Share

C2:

Author: BlackWolf
last update publish date: 2026-02-24 23:53:42

Habang nasa kalaliman ng pag iisip si Aerial, narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone.

Nabaling doon ang kanyang pansin. Kinuha niya ang cellphone sa bag, sandali siyang natigilan ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

Ang adviser niya ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.

“Professor Cortez, napatawag kayo?”

“May bakanteng posisyon para sa isang PhD program sa Stangford University. Gusto mo bang subukan?”

Natigilan si Aerial nang marinig niya ang balitang iyon kay Professor Cortez.

Ilang sigundo rin siyang natahimik at hindi nakasagot.

“Hindi mo na ba kailangan…”

“Pupunta ako!” agad niyang sagot ng muling magsalita si Professor Cortez na parang gustong bawiin ang sinabi sa kanya. Puno ng determinasyon ang boses niya.

Sa kabilang linya ay si Professor Cortez naman ang natigilan. Dahil kilang kilala nito si Aerial. Kung paano niya pinagsikapan na makalapit kay Diego. At ngayon na natupad na ang isa sa pangarap niya, na maging asawa si Diego at magkakaroon na rin sila ng anak, hindi na basta-basta siya makakaalis.

Wala namang balak si professor Cortez na hikayatin si Aerial na mag aral ulit ngunit hindi nito akalain na agad siyang papayag.

“Professor Cortez?” tawag ni Aerial kay professor Cortez ng ilang segundo din itong natahimik sa kabilang linya.

“Kung gayon, pumunta ka sa opisina ko bukas ng alas-diyes ng umaga.”

“Sige, Professor Cortez.”

Hindi na nagsalita pa si Professor Cortez at ibinaba na ang telepono.

Ibinaba na rin niya ang kanyang cellphone.

Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Aerial, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot.

Maihahalintulad ang nararamdaman niya sa pagliwanag ng buwan pagkatapos magtago sa makapal na ulap. Dapat ganun din siya ngayon. Dapat magising na siya sa katotohanan na ang lalaking mahal niya ay hindi kailanman mapapasakanya.

Sa kanyang pagmumuni-muni ay muli siyang nakatanggap ng tawag mula sa matandang Natividad, na hinihiling sa kanya na bumalik sa lumang mansyon ng pamilya Natividad. Pumayag si Aerial, marahil dahil sa sanggol na kanyang dinadala.

Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

Pumunta na muna siya sa banyo para maligo at makapag ayos kahit papano.

Habang nakaupo sa harap ng dressing table, tiningnan ni Aerial ang sarili sa salamin. Namamaga at bilugan ang kanyang mukha, may maitim na bilog, eyebags, lumubog na eye sockets, at mga tuldok sa buong pisngi.

Ang ganitong pangit na anyo ay tiyak na mangingilabot sa sinumang makakakita sa kanya.

Paano magiging kwalipikado ang isang taong katulad niya na makatabi ang isang mayaman at gwapong tulad ni Diego?

Nag-makeup siya, nagpalit ng pink na down jacket, at nagsuot ng puting bilog na sumbrero, para kahit papano ay mag mukha siyang masigla.

Plano niya sa simula na magmaneho pabalik sa lumang mansyon.

Paglabas pa lang niya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Diego.

"Lumabas ka." nahimigan ni Aerial ang kalamigan sa boses ni Diego ng sabihin iyon sa kanya.

Nagulat si Aerial sa pagtawag nito pero hindi na nakakagulat ang kalamigan ng pakikipag usap nito sa kanya.

Malamang ang lolo nito ang nag-utos sa dito na sunduin siya para na bumalik sa lumang mansyon.

"Sige." matipid niyang sagot.

Lumabas na siya ng villa.

Nakaparada ang isang itim na magarang sasakyan sa tarangkahan. Naalala pa niya dalawang oras bago ngayon, sakay ng sasakyan na ito ang isang babae kasama si Diego.

Huminga siya nang malalim, humakbang paharap, binuksan ang pinto ng kotse, at pumasok.

