Hindi inaasahan ni Sabrina na sa kanyang pagbaba ay haharangin siya ni Seth. Hula niya tinawagan ito ni Pia at nag-drama na naman ito sa kanya. Hinablot ni Seth ang dala niyang bag at patakbo itong umakyat sa taas para siguraduhing hindi niya inaway ang kababata nito. Naiwan siya sa gitna ng sala na nakahalukipkip. Walang ibang tao roon o kung mayroon man baka nakasilip lang mula sa kanilang mga silid. Bumalik naman agad si Seth, bitbit pa rin ang kanyang bag.
“Akin na ang bag para makaalis na ako,” pilit niyang kinukuha ang bag mula kay Seth. “Wala akong ginawa roon sa kababata mo.” Sabi pa niya. Sa halip na ibigay ang kanyang bag, hinawakan siya nito sa braso at mataas ang boses na nagwika, “ilang beses ko ba sasabihin sa ‘yo na kababata ko si Pia. Kapatid ang turing ko sa kanya. Mahirap bang intindihin ‘yon? Mahirap bang tanggapin ‘yon?” Iwinaksi ni Sabina ang kamay ni Seth na nakahawak sa kanyang braso. “Alam mo Seth, hindi ako ang problema dito eh. Nang maging magkarelasyon tayo ipinangako kong wala akong bibigyan ng atensyon kung 'di ikaw lang at ginawa ko ‘yon. Hindi ako nagbibigay motibo or interes sa ibang lalaki dahil sa ‘yo. Pero ikaw. . .kayo ni Pia? May magkababata bang nagkakandungan at nagsusubuan ng cake? Hindi pa kayo nakontento, parang nasiyahan pa kayong kuhanan ng video ang ginawa niyo at i-send sa ‘kin. Hindi niyo man lang isinaalang-alang ang mararamdaman ko.” Puno ng sama ng loob at poot ang bawat katagang binitiwan ni Sabrina mismo sa harapan ni Seth. Pero mukhang hindi man lang tinablan ang lalaki at dinepensahan pa rin ang kababata. “Isa siyang inosenti, Sabrina. Kababata ko si Pia at malapit ang loob namin sa isa't isa. Magkapatid ang turingan namin, ikaw lang itong binibigyan kami ng malisya," ganting wika ni Seth. Pagak na tumawa si Sabrina. “Inosenti? Magkapatid ang turingan?" Pag-uulit niya sa sinabi ni Seth. “Ganyan ba ako kabobo sa tingin mo, Seth?” Akmang hahawakan ni Seth ang kanyang mga kamay pero inilayo ito ni Sabrina. Humakbang pa siya paatras para mapalayo sa binata. “Mali ‘yang iniisip mo, Sab—” “Oo, mali ako! Kailan ba naging tama sa ‘yo ang mga sinabi ko kapag may kinalaman iyang kababata mo? Kailan? ‘Di ba lagi naman akong mali?” Hindi na napigilan ni Sabrina ang bugso ng kanyang damdamin. Kasabay nang pagbuhos ng sama ng loob, umagos na rin ang mga luhang kanina lang ay pinipigilan niya. “Sa dalawang taon ng ating relasyon, nakita mo ba akong may kasamang ibang lalaki?” Naisuklay ni Seth ang mga daliri sa sariling buhok at bumuga ng isang malalim na hininga. Nakangisi itong muling hinarap si Sabrina habang matiim na nakatitig dito. “Talaga, Sabrina? Alam mo kung bakit kita minahal. . .dahil matured ka, strong, smart kaya hinahayaan kita pero sumosobra ka na. Hindi dahil hinahayaan kita sa mga pagseselos mo ay okay lang.” Ganting sumbat ni Seth sa kanya. “May hangganan din ang aking pang-unawa.” Sa nga pinagsasabi ni Seth ay parang wala siyang tamang ginawa mula sa umpisa. “Kaya nga tapusin na natin ang walang kwentang relasyon na ‘to. Sige, ako na ang mali. Masaya ka na? Bahala kayo niyang kababata mo kung ano ang gagawin niyo, wala na akong pakialam,” muling wika ni Sabrina. Akala ni Sabrina ay tapos na si Seth sa kanya pero parang bombang sumabog sa kanyang harapan nang ipinakita ni Seth ang larawan na nasa mobile phone nito. Nasa group chat ito ni Seth kasama ang mga kaibigan sa apartment pati si Adrian. Malamlam ang liwanag na galing sa ilaw na nasa sulok ng silid pero kitang-kita ang magulong kama at ang mga balikat ng dalawang nilalang na kitang nagniniig. Malabo man ang sinah na galing sa ilaw pero maliwanag ang kuha ng pulang nunal na nasa balikat ng babae at alam ni Sabrina na siya ‘yon. “Now, tell me na hindi ka pumatol sa ibang lalaki? Paano mo ipaliwanag ang nasa larawan? Ngayon mo sabihin sa akin na matino kang babae. Na kailanman ay hindi mo ako niloko o baka nga mula umpisa ay niloloko mo na ako,” panunuya ni