Home / Romance / My Boss was a Nerd / Unexpected Encounter

Share

Unexpected Encounter

Author: SBS
last update Last Updated: 2022-09-07 07:07:45

"Unexpected Encounter"

Malakas na tumunog ang aking alarm clock na nakalagay sa ibabaw ng mesa sa tabi ng aking kama.

Eksaktong alas syete na ng umaga.

"Tsssk!" padabog akong bumangon, sabay gulo ng aking buhok.

"Antok pa ako eh!" inis na nakanguso kong bulalas habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata sabay matamlay kong kinapa ang off switch ng luma kong orasan.

Nakakainis naman tong buhay to oo. Kung kailan wala akong trabaho kailangan ko paring gumising ng maaga para humanap ng trabaho.

"Oh come on Pamela pick yourself up bitch!" bulyaw ng aking kabilang utak.

Tamad kong binaba ang aking mga paa sa sahig sabay kuha ko sa aking salamin sa mata na nakapatong sa ibabaw ng mesa at agad ko iyong sinuot sa aking mga mata.

Inunat ko muna ang aking mga bisig sabay hugot ng hangin at binuga iyon.

Napangiwi ako sabay biglang mulat ko sa aking mga mata. "Assskkkkkdd," kislot ko ang panis ng hininga ko. Agad akong sumaglit sa banyo upang mag toothbrush.

Ako nga pala si Pamela Ramirez, jobless sa ngayon marami na akong nadaanang trabaho simula ng gru-maduate ako ng kolehiyo pero lahat ng iyon ay hindi tumatagal. Kaya ngayon banat buto akong naghahanap ng trabaho upang matustusan ko ang aking sariling pangangailangan. Eh kasi nga naman hindi ko alam na babagsak ako sa ganitong sitwasiyon, sitwasyon na iyong, walang wala! Kahit na mismo sentimo ay halos wala na akong makapa sa butas kong wallet.

My father died due to airplane crash and my mom naman ayun sumama sa kalaguyo niya, ubos lahat ng ari arian namin, bumagsak lahat simula ng namatay ang ama ko at ayon ang ina ko naman ay baliw na baliw sa kalaguyo at naubos ang lahat ng ari-arian, dahil sa kakadatong nito sa walang kwentang hampas lupa.

Hindi ko na pinaki-alaman pa ito dahil simula't sapol wala rin naman itong paki-alam sa akin, mas pinili ko nalang mabuhay mag-isa at magdikdik ng asin kaysa sumama sa ina kong walang kwenta.

Kaya heto ako nakatira sa isang maliit na apartment, napilitan akong makisama at tanggap ko naring wala na akong pera, lahat ng credit card ko ayon wala na cut na. Wala rin naman akong magagawa mas gugustuhin ko nalang tumira sa apartment kaysa matulog sa gilid ng kalye ano.

Oo nga pala kasama ko ang kaibigan kong si Jocel sa apartment, hati kami sa upa ng bahay, well hindi na masama mabuti at may karamay ako. Isa nga palang call center agent si Jocel sa isang kompanya dito sa Cebu at ako wala munang trabaho mabuti at mabait ito, ito muna ang tumataya sa bayarin hanggang sa makahanap ako ng matinong trabaho.

Kawawa talaga ako ano? dati I used to spent all my money in a useless thing, ngayon narealize ko na kung gaano kahirap ang buhay at kung paano magbanat ng buto para lang kumita lang maski maliit na sentimo.

Buhay nga naman pero sadyang tanggap ko na kung anong meron ako ngayon, buong puso ko iyong niyakap, tinanggap ng buong buo.

Kasalukuyang nagsisipilyo ako ng aking mga ngipin nang may biglang ng nagbukas ng pintuan sa silid.

Ay naku sigurado akong si Jocel lang iyon, kaya pinagpatuloy ko pa rin sa pagsisipilyo ng aking ipin.

Hindi ko pansing pinulot nito ang isang minion stuff toy na nagkalat sa sahig at ibinato iyon sa akin.

"Anak ng...." napamura akong bigla na halos tumilapon ang lahat ng bubble toothpaste sa aking bibig dahil sa gulat.

Ayon! Sapol ang ulo ko, sa ginagawa ng bestfriend ko.

