LOGIN
Simple lang si Riza — nakaipit sa likod ang buhok, may lumang headband, at tanging ngiti lang ang kayamanang hindi niya kailangang bilhin. Sa murang edad, siya na ang tumayong haligi’t ilaw ng tahanan. Dahil matapos mamatay ng kanyang ina, siya na lang at ang kanyang Tatay Mario ang naiwan. Ngunit simula nang dumating si Veronica, ang bagong asawa ng kanyang ama, naging parang ulila uli si Riza. Kung ano ang meron siya, madalas ay si Tanya — anak ni Veronica ang nakikinabang.
“Babe, bayaran mo na muna yung kuryente ha? Naputulan na naman ako eh…”
Malambing na mensahe ni Nikko, ang boyfriend niyang tatlong taon na niyang sinusuportahan — emotionally at financially. “ Sige na love. Ibibigay ko mamaya pag sweldo ko.”Naiiling siyang napakamot ng ulo dahil alam ni Riza, hindi naman ito nagtatrabaho si Nikko. Sa totoo lang, mas madalas itong nasa gym kaysa sa trabaho. At kahit alam niyang babaero ito, pinipili pa rin niyang maniwala.
“Baka magbago naman siya,” bulong niya sa sarili.
______
Linggo ng hapon, maagang natapos si Riza sa karinderya. Balak niyang sorpresahin si Nikko sa apartment nito, dala niya pa nga ang paboritong ulam ng lalaki, adobong baboy. Pagpasok niya, napansin niyang nakasara ang ilaw, pero bukas ang pintuan ng kwarto. Tahimik siya. Pumapasok. Hanggang sa marinig niya ang halakhakan.“Ahhh Nikko… baka dumating si Riza…”
“Eh ‘di sasabihin kong mas magaling ka kaysa sa kanya, Tanya!”
Tumigil ang mundo ni Riza. Parang may sumabog na dinamita sa dibdib niya.
Hindi na niya kailangang makita pa, pero naririnig niya. Doon mismo sa kama ni Nikko — ang boyfriend niyang pinagkatiwalaan, at ang stepsister niyang si Tanya, magkapatong, magkahalikan, at walang saplot. Nalaglag ang dala niyang adobo.“Ganito ba talaga ako ka-tanga?” bulong niya habang tumutulo ang luha.
Nagulat sina Tanya at Nikko sa lagabog ng kaldero.
“Riza! Hindi ‘yan ‘yung iniisip mo—”
Si Tanya naman, kalmado pa rin kahit nakahiga at nakangisi, parang siya pa ang may karapatan magalit.
“Ha? Hindi ‘yung iniisip ko?” nanginginig na sagot ni Riza habang tinuturo ang kama.
“Eh ano ‘to, miracle healing session?! Gabi-gabi mo bang dinadasalan si Tanya nang hubo’t hubad?!”“Wait, babe—”
“‘Babe’ mo mukha mo! Hindi mo nga ako tinutulungan sa upa tapos dito ka pala nagbabayad ng utang gamit katawan mo!”
Tiningnan ni Tanya si Riza mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay.
“Alam mo Sis, siguro kung marunong ka lang mag-ayos, hindi ka iiwan ni Nikko. Para ka kasing walking laundry shop— pagod at pawis parati!”
“Ah ganun ba, Tanya?” natawa si Riza pero halatang nagpipigil ng luha. “Ako kasi nagtatrabaho, hindi umaasa sa sustento ng tatay ko!”
Napailing si Tanya at nagkunwaring naiirita. “Excuse me, hindi ako umaasa. Minamahal ako!”
“Minamahal ka nga— pero ni Nikko? Congratulations, papalitan ka rin ng gunggong na to!”
“Riza, please naman,” sabat ni Nikko habang tumatayo at nagsusuot ng pantalon. “Walang nangyari, promise. Natutulog lang kami!”
Hinablot ni Riza ang bag niya, pero hinawakan siya ni Nikko sa braso.
“Love, sorry na. Don’t do this. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.”
Natawa si Riza, ‘yung tawang may kasamang punit ang puso. "Ah, ako lang? Eh kanina lang, siya ang nasa kama mo! Paano ‘yun? Buy one take one na ang pagmamahal mo ngayon?”
“Riza!”“Wag mo na akong tawagin! Sa totoo lang, dapat matagal na kitang hiniwalayan, Nikko! Kung pogi lang ang puhunan mo, aba, hindi ‘yan pambayad ng bills! Hindi ka na magiging pogi pag nagutom ka.
“Hoy,” biglang singit ni Tanya, “wag mong insultuhin ang boyfriend ko!”
“Boyfriend mo na pala? Wow, bilis ng transfer of ownership! May resibo ba ‘yan?”
Namula si Tanya sa inis. “Inggit ka lang kasi wala ka nang lalaki!”
