My Hot Roommate

My Hot Roommate

last updateLast Updated : 2024-11-24
By:  dixie_alexaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
346views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kung kailan namang anniversary, saka pa nakipaghiwalay ang long-term-boyfriend ni Valerie. Ang ending, super brokenhearted ang bida natin. Para mabawasan ang lungkot, napagpasyahan na lang niyang umalis sa bahay nila at magrenta sa malapit sa trabaho niya. Kaya lang, ang mamahal na ng renta ng mga paupahan sa ngayon. Kulang na kulang ang budget niya dahil isa rin siyang working student. Saan siya hahanap ng mura e halos lahat ang mamahal na. Saan puwede tumira nang wala gaanong gastos? Sa ilalim ng kanal? Sa labas ng mga convenience store? Buti na lang, to the rescue ang friend niyang beki - si Kendra. May kakilala pala itong nagrerenta sa murang halaga na willing magkaroon ng kahati sa kuwarto at sabi ay mabait naman daw. Yon ang sabi. Hindi diyan natatapos ang kanyang problema dahil ang magiging roommate daw niya ay isa palang lalaki. Para rin daw pumayag ang landlady na magsama silang dalawa, magpanggap silang mag-jowa. OMG! Paano na? Hindi pa ba niya itutuloy ang pagrerenta kung isang hot roommate pala ang kanyang makakasama?

View More

Chapter 1

1

Valerie

Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya.

Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya.

Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin.

Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

"Hi, baby," masaya kong bati sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo at bumati rin siya.

"Hello, baby ko."

Cringe man ang tawagang 'baby' para sa iba pero para naman sa iba yon. Sa amin, sobrang saya pag tinatawag na baby at tinuturing pang baby ng mahal mo.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng pabango ng suot niyang polo shirt. Amoy pabango ng isang babae, amoy-vanilla. Wala akong ganoong pabango at alam kong hindi siya nagpapabango nang gano'n. Nangunot ang noo ko pero hindi ko yon pinahalata sa kanya.

Inakay na niya ako sa upuan pero nauna pa siyang makaupo sa'kin. Hindi man lang niya ako pinaunang makaupo o inalalayan makaupo. Okay lang naman, hindi naman ako lumpo para alalayan niya.

"Wow, gift mo para sa'kin, to, by?" agad niyang tanong pagkaupo.

Tumango ako. "Oo, para sa'yo yan. Happy anniversary, baby."

"Maya mo na buksan para surprise."

Tinabi niya na muna ang mga gift ko. Kahit sinasabi niyang natutuwa siya sa regalo ko, hindi ko maramdamang totoong natutuwa siya. Para bang may mali. Paano siya nagkaroon ng pabango ng babae at amoy-vanilla pa?

Paano? Baka naman pabango ng ate niya o regalo dapat niya sa'kin yong pabango at tinest niya lang sa damit niya?

Ayoko mag-overthink. Masasaktan lang ako.

"Pasensya ka na, baby. Wala akong regalo sa ngayon. May binayaran pa kasi ako. Baka next week pa ako makabili ng gift," sabi niya agad.

Alam ko naman yon ang sasabihin niya. Hindi ko nga alam paano ko nakakaya ang gano'n. Tipong ako todo effort para sa aming dalawa pero siya ni isang piraso lang ng bulaklak, walang maibigay sa'kin. Nakakatampo lalo na ang love language ko ay gifts tapos ako mismo walang matanggap na kahit ano sa special occasion namin.

Ngumiti na lang ako. "Okay lang. Ano ka ba. Bayaran mo na lahat ng babayaran mo. Makakapaghintay naman ang regalo na yan."

As if hindi masakit. Gusto kong sabihin na sana bigyan niya rin ako ng kahit ano. Kahit mamitas na lang siya ng bulaklak sa kapitbahay basta may gift man lang pero wala.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat, baby. Happy anniversary," bati niya.

Hindi muna ako kumibo. Nakakatampo kahit strong woman ako. Ako na nag-effort na mag-celebrate ng anniversary. Ako na may regalo. Ako na naunang dumating. Ako na pinaghintay niya nang 30 minutes tapos wala siyang dala maliban sa sarili niya.

Napayuko ako saglit saka tumingin sa kanya.

"Mag-order na tayo?" sabi ko pa.

"Ay sorry, baby wala akong dalang cash ngayon," pagdadahilan niya.

Nangunot na naman ang noo ko. Lahat na lang wala siya. Ano lang meron siya? Yong t niya?

"Sige, okay lang. Ako muna magbayad," suggest ko na lang para lang makakain na kami. Gutom na rin naman kasi ako. Nagutom kakahintay sa kanya.

"Wag na, Val."

Nanlaki ang mga mata ko. Tinawag niya ako sa palayaw ko at hindi sa tawagan namin. Napaangat ako ng mukha at tumingin kay Ryal.

