ログインPagbalik ni Sheena, parang kahit paano ay gumaan ang loob niya ngayon.
Nalaman na niya ang totoo. Nalaman na rin niya kung bakit ganoon ang pakikitungo ng kanyang boss sa kanya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya nito tinatrato ng ganoon. Hindi siya ang ex-fiancée ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil... Kamukha niya lang ang babaeng sumira sa puso nito. Huminga siya ng malalim saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,” bulong niya. “Hindi ako iyong babaeng iniwan ka.” Dumilat siya. At kung kailangan niyang patunayan iyon... Araw-araw niya iyong gagawin. — Sa loob ng opisina ni Carlo... Nakaupo ito sa swivel chair habang nakatitig sa glass wall ng kanyang opisina. Mula roon, malinaw niyang nakikita si Sheena. Magkahawig sila ng babaeng minsang nagdulot ng sugat sa puso niya. “…Tsk.” Napailing siya. “Let’s see…” mahina niyang bulong. “…kung hanggang kailan ka tatagal.” — Gabi na nang makauwi si Sheena. Pagkapasok pa lamang niya sa bahay, agad niyang nakita ang kanyang ina na nakaupo sa sala. Halatang hinihintay siya nito. Lumapit siya at nagmano. “Good evening, Mom,” mahina niyang bati. Ngumiti ang kanyang ina, pero hindi nito naitago ang bahagyang pag-aalala sa mga mata. “Gabi ka na, anak,” sabi nito. “Nauna na lang kaming naghapunan ng Daddy mo. Nang tumawag ka kanina, sabi mo mauna na kami.” Tumango si Sheena. “Opo.” “It’s already 9 PM,” dagdag ng kanyang ina, mas malumanay na ang tono. “Pero nagtabi ako ng pagkain para sa’yo. Kumain ka muna, ha?” Saglit siyang napatigil. Hindi dahil hindi niya narinig ang sinabi ng kanyang ina, kundi dahil hindi niya alam kung paano itatago ang pagod na bumabalot sa kanya. Wala siyang gana. Pagod ang katawan niya. Mas pagod naman ang isip niya. Pero ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin ng kanyang ina. Ayaw niyang makita nito kung gaano kagulo ang nasa isip niya. Kaya ngumiti siya kahit pilit. “Sige po, Mom. Magpapalit lang ako ng damit.” Halatang gumaan ang loob ng kanyang ina. At sa simpleng reaksyong iyon, parang napilitan siyang maging okay. Kahit hindi naman talaga siya okay. — Pagpasok niya sa kwarto, agad niyang ibinagsak ang bag sa gilid ng kama. Parang doon pa lamang siya pinayagang bumigay. Umupo siya saka huminga ng malalim. Isang buntong-hininga na tila gustong ilabas ang lahat ng kinikimkim ng kanyang dibdib, pero hindi niya alam kung paano. Humiga siya at tumitig sa kisame. Gaya ng inaasahan niya... Hindi siya pinatahimik ng kanyang isip. Muling bumalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Mia. “May ex-fiancée siya…” “…hindi sumipot sa kasal…” “…kamukha mo.” Napapikit siya ng mariin. Parang may kumurot sa dibdib niya. Ngayon, mas malinaw na sa kanya kung bakit ganoon si Carlo sa kanya. Kung bakit sa bawat tingin nito ay may galit. May sakit. May hinanakit. At lahat ng iyon ay hindi naman siya ang pinagmulan. “Hindi ako ‘yon…” bulong niya sa sarili. “Pero bakit ako ang sumasalo ng lahat?” Kahit anong pilit niyang umiwas, hindi maalis sa isip niya ang mga titig ni Carlo. Malamig. Matalim. At tila may hinahanap. Parang may tinitingnan ito sa kanya na hindi naman talaga siya. Parang nakikita nito ang ibang babae sa likod ng mukha niya. Napabuntong-hininga siya. “Ang unfair…” mahina niyang sabi. Dahil... Hindi niya