Startseite / Romance / My Dream Lover, Came Back As My Boss / Chapter 6. A Glimpse Of His Kindness

Teilen

Chapter 6. A Glimpse Of His Kindness

last update Veröffentlichungsdatum: 02.04.2026 12:50:54

Lumabas si Carlo sa kanyang opisina at tinawag si Sheena.

“Follow me.”

Mabilis na humakbang si Carlo patungo sa loob ng kaniyang opisina.

Pagpasok nila sa opisina, dumiretso si Carlo sa kaniyang mesa at naupo. Muling bumalik ang seryoso nitong ekspresyon, pati ang malamig na awrang nakasanayan na ni Sheena.

Samantala, nanatili siyang nakatayo sa harap nito, handa nang ilahad ang mga nakatakdang gawain.

“Start,” utos ni Carlo nang hindi itinataas ang paningin mula sa mga dokumento.

Napatuwid si Sheena.

“Yes, Sir. Your first meeting is at ten. The revised proposal has already been sent to your email. At eleven-thirty, you have a conference call with the marketing team. Your lunch meeting is scheduled for twelve-thirty, and—”

“Move the lunch meeting to one.”

“But, Sir, your next appointment is at one-thirty.”

“Then ask them to move it.”

“Okay, Sir.”

Nagpatuloy si Sheena sa pagtalakay sa iskedyul nito. Sa bawat tanong ni Carlo, mabilis siyang sumasagot. Kahit minsan ay gusto na niyang tanungin kung bakit tila walang katapusan ang mga trabaho ng kaniyang boss, pinili niyang magpokus sa kaniyang responsibilidad.

Pagkatapos ng briefing, isinara niya ang tablet.

“That’s everything, Sir.”

Carlo finally looked at her.

“Good. Make sure everything is ready before the meeting.”

“Yes, Sir.”

“That's all.”

“Thank you, Sir.”

Paglabas ni Sheena, saka lamang siya nakahinga nang maayos.

“Grabe. Parang kailangan ko ng medalya sa bawat araw na nakakalabas ako sa opisina niya nang buhay pa ang pasensya ko.”

Napangiti siya sa sarili at nagpatuloy sa trabaho.

Hindi naman niya kailangang mahalin ang ugali ng kaniyang boss. Ang mahalaga, matatapos niya ang mga gawain at makakauwi siya nang maayos.

At kung maaari, makakabili pa siya ng bagong pocketbook sa susunod na sweldo.

Dahil kahit gaano kahirap ang araw niya, may isang bagay na hindi niya kayang isuko.

Ang pagbabasa ng romance.

Pagsapit ng tanghali, nakita ni Mia si Sheena na abala pa rin sa pag-aayos ng mga dokumento.

“Hoy, Sheena! Kumain na tayo.”

Tumingin siya sa orasan.

“Ay, tanghali na pala!”

“Oo naman. Ano, balak mo bang magtrabaho hanggang dinner?”

“Hindi naman. Iniisip ko lang kung paano pagkakasyahin ang lahat ng trabaho ng boss natin sa isang araw.”

Napatawa si Mia.

“Welcome to Sanchez Media Company!”

“Salamat sa mainit na pagtanggap. May kasamang libreng sakit ng ulo.”

“Libre talaga. Walang bawas sa sweldo.”

Sabay silang nagtawanan habang naglalakad patungo sa cafeteria.

Pumili sila ng pagkain at umupo sa isang bakanteng mesa. Habang kumakain, napatingin si Sheena sa pintuan ng cafeteria na para bang inaasahan niyang biglang papasok doon si Carlo at mag-uutos ng panibagong gawain.

Napansin iyon ni Mia.

“Bakit? May hinihintay ka ba?”

“Wala. Sinisiguro ko lang na hindi biglang susulpot ang boss natin.”

“Kung sakaling dumating siya, tatayo ka ba at magre-report habang may kutsara ka sa bibig?”

“Depende. Kung importante ang sasabihin niya, baka pati dessert ko dalhin ko sa meeting.”

Natawa nang malakas si Mia.

“Ang kulit mo!”

“Hindi ako makulit. Survival instinct lang.”

Ipinagpatuloy nila ang pagkain hanggang sa mapunta ang usapan kay Carlo.

“Pero seryoso, Mia,” sabi ni Sheena. “Ganoon ba talaga si Sir Carlo? Parang hindi marunong ngumiti.”

