Share

CHAPTER 5

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-05-25 14:11:06

​Nicholas’ POV

Napailing na lang ako habang nagpupunas ng orange juice sa suit ko gamit ang tissue. Halos dumikit na ang matamis na likido sa puting polo ko sa loob. Kung ibang bata siguro ang gumawa nito, baka nairita ako. Pero kay Axel? Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Siguro dahil sa sobrang kulit niya. O siguro dahil kakaiba talaga ang batang iyon.

Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa harapan ko. Pero agad akong natigilan. Wala na si Axel. Kanina lang nasa tabi ko siya. Ngayon, parang bula siyang naglaho. Napailing ako habang sinusuri ng tingin ang buong ballroom. Halo-halong boses, tunog ng wine glasses, at tawanan ng mga bisita ang bumungad sa akin, pero hindi ko makita ang bata.

“Masyadong mabilis…” bulong ko.

Pero kahit wala na siya sa harapan ko, hindi pa rin maalis sa isip ko ang bata. Ang talino niya. Ang kulit niya. At ang paraan ng pagtitig niya sa akin na parang matagal na niya akong kilala. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may pamilyar sa kanya.

Napahigpit ang hawak ko sa tissue habang biglang bumalik sa isip ko si Celine. Pitong taon. Pitong taon ko siyang hindi nakita. At kanina nasa harapan ko na ulit siya, parang gusto niya akong burahin sa buhay niya. Hindi ko naman siya masisisi. Bigla akong nawala noon nang walang paliwanag.

Pero wala siyang alam. Hindi niya alam na noong gabing iniwan ko siya, may mga taong naghahanap sa akin para patayin ako. Hindi niya alam na may power struggle noon sa loob ng King Enterprise matapos mamatay ang lolo ko. May mga gusto akong pabagsakin sa kumpanya at gusto rin nila akong mawala. At nang malaman nilang may babaeng madalas kong kasama sa talyer… naging target si Celine.

Kaya kinailangan kong mawala. Kinailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Akala ko ilang buwan lang maaayos ko rin ang lahat at mababalikan ko siya agad. Pero mas lumala ang sitwasyon. Nagkaroon ng kaso. May nagtaksil sa loob ng kumpanya. Halos araw-araw akong may security. At nang tuluyan kong maayos ang lahat… saka ko sinubukang hanapin si Celine. Pero huli na.

Wala na siya sa dati niyang bahay. Sarado na rin ang lumang event company na pinagtatrabahuhan niya noon. Parang bigla siyang naglaho. At kahit bilyonaryo ako, hindi ganoon kadaling hanapin ang isang taong ayaw magpahanap. Lalo na nang malaman kong ibinenta niya ang lumang bahay na pamana ng magulang niya.

Ilang taon ko rin siyang hinanap. Pero wala. Hanggang sa unti-unti kong kinumbinsi ang sarili ko na baka may iba na siya. Na baka mas safe siya kung wala ako sa buhay niya. Napabuntong-hininga ako. Pero bakit ngayong nakita ko siya ulit… parang bumalik lahat?

“Sir?” Naputol ang iniisip ko nang may staff na lumapit. “The investors are looking for you.”

Tumango ako nang bahagya. “I’ll follow.”

Bago ako tuluyang umalis, muli akong napalingon sa direksyong pinuntahan ni Axel. At doon ko siya nakita. Kasama si Celine. Nakatayo sila malapit sa exit ng ballroom habang tila nagmamadali nang umalis. Mahigpit ang hawak ni Celine sa kamay ng bata. At habang inaayos niya ang bow tie nito, hindi ko maiwasang mapatitig. Parang… parang maliit na pamilya. Unti-unti akong naglakad palapit sa kanila.

​“Celine.”

Agad siya ng natigilan. Dahan-dahan siyang napalingon sa akin habang si Axel naman ay curious na nakatingin sa aming dalawa.

“Mr. King,” malamig niyang bati.

Napangiwi ako nang bahagya. Mr. King. Hindi na Nico. “Kailangan kitang makausap ngayon.” mahina kong sabi sa kanya.

“Busy ako.” Diretso. Malamig. Parang estranghero lang ako.

Pero mas pinili kong huwag pansinin iyon. Ang atensyon ko ay napunta kay Axel. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang curious ko sa batang iyon.

“Anak mo ba siya?” diretsahan kong tanong.

Biglang nanahimik si Celine. Nakita kong bahagyang humigpit ang hawak niya sa kamay ni Axel. Habang si Axel naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot.

“Oo.”

​“Who’s the father?”

Napansin kong umiwas siya ng tingin. “Bakit? May pakialam ka?”

​“Celine—”

“Anak ko siya sa dati kong boyfriend.”

Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. Boyfriend. May naging boyfriend siya? Normal lang naman siguro iyon matapos ko siya iwan. Pero bakit parang masakit?

​“Ah…” iyon lang ang nasabi ko.

Biglang nagsalita si Axel. “Mommy, uwi na tayo?”

Agad lumambot ang mukha ni Celine habang tumingin siya sa bata. “Yes, baby.”

