Share

Chapter 2

ARMELLE LUNA

Sa dami ng makakatagpo ko, ang bastos na lalaking ito pa? Ang sabi ko pa naman ng huli kaming magkita ay siya ang taong hindi ko gugustuhin na makatagpo pang muli.  

"Yes, it's me. And I think we should settle this mess," maawtoridad na sabi nito at naglakad palapit sa akin kahit bakas pa rin sa mukha nito ang iniindang sakit. 

Umatras ako at hinarap sa kanya ang dalawang kamay ko, senyales na huwag niya akong lalapitan. Napahinto naman ito saka nagsalubong ang kilay at pinaka-titigan ako. 

"Have we met before?" tanong nito dahilan para tumaas ang isang kilay ko. 

"Talaga ba, bastos na lalaki na walang modo? Hindi mo nakikilala ang babaeng tinalsikan mo ng maruming tubig?" pagpapa-alala ko rito. 

Sumilay ang ngisi sa labi nito at muling nagpatuloy sa paglapit sa akin. 

"What a coincidence," anito na hindi nawawala ang ngisi sa labi. "Do you remember what I have said? I said, you'll pay for what you have done. And now, you attacked me in my own place. Sa tingin mo ba ay mapapalampas ko pa ang lahat ng ginawa mo sa 'kin?" pagbabanta na naman nito.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo, ikaw ang unang may atraso sa 'kin at hindi ako. Isang buwan na ang nakalipas, walang modo ka pa rin!" bulyaw ko rito at nagmamadaling tumungo sa kwarto ko at nag-lock ng pintuan. 

Napaigtad ako nang malakas nitong kinatok mula sa labas ang pintuan. 

"Hey, you! Lumabas ka riyan kung ayaw mong tumawag ako ng pulis. Trespassing ka!" sigaw nito sa labas ng pintuan.

"Pulis? Tama. Tatawag ako ng pulis," mahina kong turan at nagmamadaling dinampot ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. 

"I'm counting, miss intruder. Lalabas ka o sisirain ko ang pintong ito?!" puno ng awtoridad na utos nito na may halong pagbabanta.

"Hoy! Walang modo na bastos! Damage of property ang gagawin mo. Tingnan nating dalawa kung sino ang huhulihin ng pulis!" ganting sagot ko.

Nanginginig ang kamay na pinindot ko ang numero ng malapit na police station. 

"Really? This is my property kaya kahit ano ang gawin ko ay gagawin ko. Lumabas ka kung ayaw mong ikaw ang kasuhan ko!" tila nauubusan na ng pasensya na sigaw nito. 

Nanginginig ang kamay na tinawagan ko ang pulis. Ilang minuto ang nakalipas ay narinig ko na ang pagdating ng mobile car. 

"Damn it! Ikaw pa talaga ang tumawag ng pulis?!" hindi makapaniwala na sambit nito sa labas ng pintuan. 

"Miss, ang pulis ito. Maaari ka ng lumabas," kalmadong sabi ng nasa labas ng pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil mabilis ang response ng mga ito. 

Kahit nanginginig na ang buong katawan ay lumabas ako. Nakita ko ang lalaki na nasa labas ng bahay at kausap ang isang pulis. 

"Miss, okay ka lang?" tanong ng pulis sa akin. 

"S-sir, mukha ba akong okay? P-pinasok ako ng lalaking iyan, paano ako magiging okay?" nanginginig ang boses na sabi ko at tinuro ang lalaki.

"Maupo ka muna, miss. Kailangan nating malinawan dahil ang sabi ni sir ay siya raw talaga ang nakatira dito," saad nito. 

"Ano? Sir, huwag kayong maniwala sa kanya. Ako ang nauna dito kaya akin ang bahay na ito," nakikiusap na sabi ko. 

Tumango-tango ito saka sinulyapan ang dalawang nag-uusap sa labas. 

"Hintayin na lang muna natin silang matapos na mag-usap," sabi na lamang nito. 