“Normal iyon para sa kaniya.”

“Normal? Mia, kahapon nag-good morning ako sa kaniya. Alam mo ang sagot niya?”

“Ano?”

“‘You're late.’ Seven fifty-eight pa lang noon. Eight o'clock ang pasok ko!”

Natawa si Mia at muntik nang mabulunan sa iniinom na tubig.

“Baka gusto niyang mauna ka ng dalawang minuto.”

“Kung ganoon, dapat nakatira na ako sa opisina!”

“Shh! Baka marinig ka.”

Sabay silang napatingin sa paligid bago muling nagtawanan.

Maya-maya, may naalala si Sheena.

“Mia, close ba talaga si Ma'am Missy kay Sir Carlo?”

Tumango ang kaibigan.

“Childhood friends sila. Matagal na silang magkakilala, bago pa lumaki nang ganito ang Sanchez Media Company.”

“Kaya pala komportable siyang pumasok sa opisina ni Sir Carlo kahit walang appointment.”

“Natural. Isa si Ma'am Missy sa mga taong tumulong kay Sir Carlo noong nagsisimula pa lang ang kumpanya.”

Napaisip si Sheena.

“Kung ganoon, malaking bagay pala siya sa buhay ni Sir Carlo.”

“Malaking bagay din siya sa kumpanya. Maraming empleyado ang humahanga sa kaniya dahil magaling siya sa negosyo.”

“Maganda, matalino, successful, at close pa sa CEO. Complete package.”

“May naririnig akong konting inggit sa boses mo.”

“Hindi inggit! Appreciation iyon sa kapwa babae.”

Napangiti si Mia.

“Basta, mag-ingat ka lang sa mga sasabihin mo sa harap ni Ma'am Missy. Hindi siya mahilig sa mga pagkakamali.”

“Hindi naman ako palasalita.”

Tumingin si Mia sa kaniya.

“Talaga?”

“Mia!”

Muling nagtawanan ang dalawa.

Gayunman, may isang bagay na hindi nawala sa isip ni Sheena. Nang banggitin ni Mia si Missy, may kakaibang pag-iingat sa tono nito.

Hindi niya alam kung bakit.

At sa ngayon, mas gusto muna niyang isipin ang pagkain nilang dalawa kaysa ang mga bagay na hindi naman niya dapat pakialaman.

Makalipas ang ilang araw, ipinatawag ang buong team ng Sanchez Media Company para sa isang mahalagang business event na tatagal nang tatlong araw.

Gaganapin iyon sa isang marangyang hotel kung saan magtitipon ang mga business partner, investors, at kinatawan ng iba't ibang kumpanya.

Bilang personal assistant ni Carlo, inaasahan ni Sheena na magiging abala siya.

Ngunit hindi niya inakalang halos wala na siyang oras para huminga.

Registration. Meetings. Client coordination. Presentation rehearsals. Business dinners.

At siyempre, ang sunod-sunod na pagbabago sa iskedyul ng kaniyang boss.

“Ms. Del Fuente, where is the revised presentation?”

Napalingon siya kay Carlo na kasalukuyang nakatayo sa labas ng conference room.

“It's already uploaded to your laptop, Sir. I also sent a copy to your email.”

“Did you check the figures?”

“Yes, Sir. Twice.”

“Check them again.”

Napangiti si Sheena nang pilit.

“Yes, Sir.”

Tatlong beses ko nang chineck, Sir. Kapag may nakita pa akong bagong numero, baka pati calculator ko mag-resign.

Hindi niya iyon sinabi nang malakas, siyempre.

Mahal niya ang kaniyang trabaho. Kailangan din niya ng sweldo. At higit sa lahat, ayaw niyang maging dahilan ng pagkasira ng isang mahalagang event.

Habang naglalakad sila patungo sa elevator, may narinig siyang usapan mula sa dalawang babaeng business partner na nakatayo malapit sa reception area.

“Siya ba ang bagong assistant ni Mr. Sanchez?”

“Parang siya nga.”

“Hindi ba siya kamukha ni Ruby?”

Napahinto nang bahagya ang hakbang ni Sheena.

Ruby.

Pamilyar na sa kaniya ang pangalan ng dating fiancée ni Carlo. Ilang beses na niyang narinig ang tungkol sa babaeng hindi sumipot sa kasal nito.