"Sorry pero may sasabihin kasi ako."

Sumeryoso ang mukha ko na hinihintay ang sasabihin niya. Sana ipaliwanag niya kung bakit amoy-vanilla siya. Kahit yon na lang bigyan niya ng linaw dahil gusto kong sa kanya mismo manggaling ang kutob ko. Like, girls' instincts are real.

"I'm so sorry, my baby Val," simula niya na naman.

Naiinis na ako sa pagso-sorry niya. Ano ba namang kasalanan ang ginawa niya?

"Sige, sabihin mo," sagot ko na lang. "Makikinig ako kahit ano pa yan."

Kahit ang totoo ay ayoko sanang marinig sa kanya yon kasi alam kong masakit. Truth hurts nga di ba.

"Val, kaya ako na-late ay dahil pinag-isipan ko pa kung pupuntahan kita o hindi."

Sh*t! Unang linya pa lang masakit na. Bakit naman kailangan niyang pag-isipan kung sisiputin ako o hindi e ako ang girlfriend niya. Yon ay kung ako pa nga ba.

"Tuloy mo." Di ko pinahalatang masakit sa'kin yon. Kailangan kong tatagan.

"Alam ko marami ka nang na-invest sa relationship natin, Val. Napaka-effort mo sa relasyon natin samantalang ako, walang-wala."

"Wait," pinatigil ko muna siya. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa taas. Di ko iiyak. Di ako iiyak. Hindi.

"Wala man lang disclaimer?" Nagawa ko pang magbiro. "Dapat may warning muna na masakit pala sasabihin mo pero sige, tuloy mo lang."

"I'm sorry, Val, my baby. Nakokonsensya na ako tuwing nakikita kong hindi ko mapantayan yong level ng pagmamahal mo para sa'kin. Feeling ko, hindi ko dapat na tine-take advantage yong pagmamahal mo kasi wala naman akong maibigay sa'yo."

Ang kulit ng luha ko. Tumulo na lang basta pero act cool dapat. Mahinhin kong pinunasan ang luha ko na kunwari ay napuwing lang. Napalunok ako habang hinahayaan siyang magpaliwanag.

"Ayoko sana gawin 'to sa mismong anniversary natin pero di ko na kayang magsinungaling, Val. You don't deserve me."

Matapos niya akong ligawan nang 3 months dati, matapos ko siyang ipakilala sa mga magulang at kapatid ko, ganito lang ang sasabihin niya. Sobrang sakit. Tumulo ang makukulit kong luha sa pisngi kong pinaghirapan kong lagyan ng make-up.

Yong taong inaasahan kong magbibigay ng lakas sa'kin ay sumusuko na ngayon. Sana noon pa. Sana noon niya pa sinasabi 'to. Bakit naman pinaabot pa ng anniversary. Ngayon kung kailang ang dami ko nang nagawa para sa kanya, sa aming dalawa.

"Nakita ko kasing lumabalan ka, Val. Sobra mo akong mahal pero di ko na maibabalik sa'yo yong pagmamahal na yon."

Lakas-loob ko siyang tinanong, "Yong totoo, nagsasawa ka na sa'kin di ba? Bakit, Ryal? Kasi masyado akong sweet? Kasi sobra ang pagmamahal ko?"

Hind siya makasagot kaya alam kong tama ako. Nagsasawa na yong taong akala ko ay sasamahan ako hanggang dulo. Totoo nga yata, walang forever pero bakit naman ngayon pa. Ang sakit-sakit na ngayon niya pa talaga sinabi kung kailang four years na kami.

"Kahit di mo na sagutin yong tanong ko. Itong tanong ko na lang sagutin mo."

Huminga ako nang malalim saka dinugtong, "Kaninong pabango yang nasa damit mo? Bakit amoy-babae yong pabango mo?"

Sinusubukan niyang abutin ang kamay ko para hawakan pero nilayo ko ang kamay ko sa kanya at mataray siyang tiningnan. Hindi ko magawang saktan siya. Lahat ng paraan ng pagmamahal binigay ko sa kanya kaya di ko ito matatanggap. Saan ako nagkulang? Pakiramdam ko ay sumobra na nga ako pero kulang pa rin para mag-stay siya sa'kin.

"Ryal, sumagot ka!" Napasigaw na ako at napatingin sa akin ang ibang mga tao sa restaurant pero wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko ng paliwanag kung bakit siya amoy-vanilla.

"Ryal, kahit ngayong araw na lang, magsabi ka nang totoo. Sagutin mo ang tanong ko."

Isa-isang tumulo ang mga butil ng luha ko habang binibigkas ang mga salitang yon. Gusto ko nang iwan siya at humagulhol na lang sa loob ng kuwarto ko sa bahay. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit dahil habang kaharap ko ang lalaking naging una ko sa lahat, mas lalo lang akong nasasaktan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status