Ngumisi si Riza, itinaas ang kilay at tumayo nang matuwid. “Wala na akong lalaki, oo — pero hindi siya kawalan. Ikaw nga itong dapat kabahan.”
“Bakit ako kakabahan?” asar na balik ni Tanya.
“Dahil kahit bukas,” sagot ni Riza,“ papalitan ko si Nikko ng mas gwapo… at mas mayaman!”
Sabay sabog ng tawa ni Tanya. “Mas gwapo? Mas mayaman? Hala, Riza! Baka mayaman sa hangin!”
“Edi wait and see!” sabay hampas ni Riza ng pinto at lumabas nang may pride, kahit nanginginig ang tuhod.
______
Basang-basa si Riza, naglalakad sa bangketa na parang eksena sa teleserye. May luha sa mata, pero pilit pa ring nakatawa.
“Wow, congrats Riza,” bulong niya sa sarili. “Broken ka na nga, uulan pa. Complete package! May promo ba sa malas ngayon?”
Bigla, narinig niya ang tunog ng paparating na mga sasakyan. Napaangat ang ulo niya. Tatlong magkakasunod na itim na mamahaling SUV ang papalapit. May mga motor pa sa unahan, halatang convoy ng isang bigatin. Napalingon ang mga tao sa paligid, lahat ay agad tumabi sa gilid ng kalsada.
Ngunit bago pa siya makalayo —
Diretsong tinamaan si Riza ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.“AY SUSMARYOSEP!!!” sigaw niya.
Ang buhok niyang kanina ay nakaipit, ngayo’y parang ginawang instant shampoo commercial gone wrong. Ang uniporme niya ay basang-basa. At ang mukha niya— puno ng sabaw ng baha! Tiningnan niya ang paalis na convoy, nanlilisik ang mga mata.
“WOW! GRABE NAMAN ‘YUNG MAMANG YUN! Hindi man lang huminto?!” Itinaas niya ang kamay at sumigaw,
“KUYA! MAYAMAN KA NGA, PERO WALANG KANG MODO!!!”
Nagtawanan ang mga tao sa paligid, pero si Riza, hindi papatalo. Sinundan niya ng tingin ang convoy na papunta sa kanto.
Habang nagsasalita siya, hindi niya alam — mula sa loob ng huling sasakyan sa convoy, may lalaking nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng tinted na bintana. Tahimik. Nakakunot ang noo.
“Ahhh?! Riza! Ano—?” napahinto si Kenneth sa sorpresa niya.“Ikaw! Akala ko, napaano ka na! Sabi ni Leo, nasa ospital ka!” galit na sabi ni Riza, na hindi na napigilan ang sarili na mapaiyak.Si Leo naman, nakatayo sa gilid, parang wala sa sarili sa kakatawa. “Ma’am… I’m so sorry. Wala po talaga akong maisip na paraan para maisama po kayo rito kundi… magsinungaling po ako!”Napabuntong-hininga si Riza, halatang nagagalit at nagulat sa parehong pagkakataon. “Leo! Pinaniwala mo ako na may nangyari kay Kenneth? Hindi mo ba alam na halos mamatay ako sa biyahe sa kakaisip."“Hindi ko po sinasadya! Eh… alam niyo po, Ma’am, wala po akong ibang paraan para masiguro na makakapag-date kayo… special date po ito! Promise po!” paliwanag ni Leo, parang nag-aalay ng buong puso at utak sa pagpapaliwanag.Napatingin si Riza sa gitna ng restaurant, nakita ang violinist, ang soft lights, at si Kenneth na parang nakalimot na sa sakit, sa lungkot, sa lahat ng mundo maliban sa kanya. Sa kabila ng init ng g
Malungkot na nakaupo si Riza sa gilid ng kama sa kanyang silid. Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang screen kahit alam niyang wala pa ring bagong mensahe. Isang linggo na. Isang buong linggo na mula nang makalabas siya ng ospital, at ni isang text o tawag mula kay Kenneth—wala.Tahimik ang kwarto, pero maingay ang isip niya. "Business trip."Iyon lang ang huling impormasyong alam niya. Iyon lang din ang paulit-ulit niyang inuusal sa sarili, kahit mas masakit ang tanong na pilit niyang iniiwasan. "Talaga bang mas importante iyon kaysa sa akin? Ang kanyang trabaho?"Huminga siya nang malalim, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam niyang hindi dapat siya mag-isip ng masama, pero paano kung ganoon na lang kadali para kay Kenneth na iwan siya? Paano kung nagbago na talaga ang lahat mula nang malaman nitong buntis siya noon? Paano kung—Napapikit siya, pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging babae na palaging naghihintay.Samant