May mga nagsasabing iniwan daw ni Ruby si Carlo para sa ibang lalaki. May nagsasabi namang hindi pa alam ng lahat ang buong kuwento.

Anuman ang katotohanan, malinaw ang isang bagay kay Sheena.

Hindi pa rin maganda ang alaala ni Carlo tungkol sa nakaraan.

Napatingin siya sa lalaking naglalakad sa kaniyang unahan. Walang anumang pagbabago sa ekspresyon nito, ngunit hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung gaano kasakit ang maiwan sa araw na dapat sana ay pinakamasaya sa buhay ng isang tao.

“Ms. Del Fuente.”

Agad siyang napatuwid nang marinig ang boses ni Carlo.

“Yes, Sir?”

“Are you coming?”

“I'm sorry, Sir. Yes.”

Pumasok sila sa elevator.

Binuksan ni Sheena ang kaniyang tablet at tiningnan ang susunod na appointment.

“Sir, your dinner meeting is scheduled for seven o'clock.”

“Move it to seven-thirty.”

Napatingin siya sa schedule.

“But, Sir, you have another 1a presentation at eight.”

“Then make it seven.”

“Sir, the client is expecting a full dinner meeting. We won't have enough time to prepare everything.”

Carlo turned to her.

“Are you telling me it can't be done?”

Hindi agad nakasagot si Sheena. Kilala niya ang tono ng boss niya. Hindi ito nagtatanong para marinig lamang ang sagot. Inaasahan nitong makakahanap siya ng paraan.

Huminga siya nang maayos.

“No, Sir. I'm telling you that we need to adjust the schedule properly. Otherwise, the dinner meeting might affect your presentation.”

Saglit siyang tinitigan ni Carlo.

“Then find a better arrangement.”

“Yes, Sir.”

Pagbukas ng elevator, agad na lumabas si Carlo.

Sinundan siya ni Sheena habang inaayos ang iskedyul sa tablet.

Perfect. Kahit ang oras, gusto niyang sumunod sa utos niya.

Gayunman, may kakaibang kasiyahan siyang naramdaman nang mapagtanto niyang hindi siya basta sumang-ayon. Ipinaliwanag niya ang problema at nagmungkahi ng solusyon.

Maliit na bagay iyon, ngunit para kay Sheena, mahalagang matutuhan niyang magsalita kapag kinakailangan.

Kahit pa ang kausap niya ay si Carlo Sanchez.

Sa conference floor, agad na sinalubong ni Missy si Carlo.

“Carlo, the Singaporean clients are already waiting. They've requested a brief discussion before the presentation.”

“I'll meet them in five minutes.”

“I've already arranged the meeting room. We can review the final proposal together.”

“Send the updated figures to my email.”

“Of course.”

Nang mapansin ni Missy si Sheena, napunta rito ang pansin niya.

“Miss Sheena.”

“Yes, Ma'am Missy?”

“Are all the presentation files ready?”

“Yes, Ma'am. I've checked the documents, the figures, and the backup files.”

“Make sure you haven't missed anything. Carlo doesn't tolerate mistakes.”

Tumango si Sheena.

“Yes, Ma'am. I've prepared an additional copy in case of technical problems.”

“Good. I hope you won't need it.”

Matapos sabihin iyon, ngumiti si Missy at muling bumaling kay Carlo.

“Carlo, I'll see you inside.”

Tumango lamang ang lalaki.

Nang makaalis si Missy, ibinaba ni Sheena ang kaniyang tingin sa tablet.

Hindi niya alam kung bakit tila may ibang kahulugan ang mga salita nito. Maaaring sadyang mataas lamang ang pamantayan ni Missy. Tutal, mahalaga ang event at maraming taong umaasa sa kanila.

Gayunman, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting kaba.

Hindi dahil natatakot siyang magtrabaho.

Kundi dahil ayaw niyang biguin ang taong nagbigay sa kaniya ng pagkakataong patunayan ang sarili.

Nagsimula ang business presentation nang eksaktong oras.

Nasa harapan si Carlo, nakatayo sa tabi ng malaking screen. Suot nito ang maayos na dark suit at may kumpiyansang kilos ng isang lalaking sanay humarap sa mga taong may mataas na posisyon sa negosyo.

Habang ipinapaliwanag nito ang plano ng kumpanya, nakatayo si Sheena sa gilid ng conference room, handang tumugon sa anumang pangangailangan nito.

