LOGINBandang tanghali.
Doon niya lang napansin na sumasakit na ang ulo niya. Hindi pa siya kumakain pero hindi pa siya tumitigil. At habang tinititigan niya ang screen— “Lunch?” Napalingon siya. May babaeng nakatayo sa gilid ng cubicle niya. Nakangiti ito. “Ah—sorry?” “Lunch tayo,” ulit nito, medyo amused ang tono. “Mukha kang mawawalan ng malay anytime.” Napakurap si Sheena at napatingin sa oras. Lunch break na pala. “Ah… oo… sure…” Tumayo siya, medyo naninigas pa ang katawan. “By the way,” sabi ng babae habang naglalakad sila, “I’m Mia.” “Secretary ni Sir Carlo.” Tumango lang si Sheena, naalala niya ito. Ito ang nag-orient sa kanya kahapon regarding sa work niya, as personal assistant. “Sheena po.” ilang saglit ay sabi niya. Ngumiti si Mia. “I know.” Napakunot ang noo niya. “Ikaw yung bagong PA na nakasurvive kahapon.” “…Survive?” Napatawa si Mia, pero hindi ito mukhang biro. “Girl… congratulations.” Bahagyang napabagal ang paglakad niya. “Ganun ba kahirap…?” Napatingin si Mia sa kanya. May halong awa at amusement. “Hindi ka ba nasabihan?” “Ng…?” Huminga si Mia. “Na karamihan sa mga nagiging PA ni Sir…” Saglit na pause. “…hindi umaabot ng second day.” Hindi napigilang nagulat sa sinabi nito. Pero kung pagbasehan ang naging karanasan niya kahapon, hindi na siya nagtataka kung bakit… “First day pa lang—resigned na.” patuloy ni Mia. “Dahil… sa ugali niya?” mahina niyang tanong. Tumango si Mia. “Perfectionist siya, yes. Pero hindi lang ‘yon.” Pumasok sila sa pantry.. saka nag order ng kanilang pagkain. Pagkatapos ay humanap ng bakanteng mesa at inilatag ang pagkain doon. Umupo sila at tahimik muna habang kumukuha ng pagkain. Hanggang sa— “Hindi siya ganyan dati.” Basag ni Mia sa katahimikan nila. Napatingin si Sheena. “Ano pong ibig mong sabihin?” Mia looked at her. Parang nag-iisip. Parang may dilemma kung sasabihin ba o hindi. Pero sa huli— “May ex-fiancee siya.” Biglang kumabog ang dibdib ni Sheena. “…Okay…” “Ikakasal na sila noon.” Napahinto siya sa paghawak ng kutsara. “Everything was prepared. Perfect.” Mia’s voice softened. “Pero sa mismong araw ng kasal…” She paused. “…hindi sumipot yung babae.” Nanlalamig ang pakiramdam ni Sheena. “She left him.” Tahimik. “Sumama sa ibang lalaki.” Parang may kung anong kumirot sa dibdib niya. Hindi niya kilala si Carlo ng personal, Pero naramdaman niya yung sakit ng kwento. “At pagkatapos noon…” Mia sighed. “Wala na. Nagbago siya.” “How?” “Mas naging cold. Mas naging distant. Mas naging… ruthless.” Napatingin si Sheena sa table. Kaya pala. Kaya pala ganun siya magsalita. Parang walang emosyon. Parang walang pakialam kung makasakit. “Hindi na siya nagtitiwala.” Mahina pero diretso ang sabi ni Mia. Parang tumama iyon kay Sheena. Kasi ramdam niya rin iyon kahapon. Yung paraan ng pagtitig ni Carlo sa kanya, parang hinahanap ang mali. Parang naghihintay na magkamali siya. “Alam mo kung anong pinaka-weird?” dagdag ni Mia. Napatingin si Sheena. “…yung ex-fiancée niya…” Saglit na katahimikan. “…dating personal assistant din niya.” Napalunok si Sheena, kaya napainom siya ng tubig. “What?” “And…” tumingin si Mia diretso sa kanya, “…kamukha mo.” Parang tumigil ang lahat. Hindi niya alam, kung nagtataka siya at nabibigla. “Joke… right?” pilit niyang tanong. Pero hindi ngumiti si Mia. “Same height.” “Same eyes.” “Same aura.” Unti-unting bumigat ang dibdib ni Sheena. Parang may puzzle na biglang nag-connect. Yung pagiging harsh ni Carlo. Yung walang konsiderasyon. Yung mas matinding pressure, hindi lang dahil sa trabaho. Kundi dahil— She reminds him of someone he lost. At hindi lang nawala, kundi iniwan ito. “No wonder…” bulong ni Mia. Nagtaka siya sa sinabi nito. “No wonder what?” “Kung bakit mas mahirap siya sa’yo kaysa sa iba.” Diretsong tumama iyon sa kanya. Parang sinampal siya ng katotohanan. Hindi dahil kulang siya. Hindi dahil hindi siya magaling. Kundi dahil— She looks like the woman who broke him. Napabuntong hininga siya. Mixed emotions, pagkalito. At… konting awa. “Ang unfair naman,” mahina niyang sabi. “Very,” sagot ni Mia. “Pero that’s how he is now.” Tahimik silang kumain sandali. Pero hindi talaga makakain