ANMELDEN“At ngayon?”
Lumapit pa si Carlo na mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya naka-galaw. At hindi rin nakasagot. - Nang bigla siyang napa-mulat ng mga mata at nagising. Hinihingal siya. Pawis na pawis. At kumakabog ang kanyang dibdib. “Ano ba yon?…” Tanong niya sa sarili at napahawak siya sa kanyang dibdib. Parang hindi pa rin nawala ang presensya ni Carlo. Ang titig nito. Ang boses. At ang lapit ng distansya. “Kung si Homer… ay pangarap…si Carlo naman…” Napalunok siya. “…ay isang bangungot.” patuloy niya. Pagkasunod na araw... Maaga pa lang, nasa office na si Sheena. Tantiya niya ay siya pa lang ang unang empleyado na dumating. Pagdating niya sa opisina, maingat pa siyang humakbang sa sementadong sahig, dahil katatapos lang mag-mop ng janitor. “Good morning po ma'am, masyado ka namang maaga ma'am” wika pa ng janitor sa kanya nang makita siya nito. “Good morning din po, meron pa kasi akong tatapusin, manong” sagot niyang may bahagyang ngiti. Everything looked normal and organized, iyon ang nakita niya nang makaupo na sa kanyang pwesto. Pero sa loob niya... Hindi. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Paulit-ulit lang sa isip niya ang panaginip. Ang lugar, boses, ang pagbabago ng mukha. At higit sa lahat ang tanong... “Who do you see?” Napahinga siya ng malalim. “Focus,” wika niya sa sarili. Kailangan niyang mag-focus.... Hindi siya pwedeng magpadala. Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi ngayon at lalo hindi kung kaharap niya si— Napapikit siya sandali. Huminga ng malalim ulit, then she straightened her posture. At least, iyon ang gusto niyang ipakita...na she's okay and positive outside pero inside... Yes, big question mark. “Good morning, Ms. Del Fuente.” Napalingon siya. Si Mia iyon. Nakangiti, pero mapanuri ang tingin. “Good morning,” sagot ni Sheena, pilit steady ang boses. Tinitigan siya ni Mia ng ilang segundo. “Are you okay?” Diretsong tanong nito. Saglit siyang napahinto. “Yeah… why?” Casual niyang sagot kahit medyo pilit. “You look like you didn’t sleep,” anito. Napabuntong-hininga siya ng mahina. “Hindi lang siguro sanay,” iwas niya. Ayaw niyang pag-usapan at ayaw niyang ipaliwanag. Dahil kahit siya ay hindi niya maintindihan ang sarili niya. Tumango si Mia, pero halatang hindi kumbinsido. “Just… be careful today,” sabi nito. Napatigil siya. “Why?” agad niyang tanong. Sumulyap si Mia sa paligid bago bahagyang lumapit. “Bad mood si Sir.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib niya. “Like… worse than usual,” dagdag ni Mia. Napakagat labi si Sheena. “Good luck.” Sabi pa nito at umalis na. Iniwan siya—na mas lalo pang kinakabahan. Ilang minuto ang lumipas. Bumukas ang elevator. At sa simpleng tunog na iyon ay parang biglang huminto ang mundo ni Sheena. Hindi pa niya nakikita, pero naramdaman na niya ang pressure at presence nito. Yung parang, ang aura nito na hindi mo kailangang makita para maramdaman. Dahan-dahan siyang napalingon. At doon, nakita niya si Carlo. Naka-black suit. Perpekto, pero ang aura nito mas malamig kaysa kahapon. Sa bawat hakbang nito papalapit, parang sumisikip ang hangin sa paligid. Napalunok si Sheena. She stayed calm and professional. Hindi siya pwedeng magpadala sa nararamdaman na kaba. Lumapit ito ng diretso. Hanggang sa tumigil sa harap niya. “Good morning, sir,” bati niya, maingat. Ngunit tahimik lang ito at walang sagot. Mas lalong lumakas ang tensyon na nararamdaman niya. Napilitan siyang tumingala. At sa sandaling nagtagpo ang mga mata nila, parang bumalik ang lahat. Ang kanyang panaginip. Ang lapit... at ang boses. 