“Based on our projected growth, we expect a significant increase in market reach within the next two quarters,” paliwanag ni Carlo.

Tahimik na nakikinig ang mga bisita.

Mabilis na nagpalit ng slide ang technician.

Ngunit biglang namatay ang projector.

Napalingon ang lahat sa screen.

“I'm sorry, Sir,” sabi ng technician. “There seems to be a connection problem.”

Agad na lumapit si Sheena.

“Check the HDMI connection. I'll open the backup file.”

Mabilis niyang kinuha ang laptop at sinigurong nasa tamang folder ang presentation. Ilang segundo ang lumipas bago muling lumiwanag ang screen.

“It's working now,” sabi ng technician.

“Thank you,” sagot ni Sheena.

Nakahinga siya nang maluwag.

Ngunit bago pa makapagpatuloy si Carlo, biglang lumitaw sa screen ang isang dokumentong hindi dapat makita ng mga bisita.

Internal notes iyon ng kumpanya, kasama ang ilang impormasyong para lamang sa management team.

May ilang bisitang nagkatinginan.

Namutla si Sheena.

Hindi iyon ang file na pinili ko!

Mabilis siyang lumapit sa laptop upang palitan ang dokumento.

Bago pa niya magawa iyon, nagsalita si Carlo.

“Ladies and gentlemen, we apologize for the technical interruption. The file displayed on the screen is an internal working document and is not part of today's presentation.”

Kalmado ang kaniyang boses. Walang anumang bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.

“Please allow us a moment to restore the correct presentation.”

Pinatay niya ang screen at humarap sa mga bisita.

“Thank you for your patience.”

Walang nagtanong. Bagaman may ilang mukhang nagtaka, nagpatuloy ang maikling paghihintay.

Lumapit si Carlo kay Sheena.

“Come with me.”

Sinundan siya ng dalaga patungo sa maliit na hallway sa labas ng conference room.

Pagdating doon, agad na humarap si Sheena sa kaniya.

“I'm sorry, Sir. I don't know what happened. I checked the files before the presentation, and I prepared a backup copy. Hindi ko po sinasadyang—”

“Sheena.”

Naputol ang kaniyang mga salita.

“I know.”

Napatingin siya rito.

“You know, Sir?”

“I know you didn't do it intentionally.”

Hindi agad nakasagot ang dalaga.

“Pero ako po ang may hawak ng files. Dapat mas naging maingat ako.”

“Did you deliberately select the wrong file?”

“No, Sir.”

“Then stop blaming yourself before we know what happened.”

Napatingin lamang siya kay Carlo.

Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya.

Sanay siyang makarinig ng mga utos, puna, at paalala mula sa lalaking ito. Kahit simpleng pagkakamali ay hindi nito pinalalampas.

Ngunit ngayon, hindi siya nito sinisisi.

“Sir, your clients might think that our company is unprepared.”

“That's why I'm handling the clients.”

“But—”

“I'm the CEO, Sheena. The responsibility is mine to handle.”

Nanatili siyang nakatingin sa lalaki.

May kung anong init na gumapang sa kaniyang dibdib, isang pakiramdam na hindi niya agad maipaliwanag.

“Thank you, Sir,” mahina niyang sabi.

Carlo studied her face for a moment.

“Fix the presentation. Use the original file from the secure folder. Don't use the backup until you've verified its contents.”

“Yes, Sir.”

“And Sheena?”

“Yes?”

“Don't panic. You work better when you think clearly.”

Napatitig siya rito.

Hindi iyon papuri na may kasamang ngiti. Hindi rin malambing ang paraan ng pagsasalita nito.

Gayunman, para kay Sheena, mas mahalaga ang sinabi nito kaysa sa inaasahan niya.

Dahil sa unang pagkakataon mula nang maging assistant siya ni Carlo, naramdaman niyang hindi lamang nito nakikita ang kaniyang mga pagkakamali.

Nakikita rin nito ang kakayahan niya.

Nang bumalik si Sheena sa conference room, agad niyang binuksan ang secure folder at sinuri ang mga dokumento. Sa tulong ng technician, natukoy nilang may maling file path na nagamit sa paglipat ng presentation mula sa backup computer.

Hindi niya alam kung bakit nangyari iyon, ngunit tiniyak niyang naitama na ang lahat bago muling ipakita ang mga slide.