kasalanan. Hindi niya pinili ang mukha niyang kahawig ng kung sino man iyon. At lalong hindi niya pinili ang gulong dala ng pagkakahawig na iyon. Pero bakit siya ang nasasaktan ngayon? Bumaling siya sa gilid ng kama at napatingin sa isang lumang kahon. Matagal na iyong naroon. Hindi na niya iyon binubuksan. Pero ngayong gabi, parang may kung anong humihila sa kanyang atensyon. Parang may gustong ipaalala sa kanya. Bumangon siya at binuksan ang kahon. Isang lumang pocketbook ang agad niyang nakita. Kupas na ang cover. May mga tupi na ang mga gilid, ngunit buo pa rin. At sa cover... Nandoon ang mukha ng isang lalaki. Gwapo. Misteryoso. At may kakaibang dating na mahirap ipaliwanag. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Homer Alejandrino…” Mahina niyang binigkas ang pangalan. At sa pangalan pa lamang nito, tila may kasamang alaala. Matagal na kitang kinalimutan. At pinilit kitang kalimutan. Dati, isa lamang itong pangarap. Isang lalaking nabuo sa kanyang imahinasyon sa pagitan ng mga pahina ng isang libro. Isang lalaking minahal niya kahit alam niyang hindi siya kailanman kayang mahalin pabalik. Hinaplos niya ang cover ng pocketbook. Parang hinahawakan niya ang sarili niyang nakaraan. Isang bahagi ng sarili niya na matagal na niyang isinantabi. Pero habang tinititigan niya si Homer, may ibang imahe ang unti-unting sumisingit sa kanyang isip. Malamig na mga mata. Matalim na titig. Isang presensyang mahirap lapitan. “…Si Carlo Sanchez,” bulong niya. Napahinto siya. Parang may biglang humigpit sa dibdib niya. May kung anong kakaiba. Pareho ang aura nina Homer Alejandrino at Carlo Sanchez. Pareho ang titig. Pareho ang kakaibang dating. Hindi maaari. mas nakakatakot isipin ang posibilidad na... Baka iisa lang sila. — Hindi niya namalayang nakahiga na siyang muli, hawak pa rin ang pocketbook. Hanggang sa tuluyang lamunin siya ng antok. At doon nagsimula ang isang panaginip na hindi niya inaasahan. Sa kanyang panaginip... Nasa isang malawak siyang lugar. Walang hanggan. Walang ibang tao. At tahimik ang paligid. “At last…” Napalingon siya nang makarinig ng boses. Isang lalaki ang nasa likuran niya. Naka-black suit. Matangkad. Perpekto. Lumapit ito sa kanya. At sa bawat hakbang nito, lalo lamang bumibilis ang tibok ng puso niya. “Homer…” bulong niya nang tuluyan itong makalapit. Ngumiti ito. Ang ngiting pamilyar. Ang ngiting minsan niyang minahal. “Akala ko ba kinalimutan mo na ako?” malambing nitong tanong. “Hindi ko alam…” sagot niya, halos pabulong. “Pero nandito ka…” Muli itong humakbang palapit. Sobrang lapit. Saka marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi. Maingat. Malambing. “Missed me?” Napapikit siya. “Hindi ka naman nawala…” Tahimik ang paligid. Parang silang dalawa lamang ang naroroon. Ngunit biglang nagbago ang hangin. Ang malambing na haplos nito ay naging mas madiin. Mas malamig. Napadilat siya. At doon niya napansin... Nagbago ang mukha sa kanyang harapan. Nawala si Homer. At si Carlo ang naroon. “…Sir?” Gulat niyang tanong. “Still dreaming?” malamig nitong tanong. Napaatras siya. “I—I thought—” “You thought I was him?” Naputol ang salita niya. At sa malamig na titig ni Carlo, hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot— ang panaginip niya... o ang posibilidad na may katotohanang nakatago sa likod nito. —---------- Si