'Who do you see?' Napahigpit ang hawak niya sa tablet. Pero hindi siya umiwas at hindi siya pwedeng umiwas. Hindi ngayon at hindi sa harap nito. “Schedule.” Isang salita. Malamig. Parang walang kahit anong emosyon. Nag-blink siya, then mabilis niyang inayos ang sarili. “Yes, sir.” Inabot niya ang tablet. Pero nung kukunin na nito, nagtagpo ang mga daliri nila. Saglit lang. Pero sapat na iyon para manginig ang buong sistema niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa balat niya. Parang napaso siya. Napansin iyon ni Carlo. Hindi nito agad kinuha ang tablet. Sa halip... Lalo lang tumalim ang tingin nito sa kanya. “Something wrong?” tanong nito, mababa ang boses. Napalunok siya. “Wala po.” she said. “Then why are you shaking?” Napahinto siya. Ngayon lang niya napansin na bahagyang nanginginig ang kamay niya. Hindi niya alam kung dahil sa takot… o dahil sa alaala ng panaginip. “…I’m fine, sir.” Hindi ito umimik, pero this time—mas matagal. Parang hindi siya pinapakawalan ng tingin nito. Yung bang parang may hinahanap at parang gusto siyang kumpirmahin. Saka, lumapit ito. Na halos wala ng pagitan. Napatigil ang hininga ni Sheena. “…Look at me,” mahinang utos nito. Dahan-dahan siyang tumingala. At muling nagtagpo ang mga mata nila. Ng mas malapit. “At ngayon?” Mababa nitong tanong. Napahinto siya at parang tumigil ang oras. Because she knows that question. Narinig na niya iyon at naramdaman na niya iyon. “Who do you see?” patuloy nito. Nanlaki ang mata niya at hindi siya makapagsalita sa narinig niyang tanong nito. Parang naipit ang boses niya kasi hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kung ano ang totoo… At kung ano ang dapat niyang aminin. Naguguluhan siya. Pero si Carlo, hindi inalis ang tingin nito sa kanya. At sa pagkakataon na iyon, ay may nakita siyang kakaiba sa mga mata nito. Hindi lang lamig. Hindi lang galit. Kundi—isang emosyon na parang pilit nitong tinatago. “…Answer me.” Narinig niyang sabi nito. Napahigpit ang hawak niya sa tablet—iyon na lang kasi ang anchor niya sa realidad. Sa kabila ng kaba... Parang may isang sagot na gustong lumabas sa labi niya na hindi niya masabi… dahil pinipigilan niya ang sarili niyang sabihin iyon. Hindi pwede at hindi dapat. “…My boss, sir.” Iyon ang nailabas ng bibig niya. Tumahimik ito. Medyo matagal siya nitong tinitigan. Saka biglang tumalikod si Carlo. Na parang wala lang, at parang walang nangyari. “Follow me.” At naglakad ito papasok sa opisina nito. Naiwan siya na ang puso niya, hindi pa rin kuma-kalma. At habang sinusundan niya ito, parang naramdaman niya pa rin ang bakas ng titig nito. Sa pagkakataon na iyon, hindi na niya sigurado kung alin ang mas kinakatakutan niya, yung malamig na ugali ni Carlo… o yung epekto nito sa kanya. Kinabukasan. Nakaupo si Sheena sa desk niya, nakatitig sa laptop. Nasa harap niya ang report file, pero wala siyang naiintindihan. Paulit-ulit sa isip niya ang panaginip. “Miss del Fuente.” Isang babae at medyo nagtataka siya kung bakit kilala siya nito? Nakatayo ito sa tabi ng desk niya, “I need the revised client proposal,” sabi nito. Baka isa sa mga boss niya. Hindi man lang siya na- orient. At hindi man lang ito nagpakilala sa kanya. Well, sino ba siya parA bigyan talaga siya ng pansin para magpakilala ito sa kanya? Aniya sa isipan. “Ang para sa 3 PM meeting.” dagdag nito. “Proposal po?” ulit ni Sheena. “Sir gave me the financial summary po. Hindi po proposal.” dagdag pa niya. “Really?” The girl tilted her head. Na napakunot noo. Napatingin si Sheena sa screen niya. “Baka po… mali ako,” aniya. She smiled softly.