Tahimik ko silang pinanood. Napakaalaga niya kay Axel. At kitang-kita kung gaano niya kamahal ang bata.

​“Good night, Mister King,” malambing na sabi ni Axel. "Good night, Axel." tugon ko sa bata bago ni Celine hinila si Axel palayo.

Tahimik ko lang silang pinanood hbang papalayo. Pero ilang hakbang pa lang nila, may maliit na bagay na nahulog mula sa bulsa ni Axel.

Napakunot-noo ako. Mabilis akong yumuko at pinulot iyon. At sa sandaling makita ko kung ano iyon… parang huminto ang mundo ko. Isang silver keychain. Luma na ito, pero pamilyar na pamilyar. Dahan-dahan kong binaliktad ang keychain. At doon ko nakita ang maliit na initials.

​N.K.

Biglang bumalik sa isip ko ang gabing iniwan ko si Celine. Ang mahimbing niyang tulog. Ang halik ko sa noo niya bago ako umalis. At ang keychain na inilagay ko sa bag niya bilang pangakong babalikan ko siya.

Nanigas ako habang mahigpit na hawak ang keychain. Bakit nasa batang iyon ang keychain ko? Dahan-dahan akong napatingin sa papalayong mag-ina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   Chapter 24

    Celine's POV ​ Ang umaga ay bumungad sa akin na may kakaibang bigat sa dibdib. Hindi ito 'yung pagod na dulot ng overtime kagabi; ito ay ang bigat ng pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magising si Axel para sa school. Ang mga salita ni Nicholas kagabi—ang kanyang pangako na hindi na siya aalis—ay patuloy na naglalaro sa isip ko. ​Hinding-hindi na kita sasaktan. Napakadaling sabihin ng mga salitang 'yan. Pero sa loob ng anim na taon, natutunan ko na ang mga pangako ay parang kristal; madaling mabasag kung hindi mo ito hahawakan nang maingat. Paghatid ko kay Axel sa school, sinalubong ako ng isang text message mula kay Nicholas. “Good morning. Pick you up at 7 PM for dinner? Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, I’m here. Just for you and Axel.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. Masyado siyang persistent. Masyado siya parang... Nico. Ang lalaking dati ay hindi marunong mag-antay, ngayon ay handa nang maging pasensyoso para

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   Chapter 23

    Celine's POV ​Ang opisina ay nababalot ng katahimikan, tanging ang ugong lang ng aircon at ang mahinang tunog ng keyboard ang naririnig. Alas-syete na ng gabi. Ang mga empleyado ay kanina pa umuwi, naiwan na lang kami ni Nicholas sa loob ng conference room para tapusin ang preparasyon para sa susunod na malaking event ng kumpanya. ​Nakapatong sa mesa ang mga dokumento, mga layout ng venue, at mga listahan ng bisita. Sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Nicholas. Hindi na siya ang CEO na nakasuot ng mamahaling suit; nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, at ang kanyang buhok ay medyo gusot na—isang senyales na pagod na rin siya, pero hindi sumusuko. ​"Celine, tingnan mo ang slide na 'to. Sa tingin mo ba masyadong formal ang font?" tanong niya, sabay lapit sa akin. ​Naramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit. Amoy kape at ang pamilyar niyang pabango na hanggang ngayon ay nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit akong umiwas ng tingin at tumuon sa screen

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   Chapter 22

    Nicholas POV​Kinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.​Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel.​"Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur.​"Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko.​"Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap.​"Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"​Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita."​"Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 21

    Celine's POV​Nakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.​Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?​"Mommy, ang ganda mo!"​Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?"​"Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.​Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.​Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 20

    Nicholas POV​Biyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw.​"Sir, may meeting po tayo sa—"​"Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon.​"Sir, important client—"​"Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."​Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.​Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 19

    Nicholas POV​Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. ​Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.​Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa.​"Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.​Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."​Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 6

    ​Nicholas’ POV“Sir?”Naputol ang iniisip ko nang biglang tumawag sa akin ang assistant ko.“The investors are waiting.”Hindi ako agad sumagot. Nanatili ang tingin ko sa direksyong nilakaran nina Celine at Axel kanina.Pero bago pa man ako makahakbang paalis. “Mister King!”Napatigil ako at mabil

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 4

    ​Axel’s POV10/10 para sa tsokolate, pero 5/10 para sa buttercream frosting dahil masyadong matamis.Nakaupo ako sa ilalim ng mahabang lamesa habang kinakain ang pang-apat kong cupcake mula sa dessert table. Tahimik dito sa ilalim. Walang Tita Mariz na paulit-ulit akong pinapabalik sa VIP room. Ka

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 3

    Celine's POV ​“Celine, siguraduhin mong walang palpak. This is King Enterprise we’re talking about. Ang pinakamalaking kliyente natin ngayong taon!” ​Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang aking black gown sa harap ng salamin sa VIP room na nasa backstage. Isang maling galaw

  • My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad   CHAPTER 2

    Celine’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Magulo ang maikli kong dark brown na buhok habang nakakalat iyon sa unan. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pananakit ng aking pagkababae. Bigla akong napamulat at mabilis na napalingon sa tab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status