Share

Chapter 27

BAGYO:

NANIGAS ako nang nagsilapit na ang ilang kalalakihan na kasamahan namin dito sa nayon at dinakip nga kami nila Rosas! Napalingon ako kina Tito Troy na umiling lang sa aking nagpapahiwatig na hindi na ako manlalaban at hayaan ang mga ito!

Napakuyom ako ng kamao at hinayaang itali nila ang mga kamay ko sa likod maging sina Tight, Rosas, Tito Troy, Asiong at Tita Daisy!

Ikinulong nila kami sa bakanteng bahay at kinandado pa sa labas. Nanghihina kaming napaupo sa kahoy na sahig.

"Patawad ho. Nadamay pa kayo, Tito, Tita," nakayukong paumanhin ko na tumutulo ang luha ko.

"Hindi ka namin sinisisi, anak. Mas kakampihan ka naman namin kaysa sa baluktot na katwiran ng ina mo," ani Tito Troy na ikinailing ko.

"Alam niya ang mga nangyayari at malamang ay nagpaplano na pala siya ng 'di natin namamalayan. Masyado akong nakampante na maayos ang samahang pinamununuan ko at nag-focus lang sa mga kalaban sa gobyerno," 'di ko mapigilang sisihin ang sarili sa kapabayaan ko!

"Ang sama talaga ng in
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status