“Please do check.” --------- Basahin ang tumitinding eksena, follow the story. Add in your library and click the heart button. Tanong.... Ang bagong dating na babae, sino ba siya?… kakampi ba o may sariling plano? - Ready na ba kayo sa susunod? Dahil mas lalalim pa ang connection nila… at mas magiging nakaka-tense pa. And please comment your answer below...Biglang napabalikwas si Gabby mula sa kanyang pagkakahiga.Mabilis ang tibok ng kanyang puso.Ilang segundo siyang nakatitig sa paligid habang pilit inuunawa kung nasaan siya.Ang silid.*Ang kama.Ang kisameng ilang araw na niyang nakikita sa lugar na iyon.Ngunit ang nasa isip niya ay hindi ang kasalukuyan.Kundi ang panaginip.Isang napakahabang panaginip na tila hindi lamang panaginip.Para kay Gabby, parang totoong-totoo ang lahat.May isang batang lalaki.At may isang batang babae.At silang tatlo ay nasa isang lugar na hindi niya maipaliwanag kung bakit pamilyar na pamilyar sa kanya.Taiwan.Nakita niya ang sarili bilang isang maliit na batang lalaki.Marahil ay anim na taong gulang lamang siya.Katabi niya ang isa pang batang lalaki na tila nasa pitong taong gulang.Magkasama sila.Kahit saan siya magpunta, kasama niya ang batang lalaki.Sa loob ng bahay.Sa hardin.Sa mga lugar na kanilang pinaglalaruan.Maging sa mga simpleng gawain ay hindi sila magkahiwalay.Parang hindi l
Kabanata — Ang Batang Laging Kasama“Gabby!”Mabilis na inalalayan ni Antonette ang lalaki nang bahagya itong mawalan ng balanse.Napatingin si Gabby sa kanya.“Okay lang ako.”“Hindi ka okay.”“May naalala lang ako.”“Ano?”Hindi agad sumagot si Gabby.Muli niyang sinubukang alalahanin ang batang lalaki.Puting damit.Maliit na katawan.At ang ngiting pamilyar na pamilyar sa kanya.Pero sa tuwing pilit niyang hinahabol ang alaala, tila may bahagi nito na biglang nawawala. Hindi niya alam at hindi niya maintindihan kung bakit?“Hindi ko pa rin makita ng malinaw ang mukha niya.”“Pero kilala mo siya?”Tumango si Gabby.“Pakiramdam ko.”“Baka kaibigan mo noong bata ka.”“Hindi.”Sigurado siya.“Hindi lang isang kaibigan ang batang iyon.”Napatingin si Antonette kay Gabby.“Bakit?”“Hindi ko alam.”Napabuntong-hininga si Gabby.“Pero pakiramdam ko, napakalapit niya sa akin.”Hindi na nagtanong si Antonette.Sa halip, hinayaan muna niya itong ayusin ang mga naiisip.Pagkaraan ng ilang san
“Anak…”Muling narinig ni Gabby ang tawag ng matandang babae.Nanatili siyang nakatingin dito habang pilit inuunawa ang sitwasyon.Hindi niya kilala ang babae.Sigurado siya roon.Pero bakit ganoon na lamang ang pagtingin nito sa kanya?Para bang matagal na siyang hinihintay.Para bang ang taong nakikita nito sa harapan niya ay isang taong matagal ng nawala.“Ma’am…” maingat na tawag ni Antonette.Hindi agad sumagot ang matanda.Nakatitig lamang ito kay Gabby.Maya-maya, lumapit ito.“Anak ko…”Napaatras ng bahagya si Gabby.“Pasensya na po, pero…”Hindi niya natapos ang sasabihin.Biglang hinawakan ng babae ang kanyang braso.“Buhay ka.”Napakunot-noo si Gabby.“Ma’am, nagkakamali po kayo.”Umiling ang babae.“Hindi.”“Hindi po ako…”“Anak kita.”Napatigil si Gabby.Napatingin siya kay Antonette na tila humihingi ng tulong.Lumapit si Antonette sa kanila.“Ma’am, baka napagkakamalan ninyo siya.”Tumingin ang matanda kay Antonette.“Hindi ko siya napagkakamalan.”Muli nitong binalinga