Pagkapasok pa lang niya sa kotse, naamoy agad niya ang matapang na amoy ng pabango, isang matamis at nakakabatang halimuyak. Mayroon ding kulay rosas na teddy bear sa loob ng kotse, na malinaw na nagpapakita na mahilig ang babaeng kasama ni Diego kanina sa mga malalambot na laruan.

Napatingin pa siya sa kamay ni Diego, mayroon itong suot na panali ng buhok ng isang babae.

Ganito iginigiit ng babaeng iyon ang soberanya nito. Na si Diego ay pagmamay ari na ng babaeng iyon.

Siguradong may gusto talaga si Diego sa babaeng 'yun.

Nakaramdam man ng paninikip ng dibdib si Aerial ay pinigilan niya na makaramdam ng pait sa kanyang puso, umayos siya ng upo. Nagsuot ng seatbelt.

Hanggang sa dahan dahan ng nagmaneho si Diego paalis.

Tumingin si Aerial sa bintana ng kotse, pinili niya ang manahimik.

Dati, tuwing may oras siyang kasama ito, pinahahalagahan niya at sinisikap na mapalapit dito. Kahit halata na ayaw nitong makasama siya, matiyaga siyang naghahanap ng mga paksang mapag-uusapan nilang dalawa.

Dahil lamang sa walang kabuluhan niyang pantasya na balang araw ay mapapansin siya nito. Na ngayon mag-asawa na sila at magkakaroon ng anak, umaasa siya na magkakaroon siya ng pagkakataong mapaibig ito. Naniniwala siya noon na hanggat magiging mabuti siyang asawa kay Diego ay iibig din ito sa kanya.

Pero nagkamali siya, dahil alam niyang niloloko na lang niya ang kanyang sarili.

Dahil matigas ang puso si Diego, walang pakialam ito sa kanyang nararamdaman. At ngayon ay natauhan na siya, kaninang nakita si Diego na may kasamang ibang babae, nagising na siya sa katotohanan na hindi na niya mapapaibig ito. Dahil may mahal na itong iba.

“Anong kasarian ng bata?” malamig at tila hindi naman interesado si Diego na tanong sa kanya na siyang bumasag sa katahimikan bumalot sa kanila sa loob ng sasakyan.

“Tulad pa rin ng dati.” tipid niyang sagot.

Hindi na rin naman niya iyon mababago. Gustuhin man niy si Diego sana ang maging anak nila para hindi siya nito hiwalayan ay mas mabuting naging babae na rin. Dahil mawawakasan na ang kanilang pagsasama.

Nanatili ang kaseryosohan sa gwapong mukha ni Diego.

“Magdidiborsyo tayo pagkatapos ipanganak ang bata." sabi nito sa malamig na tinig.

Hindi siya nagkamali, iyon na ang inaasahan niyang maririnig kay Diego.

Humigpit ang hawak ni Aerial sa kanyang seatbelt.

Pakiramdam niya ay parang pinipiga ng husto ang puso niya, hindi siya makahinga ng maayos.

Alam niyang hindi na kailanman magtatagal ang kasal na nagtatali sa kanila. At kahit na inaasahan na niya iyon, masakit pa rin marinig na si Diego mismo ang nagsasabi tungkol sa bagay na iyon. Dahil anak lang na babae ang kailangan nito sa kanya. Dahil iyon ang gusto ng kanyang lolo na magkaroon ng prinsesa ang kanilang angkan.

Napalunok siya. Kagat ang ibabang labi. Ilang segundo niyang kinalma ang sarili bago sumagot.

"Sige."

Napansin niya ang pagsumulyap ni Diego sa kanya, tila nagulat sa mabilis niyang pagsang-ayon sa sinabi nitong magdidiborsyo sila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C156

