Mag-log in“Bestie! Buksan mo ‘tong pinto bago ako magka-pneumonia!” Sigaw ni Riza habang kumakatok sa pintuan ng maliit nilang apartment.
Basang-basa siya mula ulo hanggang paa, parang naligo sa kanal at sabay tinapon sa baha.Pagbukas ni Nerissa, agad nitong natigilan.
“Girl... anong nangyari? Nilunod ka ba ng ex mo sa drama n’yong teleserye?”
Napasinghap si Riza. “Mas masahol pa! Nahuli ko silang dalawa ni Tanya sa kama!”
“WHAT?!” sabay hawak ni Nerissa sa dibdib. “As in, literal na kama?!”
“Hindi nga ako makapaniwala, bestie. Akala ko scene lang sa mga pelikula ‘yung mahuhuli mo ang boyfriend mo na may iba — pero hindi pala! Live show, bestie, live show!” Umupo siya sa sofa, tumutulo pa ang tubig mula sa buhok.
“Eh bakit ka basang sisiw?” tanong ni Nerissa habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang ulo.
“Habang naglalakad ako, pinagtatawanan ata ako ng tadhana. May convoy ng mamahaling sasakyan — siguro pagmamay-ari ng kung sinong mayaman, tapos tinalsikan ako ng tubig! Wala man lang sorry! Akala mo kung sinong hari ng EDSA!”
“Teka lang…” tumitig si Nerissa. “Convoy? Black na sasakyan, may emblem na KS?”
“Ha? Oo! Bakit?”
“Girl, baka ‘yun ‘yung convoy ni Kenny Sy!”
“Sino ‘yon?”
“Yung CEO ng KS Luxe Holding, ‘yung may-ari ng mga hotel at restaurant chain na gusto mong applyan dati!”
“Ha? Aba rude rich guy alert!” Tumingin si Riza sa salamin. Basang-basa, magulong buhok, may muta pa sa gilid ng mata “Kung niloko ako ng babaero, papalitan ko siya ng bilyonaryo. Watch me!”
________
“Hoy, Riza! Dito ka pala nagtatrabaho?”
Napasimangot si Riza nang marinig ang pamilyar na boses.Nang lingunin niya, ayun — sina Tanya at Nikko, magkaakbay, parang wala lang sa kanila ang lahat ng nangyari.
“Oh, hi, stepsis!” ngiti ni Tanya na parang plastik na may gold trim. “I just dropped by with my boyfriend. You don’t mind, right?”
Binalingan ni Riza si Nikko, ang lalaking minahal niya noon. “Wow, bilis!”
“Don’t be bitter, Riza,” sabi ni Nikko sabay kindat. “You deserve someone simple… not like me.”
“Simple?!” halos mapaubo si Riza. “Excuse me, may bago na rin akong boyfriend! At mas gwapo kaysa saiyo.”
Sabay lingon ni Tanya, nakataas ang kilay. “Talaga lang ha? Eh nasaan, Riza? Imaginary boyfriend?”Napalingon si Riza sa paligid. Hanggang sa mapansin niya ang isang lalaking marumi ang t-shirt, nakayuko sa isang motor sa tapat ng café. Mukhang mekaniko, may grasa sa braso, pero kahit ganon— gwapo. As in, hindi ordinaryong gwapo, parang rich guy in disguise level. At sa desperasyon, hinatak niya ito papunta sa harap nina Tanya at Nikko.
“Eto!” sigaw niya. “Siya ang boyfriend ko!”
“Ha—” Hindi pa nakakasagot ang lalaki nang bigla niya itong hinila at hinalikan sa labi.
Tumigil ang mundo. Matapos ang ilang segundo, bumitaw si Riza, halos hindi makahinga. “See? Boyfriend ko!”
Tahimik si Tanya, halos malaglag ang panga.
“Hoy, ano bang iniisip mo at basta mo na lang akong hinalikan?” malamig na sabi nito.“Pasensya na!” bulong ni Riza, namumula pa ang mukha. “Desperado lang talaga ako. Promise, babayaran kita—basta sumakay ka lang sa drama ko!”
Napataas ang kilay ng lalaki. “Babayaran mo ako?
“Gusto ko lang ipamukha sa mga traydor na ‘yon na hindi ako kawawa!”
Lumingon silang sabay—naroon sina Tanya at Nikko, parehong nakataas ang kilay.
“Oh wow,” sabi ni Tanya, may halong pang-aasar. “So, ito pala ang sinasabi mong mas gwapo at mayaman? Mekaniko? Nice downgrade, stepsis.”
“Tama, babe,” sabat ni Nikko na nagkunwaring natawa. “From corporate to mechanic. Congrats.”
Pulang-pula ang mukha ni Riza sa inis. “At least, hindi siya manloloko!”
Ngunit bago pa siya muling makasagot, biglang nagsalita si Kenneth, malamig pero may bagsik sa boses.
“Hindi ko alam kung anong problema niyo,” aniya habang pinupunasan ang grasa sa kamay gamit ang panyo. “Pero kahit mekaniko lang ako, hindi ko kailangang ipagyabang ang pera para maging disente. Tsaka,” dagdag pa niya sabay titig kay Nikko, “kung pera at kotse lang ang basehan ng pagmamahal n’yo, siguro dapat magpagawa kayo sa akin halatang may sira kayo sa values.”