"Aray!" oa at maarte kong reklamo dito.

Tama ang hula ko, ang kaibigan ko lang naman mapangahas ang pumasok sa kwarto ko.

Humagikgik ito ng tawa, dahil sa reaksiyon ko.

Ako nama'y nakasimangot na hinihimas ang likod ng ulo kong nasaktan at muli kong pinagpatuloy ang ginagawa.

"Hoy babae anong oras na! Kung makakilos ka para kang pagong ha, bilisan mo diyan, para kang donya, papatayin kaya kita ano!" pagalit galitang ani ni Jocel na nakaupo sa gilid ng aking kama.

"Oo na lumabas ka na nga kakainis ka naman eh ke-aga aga pinapagalitan mo naman ako," reklamo ko na tumitingin dito mula sa repleksiyon ng salamin.

Mabuti kahit m*****a itong kaibigan ko ay napagpasensiyahan parin ako. We're bestfriend since college days, noong nagtransfer ako dito sa Cebu nakilala ko ito, pero tumigil itong pumasok dahil walang sapat na pangtustos sa tuition kaya nag trabaho ito sa call center at hanggang ngayon sa call center pa rin ito.

"Bilisan mo diyan nagugutom na ako", pagkasabi nito ay tumayo na ito dagling lumabas.

Ako naman ay naiwang tatango tango.

Napabuntong hininga ako. Laglag balikat na naupo ako sa isang tabi.

Inayos ko muna ang salamin sa mata ko at tinuon ang ko paningin sa dala kong newspaper.

Naubos na ata lahat sa list dito sa dala kong news paper pero para atang walang kasiguraduhan.

Humugot akong muli ng isang malalim na hininga, pagkatapos napalunok ako ng laway.

Napangiwi ako pagkatapos. "Awwww! " ang tuyo na ng lalamunan ko uhaw na uhaw na ako.

Nilinga ko ang paningin sa paligid para humanap nang pwede mapagbilhan ng mineral water.

"Ayyyy! Nalukot ko muli ang aking mukha. Ang layu ng sari-sari store na natanaw ko nasa kabilang kanto pa, masakit at manhid na kaya binti ko sa kakalakad.

Pasuray suray akong naglakad, ang sakit ng paa ko dahil sa suot kong black shoes na may mataas na takung. "Aray", reklamo ko sa loob loob. Bigla akong napahinto sa paglalakad.

Ayon! may nakita akong isang ATM water dispenser, kumuha ako ng piso mula sa loob ng aking shoulder bag.

Hindi ako makapaniwalang kayang kaya ko ng gawin ang mga ganitong bagay.

Kumuha ako ng plastic at hinintay kong lumabas ang tubig mula sa machine.

Naku! Wala akong mahagilap na straw kaya binutas ko nalang ang plastic sa pamamagitan ng aking ngipin at s******p nalang iyon.

"So refreshing!" Ani ko sa loob loob, sabay tapon ng plastic sa isang maliit na basurahan sa tabi.

Bigla akong napalingon nang may narinig akong makina ng sasakyan papalapit sa aking kinatatayuan at kasunod niyon ay pabiglang paghinto nito sa aking tapat.

Napatalon tuloy ako sa gulat. "Anak ng---", kikibot kibot kong sabi sabay sapo sa aking dibdib. Dahil kinabahan ako, akala ko kataposan ko na.

Tiningnan ko ang sasakyang huminto sa tapat ko. " Wow isang mamahaling sasakyan na kalimita'y pag-aari ng mga mayayaman, Mercedez AMG," napahanga ako sa gara ng kotse.

Kasunod ay Nakita kong may lumabas mula sa driver seat. "Aba gwapong tipaklong," wala sa sariling bulong ko.

Nakanganga ako nang makita ko ang lalaki. Napakurap kurap tuloy ako. Napalunok ako ng kaunting laway dahil nanuyong muli ang lalamunan ko dahil sa natunghayan.

I saw my knight and shining armor. Kung iyon ba ang pwedeng matatawag sa lalaking kaharap.

Matangkad at matikas ang pangangatawan, may mga makakapal na kilay, mapupungay na mata at pinaresan ng malalantik na pilik mata, matangos ang ilong nito na katamtaman lang ang taas at mga labi nito ay natural na mapupula. Sarap pakpakin besh.