Homer... Totoo ba siya? O bahagi lamang siya ng isang alaala na unti-unting nagiging magulo sa isip ni Sheena? At si Carlo... Bakit siya ang lalaking pinakaayaw niyang lapitan— pero siya rin ang lalaking hindi niya maalis sa isip? I-follow ang story na ito para hindi mo ma-miss ang susunod na twist... at ang susunod na kabanata ng kwento.Biglang napabalikwas si Gabby mula sa kanyang pagkakahiga.Mabilis ang tibok ng kanyang puso.Ilang segundo siyang nakatitig sa paligid habang pilit inuunawa kung nasaan siya.Ang silid.*Ang kama.Ang kisameng ilang araw na niyang nakikita sa lugar na iyon.Ngunit ang nasa isip niya ay hindi ang kasalukuyan.Kundi ang panaginip.Isang napakahabang panaginip na tila hindi lamang panaginip.Para kay Gabby, parang totoong-totoo ang lahat.May isang batang lalaki.At may isang batang babae.At silang tatlo ay nasa isang lugar na hindi niya maipaliwanag kung bakit pamilyar na pamilyar sa kanya.Taiwan.Nakita niya ang sarili bilang isang maliit na batang lalaki.Marahil ay anim na taong gulang lamang siya.Katabi niya ang isa pang batang lalaki na tila nasa pitong taong gulang.Magkasama sila.Kahit saan siya magpunta, kasama niya ang batang lalaki.Sa loob ng bahay.Sa hardin.Sa mga lugar na kanilang pinaglalaruan.Maging sa mga simpleng gawain ay hindi sila magkahiwalay.Parang hindi l
Kabanata — Ang Batang Laging Kasama“Gabby!”Mabilis na inalalayan ni Antonette ang lalaki nang bahagya itong mawalan ng balanse.Napatingin si Gabby sa kanya.“Okay lang ako.”“Hindi ka okay.”“May naalala lang ako.”“Ano?”Hindi agad sumagot si Gabby.Muli niyang sinubukang alalahanin ang batang lalaki.Puting damit.Maliit na katawan.At ang ngiting pamilyar na pamilyar sa kanya.Pero sa tuwing pilit niyang hinahabol ang alaala, tila may bahagi nito na biglang nawawala. Hindi niya alam at hindi niya maintindihan kung bakit?“Hindi ko pa rin makita ng malinaw ang mukha niya.”“Pero kilala mo siya?”Tumango si Gabby.“Pakiramdam ko.”“Baka kaibigan mo noong bata ka.”“Hindi.”Sigurado siya.“Hindi lang isang kaibigan ang batang iyon.”Napatingin si Antonette kay Gabby.“Bakit?”“Hindi ko alam.”Napabuntong-hininga si Gabby.“Pero pakiramdam ko, napakalapit niya sa akin.”Hindi na nagtanong si Antonette.Sa halip, hinayaan muna niya itong ayusin ang mga naiisip.Pagkaraan ng ilang san
“Anak…”Muling narinig ni Gabby ang tawag ng matandang babae.Nanatili siyang nakatingin dito habang pilit inuunawa ang sitwasyon.Hindi niya kilala ang babae.Sigurado siya roon.Pero bakit ganoon na lamang ang pagtingin nito sa kanya?Para bang matagal na siyang hinihintay.Para bang ang taong nakikita nito sa harapan niya ay isang taong matagal ng nawala.“Ma’am…” maingat na tawag ni Antonette.Hindi agad sumagot ang matanda.Nakatitig lamang ito kay Gabby.Maya-maya, lumapit ito.“Anak ko…”Napaatras ng bahagya si Gabby.“Pasensya na po, pero…”Hindi niya natapos ang sasabihin.Biglang hinawakan ng babae ang kanyang braso.“Buhay ka.”Napakunot-noo si Gabby.“Ma’am, nagkakamali po kayo.”Umiling ang babae.“Hindi.”“Hindi po ako…”“Anak kita.”Napatigil si Gabby.Napatingin siya kay Antonette na tila humihingi ng tulong.Lumapit si Antonette sa kanila.“Ma’am, baka napagkakamalan ninyo siya.”Tumingin ang matanda kay Antonette.“Hindi ko siya napagkakamalan.”Muli nitong binalinga