Samantala, bumalik si Carlo sa harapan at nagpatuloy sa meeting na para bang isa lamang iyong maliit na aberya.

“Now, as I was saying, our next phase will focus on expanding our digital partnerships.”

Muli silang nakinig sa paliwanag nito habang sinusundan ang mga slide.

Wala nang naging problema.

Natapos ang presentation nang maayos, at isa-isang lumapit ang mga bisita upang makipagkamay kay Carlo.

“Excellent presentation, Mr. Sanchez.”

“Thank you. We appreciate your time.”

Nang makaalis ang mga bisita, nagsimulang magligpit ang staff.

Si Sheena naman ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento nang mapansin niyang papalapit si Carlo.

“Ms. Del Fuente.”

Agad siyang humarap.

“Yes, Sir?”

“Have you identified the problem?”

“Yes, Sir. The backup computer opened the wrong file path. I've corrected it, and I've checked every slide in the final presentation.”

“Good.”

Sandaling tumingin si Carlo sa mga dokumentong hawak niya.

“You handled the situation well.”

Napatigil si Sheena.

“I'm sorry, Sir?”

“I said you handled it well.”

Hindi niya napigilang mapangiti.

“Thank you, Sir.”

“Don't make me repeat myself.”

Agad na nawala ang malawak niyang ngiti, ngunit hindi niya napigilang mapatawa nang bahagya.

“Yes, Sir.”

Tinalikuran siya ni Carlo at naglakad patungo sa meeting room.

Bago tuluyang makalayo, muli itong nagsalita.

“Have something to eat before the next meeting. You haven't had a proper break.”

Napatigil si Sheena.

“Sir?”

Hindi na ito lumingon.

“That's an instruction, Ms. Del Fuente.”

Napatingin siya sa likod ng lalaki, saka napangiti sa sarili.

“Ang sungit talaga,” bulong niya. “Pero marunong din palang mag-alala.”

“May sinabi ka?” tanong ng technician na napadaan.

“Wala!”

“Parang may kinikilig.”

“Hindi ako kinikilig! Gutom lang ako!”

Natawa ang technician habang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kagamitan.

Namula ang pisngi ni Sheena. Kinuha niya ang kaniyang tablet at naglakad patungo sa staff lounge.

Hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-anong bagay tungkol sa boss niya.

Si Carlo Sanchez ay ang CEO ng kumpanya. Siya naman ang personal assistant nito. May malinaw silang responsibilidad, at trabaho niya ang tiyaking maayos ang bawat araw nito.

Iyon lamang.

Pero habang inaalala niya ang mga salitang binitiwan ni Carlo sa hallway, hindi niya maiwasang ngumiti.

I'm the CEO, Sheena. The responsibility is mine to handle.

Simple lamang ang mga salitang iyon.

Ngunit para sa isang babaeng sanay sisihin ang sarili kapag may nagagawang pagkakamali, napakalaking bagay ng marinig na may isang taong handang akuin ang responsibilidad at bigyan siya ng pagkakataong itama ang kaniyang nagawa.

At ang lalaking iyon ay si Carlo Sanchez.

Ang boss na halos hindi ngumiti.

Ang lalaking kayang baguhin ang buong iskedyul sa loob ng ilang segundo.

At ang lalaking, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ay unti-unting nagiging mas mahirap unawain.

Kinagabihan, matapos ang huling meeting, nakatayo si Sheena sa tabi ng bintana ng hotel lounge habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsokolate.

Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod. May mga sasakyang dumaraan sa kalsada, at sa malayo ay tanaw ang mga gusaling tila nakikipagpaligsahan sa taas.

“Ang ganda,” bulong niya.

“Are you talking about the view or the hot chocolate?”

Muntik nang mabitawan ni Sheena ang tasa.

Agad siyang napalingon.

Si Carlo.

Nakatayo ito sa likuran niya, hawak ang isang basong tubig at suot pa rin ang kaniyang dark suit. Wala na ang ilang taong kanina lamang ay nakapalibot dito sa conference room.

“Sir! Hindi ko po kayo napansin.”

“Clearly.”

Napatingin siya sa paligid.

“May kailangan po ba kayo?”

“I was looking for the revised schedule.”

Agad niyang binuksan ang tablet.

“I've already sent it to your email, Sir. Your last meeting tomorrow has been moved to ten-thirty, and the client has confirmed the new time.”

“Good.”

Muli siyang tumingin sa bintana.