Seth sa kanya. Parang itinulos sa kinatatayuan si Sabrina, hindi niya magawang igalaw ang sarili para lumayo sa papalapit na si Seth. Tuliro at walang maisip na salita si Sabrina dahil sa pagkabigla. Hindi niya inaasahang may kumuha ng larawan habang kasiping niya si Adrian at ang masaklap umabot ito kay Seth at sa iba pa niyang kaibigan. Lihim na nahiling ni Sabrina na sana lamunin na lamang siya sa kanyang kinatatayuan. Bigla niya ring naisip na kaya siguro nabanggit ng mga kasamahan ni Adrian na maghanap ito ng libangan dahil alam na nila ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Hindi man nakuhanan ang kanyang mukha sa larawan pero tiyak na alam ng mga ito na siya ang babae dahil sa nunal niya sa balikat. Lagi siyang may suot ng off-shoulder na damit kamakailan dahil sa mainit na panahon at siguradong nakita at natatandaan ng mga ito ang kanyang pulang nunal. “Paano mo ngayon ipaliwanag ang larawan, Sabrina?” Hindi mahanap ni Sabrina ang sariling boses. Tila nalunok niya ang kanyang dila sa labis na pagkabigla. Hindi niya inaasahang agad-agad ay may makakaalam ng nangyari sa pagitan nila ni Adrian. “Ikaw ba ang babaeng kasama ni Adrian sa larawan? Kailan pa may namamagitan sa inyong dalawa?” Sukat sa narinig, bumalik sa huwesyo si Sabrina at matapang na hinarap si Seth. “Nakalimutan mo bang nakipaghiwalay na ako sa ‘yo, Seth? At ang larawan, oo ako ‘yan at sa oras na ‘yan ay hiwalay na tayo so ano pang pinanggagalaiti mo?” Singhal ni Sabrina rito. “Sa text ka lang nakipaghiwalay at hindi ko tinanggap ‘yon. At sasabihin ko sa ‘yo, hindi ako papayag na maghiwalay tayo,” tugon ni Seth na halos maputol ang mga litid sa tindi ng pinipigilang galit. Sarkastikong napangiti si Sabrina pagkatapos marinig ang sinabi ni Seth. “Don’t tell me na gusto mo pa rin akong pakasalan kahit nakipag-sex ako kay Adrian na kaibigan mo.”Habang nasa ospital si Sabrina, hindi nawawala sa tabi niya si Adrian. Pinanindigan nito ang sinabing kasintahan niya ang dalaga kaya dapat lang na andon siya para bantayan ito. Inaalalayan niya ang dalaga sa pagpunta sa palikuran o kahit sa paglinis ng katawan hanggang sa pagbihis. Nahihiya man si Sabrina pero wala siyang magawa dahil hindi siya maaring magkikilos kahit sa pag-upo dahil baka bumukas ang tahi ng kanyang operasyon.Hapon nang mapasilip sa bintana ng kanyang silid si Sabrina. Kitang-kita mula roon ang hilera ng mga stalls ng nagbebenta ng mga pagkain sa bakuran ng ospital. Napalunok siya nang maamoy ang mga nilulutong pagkain. Nakaramdam siya ng gutom dahil mula paglabas niya ng operating room ay hindi pa siya nakakain. “Hayaan mo, kapag naghilom na ang sugat mo, ililibre kita ng marami at masasarap na pagkain,” wika ni Adrian na ikinalingon ni Sabrina sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ang binata habang nakataas ang isang kilay na parang nagpapahiwatig na kita at ramd
“I’m sorry! Nakalimutan kong takot ka pala sa dilim,” wika ni Adrian. Dahan-dahan niyang ibinalik sa higaan si Sabrina saka tumayo at hinawi ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang silid. Napatakip naman saglit ng mukha si Sabrina dahil sa liwanag na bumaha sa loob ng silid. “Pero bakit ka umalis sa meeting niyo, eh hindi pa pala tapos?”“Wala naman kaming gaanong ginagawa kaya naisip kong tingnan ka dito. Malapit lang naman kaya anytime makakabalik ako kaagad.”Gumuhit ang guilt sa mukha ni Sabrina. “Pasensiya na kung nakaabala ako, Adrian.”“Girlfriend kita kaya sino pa ba ang magbabantay sa ‘yo dito gayong magkasama tayo?” seryosong tugon ni Adrian.Nagulat si Sabrina dahil sa naging tugon ni Adrian. Kailanman ay hindi niya itinuring ang sarili bilang girlfriend ng binata at lalong hindi niya hiniling na ituring siya nitong kasintahan. Nakapagtataka para sa kanya ang harap-harapang pagsabi ng binata na kasintahan siya nito pero wala siyang panahon o sa tamang huwisyo para mag-uu