Ilang sandali silang nanatili sa harap ng kubo. Hindi agad nagsalita si Antonette.Maging si Gabby ay tila pinag-iisipan kung dapat ba nilang alamin kung ano ang nasa loob.“Baka may staff lang na nagpahinga rito,” sabi ni Antonette.“Posible.”“Pero bakit parang wala naman akong alam na may ganitong kubo rito?”Tumingin si Gabby sa paligid.“Baka matagal na itong nandito.”Lumapit siya sa pinto.“Gabby, teka.”Napahinto ito.“Bakit?”“Baka hindi tayo dapat basta pumasok.”Napangiti si Gabby.“Hindi naman ako papasok agad.”Inilapit lamang niya ang kamay sa pinto upang itulak ito ng kaunti.Sa paggalaw nito, mas lumawak ang bukana.Mula sa kinaroroonan nila, nakita nila ang loob ng kubo.May lumang mesa.May ilang upuan.At sa isang sulok ay may maliit na aparador na natatakpan ng alikabok.“Wala namang tao,” sambit ni Antonette.“Pero kanina may narinig tayo.”Tumango siya.“Baka daga.”Napangiti si Gabby.“Daga?”“Bakit? Hindi ba posible?”“Posible.”Muli nitong itinulak ang pinto.
Parehong napatigil sa pag-uusap sina Antonette at Sheena nang biglang tumunog ang cellphone ni Antonette. Napatingin siya sa screen. Nang makita niya ang pangalan ng tumatawag, bahagya siyang napangiti. Si Gabby. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello, Gabby?” “Antonette, dumating na ako sa Isabela.” Napatingin si Antonette kay Sheena. “Nasa Isabela ka na?” “Oo. Nasa resort na ako ngayon.” Napangiti si Antonette. “Ang bilis naman.” “Maaga akong umalis kanina. Gusto ko sanang makapaglibot agad.” “Ah, okay. Mag-isa ka lang?” “May mga staff naman dito, pero may gusto sana akong hilingin sa’yo.” “Ano ’yon?” Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya bago nagsalita si Gabby. “Pwede mo ba akong samahan mamasyal sa buong resort?” Napatingin si Antonette sa paligid. “Bakit? Hindi mo ba kabisado ang resort?” “Hindi lahat. Marami pa akong bahagi rito na hindi ko napupuntahan. At saka…” Natatawang nagpatuloy si Gabby. “Mas gusto kong may kasama.” Napangiti si Antonet
Biyernes ng gabi nang katatapos lang kumain ng hapunan si Antonette nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagtingin niya sa screen, napangiti siya.Si Sheena.Agad niyang sinagot ang tawag."Hello?""Antonette! Susunod ako diyan bukas."Napakunot ang noo ni Antonette."Ha? Pupunta ka rito?""Oo.""Biglaan naman.""May pasok ba ako sa Sabado at Linggo?""Kung tutuusin, wala.""Exactly."Napangiti si Sheena sa kabilang linya."Dalawang araw muna akong mamamalagi diyan. Miss ko na kayo.""Miss mo ako?""Ikaw at ang bahay ninyo."Napatawa si Antonette."Ang landi mo.""At saka," dagdag ni Sheena, "miss ko na rin ang bestfriend at kapatid ko."Napangiti si Antonette.Mula nang malaman nilang magkapatid sila sa ama, naging mas malalim ang kanilang samahan.Hindi lamang sila naging magkapatid.Naging matalik na magkaibigan din sila."Sigurado ka?" tanong ni Antonette."Oo. Ako mismo ang magda-drive.""Eh di sige. Ingat ka.""See you tomorrow.""See you."Pagkababa ng tawag, napangiti s
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit
Friday morning. Maaga siyang nagising, halo-halo ang kaba at excitement. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Lalo na at personal assistant siya ni Carlo Sanchez—ang lalaking parang walang emosyon at sagad kung makatingin. Feeling niya pati kaluluwa niya nakikita nito. Nagbih
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an