“Excuse me?!” napasigaw si Tanya.
“Excuse us,” sabay hila kay Riza palayo sa dalawa.
Mabilis na hinatak ni Kenneth si Riza papunta sa gilid ng kalsada.
“Miss,” madiin ang boses nito. “Anong akala mo sa’kin—props sa palabas mo?”
Napatda si Riza. “Sorry! Hindi ko sinasadya! Nagpanic lang ako, promise!”
“Hindi mo sinasadya? You literally kissed a stranger in public!”
“E, sorry nga!” sabay inilabas ni Riza ang pitaka, at nag-abot ng five hundred pesos. “O ayan, bayad sa abala mo.”
Napakunot ang noo ni Kenneth. Five hundred pesos?” tinaasan siya ng kilay, nakahalukipkip.
Akala ni Riza, naliliitan eto sa halaga kaya mabilis siyang nagdagdag ng one hundred pesos.
“Okay, six hundred pesos na! Pangkape mo. At saka saglit naman ei. Ako nga buong araw kong sweldo iyan with OT."
Lalong sumimangot si Kenneth. “So… tingin mo nabibili ang dignity ko ng pera mo”
“Eh, hindi ko alam kung magkano rate mo.” sabi ni Riza na naiinis na rin pero nahihiya.
“Tsk!” buntong-hininga ng binata. “Hindi mo ba talaga ako kilala?”
“Dapat ba kilala kita? May kaso ka ba sa barangay?”
Napatingin lang si Kenneth sa kanya, biglang naaliw at nawala ang inis. “Nothing, never mind.”
Biglang tumunog ang cellphone ni Kenneth. Pagtingin niya sa screen, lumabas ang pangalan na “Lola Cely – The Boss.”
Napangiwi siya bago sagutin. “La…”
“KENNETH SY! Saan ka na naman?! Hindi ka na naman sumipot sa dinner date mo kay Patricia! Do you want me to personally drag you back there?!”
“Lola, I was… working.” bulong nito.
“Working?! Where? Don’t make excuses, iho!”
“Uh… actually, yes, I’m with someone right now.” Napatingin siya kay Riza.
“Someone? As in babae?!”
“Uh… girlfriend ko, Lola.”
Napalunok si Riza. “Wait, what?” bulong niya, pero sinenyasan lang siya ni Kenneth na manahimik.
Mula sa kabilang linya: “Ay, gusto kong makita ‘yan, ha! Dalhin mo siya sa Sunday dinner!”
“Ha—wait! Lola—” Click! Napatigil si Kenneth, sabay buntong-hininga.
Tumingin siya kay Riza na naguguluhan pa rin. “Anong ginawa mo?” tanong nito.
“Sinave kita sa manloloko mong ex. Now it’s your turn to save me from my grandmother.”
Isang tingin pa lang, umatras na si Kenneth. “Leo. Hindi.”“Sir, sandali lang naman—”“Hindi,” ulit niya, mas mariin. “Ayoko.”Tinapik ni Leo ang noo niya. “Ay grabe. Loyal hanggang buto.”Hindi nagtagal, tahimik na tumakas si Kenneth—iniwan ang bar, ang mga kaibigan, ang ingay, at ang buong ideya ng bachelor party. Amoy-alak sa damit niya, pero malinaw ang isip. Isa lang ang gusto niyang puntahan. Si Riza.Malalim na ang gabi nang may kumatok sa pinto ng silid ni Riza. Narinig niya ang tawag ni Kenneth sa kanyang pangalan. Napabalikwas siya sa higaan—bawal na silang magkita. May bachelor party si Kenneth, paalala niya sa sarili.Binuksan niya ang pinto.“Kenneth…?” gulat niyang bulong.Nakatayo si Kenneth, bahagyang gusot ang suit, at amoy-alak—pero ang mga mata, malinaw at seryoso. “Tumakas ako.”“Ha?” Napangiti si Riza kahit naguguluhan. “Akala ko may party ka.”“Meron,” sagot nito. “Pero hindi ko gusto. Hindi ko gusto ang mga babaeng inihanda ni Leo.”Napakunot ang noo ni Riza. “
Good morning everyone!” simula ni Kenneth. “Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa personal na buhay ko. Kaya naman ngayon, gusto ko pong i-confirm na hindi na po ako isang bachelor. May asawa na ako…” Huminto siya ng kaunti, tila tinitiyak ang bigat ng salita bago ituloy.Napatingin si Riza sa TV, hindi makapaniwala. Ang kanyang puso ay mabilis na tumitibok. “Wait… ano?” bulong niya sa sarili.“…at ang aking asawa, si Riza Gomez, isang ordinaryong babae at siya ay nagdadalang-tao sa aming anak. Ang magiging tagapagmana ng aking mga ari-arian At bilang karagdagan, inihahanda na rin namin ang aming muling pagpapakasal sa simbahan, at lahat kayo ay iniimbitahan ko upang masaksihan ang espesyal na okasyon na iyon sa aming buhay." pagtatapos ni Kenneth, nakatingin sa camera nang seryoso ngunit may halong pagmamahal.Hindi makapaniwala si Riza, halos mahulog ang baso ng kape sa kamay niya. “Alexa… t-t-tama ba ang napanood ko… sinabi niya lahat?” tanong niya, nanginginig ang tinig.