“You can enjoy your drink. I won't keep you long.”

Napakurap si Sheena.

“Okay, Sir.”

Akala niya ay aalis na ito, ngunit nanatili si Carlo sa tabi niya.

Ilang sandali silang magkatabing nakatanaw sa lungsod.

“Do you like working here?” biglang tanong ni Carlo.

Napatingin si Sheena sa kaniya.

“Honestly, Sir?”

“That's generally what I expect from my employees.”

Napangiti siya nang bahagya.

“Mahirap po kayong boss.”

Tumingin si Carlo sa kaniya.

Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng dalaga nang direkta.

“Is that your professional assessment?”

“Opo.”

“Explain.”

Napahawak si Sheena sa tasa.

“High standards. Biglaang pagbabago sa schedule. Maraming trabaho. At minsan, Sir, pakiramdam ko kailangan kong mag-aral ng bagong paraan ng pag-iisip para lang maintindihan ang mga utos ninyo.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Carlo.

“Anything else?”

“Hindi po kayo ngumingiti.”

Bahagyang gumalaw ang sulok ng labi nito.

“Is that part of your job description?”

“Hindi po. Pero malaking tulong sana sa morale ng mga empleyado.”

Sa pagkakataong iyon, isang maikling tawa ang kumawala kay Carlo.

Napasinghap si Sheena.

Hindi malakas ang tawa nito, at mabilis ding nawala, ngunit sapat iyon upang mapatitig siya sa lalaki.

Marunong pala siyang tumawa!

Napansin ni Carlo ang kaniyang reaksyon.

“What?”

“Wala po, Sir.”

“You look surprised.”

“Hindi naman po.”

“Sheena.”

“Medyo lang po.”

Tiningnan siya ni Carlo nang ilang segundo bago muling tumingin sa bintana.

“Get used to it.”

“Sa pagtawa ninyo, Sir?”

“Don't push your luck.”

Napatawa si Sheena.

At sa pagkakataong iyon, hindi na muling pinigilan ni Carlo ang bahagyang pag-angat ng kaniyang mga labi.

Hindi niya alam kung bakit mas magaan ang pakiramdam niya habang nakikinig sa dalaga. Marahil dahil sa buong araw, ito lamang ang taong nagsabi sa kaniya ng totoo nang hindi sinusubukang kunin ang kaniyang pabor.

O marahil dahil sa kabila ng mga pagkakamali, takot, at pressure, patuloy pa rin itong lumalaban.

May kung anong katangiang nagpapaalala sa kaniya na hindi lahat ng bagay ay kailangang kontrolin.

At hindi lahat ng taong pumapasok sa buhay niya ay may balak na saktan siya.

“Good night, Sir,” sabi ni Sheena nang mapansing oras na upang bumalik sa kaniyang kuwarto.

Carlo nodded.

“Good night, Ms. Del Fuente. Be ready by eight tomorrow.”

Agad na nawala ang ngiti niya.

“Eight? Sir, your first meeting is at nine!”

“I know.”

“Then why—”

“Breakfast meeting with the management team.”

Napahawak si Sheena sa noo.

“Yes, Sir.”

Naglakad na siya patungo sa elevator, ngunit bago tuluyang makalayo, lumingon siya.

“Sir?”

Carlo looked at her.

“Thank you for what you did earlier.”

Hindi agad sumagot ang lalaki.

“You did your job, Sheena. That's all.”

Ngumiti siya.

“Still, thank you.”

Pagkatapos, tuluyan na siyang umalis.

Naiwan si Carlo sa tabi ng bintana, hawak ang baso ng tubig habang nakatingin sa direksiyong pinuntahan ng dalaga.

That's all.

Iyon ang sinabi niya.

Ngunit bakit tila hindi sapat ang mga salitang iyon upang ipaliwanag kung bakit gusto niyang tiyaking nakakakain ito, nakakapahinga, at hindi natatakot sa bawat pagkakamaling nagagawa nito?

Matagal na niyang isinara ang sarili sa mga damdaming hindi niya kayang kontrolin.

Matagal na niyang itinuring na kahinaan ang pagpapakita ng malasakit.

Ngunit si Sheena Del Fuente, sa simpleng paraan nito ng pagsasalita, pagtatrabaho, at pagtawa, ay unti-unting nagpapaalala sa kaniya ng isang bagay na matagal na niyang nakalimutan.