si Sheena ng maayos. Parang may nakabara sa lalamunan niya. “So…” ngumiti ulit si Mia, sinusubukang pagaanin ang atmosphere, “are you staying?” Napatingin si Sheena. Naalala niya ang sinabi ni Carlo kahapon— “If you can’t keep up, resign.” Huminga siya ng malalim. Napatingin sa tray niya. Tapos— Umiling. “I won’t quit.” Mahina. Pero buo. Napangiti si Mia. “Good.” Nagkatinginan sila. “Pero warning lang…” dagdag ni Mia, “…lalala pa ‘yan.” Napataas ang kilay ni Sheena. “Mas lalala pa?” Mia smirked. “Way worse.” Napatawa na lang si Sheena ng mahina. “Welcome to reality,” sabi ni Mia, at tumayo pa. “Or…” dagdag nito, “…welcome to Sir Carlo.” — Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Hindi na lang ito simpleng trabaho. Hindi na lang ito tungkol sa pagiging efficient. May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya gusto ni Carlo— Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil— Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. Mahinang pumikit. Then— “Hindi ako siya.” Mahina niyang bulong. Pero matatag. Dahan-dahan siyang dumilat. At kung kailangan niyang patunayan iyon— Araw-araw— Gagawin niya. — Sa loob ng opisina ni Carlo— Nakaupo siya sa swivel chair. May hawak na file pero hindi niya binabasa iyon. Ang mata niya ay nakatutok sa glass wall. Kung saan kita si Sheena sa labas ay pinagmamasdan niya ito. Ang paraan ng pag-upo nito at pag-focus. Parang— Familiar. Masyadong pamilyar. “…Tsk.” Napailing siya. Ibinaba ang file. Pero hindi niya maalis sa isip niya— Yung mukha. Yung mata. Yung aura. At higit sa lahat— Yung stubborn look nito kanina. Hindi ito yung tipo na basta sumusuko. At iyon— Ang bagay na pinaka-ayaw niya. At pinaka… nakakapagpigil ng pansin niya. At— ang weakness niya! “…Let’s see,” mahina niyang bulong. Lumalim ang tingin niya. “…kung hanggang kailan ka tatagal.” Pero sa likod ng malamig na boses na iyon— Isang bagay na matagal na niyang pinipigilan. At hindi niya gusto na— Unti-unti ay… Bumabalik. — Sa pagkakataong iyon na nalaman na ni Sheena ang dahilan, kung bakit matigas ang pagtrato sa kanya ni Carlo. Masasabi pa niya kaya sa sarili niya na kaya niyang manatili as personal assistant ni Carlo? Subaybayan ang kwento, click add in library para hindi mahuli sa susunod na kabanata.Coffee BreakKahit ganito na simpleng sandali, ramdam na ramdam ni Sheena ang kaba na palihim na pumapasok sa dibdib niya. Nakaupo siya sa maliit na coffee corner ng Sanchez Media Company, hawak ang tasa ng kape. Dito niya nakilala si Ellen, ang dating bestfriend ni Ruby—si Ruby na ex-fiancée ni Carlo.Naghahanap si Ellen ng bakanteng mesa at naupo sa tabi ni Sheena, dahil puno na ang coffee corner. Nagkataon, kay Sheena ito nakaupo. Syempre, agad naman siyang pumayag. Nagpakilala si Ellen at nag-open up tungkol kay Ruby. Nang mabanggit niyang personal assistant siya ni Carlo Sanchez:"Ikaw pala ang bagong personal assistant ni Sir Carlo?" wika ni Ellen habang umiinom ng kape, at hindi maiwasang ma-mention si Ruby.“Ruby… former fiancée ni Sir Carlo, ‘di ba?” medyo mahina ang tinig ni Sheena, pero sinusubukang maging casual.Tumawa si Ellen ng mahina.“Yeah… ganun nga. Alam mo na pala. Hindi madali ang nangyari. Ang dami ng detalye na hindi nakikita ng iba. Lalo na nung araw ng kasal—
Maaga pa lang, nasa office na si Sheena. Tantiya niya ay siya pa lang ang unang empleyado na dumating. Pagdating niya sa opisina, maingat pa siyang humakbang sa sementadong sahig. Dahil katatapos lang mag-mop ng janitor. “Good morning po ma'am, masyado ka namang maaga ma'am” wika pa ng janitor sa kanya nang makita sya nito. “Good morning din po, meron pa kasi akong tapusin, manong” sagot niyang May bahagyang ngiti. Everything looked normal. Organized. Controlled. Pero sa loob niya, hindi. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Paulit-ulit lang sa isip niya ang panaginip. Ang lugar, boses, ang pagbabago ng mukha. At higit sa lahat ang tanong... "Who do you see?" Nagpahinga siya ng malalim. “Focus" wika niya sa sarili. Kailangan niyang mag-focus. Hindi siya pwedeng magpadala. Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi ngayon at lalo hindi kung kaharap niya si— Napapikit siya sandali. Huminga nang malalim. Once. Twice. Then she straightened her posture. Calm and con