Ilang minuto pa ang aming hinintay bago pumasok ang dalawa. Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaki na seryosong nakatingin sa akin. 

"Miss, pasensya ka na pero dito talaga nakatira itong si tisoy," saad ng pulis na kausap ng lalaki. 

"Ano?" hindi makapaniwala na usal ko. "Dito rin ako nakatira, sir. Ayoko siyang kasama rito. Bastos ang lalaking iyan at walang modo. Hindi ako papayag na makasama siya dito!" histirikal na sabi ko. 

"Eh, miss, wala kaming magagawa kung dito talaga siya nakatira. Kung pareho kayo ang may-ari ng bahay na ito, magsama na lang kayo sa iisang bubong."

"No!"

"No!" sabay naming bulalas ng lalaki. 

Napakamot sa ulo ang dalawang pulis at alanganing ngumiti. 

"Pag-usapan n'yo na lang po ito, ma'am, sir. Maiwan na po namin kayo," sabi ng isang pulis na kausap ng lalaki kanina. 

Nanlaki ang mata ko at agad akong tumayo. Humawak ako sa braso ng pulis at mariing umiling. 

"Huwag n'yo akong iwan dito, sir. Ayokong maiwan kasama ang lalaking 'yan," sabi ko at parang bata na nagtago sa likod ng pulis. 

Narinig ko ang palatak ng lalaki. 

"Really? You are so unbelievable. Madali naman akong kausap, miss. Sumama ka sa pulis at huwag ka ng babalik dito," puno ng determinasyon na sabi nito. 

Sa narinig ay agad akong bumitaw sa pulis at sinilip ang lalaki. Alanganin akong ngumiti rito dahilan para kumunot ang noo nito. Hindi ko naman gugustuhin na matulog sa labas. Isa pa, ako ang nauna rito, bakit ako ang aalis? 

"Tama po ang suhestyon ninyo, sir. Mag-uusap po kami ni…" putol ko sa sasabihin dahil hindi ko pa nga pala ito kilala. "Dalawa."

"Paano, sir, ma'am, maiwan na po namin kayo," paalam ng dalawang pulis.

Hindi ko na hinatid ang dalawang pulis sa labas dahil baka saraduhan ako ng lalaking ito. Mabuti na lamang at linggo bukas. Hindi ako lalabas ng bahay para sure na hindi ako matutulog sa labas. 

Nang maiwan kaming dalawa ay tahimik kaming naupo sa sofa. Ilang segundo pa lang ang nakalipas ay tumayo na ako. 

"Where are you going?" malamig na tanong nito na nagpatigil sa akin sa paghakbang. 

"Matutulog na." 

"Mag-usap tayo." 

Mariin akong pumikit saka muling nagmulat ng mata. Pumihit ako paharap rito at pilit na ngumiti. 

"Okay." 

Muli akong naupo sa sofa. 

"What's your name?" 

"Armelle," nakataas ang kilay na sagot ko.

"Armelle?" Gusto yata nito malaman ang buo kong pangalan kaya pagbibigyan ko siya.

"Armelle Luna Bermudez." 

"How old are you?" 

"Twenty." 

Sandali itong natahimik. Kapag-kuwa'y narinig ko ang pagbitaw nito ng malalim na buntong-hininga. 

"Well, I guess, wala na tayong magagawa kundi ang magsama rito sa bahay. Huwag ka lang magdadala ng kakilala mo rito dahil ayaw ko na mapagkamalang mag-asawa tayong dalawa," anito saka humalukipkip. 

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Wala naman akong balak na mapangasawa ang tulad niya. 

Dahil ayaw kong humaba pa ang usapan ay hindi na lang ako sumagot saka inabala ang sarili sa cellphone na hawak ko.

"You wouldn't even bother to ask my name. Aren't you interested in me?" basag nito sa katahimikan. 

"Para saan pa?" mataray kong sagot na nanatiling nakatuon ang atensyon sa aking cellphone. 