Pagkatapos ipaliwanag ni Adrian kay Sabrina kung bakit kailangan niyang ilabas ang masamang hangin sa katawan ay pinilit naman ng huli kahit hirap at nahihiya siyang gawin sa mismong harapan ng binata. Halos kulay-kamatis ang kanyang mukha sa pamumula dahil sa mga bagay na hindi naman sana dapat nilang pag-usapan. “Kailangan mong maglakad para makatulong sa muscles mo at ma-i-push siya palabas,” mungkahi ni Adrian para matulungan ang dalaga. “Masakit na nga ang operasyon ko na nandito lang ako sa bed tapos paglalakarin mo pa ako?” reklamong muli ni Sabrina. “Sandali, tutulungan kita. Maghintay ka lang dito,” wika ni Adrian. Ilang saglit lang ay bumalik si adrian dala ang isang maliit na palanggana na hindi alam ni Sabrina kung saan niya kinuha. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na sidetable at ibinabad doon saglit ang tuwalya hanggang mabasa at pinigaan. “Para saan ‘yan at saan nanggaling ang mga ‘yan?” usisa ng dalaga na walang ideya sa ginagawa ni Adrian. “Para mailabas mo
Unti-unting nawala ang galit at sama ng loob ni Sabrina kay Adrian. Hindi na rin namumula ang ilong niya sa kakaiyak dahil palaging nasa tabi niya ang binata para alalayan siya at tinutulungang malibang dahil sa mga kwento nito.“Sumasakit ba?” tanong ni Adrian nang makitang napangiwi ang dalaga. “Konting tiis lang. Nawala na ang bisa ng anesthesia kaya mararamdaman mo na siya ngayon. Mga dalawang araw lang naman at magiging okay na ang sugat mo,” dagdag pa ni Adrian.“Madali lang sa ‘yong sabihin ‘yan kasi hindi naman ikaw ang nakaranas ng ganitong operasyon.”Hindi na pinatulan ni Adrian ang mga sinasabi ni Sabrina dahil ayaw niyang maging dahilan para magkakomplikasyon ang sugat nito na dulot ng operasyon.Hindi naman mapalagay si Sabrina dahil sa biglang pagsulpot ng isang bagay sa kanyang isipan. “Adrian, nakita mo ba ang sugat ko sa operasyon? Malaki ba? Maayos ba ang pagkakatahi? Baka malaki ang maiwan nitong peklat sa tiyan ko,” wika ni Sabrina na napapangiwi sa isiping may pe
Kalagitnaan ng gabi, nagising si Sabrina dahil sa matinding pananakit ng tiyan, sa bandang puson. Sa pag-aakalang dumating ang kanyang buwanang-dalaw, kaya mbilis siyang bumangon at pumasok ng banyo para magpalit ng panloob pero malinis ito nang kanyang hinubad. Napabilang siya ng araw at pitong araw pa bago ito dumating base sa cycle nito. Isa pang pinagdududahan niya ay baka dahil sa pagkain na kinain niya sa hapunan kaya sumakit ang kanyang tiyan. Lalong tumitindi ang sakit kaya muli siyang nahiga at namilipit sa sakit. Tagaktak na rin ang kanyang pawis. Naisip niyang tumawag ng tulong pero nahihiya siyang estorbohin ang iba kaya wala siyang nagawa kungdi tawagan si Adrian.Kaagad na tinanggap ang kanyang tawag pero wala siyang narinig ni isang salita mula sa kabilang linya. Alam niyang andon lang si Adrian, makikinig ng sasabihin niya.“Adrian. . .ugh! Dalhin mo. . .ako sa ospital. . .Mga katagang nasambit ni Sabrina bago panawan ng ulirat dahil hindi na niya kinaya ang tindi n
Ang totoo hindi naman nagtagal ang usapan nina Adrian at Anne. nakalimutang i-charge ng binata ang mobile phone kaya namatay ito ng kusa habang kausap pa niya ang dalaga. Saka lamang niya na-i-charge ang kanyang phone nang nasa eroplano na siya. Hindi pa rin iyon ang rason para maalala niyang i-inform si Sabrina na nasa airport na siya at iyon ang pagkakamali niya. Pinuntahan niya ito para humingi ng paumanhin pero mukhang nasa tuktok pa ng matinding galit at pagkapahiya ang dalaga kaya hindi niya ito makausap ng maayos.Hindi alam ni Bernard kung ano ang sasabihin. Naiintindihan niya ang sitwasyon at ang galit ni Sabrina dahil kung tutuusin sobrang laki ng dahilan para siya magalit. Hindi niya alam kung paanong pagkasunduin ang dalawa dahil wala sa hulma ng pagkatao ni Adrian ang suyuin si Sabrina. Si Sabrina naman ay nilalamon pa ng matinding galit dahil sa dinanas na pagkapahiya at muntik pang maiwanan ng flight.“Hayaan mo na munang lumamig ang ulo ni Sabrina,” nasabi ni Bernard k