Na maaari pa ring maging maganda ang isang araw kahit hindi lahat ay naaayon sa plano.

At marahil, maaari ring may isang taong dumating sa buhay niya nang walang dalang pangako, ngunit may kakayahang baguhin ang mga bagay na akala niya ay hindi na magbabago.

Hindi pa iyon pag-ibig.

Hindi pa niya kayang tawagin sa ganoong pangalan.

Ngunit nang gabing iyon, hindi na lamang ang trabaho ang laman ng isip ni Carlo Sanchez.

Naalala niya ang ngiti ni Sheena.

At hindi niya alam kung bakit gusto niya iyong makita muli kinabukasan.

Chapter End.

---------

Chapter qoute:

Minsan, ang taong akala mong walang pakialam ay siya palang unang tatayo sa harap mo kapag dumating ang pagkakataong kailangan mo ng kakampi.”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Kommentare (2)
goodnovel comment avatar
Tata ni Oyang
Sorry po ngayon lang nakaresponse... Aww, thank you sa pagbabasa! 🥹...️ Baka may pagbabago lang sa ads/reward system ng GoodNovel ngayon. Sana maayos din agad para makapag-unlock ka pa rin ng chapters. ...... Salamat sa patience at support! ...️
goodnovel comment avatar
Hayden Casundo
hindi na pwedeng manood ng adds?
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 94. One Month Away

    “One month?”Napatingin si Enzo Pineda sa itinerary na inilapag ng kaniyang kambal na si Lawrence sa ibabaw ng mesa.“Lawrence, tell me you're joking.”Hindi agad sumagot ang kapatid. Abala ito sa pagbabasa ng mga dokumentong nakabukas sa laptop.“I'm not joking, Enzo. You'll be representing our company at the international writing event.”“Alam ko kung ano ang nakasulat dito. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako ang kailangang pumunta. At bakit isang buwan?”Ngayon lamang nag-angat ng tingin si Lawrence.“Because we need someone who understands the publishing business, someone who can represent our interests and negotiate with potential international partners.”“Marami tayong puwedeng ipadala. Nariyan ang marketing director, senior editors, at ang international relations team. Bakit hindi isa sa kanila?”“Because I chose you.”Napaupo si Enzo sa sofa at napailing.Mag

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 93. The Night To Forever

    Hindi na mabilang ni Ruby kung ilang beses siyang sumilip sa bintana nang gabing iyon.Nasa sala siya ng kanilang simpleng bahay, hawak ang isang tasa ng mainit na tsokolate na inihanda ng kaniyang ina. Sa labas, maririnig ang mahinang ingay ng mga sasakyang dumaraan sa kalsada, habang ang kaniyang ama ay nagpapahinga na sa kuwarto.Nasa mesa naman ang ilang kahon ng kakaning hindi naubos sa paninda ng kaniyang ina. Katabi ng mga iyon ang mga kuwaderno ni Ruby na puno ng mga ideya para sa bago niyang romance novel.Ngunit kahit marami siyang dapat gawin, iisa lamang ang laman ng kaniyang isip.Si Carlo.Mula nang dumating ang lalaki kanina, hindi na maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi.Hindi naman iyon ang unang beses na bumisita si Carlo sa kanilang bahay. Ilang ulit na rin itong nakipagkuwentuhan sa kaniyang mga magulang, tumulong sa ilang gastusin, at nagdala ng mga pagkaing paborito ng pamilya niya.Pero iba ang na

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 92. Rhe Ring Between Us

    Pineda Corporation“Sir Enzo, may bagong impormasyon na po kami tungkol kay Miss Ruby.”Mula sa pagbabasa ng mga dokumento, itinaas ni Enzo Pineda ang kaniyang paningin sa investigator na nakatayo sa harap ng mesa niya.“Go ahead.”Inilapag ng investigator ang isang brown envelope sa kaniyang mesa. Binuksan iyon ni Enzo at isa-isang tiningnan ang mga larawang laman niyon.Ngunit nang makita niya ang isang litrato, natigil ang kaniyang mga daliri.Si Ruby iyon.Nakasuot ito ng simpleng damit habang nakangiting nakatayo sa tabi ni Carlo Sanchez. Magkahawak ang kanilang mga kamay, at kitang-kita sa daliri ng babae ang isang singsing.Napakunot ang noo ni Enzo.“What's this?”“May kumpirmasyon na po kami tungkol sa relasyon nila, sir. Engaged na si Miss Ruby kay Mr. Carlo Sanchez.”Muling tiningnan ni Enzo ang litrato.“Engaged?”“Opo. Ayon sa mga nakalap naming impormasy