In short gwapo ito, matangkad at may kayumangging balat. Tall, dark and handsome besh.

He is wearing a Linen blazer and a white henley shirt underneath, with denim jeans and pair with vans shoes.

Hindi ko napigilang napaawang ang aking labing nakatitig dito.

Bahagya pa ako nginitian ng lalaki, tuloy para akong baliw na kinilig. Pero I doubt kung ako ba talaga ang ningitian nito. Nilinga ko ang sariling paningin sa paligid upang siguraduhin.

For sure para talagang para sa akin ngiting binigay nito, wala naman akong mahagilap na ibang tao, kaya " Therefore I conclude para sa akin talaga iyon."

Mas lalong gumagwapo ito sa aking paningin ng matunghayan ko ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin.

Namumula ata ang pisngi ko sa ginawa nitong ngiti sabay kindat.

Sa gulat ko'y bigla itong lumapit sa aking harapan sabay hablot sa aking kaliwang braso.

Tuloy nagsalubong ang aking kilay sa inakto ng lalaking estranghero.

Anong problema ng lalaking ito, hindi naman kami magkakilala kung makahawak wagas, feeling close?

Pilit kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nito, pero mahigpit ang mga daliri nitong nagkapulupot sa braso ko. Sabay tingin sa aking mga mata, pinandilatan pa ako na animo'y nagbabanta.

Napapiksi ako at pinandilatan ko din ito. Aba aba ano ako tuta, kaya pinilit kong binawi ang aking braso. "Hudas magbibitiw ka nga kahit gwapo ka hindi ako magpapadala!"reklamo ko sa utak.

Ano ang lalaking ito sineswerte hello, kung maka asta parang close kami. Sinadya kong maging magalaw, upang ipahalata dito ang pagprotesta at pagtutol ko.

Nang laking gulat ko nang bigla nitong inilapit ang bibig sa gawing tainga ko at may binulong. Ramdam na ramdam ko tuloy ang init ng hininga nitong dumapo sa balat ko. Ibig ko nang mahimatay dahil sa init at kiliti na hatid niyon. Pakiramdam ko tumayo lahat ng balahibo ko sa batok.

"Please Miss, just ride the flow okay I beg you."

Nanlaki ang aking mga mata.Ano ang ibig sabihin nito?

Mas lalo akong nagulat ng may nagbukas sa bintana ng kotse sa gawing passenger seat.

Tumambad sa akin ang babaeng mestisahin. Napangiwi ako "Bakit parang ang white lady ang putla? nasobrahan ata sa kaka gluta ang babaeng ito."

Muli ay akma kong bawiin ang braso kong hawak hawak ng lalaki, pero mailap talaga ito at mas lalong dumikit sa akin at sinabayan pa ng akbay.

"Leche! May girlfriend naman pala tong lalaking to oo."

"Stay still," muli bulong nito pagkatapos ay binaling nito ang paningin sa babae. "I got my new girl here, you can come out now," ani ng lalaking katabi ko at na mas lalong hinapit nito ang balakang ko.

Nanlaki ang butas ng ilong ko na iyong bilog na bilog, dahil sa inakto nito. Naiinis ako na kinilig ewan hindi ko na kayang pang ipaliwanag.

Napakislot ako. Pinandilatan ko ang lalaki pero parang hindi iyon effective parang wala itong nakita.

What? New girl? Sira pala itong lalaking to ha! Sasapakin ko kaya ito hanggang sa maglumpasay ito sa kalsada.

"No I'll stay here", pagmamatigas ng babae na nasa loob ng sasakyan.

"Oh come on Zherina we are now over," pahayag ng lalaki patuloy pa rin ang conversation ng dalawa.

Naku naman! Maghihiwalay na nga mangdamay pa ng ibang tao. Pinili kong nakamasid at tahimik sa isang tabi.

"Come on honey," baling nito sa akin habang ang mga kamay ay nasa likod ng balakang ko.

Aba! eksina ko na pala akala ko tuloy wala na akong ibang gawin sa dramang ito kundi ang tumayo sa tabi.

Pinilit kong nilayo ang sarili pero mas lalong nitong inilapit. Hindi nalang ako umimik at nakisabay sa drama ng buhay ng dalawang estranghero.