    “Kuya.”Sabay napalingon sina Arthur at Sean.Nagkataon lamang na nagkita ang dalawa. Hindi man sila malapit sa isa't isa—at sa totoo lang ay magkaribal pa sa negosyo—nagbatian pa rin sila at nagpalitan ng ilang magagalang na salita.Ngunit nang marinig nila ang boses ni Aerial...Sabay silang napalingon.Hawak ni Aerial ang maliit na kamay ni Danica.Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng lobby, magkatabi ang mag-ina. Pareho silang may masasayang ngiti sa mukha.Sa isang iglap...Parang may kung anong pamilyar na eksenang dumaan sa paningin ni Sean.Biglang sumikip ang dibdib niya.Parang may kung anong bagay na matagal nang nakabaon sa kanyang puso ang biglang ginising.Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam.Samantala, pagpasok ni Aerial, hindi man lang niya nilingon si Sean.Sa halip, kay Arthur siya tumingin.“Kuya, nasaan sina Mom at Dad?”Napansin ni Sean ang pagkilos niya at pilit na inayos ang sarili.“Nasa loob sila.”Nang makita ni Danica si Sean, magalang itong ngumiti.“Uncle.

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C155

    PAGBALIK sa Repulse BaySinundo ni Aerial si Danica at dinala ito pabalik sa Repulse Bay.Pagkapasok pa lang nila sa sala, nakita niya ang isang taong nakaupo sa sofa.Lumingon si Yannah at tumingin sa pintuan. Nang makita niya si Aerial, naging malamig ang kanyang mga mata.Pero nang marinig niya ang boses ni Danica, agad lumambot ang kanyang mukha.“Grandma!”Tumayo si Yannah at lumapit sa kanila.Tumakbo si Danica papunta sa kanyang lola.Lumapit si Yannah at binuhat si Danica. Punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata habang sinasabi niya,“Ang tagal na nating hindi nagkita, Danica. Na-miss mo ba si Grandma?”“Opo.”Umupo si Yannah sa sofa habang yakap-yakap si Danica.“Kung ganoon, sumama ka kay Grandma sa bahay natin ngayon.”Nang marinig iyon ni Danica, parang ayaw niyang umalis.“Pero gusto kong manatili dito kasama si Aunt Evelynn.”Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Yannah, pero wala na siyang sinabi.Pinapunta niya si Danica sa klase.Nang umalis ang bata, silang d

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C154

    ANG Dalawang Araw ng WeekendSa loob ng dalawang araw ng weekend, inalagaan ni Aerial si Danica sa villa sa Repulse Bay at isinama niya ito sa pamimili. Araw-araw naman ay naglalaan ng oras si Diego para makipag-video call kay Danica. Mahaba ang kanilang pag-uusap bilang mag-ama.Dumating ang Lunes.Sinamahan ni Aerial si Danica papunta sa kindergarten.Unang araw ngayon ng pasukan. Karamihan sa mga magulang ay sinamahan ang kanilang mga anak, pero napuno ng iyakan ng mga bata ang buong paaralan.“Aerial!”Nang marinig ni Aerial ang pamilyar na boses, napalingon siya at nakita sina Yunna at Yasmin.Masayang nagbatian ang dalawang bata nang magkita sila.Nagkataon na magkaklase pala sina Yasmin at Danica.Sandaling nakipag-usap sina Aerial at Yunna sa kanilang homeroom teacher at nagpalitan din sila ng contact information.Pagkatapos, nagpaalam na sila sa mga bata.Napakabait ng dalawang bata. Hindi sila umiyak o nagwala. Magkahawak-kamay silang sumunod sa kanilang guro papunta sa clas

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C153

    Nang makita ang determinasyon sa mga mata ni Gabriel, wala nang sinabi pa si Diego.“Mas mabuti pang mag-ingat ka.”Tumalikod siya, sumakay sa kanyang kotse, at tuluyang umalis.Nakatayo lamang si Gabriel roon habang pinapanood ang kotse hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Pagkatapos, bumalik ang kanyang tingin at naglakad siya patungo sa sarili niyang villa.Mahimbing na natulog si Danica hanggang kinaumagahan.Ang unang nakita niya nang imulat niya ang kanyang mga mata ay si Aunt Evelynn. Masaya siyang ngumiti at sinabi, “Good morning, Aunt Evelynn.”Hinalikan ni Aerial ang noo niya. “Good morning, Danica.”Niyakap ni Danica ang leeg ni Aerial at muli siyang hinalikan.Naglaro muna sa kama sina Aerial at Danica nang ilang sandali. Pagkatapos, binuhat ni Aerial si Danica papunta sa banyo para maghilamos, maligo at mag-ayos. Ang mga gamit niya sa banyo ay dala niya mula sa bahay.Isinuot ni Aerial kay Danica ang kanyang damit at sinuklay ang buhok nito.Itinali niya