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 91. A Promise Worth Protecting

    “Ruby, anak, huwag mo nang ilabas ang perang iyan. May natitira pa naman tayo para sa mga gastusin.”Napatingin si Ruby sa kaniyang ina habang inaayos ang ilang perang nakalagay sa ibabaw ng lumang mesa. Katatapos lamang niyang bilangin ang perang ipinambili ng mga sangkap para sa kakaning ibebenta nito kinabukasan.“Ma, para po ito sa gamot ni Papa. Sabi ni Doc, kailangan niyang ituloy ang pag-inom ng gamot sa tamang oras.”“Pero anak, may bayarin pa kayo sa school. Hindi ba may kailangan pang bayaran ang mga kapatid mo?”Ngumiti si Ruby at inilabas mula sa kaniyang bag ang isang maliit na sobre.“Nakapagtabi na po ako para roon. Ito naman po ang para sa gamot ni Papa. At may kaunti pa akong inilaan para sa mga sangkap ninyo.”Napailing ang kaniyang ina. “Paano ka naman? May pamasahe ka pa papasok sa trabaho. Hindi puwedeng kami na lang palagi ang iniisip mo.”“Ma, huwag na po kayong mag-alala. Kaya ko naman po.”

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 90. The Thing Bothering In His Mind

    Nang mapansin ni Enzo Pineda ang singsing sa daliri ni Ruby, tila may kung anong humila sa atensiyon niya palayo sa usapan nila.Kanina lamang ay nakangiti siya habang pinakikinggan ang paliwanag nito tungkol sa isang bagong romance manuscript. Nakakatuwa si Ruby kapag pinag-uusapan ang pagsusulat. Nagiging masigla ang mga mata nito, mas nagiging natural ang mga kilos, at tila nakakalimutan nito ang lahat ng pagod sa trabaho.Ngunit ngayon, ang singsing na nasa kaliwang kamay nito ang hindi niya maalis sa paningin.Isang simpleng singsing na may maliit na diyamante.Hindi naman iyon kalakihan, ngunit sapat para sabihin sa sinumang makakakita na may lalaking nag-alok ng pangakong habambuhay sa babaeng nasa harapan niya.“Enzo?”Napakurap siya nang tawagin siya ni Ruby.“Ha?”“May problema ba sa manuscript ko? Kanina ka pa nakatingin sa akin.”Napangiti siya at agad na ibinalik ang tingin sa mga pahinang

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 89. The Ring On Her Finger

    Sabado ng umaga sa Pineda Publishing House.Hindi tulad ng mga karaniwang araw, mas kaunti ang mga empleyadong naroon. May ilan na kailangang tapusin ang kanilang mga gawain bago ang susunod na linggo, habang ang iba naman ay abala sa paghahanda ng mga bagong manuscript na nakatakdang ilathala.Sa ikalawang palapag, nakaupo si Ruby sa isang desk malapit sa malaking bintana. Nasa harapan niya ang laptop, ilang dokumento, at isang makapal na folder na naglalaman ng mga suhestiyon para sa susunod na koleksiyon ng romance novels.Bahagyang nakatali ang mahaba niyang buhok, at paminsan-minsan ay inaayos niya ang ilang hibla nito habang nagbabasa sa screen.“Grabe,” reklamo niya habang nakatitig sa isang pahina. “Bakit parang mas mahirap pang mag-edit ng manuscript kaysa gumawa ng sarili kong kuwento?”“Dahil masyado kang mabait sa mga characters mo.”Napatingin siya sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ng desk niya.Si Enzo Pineda.May hawak itong paper cup ng kape at isang supot ng pandes

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 1. The Interview

    Ito ang unang kwento. Kwentong pag ibig nina Sheena at Carlo. Halina't basahin kung paano mapapaamo ni Sheena del Fuente ang puso ng kanyang boss na Super suplado, perfectionist at super kung makatingin na animo'y pati kaluluwa mo ay kaya nitong basahin.. ----- Hindi normal ang hiling na gusto mo

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 5. Who Do You See?

    Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 4. Dream Or Nightmare

    Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 3. The Girl Who Reminds Him

    “Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status