Iginiya ako nito sa tapat ng bintana kung saan ang babae naka-upo. He opened the door.

"Out," utos nito sa babae.

Nagsalubong ang aking kilay, ang sama ng ugali ng h*******k na ito ha. Kung makapatapon lang nang babae ay parang pinagsasawaang laruan.

Padabog namang bumaba ang babae sa kotse. Sumunod ako ng tingin dito. "Sorry girl aking ang huling hakbang hahahaha", wicked witch laugh pero sa loob ko lang iyon ha.

"Hop in honey", bahagya pa nitong nilakasan ang boses upang malayang, marinig ng babae.

Patulak ako nitong pinapa-upo sa loob sabay sara ng pintuan. Pagkatapos ay gumawi ito sa driver seat.

Huminto muna ito sa tapat ng kunatatayuan ng babae at nagsalita." See you when I see you Zherina," iyon at tuloy tuloy itong pumasok sa sasakyan.

Halatang nanggalaiti ang babae sa galit.

Sunod sunod ang hinga na aking ginawa. "Diyos ko po! Ang hinihingi ko lang naman ay trabaho hindi ang kumag na katabi ko!" ani ko sa sarili.

Nang makaposisyon na ito sa loob ay maagap nitong isinuot ang signature sunglasses nito sa mata. Hindi maitatangging mayaman ang lalaking ito.

Hmmm! gwapo ito pero minus points, ang sama ng ugali, ani ng isang panig ng utak ko.

Bahagya pa itong ngumiti ng nakakaluko at walang dalawang isip at pinasibad nito ng takbo ang kotse.

Kinagat ko nalang ang aking labi upang maitago ang inis ko dito.

Walang namutawing salita mula sa aking bibig sa sandaling iyon habang malamlam na nakatigtig sa gwapong mukha ng estranghero.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Singh Jaideep
hmm let's see
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss was a Nerd   Hidden Proposal

    "Hidden Proposal"Walang patid ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Humihikbi ako na animo'y walang kataposan. Hindi ko gustong umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.Nanatili pa rin ako sa silid ng hospital na ito nang mag-isa.Nakatungo kong pinahid ang mga luha ko sabay kuyom ng mga palad ko sa ibabaw ng aking magkabilang hita.Masaya ako sa balitang natanggap ko pero may kalakip iyong takot at pangamba. Hindi ko masisi ang sarili kong matakot dahil ako lang mag-isa ang humaharap sa dayog ng buhay ko, wala akong kapamilya na malapit sa akin bukod kay Jocel. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula, saan ako o kami ng batang ito dalhin ng unos ng buhay, pero alam ko at maipapangako ko sa sarili kong hindi ko pababayaan ang magiging anak ko.Nanatiling nakayuko ako nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay sa aking daliri. Nagsalubong ang aking kilay, bakas sa mukha ko ang pagkalito. Wala sa sariling napasuyod ako ng tingin sa bagay sa aking daliri.

  • My Boss was a Nerd   Blessing in Disguise

    "Blessing in Disguise""OKAY Miss Ramirez, just wait for our call, thank you," sabi ng isang babaeng nag interview sa akin. Napakabugnutin naman ng pagmumukha ng nag-interview sa akin na akala ko tuloy nakapasan sa buong mundo.Tumango lang ako bilang sagut dito, maingat akong lumabas mula sa silid kung saan ginanap ang interview sa bago kong inaaplyan.Isang buntong hininga ang aking pinakawalan nang maglakad ako sa hallway. Dalawang linggo na akong pagala-gala pero wala pa rin akong nakuhang bagong trabaho.Laglag balikat na lumabas ako sa malaking building. Nagsisimula muli ako sa una. Apply dito, apply doon hanggang sa makahanap ng panibago.Eh bahala na kaysa manitili ako doon, puso ko lang ang mahihirapan. Bahala na walang sisihan."Go go go lang Pamela!" Pinalakas ko ang aking sarili.Pang limang kompanya ko na kaya iyon, pero palagi lang sinabing maghihintay ng tawag, hanggang kailan pa ba ako maghihintay, isang linggo, dalawa,tatlo? Sadsad ang takong ng sapatos kong naglaka