"I can't believe this!" anito saka tumayo. 

Sinundan ko ito ng tingin. Patungo ito sa kusina. Mayamaya lang ay tumayo na ako at sumunod sa kanya. 

"Magluluto ka?" tanong ko nang makita ko itong naghahalungkat sa refrigerator. 

"I don't know how to cook." 

Sumimangot ako. Mukhang ako pa yata ang gagawin niyang taga-luto dito. 

"Ano ang gusto mo kainin?" 

"Anything, basta malamnan lang ang tiyan ko," sagot nito at naupo. 

"Bilang pambawi ko sa ginawa ko sa 'yo, lulutuan kita," nakangiti ng sabi ko. "Anyway, ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko ng ako naman ang naghalungkat sa ref. 

No wonder kung bakit ganito na lang karami ang laman ng ref, may makakasama pala ako rito. 

"Finally," anito na animo'y nakatanggap ng magandang balita. "I'm Hanz." 

"Hanz?" 

"Hanz Timothy Silvestro," banggit nito sa buong pangalan. 

Natigilan ako sa sinabi niya. Para kasing pamilyar sa akin ang pangalan nito. Nag-isip pa ako kung saan ko ba narinig ang pangalang iyon. 

"Hanz Timothy Silvestro…" ulit ko pa sa pangalan niya. Ngunit kahit ilang beses ko alalahanin ay hindi ko talaga maalala. 

"Ano ba ginaga-" 

"Ay!" 

"Holy, crap!" bulalas nito ng tumama ang kutsilyo na hawak ko sa kamay nito dahil sa gulat ko. Magluluto ako ng manok para sana sa aming dalawa pero ito naman ang nangyari. 

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dugo sa kamay nito. Agad ko binitawan ang hawak na kutsilyo at kinuha ang kamay niya. Binuksan ko ang gripo at pinadaloy ang tubig sa sugat para mawala ang dugo. 

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Huwag mo kasi ako ginugulat. Ayan tuloy, nasugatan ka. Pasensya na talaga," natataranta na sabi ko. 

"Maliit lang 'yan," kalmadong sabi nito. 

"Ano'ng maliit? Tingnan mo nga, umaagos pa rin 'yong dugo. Ano'ng maliit d'yan?" angil ko. "Sandali lang at kukunin ko ang medicine kit ko. Hayaan mo lang sa tubig. Huwag kang aalis d'yan. Hintayin mo 'ko," utos ko rito. 

Mabilis kong tinungo ang kuwarto. Mabuti na lamang at parati ako may dalang medicine kit. Pagbalik ko ay nasa sink pa rin ito habang nakapamulsang nakatayo. 

Paglapit ko sa kanya ay pinatay ko na ang tubig. Tinuyo ko ang tubig sa kamay niya gamit ang malinis na tela. Pagkatapos lagyan ng gamot ay binalot ko na ng benda ang sugat niya. 

Napabuga ako ng hangin ng hindi ko na makita ang sugat. Nakangiti ko siyang tiningala ngunit napalis nang makita ko ang seryoso niyang tingin sa akin. 

"B-bakit?" 

"Simula ng unang pagkikita natin ay parati na lang ako ang agrabyado," he said calmly. 

"Ipapa-alala ko lang na ikaw ang unang nang-agrabyado. Papasok ako ng school ng araw na iyon pero dahil sa ginawa mo ay hindi ko napasukan ang major subject ko. At hindi ko kasalanan kung napagkamalan kita na magnanakaw," nakasimangot na sabi ko saka pabalyang binitawan ang kamay niya. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

"Hey! How 'bout this chicken?" tawag nito sa akin. 

"Lutuin mo mag-isa. Matutulog na ako!" sagot ko at mabilis na tinungo ang kwarto. 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nakakaaliw basahin parang asot pusa lang
goodnovel comment avatar
Dhez Rivera
prang aso't pusa ang 2 ituuu hahaha
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
Hahahahah di ka pa nakakakbayad armelle
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status