Gabi na nang makauwi si Sheena.Nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa sofa.Lumapit siya rito at nagmano.“Good evening, Mom,” mahina niyang bati.Ngumiti ang kanyang ina, pero halatang may halong pag-aalala ang mga mata nito.“Gabi ka na, anak. Nauna na lang kaming maghapunan ng Daddy mo. Nang tumawag ka kanina, sabi mo mauna na kami.”Tumango si Sheena. “Opo.”“It’s already 9 PM,” dagdag pa nito. “Pero nagtabi ako ng pagkain para sa’yo. Kumain ka muna, ha?”Saglit siyang napahinto.Wala talaga siyang gana.Pagod siya. Drained. At higit sa lahat—magulo ang isip niya.Pero ayaw niyang madagdagan pa ang iniisip ng mama niya.“Sige po, Mom. Magpapalit lang ako ng damit.”Ngumiti ang kanyang ina, halatang relieved.At doon pa lang, sapat na para pilitin niyang maging okay kahit hindi naman talaga.a—Pagpasok niya sa kwarto, agad niyang ibinagsak ang bag sa gilid.Parang naubos ang lakas niya sa simpleng pagbitaw lang.Umupo siya sa kama.Then she exhaled.Mahaba.Mabigat.Pagod ang
Bandang tanghali.Doon niya lang napansin na sumasakit na ang ulo niya.Hindi pa siya kumakain pero hindi pa siya tumitigil.At habang tinititigan niya ang screen—“Lunch?”Napalingon siya.May babaeng nakatayo sa gilid ng cubicle niya. Nakangiti ito.“Ah—sorry?”“Lunch tayo,” ulit nito, medyo amused ang tono.“Mukha kang mawawalan ng malay anytime.”Napakurap si Sheena at napatingin sa oras.Lunch break na pala.“Ah… oo… sure…”Tumayo siya, medyo naninigas pa ang katawan.“By the way,” sabi ng babae habang naglalakad sila, “I’m Mia.”“Secretary ni Sir Carlo.”Tumango lang si Sheena, naalala niya ito. Ito ang nag-orient sa kanya kahapon regarding sa work niya, as personal assistant.“Sheena po.” ilang saglit ay sabi niya.Ngumiti si Mia.“I know.”Napakunot ang noo niya.“Ikaw yung bagong PA na nakasurvive kahapon.”“…Survive?”Napatawa si Mia, pero hindi ito mukhang biro.“Girl… congratulations.”Bahagyang napabagal ang paglakad niya.“Ganun ba kahirap…?”Napatingin si Mia sa kanya.
Hindi pa siya nagsisimula, pero pakiramdam niya pagod na siya.Huminga siya ng malalim.'First day mo pa lang, Sheena. Be patience at gawin mo ang tama.’ Nakita niyang nilapag nito ang isang tablet sa mesa.“Memorize my schedule.”Sheena blinked. “Now, sir?”“Do I look like I’m joking?”“No, sir.”“You have ten minutes.”Saglit na nanlaki ang mata niya, pero agad niyang kinuha niya ang tablet.Sunod-sunod ang laman—meetings, calls, briefings, interviews.Halos parang wala itong pahinga.Natanong niya sa isipan niya, kung nakakaramdam ba ito ng pagod?“Time’s running,” malamig na paalala ni Carlo.Agad niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa.Pinilit niyang kabisaduhin lahat—oras, pangalan, location, details.Kahit na mabilis ang tibok ng puso niya sa kaba kailangan niyang mag-focus. Dahil wala siyang choice.“Stop.”Napatingin siya rito.“Recite.” Umayos siya ng upo. At sinimulan iyon…“8:00 AM—marketing meeting. 9:30—conference call with international partners. 10:45—internal review…”T
Sheena took a deep breath bago pumasok sa lobby ng Sanchez Media Corporation.Napakalaki ng space—glass walls, polished marble floors, at sleek modern interiors na agad nagpaparamdam kung gaano kalaki, respetado at hindi basta-basta ang kompanyang pinasok niya. Halos lahat ng taong nadadaanan niya ay naka-formal attire at busy sa kani-kanilang trabaho.“Okay, Sheena… chill ka lang. Focus. First impression is everything,” mahina niyang bulong sa sarili habang mahigpit na hawak ang folder ng resume niya.First time niyang mag-apply sa ganitong klaseng kumpanya. At isa ito sa mga kilalang pangalan sa media industry. Kahit pilit niyang kinakalma ang sarili, hindi niya maikakaila ang kaba na unti-unting sumisikip sa dibdib niya.“You need this job… kaya mo ‘to,” giit pa niya sa sarili.Dumiretso siya sa waiting area at umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya ang iba pang applicants—lahat mukhang confident, well-dressed, at halatang may experience na.“Grabe… mukhang ang gagaling nila,” bu