  • My Boss was a Nerd   Distance is the Key

    "Distance is the Key"GABI na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi man lang ako dinalaw ng antok. Kanina pa ako pabaling baling sa ibabaw ng kama pero wala eh, mulat na mulat pa rin ang aking mga mata.Lintik itong matang to oo. Lagyan ko kaya to vicks ano para kusang pumikit ito?Mariin kong ipinikit ito, pero palaging nag pa-flashback ang mga sinasabi ni Tristan sa aking isipan. Para atang nakaukit iyon sa utak ko. Palagi nalang lumilitaw ang gwapong mukha nito sa kukuti ko.Ibig ko na sanang paniwalaan lahat nang iyon pero natatakot ako baka sa bandang huli ay ako rin ang magdurusa at magsisisi.Kaya mas mabuti at maaga pa ay iiwas na ako para hindi na tuluyang mahulog pa ang loob ko. Itigil na niya ang kahibangan niya.Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga, sinuot ko ang salamin sa aking mga mata.Naupo ako sa harapan ng maliit na mesa ng aking silid, kinuha ko ang ballpen sa harapan at isang malinis na papel.Magpa-file ako ng resignation hangga't maaga pa. Aya

  • My Boss was a Nerd   Shoulder to Cry on

    "Shoulder to cry on"Nang makilala ko kung sino ang bumungad sa aking harapan ay hindi ako nagdalawang isip. Lakad takbo ko itong sinalubong, pangahas ko itong hinarap. I knew I need him right now. I really do.When I reached him, I automatically leaned my head on his right chest without asking his permission and my tears bursted. I started to cry as much as could. Nilabas ko ang mga luha ko na kanina pa ko pa tinitimpi.Humagulhol at humihikbi ako na parang wala ng kataposan, nayugyog ko ang aking balikat dahil sa pag-iyak, hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak ng umiyak sa harapan ni Travis.Wala na akong pakialam kung nagmukha akong tanga at kaawa awa sa mga mata nito sa sandaling iyon, gusto ko lang umiyak at ilabas ang sakit at sikip ng aking dibdib. At ito lang ang pwede kong takbuhan sa oras na iyon."I am sorry for grabbing your shoulder without your consent, b-but I really need this now," humahagulhol na sabi ko, hindi ko na naikulbli ang gumaralgal kong boses. Hindi it

  • My Boss was a Nerd   Denial

    "Denial"Nagising akong mabibigat at masakit ang aking katawan. Nakahiga ako sa ibabaw ng malambot na kama. Mabibigat ang aking talukap pero pinilit kong idilat ito. Pinilit kong hagilapin ang aking diwa.Kinapa ko ang aking sarili, wala akong saplot sa ilalim ng puting kumot. Napahigpit ko ang pagkakahawak ko sa kumot.Hindi ko natatandaan ang mga pangyayari pagkatapos ng lahat. Ang huling natatandaan ko lang ay kasama ko ang lalaking mahalaga sa akin. Basta ang alam ko lang na napaligaya ko ito sapat na iyon para sa akin. Kusa kong binigay ang tanging bagay na pinagka-iningatan ko nang dalawang po't anim na taon sa lalaking may malaking puwang sa puso ko. Sapat na iyon para humakbang ako pasulong.Hinanap ko ang aking salamin, nakapa ko iyon sa ibabaw ng maliit na side table dali ko itong sinuot sa aking mga mata. Matamlay akong bumangon mula sa kama. Nahagip ng aking mga mata ang orasan na nakasabit sa dingding.Ala una na pala ng hapon.Nagulat ako, ganun na ba ako katagal nakatu

  • My Boss was a Nerd   Unstoppable Desire

    "Unstoppable Desire"Isang bundol ng kaba ang aking nadarama dahil may mga bisig na yumakap sa akin mula sa likuran.Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan dahil sa higpit ng mga bisig nitong nakapulupot sa aking beywang.Hinalikan nito ang batok ko pababa sa balikat ko."Damn it! I want you, I really want you Pamela," anas na bulong nito sa gawing batok ko.Nanindig lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang baritono nitong boses. Alam ko agad kung sino. Si Tristan ito at hindi ako maaaring magkakamali.Dama ko ang maiinit nitong pagnanasa nang sumayad ang mainit nitong mga labi sa balat ko. Bahagya kong naipikit ang aking mga mata dahil sa malakuryenteng dumaloy sa aking mga ugat.Pinagkagat kagat nito ang puno ng tainga ko, nakikiliti ako sa ginagawa nito.Kahit kaunting pagtutol man lang ay hindi ko magawa dahil gusto ko ang ginawa nito sa aking katawan.Ibig tumutol ang kabilang panig ng aking utak, pero paano? naliliyo na ang diwa at puso ko dahil sa init na sensasyong hatid nit