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C152

    Nang huminto ang kotse sa harap ng villa, isang pamilyar na Rolls-Royce ang nakaparada roon.Bumaba ng kotse si Aerial.Sinundan siya ni Gabriel papasok sa villa.Nasa sala sina Arthur at Danilo, ngunit hindi maganda ang kanilang mga mukha.“Dad, Kuya, anong nangyari?”Maputla ang mukha ni Danilo nang sabihin niya, “Narito si Diego. Nasa taas siya.”Nagulat si Aerial.Paliwanag ni Arthur, “Biglang umiyak si Danica nang matutulog na sana siya. Hindi siya mapatahan ni mama niya. Tinawagan ni Danica si Diego, na kakarating lang.”Karaniwan, mas sensitibo ang mga bata sa hindi pamilyar na lugar kapag gabi. Kapag wala ang mga taong malapit sa kanila, maaari silang hindi komportable at umiyak.Ganoon din si Danica.Mabilis na umakyat si Aerial.Nakatayo si Belen sa may pintuan ng kanyang kwarto.“Aerial, nakauwi ka na pala.”Tumango si Aerial at sinabi, “Ma, ikaw na po muna ang mag-alaga kay Bryan.”“Sige.”Binuksan ni Aerial ang pinto at pumasok sa kwarto.Nakita niya si Diego na buhat si

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C151

    BIGLANG parang may bumara sa lalamunan ni Danilo. Nagdahilan siyang pupunta sa restroom at umalis.Agad siyang sinundan ni Belen.“Bakit ka umiiyak?”Pinunasan ni Danilo ang kanyang mga luha at paos na nagsalita.“Naañlñawa lang ako kay Aerial. Anak niya ito. Pero hindi man lang sila makapagkilala bilang mag-ina.”Sabi ni Belen, “At least, mabait at marunong ang bata. Napalaki siya nang maayos ni Diego.”Samantala.Dumating si Alvert kasama sina Yunna at Yasmin sa bahay ng pamilya Miller.Nakakita na noon si Yunna ng magagandang larawan ni Aerial. Pero ngayong personal na niya itong nakita, mas maganda pala ito kaysa sa mga larawan. Sa unang tingin pa lang, talagang kapansin-pansin na ang ganda niya.Kailangang aminin na talagang maganda ang genes nina Aerial at DiegoIpinakilala ni Aerial sina Danica at Yasmin sa isa't isa.Magkasing-edad halos ang dalawang bata at pareho silang masayahin at palakaibigan. May dala pa ngang maliit na regalo si Yasmin para kay Danica.Hindi nagtagal ay

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C3:

    "Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin ito nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang maaga, 'di ba?" dagdag ni Aerial habang tahimik si Diego na halatang nagulat sa pagpayag niya.P

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C7:

    Ang tuluyang pag-alis sa puso ng lalaking minahal niya nang walong taon ay parang pagbunot ng kanyang laman at buto, pero ayos lang, magiging maayos din ang lahat; tuluyan niya itong makakalimutan.Hindi niya alam kung gaano na katagal ang lumipas.Sa wakas ay kumalma na siya at umakyat sa kanyang

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C6:

    "Ang pagsusuri ng pahayag pinansyal para sa project ay dapat makumpleto bago matapos ang araw ng trabaho sa tanghali."Bumalik si Aerial sa kanyang workstation matapos sabihin iyon ni Sarah.Bagama't inilipat siya sa mas mababang posisyon sa sekretarya, maraming gawain ang inuutos sa kanya ni Sarah

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C1:

    Sa ikadalawampu't siyam na linggong pagbubuntis ni Aerial, nahuli niya ang kanyang asawa na may ibang kasamang babae sa ospital.Hindi siya puwedeng magkamali, sa tangkad nito at sa gwapong mukha ng kanyang asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Isang maganda at mahinhin na babae na nasa mga bisig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status