“Boss… tayo ba ay babalik na sa ospital? Tumawag si Madam Cely, nagkamalay na daw po si Maam Riza” tanong ni Leo, habang pinapadala ang impormasyon sa mga tauhan na nagsasakay sa tatlo palayo.“Hindi pa. Siguraduhin mong maghihirap sila kung saan ko man sila ipapatapon. Ang leksyon na ito ay hindi nila makakalimutan,” sagot ni Kenneth, ang boses ay malamig ngunit punong-puno ng kontrol.Ang eksena ay malinaw na nagpapaalala sa lahat kung sino ang nakatayo sa harap nila—si Kenneth Sy, ang bilyonaryong asawa na hindi basta-basta, at ang lalaki na handang gawin ang lahat para sa kanyang asawa at pamilya.----------Mahina ang ilaw sa silid ng ospital. Ang tanging maririnig ay ang banayad na tunog ng makina na nagbabantay sa tibok ng puso ni Riza. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, parang may mabigat na ulap sa isip niya. Masakit ang ulo niya, at pakiramdam niya ay may kulang—parang may bahagi ng alaala na ayaw magpakita.“Gising ka na pala.”Isang pamilyar na boses ang pumasok sa
Sa labas, si Tanya, Veronica, at Nikko ay nagulat sa hindi inaasahang pagpasok ni Kenneth sa nag-aapoy na bodega. “Ano ‘yan? Bakit pumasok siya?!” galit na galit na sabi ni Tanya."Tara na! Hayaan mo na sila! Baka makita pa tayo ni Kenneth," aya ni Nikko na dala na ang maleta ng pera."May araw ka rin sa akin Riza. Sa susunod hindi ka na makakaligtaa." pagbabanta ni Tanya. Si Kenneth, ay buhay niya si Riza palabas ng bodega, hindi alintana ang panganib at init ng apoy. Ang huling tingin niya sa kidnapper ay nakita niyang paalis na ang sasakyan ng a mga ito at puno ng babala na sinundan niya ng tingin ang kotse. Ang apoy ay unti-unting kumakalat sa paligid, ngunit hindi niya alintana. Ang tanging mahalaga ay si Riza at ang kanilang baby.----------Tumatama ang liwanag sa bintana ng ospital. Dahan-dahan na nagising si Riza, ngunit ang kanyang isip ay malabo, puno ng kalituhan. Napansin niyang nakaupo sa tabi ng kanyang kama si Madam Cely, ang lola ni Kenneth, nakatitig sa kanya nang
Pagdating ng gabi, habang nakahiga sa kanyang kwarto, hindi agad nakatulog si Kenneth. Ang isip niya ay bumabalik sa nangyari sa mall, sa halik, at sa bawat cute moment nila ni Riza habang namimili. Hindi niya namalayan ay nakatulog na din siya.Sa kanyang panaginip, lumitaw si Riza sa harapan niya, nakangiti at may dalang ilang baby items, ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya. Naglakad ito patungo sa kanya, at tila ba lumilitaw sa hangin ang kabuuan ng kanilang nakaraan—ang unang halik sa kalsada ng isang estranghera."Sakyan mo lang ako babayaran kita.” bulong ni Riza sa kanya.Tumango si Kenneth, ngunit sa panaginip, may ngiti sa labi at sabay hawak sa kamay niya si Riza. Nagpakita siya ng kabuuan ng intensyon noon—ang pagtanggap na maging peke nitong boyfriend upang paghigantihan sina Nikko at Tanya, ang kapatid ni Riza na taksil, at ang pagtatago ng tunay niyang pagkatao bilang bilyonaryo habang nagpanggap na mekaniko.Ngunit habang nagpapatuloy ang panaginip, unti-unti
“W-Wow… ang dami designer brands… at ang ganda ng mga store!” bulong niya, halos mapailing sa kakatingala.Ngumiti si Kenneth sa kanya, sabay hawak ng braso ni Riza habang naglalakad. “Yes… I wanted it to be private. For you… and the baby. You’ll get anything you want.”“P-Pinaka… private po? First time ko lang maranasan na mamili na isasara ang mall. OMG!” sabu ni Riza, halos hindi makapaniwala.“Oo. Anything you want. Sa lahat ng brands… just pick,” sagot ni Kenneth, halatang seryoso at may halong pride.Napalingon si Leo, halatang natatawa sa mga reaction nila. “Ma’am Riza… Isa ka ng tunay na disney princess ngayo. Lahat ng gusto mo ay ibibigay ng fairy god father mo. Si Boss ang magbabayad sa lahat.”Nakangiti si Riza habang pinagmamasdan ang paligid. “Grabe lahat ng staff ay sumasalubong at nagbibigay galang sa atin."“Actually… Let them do they job,” sabi ni Kenneth, sabay titig kay Riza. Napalingon si Riza kay Leo at sabay tawa. “Sobrang dami talagang pera ng Boss mo Leo."H