Ilang sandali silang nanatili sa harap ng kubo. Hindi agad nagsalita si Antonette.Maging si Gabby ay tila pinag-iisipan kung dapat ba nilang alamin kung ano ang nasa loob.“Baka may staff lang na nagpahinga rito,” sabi ni Antonette.“Posible.”“Pero bakit parang wala naman akong alam na may ganitong kubo rito?”Tumingin si Gabby sa paligid.“Baka matagal na itong nandito.”Lumapit siya sa pinto.“Gabby, teka.”Napahinto ito.“Bakit?”“Baka hindi tayo dapat basta pumasok.”Napangiti si Gabby.“Hindi naman ako papasok agad.”Inilapit lamang niya ang kamay sa pinto upang itulak ito ng kaunti.Sa paggalaw nito, mas lumawak ang bukana.Mula sa kinaroroonan nila, nakita nila ang loob ng kubo.May lumang mesa.May ilang upuan.At sa isang sulok ay may maliit na aparador na natatakpan ng alikabok.“Wala namang tao,” sambit ni Antonette.“Pero kanina may narinig tayo.”Tumango siya.“Baka daga.”Napangiti si Gabby.“Daga?”“Bakit? Hindi ba posible?”“Posible.”Muli nitong itinulak ang pinto.
Parehong napatigil sa pag-uusap sina Antonette at Sheena nang biglang tumunog ang cellphone ni Antonette. Napatingin siya sa screen. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bahagya siyang napangiti. Si Gabby. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello, Gabby?” “Antonette, dumating na ako sa Isabela.” Napatingin si Antonette kay Sheena. “Nasa Isabela ka na?” “Oo. Nasa resort na ako ngayon.” Napangiti si Antonette. “Ang bilis naman.” “Maaga akong umalis kanina. Gusto ko sanang makapaglibot agad.” “Ah, okay. Mag-isa ka lang?” “May mga staff naman dito, pero may gusto sana akong hilingin sa’yo.” “Ano ’yon?” Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya bago nagsalita si Gabby. “Pwede mo ba akong samahan mamasyal sa buong resort?” Napatingin si Antonette sa paligid. “Bakit? Hindi mo ba kabisado ang resort?” “Hindi lahat. Marami pa akong bahagi rito na hindi ko napupuntahan. At saka…” Natatawang nagpatuloy si Gabby. “Mas gusto kong may kasama.” Napangiti si Antonet
Biyernes ng gabi nang katatapos lang kumain ng hapunan si Antonette nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, napangiti siya.Si Sheena.Agad niyang sinagot ang tawag."Hello?""Antonette! Susunod ako diyan bukas."Napakunot ang noo ni Antonette."Ha? Pupunta ka rito?""Oo.""Biglaan naman.""May pasok ba ako sa Sabado at Linggo?""Kung tutuusin, wala.""Exactly."Napangiti si Sheena sa kabilang linya."Dalawang araw muna akong mamamalagi diyan. Miss ko na kayo.""Miss mo ako?""Ikaw at ang bahay ninyo."Napatawa si Antonette."Ang landi mo.""At saka," dagdag ni Sheena, "miss ko na rin ang bestfriend at kapatid ko."Napangiti si Antonette.Mula nang malaman nilang magkapatid sila sa ama, naging mas malalim ang kanilang samahan.Hindi lamang sila naging magkapatid.Naging matalik na magkaibigan din sila."Sigurado ka?" tanong ni Antonette."Oo. Ako mismo ang magda-drive.""Eh di sige. Ingat ka.""See you tomorrow.""See you."Pagkababa ng tawag, napangiti s
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit
Friday morning. Maaga siyang nagising, halo-halo ang kaba at excitement. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Lalo na at personal assistant siya ni Carlo Sanchez—ang lalaking parang walang emosyon at sagad kung makatingin. Feeling niya pati kaluluwa niya nakikita nito. Nagbih







