na haharapin Nina Jillian at Harold
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
naiyak nnman ako huhuhu,,,pagaling kna Jillian,,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 213

    CHAPTER 213“Salamat sa pag intindi mo sa akin, love,” sagot ni Harold at saka niya hinalik halikan ang kamay ni Jillian. “Kumusta pala ang pakiramdam mo ngayon? M-may masakit ba sa’yo? Kanina ay galing na ako rito pero mahimbing kang natutulog dahil daw sa gamot,” pagpapatuloy pa niya.“Medyo n-nahihirapan pa rin akong huminga. P-pero mas ayos ayos naman na ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong mga nakaraang araw,” sagot ni Jillian.Napabuntong hininga naman si Harold at parang bigla na naman siyang naguilty dahil wala man lang siya sa tabi ni Jillian noong mga panahon na iyon.“Sabi nila nanay Leony hindi ka raw nagsasabi kahit na may nararamdaman ka na. Bakit mo naman yun ginawa? Hindi mo ba naisip na baka kung ano pa ang mangyari sa inyo ng mga bata?” sabi pa ni Harold.“P-pasensya na. A-akala ko kasi ay kaya ko pa. At isa rin kasi sa iniisip ko ay si nanay… a-ayaw ko kasi na mag alala pa siya sa akin,” sagot ni Jillian.Naaawa naman na tinitigan ni Harold ang kanyang nobya dahil k

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 212

    CHAPTER 212Habang nag uusap usap nga sila roon ay bigla namang bumukas ang pinto ng ICU at lumabas nga roon ang isang nurse na agad na lumapit sa kanila.“Excuse me po. Gising na pi ang pasyente. Pwede nyo na po siyang lapitan muli pero may isang oras lang po ang visiting hour sa kanya. Isa isa lang din po ulit ang pwedeng pumasok sa loob,” sabi ng nurse kila Harold.Agad naman na napatayo si Harold dahil sa sinabi na iyon ng nurse dahil gustong gusto na talaga niya g makita si Jillian ng gising.“Nay, pwede po ba na ako na muna ang pumasok sa loob? Gustong gusto ko na po kasing makita muli si Jillian,” sabi ni Harold sa ina ni Jillian.“Oo naman hijo. Sige na. Pumasok ka na sa loob dahil tiyak na matutuwa si Jillian kapag nakita ka niya,” sagot ni nanay Leony habang may ngiti nga na nakapaskil sa kanyang labi dahil kahit siya ay excited na rin sa muling pagkikita ng dalawa.“Salamat po nay,” sagot ni Harold. Napadako naman ang tingin niya kay Jane na nakangiti na rin habang nakatin

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 211

    CHAPTER 211Agad naman na napatingin si Jane kay Harold ng dumating nga ito roon. Sinenyasan pa nga siya ng binata na wag maingay dahil natutulog nga si nanay Leony.Naupo na lamang nga si Harold sa kabilang upuan na naroon at tahimik na nagbantay sa labas ng ICU kung nasaan si Jillian.Sinadya talaga niyang bumalik doon dahil bukod sa wala pa syang gana na bumalik sa trabaho ay gusto rin sana niyang makita si Jillian ng gising dahil ng pumasok nga siya roon ay mahimbing nga itong natutulog dahil sa gamot.Ilang minuto rin naman na tahimik na nagbantay si Harold doon hanggang sa magising na nga si nanay Leony. Nagulat pa nga ito ng agad nitong makita ang binata na naroon.“Hijo, narito ka pala. Akala ko ay umuwi ka na kanina,” gulat pa na sabi ni nanay Leony kay Harold at saka nga siya umayos ng kanyang pagkakaupo.Agad naman na napangiti si Harold sa ina ni Jillian ng makita niya na gising na nga ito.“Hinatid ko lamang po talaga si mommy, nay. Wala rin naman po akong gagawin sa baha

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 210

    CHAPTER 210Samantala pagkahatid naman ni Harold sa kanyang ina ay agad na siyang bumalik ng ospital pero bago pa man nga siya bumalik sa ICU ay pinuntahan na muna niya ang doktor na sumusuri ngayon kay Jillian dahil gusto niya itong makausap ng personal tungkol sa kalagayan ni Jillian ngayonPagkarating ni Harold sa opisina ng doktor ni Jillian ay pinagpasalamat talaga niya dahil naroon pa nga ito. Medyo alanganin na rin talaga siyang pumunta rito dahil baka nga may ginagawa ito ngayon. Mabuti na lamang at nasaktohan niya na wala nga itong ginagawa ngayon.“Good afternoon po dok,” bati ni Harold sa doktor ni Jillian pagkapasok niya sa opisina nito.Agad naman na napatingin ang doktor sa pinto ng kanyang opisina at agad nga nitong nakita si Harold.“Mr. Villanueva, ikaw pala iyan. Good afternoon din sa’yo,” bati rin naman ng doktor kay Harold. “Maupo ka na muna. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa’yo?” pagpapatuloy pa nitoAgad naman na naglakad si Harold palapit sa doktor at saka siya n

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 209

    CHAPTER 209Hindi kasi talaga makapaniwala si Shirley sa sinabi na iyon ng kanyang asawa imbes kasi na gumawa ito ng paraan para maayos nga ang ptoblema na ito ay ganito pa ang sagot nito sa kanya. At talagang natatawa na lang siya sa pinagsasasabi nito ngayon sa kanya.Napabuga na lamang ng hangin sa kanyang bibig si Louie at hindi na niya alam kung paano pa ba siya magpapaliwanag sa kanyang asawa.“Gusto ko lang ipaalala sa’yo Louie na ikaw ang nagdesisyon na ipadala si Harold sa ibang bansa. At kung hindi dahil sa ginawa mong iyon sana ay nasa maayos na lagay si Jillian ngayon dahil maaalagaan siya ng iyong anak. Sana ay malinaw na sa’yo ngayon kung bakit ikaw ang sinisisi namin sa nangyari kay Jillian,” pagpapaliwanag pa ni Shirley sa kanyang asawa.Bigla namang tumawa ng mapakla si Louie habang tinititigan niya ang kanyang asawa.“Bakit ba ganyan kayo mag alala sa kanya? Sigurado ba kayo na anak nga iyon ni Harold? Hindi ba at sa kanila na rin nanggaling na nagtrabaho siya sa bar

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 208

    CHAPTER 208Samantala hinatid lamang naman ni Harold ang kanyang ina sa kanilang mansyon at agad na rin naman siyang umalis. Balak niya na mag stay na lang din muna sa ospital at samahan ang ina ni Jillian.Wala pa rin talagang balak si Harold na bumalik sa kanyang trabaho lalo na ngayon na masama ang kanyang loob sa kanyang ama. Halos hindi nga niya gustong makaharap ito ngayon dahil sa baka kung ano pa ang masabi niya rito dahil hindi pa rin talaga niya matanggap ang ginawa nito sa kanya. At mas lalo nga na sumama ang loob nito sa ama niya dahil sa nangyari sa kanyang mag iina.Pagkarating naman ni Shirley sa kanilang mansyon ay agad na rin siyang pumasok sa loob. At kagaya nga ng kanyang anak ay masama rin ang loob niya sa kanyang asawa at para sa kanya ay wala ring ibang dapat na sisihin ngayon kundi ang kanyang asawa dahil kung hindi naman talaga nito pinadala si Harold sa ibang bansa ay sana nasa maayos pa rin na kalagayan ngauon si Jillian dahil tiyak siya na hindi ito pababaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status