LOGINNsgpapatuloy ang boses ni Sheena sa ere nang nakabalik na siya sa studio. Pero sa likod ng kalmadong tono ng boses niya… Unti-unti namang bumibigay ang puso niya. “Sometimes…” mahina niyang sambit sa mic habang nakatitig sa blinking lights ng console. “May mga taong pilit nating iniiwasan hindi dahil ayaw ns natin sa kanila… kundi dahil masyado natin silang mahal.” Saglit na natigilan si Nico habang inaayos ang monitor sa tabi niya. Napalingon ito kay Sheena. Ramdam nito kasi na hindi lang basta linya iyon. Kundi…parang may pinanggagalingan. Ang bawat salita ay hinugot mula sa totoong sakit. Habang nagpapatuloy si Sheena sa pagsasalita… Napapansin nito ang bahagyang panginginig ng boses ni Sheena. Samantala— Sa kabilang side ng glass wall sa labas ng studio… Nakatayo si Carlo. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa habang seryosong nakatingin sa direksyon ni Sheena. Naririnig ni Carlo ang bawat salita mula sa speaker ng station. At ang bawat salita…
Saka lang tuluyang napahinga si Sheena. Matapos ang kanyang On air broadcast. “Good job!” masayang sabi ng isa sa mga staff habang binibigyan siya ng bottled water. “Natural na natural ka sa mic.” patuloy pa nito. “Thank you po,” nahihiya niyang sagot. Pero sa totoo lang, hindi niya alam kung paano niya natapos ang buong segment ng hindi tuluyang nanginginig at kinakabahan. Pakiramdam niya kasi… habang nagsasalita siya kanina, parang hinuhubad niya isa-isa ang mga emosyon na matagal niyang kinimkim. At ang pinakamahirap doon? Alam niyang si Carlo ang laman ng bawat salitang binitiwan niya. “Five-minute break tayo bago next set,” sabi ni Nico habang chine-check ang monitor. Tumango siya saka marahang tumayo. “CR lang po ako sandali.” aniya. “Sure.” Agad na tugon ni Nico. Naglakad siya palabas ng studio. Pero pagkapihit niya sa corner— Bigla siyang natigilan. May isang lalaking nakatayo roon. Matangkad. Naka-black long sleeves. Pamilyar ang tindig. Pamilyar ang aura.
Nakasuot na ng headphones si Sheena pero hanggang sa mga sandaling iyon ay sa ibang bagay nakatutok ang isip niya. Pangalawang araw na niya sa bagong trabaho pero feeling niya naroon parin ang kalahati ng katawan niya sa Sanchez Media Corporation. Ang isip niya ay naroon kay… Carlo Sanchez! Ang kanyang CEO, Ang kanyang dating boss! Boss nga ba? Isang lalaking unti-unting tumatatak na sa kanyang puso? Napabuntong hininga sya ng malalim…kailangan na niyang masanay. Na sanayin ang sarili niyang wala na siya sa Sanchez Media Corporation at hindi na niya kasama si Carlo. “Okay,” sabi ni Nico mula sa kabilang side ng glass. Na gumising sa kanya. “We’re live in 3… 2…” Biglang nag-iba ang paligid. Ang kaninang ingay ng studio ay biglang nawala. Napahawak siya nang bahagya sa suot niyang headphone. ON AIR light—biglang nagkulay pula. “1…” narinig niyang sabi ni Nico at sumenyss ito sa kanya. Na ibig sabihin ay magsimula na siya. “Good morning, BrightWave FM!” Tumagos ang boses n
Muling sumilip ang sikat ng araw sa manipis na kurtina sa bintana ng kwarto ni Sheena.Bagong umaga.Bagong araw.At unang umagang gigising siyang wala na sa Sanchez Media Corporation.May kakaibang bigat agad siyang naramdaman pagdilat pa lang ng mga mata niya.Parang may kulang.Parang may nakasanayan siyang biglang nawala.Tinitigan niya ang kisame habang nakahiga pa rin.Dati, ganitong oras pa lang, sunod-sunod na agad ang notifications sa phone niya. Schedule ni Carlo. Meetings. Emails. Reminders. Flight adjustment. Last-minute changes.Halos umiikot ang buong umaga niya noon sa isang tao.Kay Carlo Sanchez.Pero ngayon…Wala.Tahimik ang phone niya.At mas lalong tahimik ang puso niyang pilit nang umiwas sa pangalang ilang araw na niyang sinusubukang takasan.Mabagal siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama.Napatingin siya sa maliit na mesa sa tabi ng bintana kung saan nakapatong ang ID lace niya mula sa kompanya.Nakatupi iyon ng maayos.Parang isang parte ng buhay niyang pil
“Is that your final decision?” tanong nito—pero may crack na sa boses na hindi na nito naitago.Sheena nodded once.“Hindi ko na kaya mag-stay sa ganitong setup, Carlo.”Pagkasabi niya ng pangalan nito, parang mas lalong lumalim ang bigat sa pagitan nila.“Every day na pumapasok ako, I feel like I’m balancing something I shouldn’t even be holding in the first place.” dagdag pa ni Sheena.Malungkot na umiling si Carlo. “Or you’re just choosing to define it that way,” pahayag nito.Napasininghap si Sheena.“Hindi ko ini-invalidate kung anong nararamdaman ko,” sagot niya na medyo nanginginig ang boses pero pilit steady. “But I also can’t ignore what’s real.“And what is real to you right now?” tanong nito.Sheena looked at him longer this time.Hindi siya umiwas ng tingin sa kanyang boss “Real is I’m your employee, real is you’re my CEO, and lastly, the real is whatever this is…” huminto siya, huminga ng malalim.“…doesn’t have a place here.”Sa huling linya, parang doon lang niya nar
Matagal na katahimikan ang namayani bago muling nagsalita si Sheena.“Sir…”Huminga siya—mahaba, pilit steady, pero halatang may bigat na dala.“I need to resign.”Hindi agad sumagot si Carlo.Nakatitig lang ito sa kanya, parang sinusuri kung tama ang narinig niya… o baka kung handa ba siyang paniwalaan iyon.“Repeat that,” anito, mas mababa ang boses. Mas controlled. Ngunit halatang merong kalungkutan.Sheena met his gaze.“I’m submitting my resignation.”Sandaling katahimikan ang sumunod.Walang galit sa mukha ni Carlo—at iyon ang mas nakakapraning. Dahil kung galit ito, mas madali sanang intindihin. Pero hindi. Tahimik lang. Pero ramdam ang bigat.“Because of Missy?” tanong nito.“No, sir,” mahina niyang sagot.Mas lalong tumahimik ang pagitan nila.Carlo exhaled slowly, parang pinipigilan ang sarili na magsalita agad ng kung ano man ang unang papasok sa isip niya.Then he stepped forward.“You’re leaving because you think this is affecting your work,” anito.Sheena didn’t respond.