“Ahhh?! Riza! Ano—?” napahinto si Kenneth sa sorpresa niya.“Ikaw! Akala ko, napaano ka na! Sabi ni Leo, nasa ospital ka!” galit na sabi ni Riza, na hindi na napigilan ang sarili na mapaiyak.Si Leo naman, nakatayo sa gilid, parang wala sa sarili sa kakatawa. “Ma’am… I’m so sorry. Wala po talaga akong maisip na paraan para maisama po kayo rito kundi… magsinungaling po ako!”Napabuntong-hininga si Riza, halatang nagagalit at nagulat sa parehong pagkakataon. “Leo! Pinaniwala mo ako na may nangyari kay Kenneth? Hindi mo ba alam na halos mamatay ako sa biyahe sa kakaisip."“Hindi ko po sinasadya! Eh… alam niyo po, Ma’am, wala po akong ibang paraan para masiguro na makakapag-date kayo… special date po ito! Promise po!” paliwanag ni Leo, parang nag-aalay ng buong puso at utak sa pagpapaliwanag.Napatingin si Riza sa gitna ng restaurant, nakita ang violinist, ang soft lights, at si Kenneth na parang nakalimot na sa sakit, sa lungkot, sa lahat ng mundo maliban sa kanya. Sa kabila ng init ng g
Malungkot na nakaupo si Riza sa gilid ng kama sa kanyang silid. Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang screen kahit alam niyang wala pa ring bagong mensahe. Isang linggo na. Isang buong linggo na mula nang makalabas siya ng ospital, at ni isang text o tawag mula kay Kenneth—wala.Tahimik ang kwarto, pero maingay ang isip niya. "Business trip."Iyon lang ang huling impormasyong alam niya. Iyon lang din ang paulit-ulit niyang inuusal sa sarili, kahit mas masakit ang tanong na pilit niyang iniiwasan. "Talaga bang mas importante iyon kaysa sa akin? Ang kanyang trabaho?"Huminga siya nang malalim, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam niyang hindi dapat siya mag-isip ng masama, pero paano kung ganoon na lang kadali para kay Kenneth na iwan siya? Paano kung nagbago na talaga ang lahat mula nang malaman nitong buntis siya noon? Paano kung—Napapikit siya, pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging babae na palaging naghihintay.Samant
“Boss… tayo ba ay babalik na sa ospital? Tumawag si Madam Cely, nagkamalay na daw po si Maam Riza” tanong ni Leo, habang pinapadala ang impormasyon sa mga tauhan na nagsasakay sa tatlo palayo.“Hindi pa. Siguraduhin mong maghihirap sila kung saan ko man sila ipapatapon. Ang leksyon na ito ay hindi nila makakalimutan,” sagot ni Kenneth, ang boses ay malamig ngunit punong-puno ng kontrol.Ang eksena ay malinaw na nagpapaalala sa lahat kung sino ang nakatayo sa harap nila—si Kenneth Sy, ang bilyonaryong asawa na hindi basta-basta, at ang lalaki na handang gawin ang lahat para sa kanyang asawa at pamilya.----------Mahina ang ilaw sa silid ng ospital. Ang tanging maririnig ay ang banayad na tunog ng makina na nagbabantay sa tibok ng puso ni Riza. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, parang may mabigat na ulap sa isip niya. Masakit ang ulo niya, at pakiramdam niya ay may kulang—parang may bahagi ng alaala na ayaw magpakita.“Gising ka na pala.”Isang pamilyar na boses ang pumasok sa
Sa labas, si Tanya, Veronica, at Nikko ay nagulat sa hindi inaasahang pagpasok ni Kenneth sa nag-aapoy na bodega. “Ano ‘yan? Bakit pumasok siya?!” galit na galit na sabi ni Tanya."Tara na! Hayaan mo na sila! Baka makita pa tayo ni Kenneth," aya ni Nikko na dala na ang maleta ng pera."May araw ka rin sa akin Riza. Sa susunod hindi ka na makakaligtaa." pagbabanta ni Tanya. Si Kenneth, ay buhay niya si Riza palabas ng bodega, hindi alintana ang panganib at init ng apoy. Ang huling tingin niya sa kidnapper ay nakita niyang paalis na ang sasakyan ng a mga ito at puno ng babala na sinundan niya ng tingin ang kotse. Ang apoy ay unti-unting kumakalat sa paligid, ngunit hindi niya alintana. Ang tanging mahalaga ay si Riza at ang kanilang baby.----------Tumatama ang liwanag sa bintana ng ospital. Dahan-dahan na nagising si Riza, ngunit ang kanyang isip ay malabo, puno ng kalituhan. Napansin niyang nakaupo sa tabi ng kanyang kama si Madam Cely, ang lola ni Kenneth, nakatitig sa kanya nang