  • My Boss was a Nerd   Travis to the Rescue

    "Travis to the Rescue""What the hell," balikwas kong bangon mula sa buhanginan. "Sir Travis what are you doing here?" tanong ko sabay salubong ang kilay agad kong pinalitan ang salamin ko sa mata, tiningala ko ito mula sa pagkaka-upo."Grabe ka na naman Betty para ka naman nakakita ng multo," asik ni Travis sabay upo sa tabi ko.Nakangusong pinandilatan ko ito. Pero lihim kong sinuyod ang tingin dito kunwa'y inis inisan."Hmmmmm! Anak ng tukwa he is pretty damn hot. A broad shoulder at naku girl malalaman ang dibdib at may anim na pandesal sa tiyan, my God ang magkakapatid na ito ay parang machete, napakagandang mga lalaki."Nakasuot ito ng summer shorts at lantad ang mamasel nitong hmmm katawan nga! gwapo pareho ang magkakapatid! Ay diyos ko! kung pinagpala nga naman."Opppps! Naging malandi ka ata pamela huh!" saway ng isang bahagi ng utak ko.Kurap kurap na binaling ko ang paningin sa maasul na karagatan. "Bakit ka ba nandito ha?" hindi ko pa rin ito tinigilan hanggang hindi nito

  • My Boss was a Nerd   The Secret Moves

    "The Secret Moves"Nang biglang may nagbukas ng ilaw sa living room.Parang binuhusan ako ng isang malamig na tubig.Para kaming napaso at kumalas sa isa't isa. Kumalas si Tristan mula sa pagkakayapos nito sa akin at tumayo ito ng tuwid."Stay here," utos nito sa akin at dagling tumalikod.Pinamulahan ako, nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya. Ibig ko nalang maglaho na parang bula."Oh God bakit ba kasi ako nagpapadala sa init ng katawan ko." Marahas kong natampal ang sariling hita. Napasapo ako sa aking noo.Maingat na bumaba ako sa pagkaka-upo sa ibabaw ng mesa at isa-isa kong hinagilap ang mga saplot ko sa sahig na nagkalat. Kahit medyo, madilim sa gawing iyon pinilit kong ayosin ang sarili, pigil hiningang sinikap kong hindi man lang makagawa kahit kaunting kaluslos at ingay.At sino naman kaya ang bumisita sa Villa ng ganitong oras?Matamlay na napaupo ako sa sahig. Pasandal ko pinilig ang aking ulo sa dingding sabay pikit ng aking mga mata.Hanggang kailan ba ako mananatili s

  • My Boss was a Nerd   Ghost with Desire

    "A Ghost with Desire"Alas dose na ng hating gabi.Pero nanatiling mulat ang mga mata ni Tristan. Nasa labas siya sa malaking bahay at kanina pa siya nagbabad sa pool.Kanina pa niya pinagod ang sarili sa kalalangoy sa pool, paroon at parito. Gusto niya mapagod ng mapagod hanggang sa makalimutan niya si Pamela.Mahigit isang oras na siyang nanatili sa ibabaw ng tubig, pero nanatiling presko sa diwa niya ang mukha ni Pamela. Ginugulo nito ang diwa ng binata. Para siyang baliw at aligaga nang dahil lang sa isang babae.Sinapo niya ang ilang hibla ng buhok na tumaping sa kanyang noo. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Kailangan niyang mahimasmasan sa pagnanasang sumakop sa kanyang pagkatao.Hindi niya napigilan ang sariling maapektohan nang nakita niya ang dalaga na walang halos saplot maliban sa tuwalyang nakatupi sa balingkinitan nitong katawan.She made him on fire and he desire her. He wants her so badly, na halos hindi niya mapigilan ang sariling pagnanasa. She keep appe

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status